Aurora 18
Kasalukuyan na papunta na ko sa Aurora's Cafe. Namimiss ko na agad sila pero hindi ako pupunta para magtrabaho. Kahit na gusto ay hindi talaga pwede. May nagbabantay sa'kin na guard dahil ayaw ni Lolo ng wala akong security.
After kaming ipagmaneho nung driver ni Lolo ay bumababa na ako sa kotse at kahit ayaw ko todo sunod pa rin yung guard. "Gusto mo magkape kuya?" Tanong ko habang naglalakad kami ng guard
"Wag na po ma'am."
Dahil ayaw n'ya ay ako nalang yung pumasok sa loob ang sabi ko sa kanya hintayin nalang ako don sa kotse at pumayag naman s'ya.
Iba rin pala ang pakiramdam pagpupunta ka dito bilang isang customer. Nasaan kaya si Sandy? Bakit parang hindi ko s'ya makita. Lumingon ako kung saan saan pero wala talaga s'ya pero si Angeli ang cashier kaya doon nalang ako sa kanya lumapit.
"Hot chocolate tapos isang mocha cake." Order ko kay Angeli kahit hindi pa s'ya tumitingin saakin, abala kasi s'ya sa kaha.
"Sige po ma'am, ano pong pangalan nila?" Tanong ni Angeli
This time lumingon na s'ya saakin at medyo hindi ko mapigilan na tingnan s'ya sa mga mata n'ya. May kakaiba.
"Ikaw pala 'yan." Sabi n'ya right after n'yang lumingon saakin at makita ako
Iba rin yung boses n'ya, anong meron sa kanya ngayong araw?
"Angeli may nangyari ba sayo?" Usisa ko
Kahit alam kong hindi kami close pero yung makitang pugto at parang may kakaiba sa boses n'ya ay hindi ko mapigilang magworry.
"W-wala to." Sabay ngumiti s'ya pero alam ko sa sarili kong pilit lang
"Sigurado ka ba? Baka gusto mo sabihin ko kay Calvin na kailangan mo munang magundertime." Pagaalala ko
Napansin ko rin ang labi n'ya at halata na ang pamumutla si Angeli.
"Sige umupo ka na para ipreprepare ko na yung order mo." Sabay umalis s'ya sa kaha at pumunta na sa coffee machine.
Hindi ko maiwasang habulin s'ya ng tingin dahil alam kong may iba sa kanya.
Hindi ko nalang inintidi dahil sabi n'ya ayos lang naman s'ya tapos lumingon na ako para maghanap ng pwesto ko kaso parang puno na yata ang upuan pero bigla akong may nakitang isang bakante kaso may tao sa tabi at hindi kayo maniniwala kung sino, si Yuel Saw lang naman. Hindi na ako mahihiya kasi kilala ko naman s'ya.
Lumapit nalang ako sa kanya. "Yuel may nakaupo ba dito?" Tanong ko
Naglalaptop s'ya tapos may folders at may kape sa tabi n'ya na medyo malamig na kasi hindi pa yata n'ya nagagalaw. Siguro kaya hindi s'ya kaagad makatingin saakin kasi busy talaga s'ya. " Wala Rina dito ka na." Kahit busy ay tinap n'ya pa rin yung bakanteng upuan para sabihing doon na ako
Naupo na ako, "Salamat." Matipid kong sabi
"Kamusta ka?" Tanong n'ya habang hindi naalis ang tingin sa laptop n'ya
Sumisilip ako kasi curious ako sa ginagawa n'ya kaso medyo malayo ako ng konti sa screen kaya hindi ko rin makita nang maayos. Basta ang alam ko may tinatype s'ya.
"Ayos lang naman ako pero bakit nandito ka? Dahil kay Angeli?"
Naisip ko lang itananong kasi lagi s'yang nandon kung na saan si Angeli e.
"Pano mo nasabing dahil kay Angeli?" Isang tanong na simple pero hindi maisip ang isasagot
"Wala lang nanghuhula lang ako."
"Halata ba?" Hindi ko alam kung saan nang galing yung tanong n'yang 'yon pero hindi ko alam kung ano yung ibig n'yang sabihin.
"Ang alin?" Tanong ko pabalik
"Na may gusto ako kay Angeli." Sagot n'ya
Nung sinabi n'ya yun para bang may kakaiba akong naramdaman, parang nasabi ko sa sarili ko na paano kaya kung ako si Angeli?
