Aurora 21
Denver Alcantara pov
Gusto ko lang makausap at makasama si Rina. Halos maubos ko yung pera sa wallet ko sa dami kong biniling alak at hindi ko rin ba alam sa sarili ko kung bakit ako uminom. Basta alam ko nasasaktan ako. Pakiramdam ko binalewala na naman ako ulit ng taong gusto ko. Nakakadala lang ang paulit ulit masaktan.
Hindi ko pa naiimulat ang mga mata ko ay nararamdaman ko na ang sakit ng ulo ko, medyo kumikirot pero kaya ko naman sigurong kontrolin, saka sa tingin ko medyo may hangover lang ako ngayon. Pinilit kong imulat ang mga mata ko at may hindi ako makapaniwalang may tao sa bahay ko ngayon. Sino s'ya, si Rina ba s'ya?
Nakatalikod lang s'ya at nakatupi ang damit n'ya sa magkabilang braso tapos hawak n'ya ang mop.
Teka? Naglilinis ba s'ya?
"Rina ikaw ba yan?" Habang kinukusot ko ang mata ko
Dahan dahan s'yang humarap, "Bakit?"
Tama ako sa hula ko s'ya nga.
Biglang nagsink in ang mga ginawa ko kanina at napapamura nalang ako. Nakakahiya naman.
"Bakit pumunta ka pa dito? Sana hindi ka nalang nagabala." Sabay lumapit s'ya sakin at nakatayo lang s'ya ngayon sa harapan ko at kita sa mukha n'yang medyo pawisan na s'ya
"Nagaalala lang talaga ako sayo baka kasi kung ano nang ginagawa mo tapos pagdating ko may basag na bote pa. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?" Medyo tumataas na ang tono ng boses n'ya
Natawa ako ng konti sa reaksyon ng mukha n'ya, ang cute lang n'ya magalit.
"Easy ka nga lang Rina. Wag ka magalala lasing lang talaga ako kaya kung ano ano na ang nagagawa ko. Nahihiya tuloy ako sayo." Sabay tingin ko sa paligid namin
"Bakit naman." Sabay nagkunot noo si Rina
"Pinaglinis mo pa ako ng bahay at saka..." Hindi ko tinuloy ang sinasabi ko at nginitian ko s'ya ng nakakaloko para maasar s'ya lalo sa'kin
"Saka ano?"
Naglip sync ako ng 'lumapit ka dito.'
Nagbend lang s'ya ng katawan, tama lang para umabot yung tenga n'ya sa labi ko.
"Ang ganda mo." Bulong ko
Akmang lalayo na s'ya kaso niyapos ko s'ya para hindi na s'ya makaalis pa. Ramdam kong gusto n'yang kumawala kaya mas hinigpitan ko pa lalo. Hanggang sa na aamoy ko na ang buhok n'ya. Sobrang bango.
"Ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo na ko Denver."
"Ayoko nga, na miss kita ng sobra."
Talagang tinutulak na n'ya ang katawan ko para lang makawala pero no choice itong si Rina kasi mas malakas ako at walang kahit anong makakapagalis nito kundi ako lang
"Umayos ka nga Denver para kang bata."
"Salamat din pala sa paglinis sa katawan ko ha, kaya ang lakas ng loob ko para yapusin ka kasi hindi na ako amoy alak."
"Wag ka sa'kin magpasalamat. Si Angeli ang nagpakahirap maglinis sayo."
Si Angeli? Paano na naman s'ya makakapaglinis sa'kin e, wala naman s'ya dito.
Nabitawan ko si Rina dahil sa narinig ko at kaagad naman s'yang lumayo sa'kin.
"Wag kang magtaka Denver. Sinamahan ako ni Angeli dito kanina kaya nga lang umalis din s'ya kaagad. Ang bait n'ya talaga." Papuri pa ni Rina
"So si Angeli pala pero hayaan mo na yon." Sabay umupo na ako sa sofa
Nakatingin lang sa expression ko si Rina kaya nginitian ko lang s'ya. Pinatong ni Rina ang mop sa pader at kinuha ang phone n'ya sa mini table sa tabi namin.
Mukhang aalis na s'ya. Anong gagawin ko para magstay pa s'ya dito ng matagal? Kailangan kong gumawa ng paraan.
"Alis na ako." Hindi na n'ya ako nilingon at dere-deretso na s'yang naglakad tapos wala na nga akong nagawa kundi panoorin na lang s'ya na umalis.
