Aurora 2
"Pwede ba kitang yayain kumain?"
Naramdaman ko ang hawak ni Sandy sa braso ko tapos may konting paghila siya sa damit ko. Mukhang nakakaramdam ako sa gustong mangyari ni Sandy. Wag naman ngayon, nakakahiya kay Yuel.
"Kakain na kami sa labas e," sabat ni Calvin
"Ahhh.."
"Tara --" naputol ang sasabihin ni Calvin. Balak na rin sana n'ya na itulak paalis ang wheelchair na sinasakyan ko kaso bigla kaming natagilan.
"Thank you sa pagsagot mo sa bills ni Rina." biglang nagsalita si Sandy
Napalingon kami ni Calvin kay Sandy tapos bigla akong nakaramdaman ng inis dahil sa itsura n'ya. Nakangiti ba naman na para bang baliw kay Yuel, tapos may nakakahiyang ningning sa mga mata. Wag niyang sabihin na type n'ya si Yuel.
Hindi ko pala naikwento na sinabi ko kay Sandy 'yung nangyari nung nakaraan. Kung paano lumapit ng personal si Yuel para humingin nang sincere na paumanhin. Nakwento ko rin na sinalo lahat ni Yuel ang mga gastusin dito sa hospital.
"Bakit ka ba nagpapasalamat Sandy? Hibang ka na ba? Naalala mo ba na 'yang tarantado na 'yan ang dahilan ng lahat!" Nagngingitngit sa inis na sabi ni Calvin habang tinitigan ng masama si Sandy
"Sorry naman sir."
"Tama na guys. Tama na Calvin please.."
"Sumama na tayo Rina. Di ba gutom ka na."
"Wag na. Nakakahiya kay Yuel."
Narinig ko mula rito ang pagbuntong hininga si Calvin.
"Wag kang mahiya gusto ko lang talaga nakabawi sa kahit anong paraan man lang."
"Oh see? Gusto lang naman pala makabawi," sabat ni Sandy
Kahit kailan talaga itong si Sandy, ay naku. Nakakairita lang ba.
Napairap at napakamot nalang si Calvin sa batok niya ng marinig ang sinabi ni Yuel. Nakaramdam ako ng pagtulak sa wheelchair, "Alis sa daan namin!" Pagbugaw ni Calvin kay Yuel
"Ang hard mo Sir Calvin," sabi ni Sandy
"Pwede ba Sandy. S-sino ba talaga ang kakampi mo?"
Parang ewan lang ang dalawa na 'to. Kung magaway ba naman, parang wala kami sa public place. Hindi ba nila alam na kanina pa kaming pinapanuod ang mga tao dito. Para tuloy kaminng bida sa isang movie. Masyado silang nakatutok at na-hook sa mga eksena.
"Pwede ba Calvin tama na sabi. Ang bait ni Yuel sa'tin tapos ganyan ka? Umayos ka nga,"
"Ako pa ngayon? Rina itong tao sa harap natin ang dahilan kung bakit ka nasa wheelchair. Wag kang masyadong mabait."
Kuha mo naman ang punto at gustong sabihin ni Calvin pero hindi rin n'ya makuha na walang ginagawang masama ang tao para ipagtabuyan. Ang bait lang ni Yuel na pumunta dito.
Tinignan ko si Calvin ng seryoso. Sinabi ko sa pamamagitan ng mata ko na, sorry. Sorry dahil mali at hindi ako pabor sa asal n'ya ngayon.
"Hay naku, gusto n'yo ba talaga na sumama sa lalaking 'yan? Edi bahala kayo!" Mataas na tono na boses ni Calvin
Bumitaw si Calvin sa handle ng wheelchair ko tapos naglakad palayo..
"Sir Calvin!" Napasigaw nalang si Sandy dahil hindi n'ya ako maiwan.
"Anong problema nung kasama n'yo?" Usisa ni Yuel
"Wala naman medyo hindi lang siguro may problema lang s'ya."
"Ang sabihin mo nagtampo lang si Sir Calvin. Wala kasi siyang choice."