Out of nowehere ay hindi ko maiwasaang isipin si Angeli, yung nakita ko sila sa elevetor at naghahalikan sila ni Denver
"Gusto mo talaga si Angeli? B-bakit naman?" Heto yung tanong na nagpawala sa atensyon n'ya sa ginagawa n'ya at tumingin na s'ya saakin
"Simple lang dahil s'ya si Angeli."
Ramdam kong gustong gusto talaga ni Yuel si Angeli at hindi ako magtataka kung mageffort si Yuel pumunta tapos dito magkape kahit sobrang yaman n'ya at pwede naman s'ya sa mas mamahalin at sosyal na Cafe.
"Swerte naman ni Angeli." Bulong ko pero alam ko hindi n'ya ako narinig. Bumalik na lang s'ya sa ginagawa n'ya at kinuha ko yung phone ko at naalala kong itext si Sandy, itatanong ko kung bakit wala s'ya ngayon sa Cafe.
Medyo naiinip na ako sa order ko. Bakit parang ang tagal yata ni Angeli gawin. Hindi naman sa nagmamadali ako pero nakakapagtaka lang.
Nagtatype na ako ng biglang may tumawag sa phone ko. Si Denver. Napatingin tuloy ako kay Yuel ng dahil sa pagtawag ni Denver, naalala ko lang na may gusto si Yuel kay Angeli pagkatapos kaibigan n'ya si Denver.
Hindi ko alam kung sasagutin ko pero baka importante kaya sinagot ko na.
"Hello Denver bakit?" Ako na yung unang nagsalita
"Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Denver sa kabilang linya
"Dito sa Aurora. Bak ---" Naputol ang sasabihin ko
"Sige malapit ako d'yan." At doon na n'ya pinatay ang tawag
Anong meron kay Denver? Ang weird lang.
"Bakit daw?" Biglang nagtanong si Yuel
"Ewan ko sa kanya. Tinanong lang kung nasaan daw ako." Sagot ko
"Ahh."
Tinuloy ko na yung pagtatype ko ng messsage para kay Sandy at nung natapos ko ay napatingin ako sa folder ni Yuel na nasa mesa malapit saakin. Nakita ko yung mga graphs at monthly expenses ---naalala ko lang yung coarse ko, business ad.
Hindi ko na pansin na hinawakan ko yung folder ni Yuel at tiningnan isa isa hanggang sa may naibang folder akong nakita. Dahil may tatak s'ya ng logo ng isang sikat na hospital.
"Anong tinitingnan mo d'yan sa folders ko?" Napabitaw ako dahil sa gulat ko kay Yuel.
"Wala nabuklat ko lang. Hindi ko sinasadya." Paliwanag ako
Natawa naman s'ya saakin, "Bakit parang natakot ka? Natakot ba kita?"
Napangiti ako, "Sus akala ko kasi magagalit ka."
Tumunog yung chimes sa pinto ng Cafe at napalingon kami ni Yuel at biglang pumasok si Denver at kaagad naman kaming nagkatinginang dalawa.
Kita mula rito yung ngiti at saya n'ya at hanggang sa lumalapit na s'ya at sa mukha lang n'ya ako nakatingin.
"Bakit mo kasama si Yuel?" Tanong n'ya kaagad paglapit sa'min
Nagkatinginan kami ni Yuel dahil sa sinabi n'ya.
"Umupo lang ako sa tabi ni Yuel kasi wala akong maupuan." Pagpapaliwanag ko
"Busy ka ba Rina?" Tanong n'ya sa'kin
"Bakit si Rina ang pinunta mo dito Denver? Akala ko ba." Biglang nagsalita si Yuel
"Hayaan mo lang ako Yuel." Sagot ni Denver
Akmang hahawakan na ako ni Denver ng biglang dumating si Angeli at dala yung tray na may order ko. Nilapag lang n'ya ito sa mesa namin ni Yuel.
"Sorry medyo na tagalan pala yung order mo." Paliwanag ni Angeli na halatang pawisan at nanlalambot na
Humakbang si Angeli pero nagulat kami nang bigla na lang s'ya nawalan ng balanse at bumagsak. Napatayo kami ni Yuel pero kaagad lumapit si Denver kay Angeli at kaagad itong binuhat at nagmamadaling ito lumabas ng Cafe. Nagulat at nagtinginan din yung ibang customers. Kaagad din naman na sumunod si Yuel.