Ang hina mo talaga dumiskarte Denver.
"Ahh, nga pala Denver may niluto ako d'yang sopas mainit pa 'yon. Para sayo talaga 'yon para maibsan ang hangover mo." Sabi n'ya pagkatapos n'yang buksan ang pinto
"Teka lang Rina." Pagpigil ko at tumigil naman s'ya
"Bakit?"
"Pwedeng samahan mo ako kumain? Please."
Kita ko yung pagbuntong hininga ni Rina, parang labag pa yata sa kanya ang kumain dito.
"P-pero kung ayaw mo ayos lang naman. Ako nalang ang kakai ---" naputol ang sasabihin ko
"Sige na. Sasabay na ako sayo."
Hindi maipinta yung saya ko ngayon. Pumayag na s'yang sumabay sa'kin kumain.
Tumayo ako at sinarado na n'ya ang pinto. Nauna na akong pumunta sa kusina at nakita kong nasa stove pa nakapatong yung sopas kaya lumapit ako at binuksan ito. Lumabas yung usok mula sa sopas at sobrang bango. Bigla tuloy akong nagutom at parang hindi ko na maalala ang huli kong pagkain nito.
Kumuha ako ng dalawang mangkok at nilagyan ito ng sopas tapos lumapit ako sa mesa. Nakaupo na si Rina, medyo maliit lang ang mesa ko kaya magkakarinigan kaming dalawa kahit magbulungan kami. Binigay ko kay Rina yung isang mangkok at naupo na ako sa harapang upuan kung saan magkatapat na kami ngayon.
Aaminin ko ngayon lang ako kumain ng may kasamang babae sa mismong sarili kong bagay. Si Angeli kasi kumakain kami no'n madalas sa fastfood chains o kaya sa bahay mismo ng pamilya namin kung nasaan ngayon ang kapatid kong si Tyler.
"Bakit nakatingin ka lang sa'kin?" Tanong ko nang mapansin na hindi kumakain si Rina at nakatitig lang sa'kin.
"Gusto ko makita ang reaksyon mo pagnatikman mo. Kaya kumain ka na at wag mo na akong intindihin."
Ang weird lang talaga. Hindi ko alam ang nagustuhan ko kay Rina bukod sa maganda, mabait at napakasimple lang n'ya, hindi ko lang talaga sukat-akalain na muli n'yang na buksan ang puso ko. Akala ko kasi habang buhay na akong magkukulong sa nakaraan ko kay Angeli pero ngayon sigurado na ako kay Rina.
Sumubo na ako ng sopas at dahil sa nakatingin lang ako kay Rina ay hindi ko na pansin na mainit pa pala ang sopas na sinubo ko.
"Aray!" Sabay na bitawan ko yung kutasara ko
Nilunok ko yung sopas at ramdam ko ang init habang bumababa s'ya sa lalamunan ko. Ang sakit.
Narinig kong bumungisngis si Rina.
"Ano? A-ayos ka lang ba?" Hindi n'ya mapigilan ang pagtawa n'ya
"Bakit ka tumatawa? Ayos lang ako." Nagtawanan kaming dalawa at parang walang bukas ang saya namin
Sana ganito nalang kami lagi. Si Rina at ako. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to, ang unang araw na nakita kong sobrang saya n'ya.
"Puro ka kalokohan Denver, sige na kakain na ako." Sabay sumalok si Rina ng sopas at hinipan n'ya muna ito bago kainin.
"Ganyan ba kumain ng sopas?" Pabiro ko pa at nginitian nalang n'ya ako.
Sumubo ako kahit medyo masakit yung dila ko. Hindi ko na tuloy alam ang tunay na lasa ng sopas kasi napaso ang dila ko. Basta ang mahalaga ngayon ay napasaya ko si Rina, kahit anong sakit pa yung ibigay sa'kin handa ako basta para lang mapasaya ko itong tao sa harapan ko.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin may tumunog na phone at alam kong hindi sa'kin 'yon kasi iba ang tunog.
"Hello Yuel bakit ka na patawag." Nakita ko na naman ang itsura ni Rina na ayokong makita.
Nagiba bigla ang kinang sa mga mata n'ya. Ang kinakatakutan kong mangyari, kinakabahan ako sa ngiti ngayon na pinapakita ni Rina. Wag naman sana.
"Naandito ako kila-Denver. Wag ka na magabala kaya ko na umuwi magisa."