Bigla tuloy akong naguilty. Narealize ko na mali rin ang hindi ko siya inintindi. Kaibigan ko si Calvin pero hindi siya ang mas inintindi ko. Ang tanga ko sa parte na 'to. Sorry talaga Calvin.
"So ano na? Kakain na ba tayo?"
"Rina tara na. Remember na wag tumatanggi sa grasya atsaka maayos na man siyang nagyaya. Hayaan mo siyang makabawi sa nagawa niya," sabat ni Sandy
"Pero..."
"Sige ganito nalang --" tapos naramdaman ko ang paghawak ni Yuel sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkagulat.
"Sorry," paumanhin ni Yuel pagkatapos kong alisin ang kamay ko
Ang init init ng kamay n'ya sobra. Hindi ko inexpect na gagawin niya ang hindi ko inaasahan,
"Let's go?" Malamig na boses ni Yuel
Alam kong hindi pa ako sumasang-ayon pero wala na akong magagawa. Nandito na kami ni Sandy. Kakain lang naman kami kaya walang masama do'n.
*****
Nakadungaw lang ako sa labas ng kotse ni Yuel. Nakatulala ako habang tinitingnan ang bawat gusali at mga kotse na aming nadaraanan.
Iniisip ko kung paano na ako ngayong wala na akong pamilya na pwedeng lapitan. Ibenenta lang ako ng Tita ko ng wala man lang panghihinayang. Kung tutuusin nahihiya na rin ako sa sarili ko. Sobra ko ng inaasa ang sarili ko sa ibang tao, sa mga kaibigan ko. Ang pabigat ko na nga tapos pakiramdam ko pa ang laki ko pangsagabal sa kanila. Kung pwede lang gumaling kaagad ako ay gagawin ko na para naman hindi na. Ngayon kasi ay hindi ko pa kaya. Hahayaan ko na munang lunukin ko ang pride ko.
"Sa Luxury Restaurant nalang tayo gusto n'yo?" Tanong ni Yuel habang abala sa pagmamaneho ng kotse
Napalingon ako sa kanya kasi nasa backseat ako at katabi ni Yuel sa driver seat si Sandy.
"Hindi naman ako mapili sa kakainan pero kasi... ang mahal sa restaurant na 'yun 'di ba? Kahit na sabihin mo na libre kami."
Iniisip ko pa nga lang ang presyo ng pagkain doon ay napapailing na ako. 'Yung buwanan kong sweldo ay baka kulang pa para makabili ako ng isang pagkain sa menu nila.
"Don't worry Rina. Libre nga ni Yuel 'di ba? Kaya wag ka na magalala d'yan."
"Uy Sandy mahiya ka naman. Ililibre na tayo tapos sa isa pangmamahaling restaurant. Naku Yuel wag na do'n. Mahal masyado baka maubos pera mo."
Humarap saakin si Sandy habang hawak ang bukas niyang cellphone, "Okay ka lang ba Rina? Gosh, hindi mo nakilala itong si Yuel Saw?" tanong ni Sandy saakin
"Hindi," sagot ko sa kanya
"Nanunood ka ba ng news?"
"Minsan."
"Hindi mo talaga alam?" Patuloy na paguusisa ni Sandy
Ang daming pasikot sikot ni Sandy mamaya nito matatamaan na siya sa'kin.
Sino ba itong si Yuel Saw na ito? Ang pa-mysterious naman akala mo si Bob Ong. Maiba ako, bakit ayaw niyang sabihin? May mawawala ba sa kanya? Ano ba siya? Top hired assasin? O kaya drug lord? Shit! Wag naman sana, umaandar na naman ang pagkaadik ko sa TV series.
"Wag mo nalang sabihin."
"Akala naman netong si Yuel maitatago mo kay Rina."
"Alam mo wala kang maitatago d'yan kay Sandy. Sa daldal niyang bestfriend ko," paglalaglag ko kay Sandy
"Uy! Hindi kaya! Wag kang ano dyan, ang bait bait ko kaya," pagtanggi pa ni Sandy
Natawa nalang ako sa pagkontra saakin nitong si Sandy akala mo naman nagsisinungaling ako. Si Yuel na mismo ang makakapagpatunay kung ano ba talaga si Sandy.
"Okay sige, kung madaldal ka talaga Sandy ay wala naman akong magagawa, pero --" Pagputol ni Yuel sa sinasabi niya ng bigla kaming lumiko at timigil. Nagpapark na pala s'ya. "Magpakabusog muna kayo ni Rina rito sa luxury," sabay tingin saakin ni Yuel habang inaalis ang nakakabit na seatbelt na katawan niya.
Hindi ko na narinig kung ano ang gustong sabihin ni Sandy. Mukhang hindi naman na importante pa kung ano pa man 'yon. Alam kong mayaman si Yuel.
Mukhang wala na talaga akong magagawa. Napadungaw nalang ako mula sa kinauupuan ko. Tinatanaw ko ngayon ang malaki at yayamaning restaurant. Si Sandy ang nagbukas ng pinto ng kotse after niyang bumaba.
"Masaya ka na? Nasunod ang gusto mo nandito na tayo," naiinis kong sabi sa kanya sabay irap
Nagshurg lang si Sandy at parang nangaasar pa, "Ano ka ba Rina naandito na tayo. Aarte ka pa talaga?"
"Kapal lang talaga mukha mo."
Natawa si Sandy sa sinabi ko tapos nakita kong tulak tulak ni Yuel ang wheelchair ko. Binuhat niya ako na para bang ikakasal. Iniupo n'ya ako sa wheelchair ko ng dahan-dahan.
"Ako na ang magtutulak sa kaibigan ko," pagpepresenta ni Sandy
"Sige," pagsangayon ko sabay nauna si Yuel sa paglalakad. Kaagad rin naman na sumunod kami
Matatanaw mo mula rito sa labas 'yung magandang venue ng lugar. May mga ilan rin na mamahaling sasakyan na nakapark dito. Mapapansin mo rin ang malaking gintong kulay ng pangalan ng Restaurant. Sa pagbukas palang ni Yuel sa pinto ay kaagad kaming dinapuan ng napakalamig na temperatura ng lugar. Maski na ang amoy dito sa loob ay sobrang bago-- amoy ng isang mabangong bulaklak parang baby's breath.
"Sir Yuel welcome again, table for 3 po ba?" Tanong nung sumalubong na waiter saamin
Parang ewan kami ni Sandy, medyo nabano lang kami. Firsttime lang kasi kami na nakapasok sa ganitong klase ng restaurant. Bawat kakaibang bagay ay umaakit sa mga mata namin.
"Pakibigay serve lahat ng specialties n'yo dito," utos ni Yuel sa waiter
Napahawak ako bigla sa sleeve ni Yuel dahil sa sinabi niya sa waiter na kakaalis lang, "Yuel ano ka ba. Ang mahal no'n for sure. O-okay lang sa'min kahit kakaunti."
"Special dapat para sa special at mabait na taong katulad mo," napatawa siya bago magsalita
"Ano ka ba Yuel hindi ako special. Sana makabawi ako sayo sa susunod."
Ngumiti ulit si Yuel, "Ayos lang kahit wag na."
Itinulak naman ni Yuel ang wheelchair patungo siguro kami sa kakainan namin. Ang laki-laki nung table. Sa'min na siguro ang halos pinakamalaking table rito. Takaw tingin kami sa mga tao dito. Akala mo ngayon lang sila nakakita ng babaeng nasa wheelchair. Ang medyo nakakahiya lang rin ay ang mga taong napansin ko na biglang nagbulungan matapos akong makita.
"Ayos ang pagkain dito kasi dito ako nagdi-dinner. Sana magustuhan n'yo na dalawa," sabay umupo si Yuel sa gilid
Magkatabi kami ni Sandy sa kabilang gilid tapos katapat namin si Yuel.
"Salamat ulit."
"Ano ka ba, ayos lang. Kanina ka pa nagpapasalamat. Hindi ba sabi ko sayo na itong ginagawa ko ay para talaga sayo, para makabawi ako."