Bigla nalang nagbago yung mood ko, hindi ko alam pero nabibingi na ako kapag naririnig ko ang pangalan ni Yuel lalo na't kasama at nadadamay pa si Rina.
"Ayos lang talaga ako. Wag na." Biglang binaba ni Rina ang phone n'ya
Napatingin s'ya sa akin.
"Ayos ka lang ba Denver?" Tanong n'ya
"A- ako? O-oo naman, si Yuel ba yung tumawag sayo?" Bigla akong natauhan sa mga iniisip ko kaya nauutal akong sumagot.
"Oo at gusto n'ya akong sunduin pero sabi ko wag na."
"Pero nagpumilit s'ya?"
"Oo."
"Sana hindi mo nalang sinagot."
"Bakit naman kaibigan ko si Yuel."
Tumayo na ako at hindi ko na kayang makipagusap kay Rina. Dumaretso na ako sa sofa at naupo nalang.
Parang gusto ko ulit ng alak, maraming alak.
"Bakit ka ganyan Denver?" Tanong ni Rina, hindi ko lang s'ya kinikibo nakatitig nalang ako sa T.V sa harapan ko.
Dahil walang makuhang tugon sa akin si Rina ay naglakad nalang ito palayo at akmang bubuksan na ang pinto, "May gusto ka ba kay Yuel?" Isang tanong ang kumawala sa akin.
Nagulat akong tumigil si Rina at nakatayo lang. Natigilan siguro s'ya sa narinig mula sa'kin.
"Paano mo na sabi?" Tanong ni Rina pabalik
"Sa hospital naramdaman ko na may iba sayo nung bigla kang yakapin ni Yuel."
"Wala akong gusto kay Yuel." Sagot ni Rina sabay lumabas ng bagay ko
Napapikit ako at napahawak ang dalawa kong kamay sa ulo ko. Naiistress ako, ano bang pumasok sa utak ko para itanong ang gano'ng klaseng tanong? Ewan ko ba kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Baka talagang nagseselos lang ako kay Yuel o sadyang ayoko lang na may ibang taong lumalapit kay Rina. Gusto ko si Rina kaya ako nagkakaganito pero na realiaze ko ngayon na mali pala ang paghinalaan ko s'ya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at kaagad lumabas ng bahay para habulin si Rina at paglabas ko nakita ko s'ya na nasa kalsada. Napangiti ako. Pero napansin kong mukhang nilalamig s'ya dahil gumagabi na.
Naghihintay s'ya ng masasakyan. Tatakbo na sana ako ng biglang may magandang kotse na tumigil sa pwesto ni Rina at iisang tao lang ang kilala ko na kayang bumili ng gano'n na kotse, si Yuel.
Rina Garcia pov
Ano bang pumasok sa isip ni Denver? At bakit bigla n'ya akong tinanong ng gano'n?
Nasa labas ako ngayon at naghihintay ng dadaan na taxi. Pinauwi ko na kasi si kuyang driver kasi sabi ko si Denver na ang maghahatid sa'kin tapos mangyayari pa 'to. Nakakainis lang.
Bigla nalang may tumigil na kotse sa harap ko kaya napatingin ako dito, ang ganda at mukhang mamahalin. Dahan-dahan nagbukas pataas yung pinto ng magarang kotse at namangha talaga ako.
"Rina tara na, ihahatid na kita."
"Yuel bakit ka pa nagabala?"
"Dito rin naman ako dadaaan kaya isasabay na kita."
"Wag na talaga Yuel nakakahiya naman."
Napakamot si Yuel nang hintuturo sa leeg n'ya, "Sige ka magtatampo ako sayo."
Seryoso ba si Yuel?
Sumakay na ako kasi nagmamagandang loob lang naman ang tao sa'kin at aaminin ko hindi ako kumportable sa upuan n'ya kasi sobrang lambot nito. Nagulat ako kasi bigla nalang lumiban ang katawan ni Yuel sa'kin at amoy na amoy ko s'ya I mean, yung polo shirt n'yang kulay maroon.
Ang gwapo at lalaking lalaki s'ya para sa akin. S'ya yung tipo na magugustuhan ng mga seryosong babae. Hindi rin maiwasan na tumama yung tela ng polo shirt n'ya sa pisnge ko dahil sa kinakabit n'yang seatbelt.
"Ako na Yuel nakakahiya naman sayo."