"Pero Yuel hindi ko naman hiniling ito. Ikaw lang talaga ang nagpumilit,"
"Yes I insist. I know na mabait ka. Ako na ang nagoffer kasi gustong-gusto ko talaga makabawi sayo. Pinilit na nga kita kahit alam ko na tatanggihan mo ako," tugon niya sa isang napakahalumanay na tono ng boses
Ngayon ko lang napansin ang maganda niyang labi at kilay. Bumabagay ito sa kanyang mga mata na kumikinang na parang tala sa kalangitan. Ang ganda pagmasdan habang tinatamaan ito ng liwanag.
Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang dumating 'yung waiter. Pinatong nila ang mga walang laman na plato at mga kutsara. Huli n'yang nilapag ang mga dull knifes.
"Infairness ang sosyal dito, " bulong sa'kin ni Sandy
"Oo nga, sobrang pangmayaman."
"Napaswerte natin kasi naranasan natin 'to."
Nang makatapos ang waiter sa ginagawa niya ay sabay-sabay na naglabasan ang iba pang mga crew. May tulak silang serving table na may mga gulong sa bawat paa.
Tinitingnan ko palang sila na lumalapit parang lalo akong nahiya kasi naman ang dami nito para sa'min tatlo.
Nilatag nilang lahat ang pinagmamalaki nilang 'specialties'. Namangha nalang talaga ako sa presentation ng bawat pagkain, halatang pinagpaguran ang bawat desenyo. Nakakapaglaway naman ang amoy habang kumakalat ito sa paligid namin.
"Sige salamat," sabi ni Yuel sa mga crews na nagserve saamin. Hindi rin sila nagtagal at nagalisan din kaagad sila.
Kumuha ng kapirasong tinapay si Yuel tapos pinutol niya ito gamit ang dull knife. Napunta ang atensyon namin sa kanya. Nagulat kami ng biglang tumigil si Yuel sa tangkang pagkain ng tinapay, "Nakakatuwa kayo. Balak n'yo lang ba na panuorin ako sa pagkain ko?" Natatawa n'yang sabi
Hindi sa ayaw namin kaso hindi na kami makabwelo. Naunahan na kami ng hiya ni Sandy. Hindi rin in-expect na tatamaan ng kahihiyan itong kaibigan ko.
"Alam n'yo hindi kayo mabubusog. Akala ko ba gutom na gutom kayo?"
Napailing nalang ako.
"Nahiya lang talaga kami. Hindi ba Sandy?" Bahagya kong siniko si Sandy. Napalingon kaagad s'ya saakin.
"Ahh.. oo nga Yuel," kaplastikan na sagot ni Sandy.
Napilitan lang siguro si Sandy dahil sa gulat sa ginawa ko. Nagngitian kaming dalawa na parang bang may pangigigil sa isa't-isa.
"Wag na kayong mahiya para sa inyo talaga 'yan."
"Okay. Sige na nga. Naghihintay lang ako ng confirmation sayo," sabi ni Sandy sabay kumuha d'on sa plato ng carbonara-- 'yun talaga ang una niyang nilantakan.
Ako heto at tawang tawa habang pinapanood si Sandy na garapal kung kumain. Hindi ko na namamalayan na kasabay ko na rin palang tumatawa si Yuel.
"Rina ikaw ba? Ayaw mo?" Tanong ni Yuel
"Hindi. O-okay lang ako."
"Hindi ka mabubusog kapag ganyan ka."
Kinuha ni Yuel ang spaghetti at sumandok rito. Ikinagulat ko na lumapit siya saakin at naupo sa tabi ko.
"Heto," sabay akmang isusubo saakin ang spaghetti
Tinignan ko ang spagetti na nasa tinidor sabay napatingin ako sa mga mukha ni Yuel. Nakikita ko mula sa mga mata niya ang kagustuhang makabawi. Hindi na ako nagdalawang isip at sinubo ko na ito.
"Di ba ang sarap? Kaya sana kumain ka na."
"Sige. Kakain na ako."
Sumubo ako ng carbonara tapos napatingin ako ng biglang tumayo si Yuel. Patuloy lang ako sa pagnguya habang nakatingin kay Yuel.
"Excuse me lang. May tawag lang ako na kailangan sagutin," nagpaalam muna sa'min si Yuel sabay lumayo ng konti.
Naiwan kami dito ni Sandy at naalala ko na may itatanong nga pala ako sa kanya. About kay Yuel.
"Sandy about nga pala kay Yuel. Sino nga ba siya?" Tanong ko
"Alam mo minsan try mo magresearch. Napaghahalataan na wala kang kaalam-alam sa mundo ng socmed. Ang yaman ni Yuel." Sagot ni Sandy
"Ano namang connect ni Yuel sa social media. Mayaman s'ya pero hindi artista."
"Baliw. Isa s'ya sa pantasya ng mga kababaihan kaso mailap lang rin s'ya sa socmed. Alam mo kasi, si Yuel Saw ang nagmamay-ari ng Saw corps. Kilala rin dahil sa pagaari niyang real states, hotel, at condo group of company. Ang balita ko rin na may construction company din s'ya. Kaya kung tutuusin sila ang isa sa pinakamayaman sa kontenente natin. Assets at shares palang niya. Ay naku, malulula ka talaga Rina. Can you imagine," paliwanag ni Sandy sabay subo ng ice cream
Ahh... kaya naman pala gano'n nalang siya maglustay ng pera dito sa ganitong kamahal na restaurant. Grabe naman pala siya kayaman. Wala akong masabi. Lahat kaya niyang bilhin kung guguatuhin niya.
Natamik nalang kami dahil bumalik kami sa pagkain. Subo dito, nguya pagkatapos. Hindi ko namalayan na may pumatak na palang maitim na sauce mula sa kinakain ko. Nakakalat s'ya sa malinis at puti kong damit.
"Sandy magcr muna ako."
"Bakit?"
Pinakita ko sa kanya ang kalat sa damit ko.
"Kaya mo na ba magisa?"
"Oo naman."
Kaya ko naman siguro. Ayoko naman abalahin ang kaibigan kong enjoy na enjoy sa paglamon ng ice cream.
"Sigurado ka ha, magingat ka."
"Sige."
Nagkusa akong pagalawin ang wheelchair. Medyo mahirap nung una pero nakaadjust naman ako kaagad. Kailangan ko ma rin kasi masanay.
Nagpaikot lang ako ng nagpaikot ng gulong ng sinasakyan kong wheelchair hanggang sa natanaw ko na ang signage nung girl's restroom. Papalapit na sana ako nang may biglang akong nasagi. Hindi ko makontrol ng ayos ang wheelchair rin siguro ako tumama sa kanya.
"Magingat ka nga Miss," galit na tono, isang boses ng lalaki.
Napalingon ako sa na-sagi kong lalaki at nakashades siya.
"S-sorry."
"Ahh. Okay lang, kaya naman pala," tinitigan n'ya ako.
Nagiba ang tono ng boses niya ng marealize mapansin n'ya siguro na nakawheelchair ako.
Loko na ito ah! Nakakasar lang na ang tagal n'ya akong tinititigan. Hindi na niya ako nirespeto. Oo pilay ako ngayon pero sa tono niya ang yabang-yabang talaga n'ya.
"Inaasar mo ba ako?" Medyo tumaas ang tono ng boses ko dahil sa konting inis ko.
"Hmm.. hindi naman,"
Bago pa man kami magkainitan ay biglang may sumingit sa usapan namin. Napaligon ako at nakita ko si Yuel.
"Nandyan ka na pala," bigkas ni Yuel do'n sa lalaki
"Kilala mo s'ya?" Usisa ko kay Yuel na may pagtataka sa mata ko.
"Ahh, oo."
So magkakilala pala sila ano kayang meron sa kanilang dalawa? Magkaibigan? Magkapatid? Di naman sila mukhang magama o magtito.
"Si Rina Garcia nga pala. S'ya 'yung sinasabi ko," pinakilala ako ni Yuel sa lalaki
"Oohh.. Siya pala si Rina Garcia."
Inalis niya ang shades niya at laking gulat ko ng maalala ko kung sino siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top