Sinilip ako ni Yuel at hindi ako makapaniwala na sobrang lapit lang ng mukha n'ya sa mukha ko. Hindi ako makatingin ng ayos sa mga mata n'ya kasi sobra akong naiilang. Yung tibok ng puso ko ay bumibilis at sobra pangbumibilis hanggang sa para bang gusto ng sumabog. Nararamdaman ko ang init na ng mukha at tenga ko, ramdam ko na rin namumula na ang pisnge ko.
"Kalma lang Rina." Naamoy ko ang mint sa hininga ni Yuel at gustong gusto ko ang amoy nito.
Dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko ay iniba ko ang direksyon ng mukha ko.
Sa wakas na tapos din ni Yuel ang pagsi-seatbelt.
"S-salamat." Nakangiti lang s'ya habang nakatitig sa'kin
"I know now kung bakit." Wika ni Yuel
"Ang alin?" Curious kong tanong
"Kung bakit gusto ka ni Denver."
Paano na n'ya nalaman na gusto ako ni Denver? May nagsabi kaya sa kanya
"Paano mo nalaman?"
Inistart n'ya ang makina ng kotse at nagdrive na s'ya.
"Kilala ko si Denver, childhood friend kami. Naalala mo pa ba nung nagkainitan kami sa company ko?"
"Oo."
"Galit na galit sa'kin si Denver noon at kita kong iba ka sa lahat ng babaeng nakasama n'ya dahil firsttime nangyari sa'min na magkainitan dahil sa iisang babae pero bukod syempre noon kay Angeli." Paliwanag ni Yuel habang nagdadrive
Doon pala nagsimula ang lahat. Kaya pala gano'n nalang ang galit ni Denver kay Yuel.
"Saan ba kita ibababa?"
"Sa Aurora's Cafe sana."
Tumango si Yuel. Hindi ko maresist ang mukha n'ya habang minamaneho ang ganitong kagarang kotse. Hindi ko na rin alam sa sarili ko pero naalala ko yung tinanong sa'kin ni Denver kanina sa bahay.
"May gusto ka ba kay Yuel.", Bakit hindi ko maiwasang isipin 'yon. Hindi naman totoo 'yon e. Pero... baka nga siguro nagugustuhan ko palang si Yuel pero hindi pa talaga gustong gusto. Hindi ko lang talaga iniisip kasi akala ko normal lang ito. Ang humanga kay Yuel. Hindi ko rin siguro ini-entertain kasi mas may priority ako kesa ang magmahal at magkaroon ng pagtingin sa iba. Pero ngayon nung may nagtanong sa'kin bigla akong napaisip kahit hindi naman dapat isipin pa.
Nagpatuloy lang sa pagbyahe si Yuel hanggang sa makarating kami sa Aurora at pinark naman n'ya ang kotse.
Sila Angeli, Sandy at Calvin yun ah? Nagsara na ba 'ata sila ng Cafe?
Bumaba na ako at hindi pa man ako nakakalayo, "Rina."
"O Tyler? Nagtapon ka ng basura?" Tanong ko pagkakita ko sa hawak n'yang garbage bag.
Nagnod s'ya pagkatapos bumaba na rin si Yuel ng kotse at sabay-sabay na kaming tatlong lumapit kila-Angeli
"Rina saan ka ba galing?" Tanong ni Sandy
Nagtaka ako ng hindi tumitingin sa'kin si Calvin. Anong meron sa kanya?
"Kila-Denver may inasikaso lang." Sagot ko
Pilit lang na ngumiti sa'kin si Angeli pero naiintindihan ko s'ya, "Ayos na ba si Denver?" Tanong n'ya
"Oo okay na okay na s'ya." Bago ako sumagot ay sumilip muna ako kay Yuel na nakatingin naman kay Angeli.
Biglang umalis si Calvin ng wala man lang pasabi kaya hinabol ko s'ya habang hindi pa s'ya nakakalayo.
"May problema ba Calvin?" Sabay hawak ko braso n'ya
Pilit n'yang tinatanggal ang kamay ko sa pagkapit sa braso n'ya pero hindi ko s'ya binibitiwan.
"Please Rina wag mo muna akong kausapin." Mahina n'yang sabi
"Kausapin mo ko Calvin please."
"Gusto kong mapagisa Rina!" Isang sigaw ang umalingawngaw mula kay Calvin
Napabitiw ako sa kanya kahit ayoko. Alam kong may problema s'ya. Kitang kita ko sa mukha n'ya kaso wala akong magawa para lumapit sa kanya.
Pinabayaan ko nalang muna s'yang lumayo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top