Anong nangyari kay Angeli? Sabi ko na nga ba may kakaiba sa kinikilos n'ya. Sumunod nalang rin ako kasi nagaalala ako para kay Angeli.
**
Nasa ospital na ako ngayon at kasunod lang ako ni Yuel sa pagdating dito. Hindi ko na s'ya tinawag para sumabay alam kong nagmamadali rin s'ya. Sinusundan ko nalang s'ya hanggang sa nakapunta na kami sa kwarto kung nasaan si Angeli at tinitingnan s'ya ng mga doctor. Hindi na s'ya nilagay sa emergency room at dito nalang s'ya chinecheck. Magkatabi sa unahan ko sila Denver at Yuel habang tinitingnan yung ginagawa ng doctor.
Naalala ko lang tuloy yung araw nasa ospital din ako. Tipong unang beses ako na hospital, nandon yung trauma ko pero ngayon may konti nalang akong takot sa mga ospital. Sa ngayon nagaalala talaga ako kay Angeli. Ano ba kasing nangyari sa kanya at bakit s'ya na himatay bigla.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumapit yung doctor sa'min, "Wala namang seryosong sakit ang pasyente pero iaadvice ko na dapat makapagpahinga s'ya ng madami."
"Doc ano pong nangyari kay Angeli?" Tanong ni Yuel
"Na over yung katawan n'ya tapos sa tingin ko stress din s'ya, kulang din s'ya sa pahinga at tulog kaya bumigay yung katawan n'ya. Paliwanag pa ng doctor
Bakit naman s'ya magpapakapagod at puyat? Para saan? Huling kita ko sa kanya sobrang saya naman n'ya kasama si Denver.
Umalis na si Doc at lumapit si Yuel kay Angeli na nakahiga sa kama tapos lumapit na rin ako para makita si Angeli ng malapitan.
"Ano kayang problema ni Angeli?" Medyo malakas yung boses ko sapat para marinig nilang dalawa
"Ano Denver? Masaya ka na! Sinaktan mo na naman si Angeli. Hanggang kailangan ka ganyan?" Galit yung tono ni Yuel
Bakit sinisisi ni Yuel si Denver, bakit sinaktan ulit? Saka masaya lang sila nung nakaraan.
"Sorry Yuel hindi ko alam na magkakaganyan si Angeli." Paliwanag ni Denver
"E tarantado ka pala e!" Biglang lumapit si Yuel at binigyan n'ya ng isang suntok si Denver sa mukha
"Tama na 'yan please." Lumapit ako kay Yuel at hinila s'ya paatras kay Denver
Ngayon nakita ko naman kung paano magalit si Yuel.
"Hindi porket mahal na mahal ka ni Angeli ay paulit ulit mo s'yang sinasaktan. Akala ko ba mahal na mahal mo s'ya? Ha? E anong nangyayari sayo ngayon? Di ba matagal mo na s'yang gustong makasama? Tapos ano 'to!" Nararamdaman ko yung galit ni Yuel, nararamdaman ko ang lakas n'ya dahil hawak ko s'ya
"Sige una na 'ko." Tanging sabi ni Denver saka s'ya naglakad papaalis
Lumapit at naupo nalang ulit si Yuel sa tabi ni Angeli at samantala ako ay tinitingnan lang si Denver habang palayo ito.
Siguro dapat kung kausapin si Denver. Kailangan n'ya ngayon ng kasama. Tumakbo ako para maabutan ko s'ya at nahabol ko pa naman s'ya at lumapit ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba Denver?" Tiningnan ko yung labi n'ya at may maliit na sugat dahil sa suntok ni Yuel
"Salamat Rina." Tanging narinig ko sa kanya.
Nakasimangot lang s'ya. Nararamdaman ko yung lungkot na nasa loob n'ya.
"Ma'am saan po kayo pupunta?" Tanong nung guard pagkasalabas namin ng hospital ni Denver
"Kuya pwedeng wag mo na muna akong sundan?"
"Hindi po pwede."
"Hayaan n'yo na si Rina. Ako na ang bahala magsabi at maghatid sa kanya."
"Sige po Sir Denver." Sagot nung guard ko
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad na dalawa. Kasabay namin ang ilang taong naglalakad din dito sa sidewalk katabi ng highway. Wala kaming paki kahit medyo madilim na ang daan, nandyan naman yung liwanag mula sa streetlights at liwanag sa mga sasakyan.
"Alam mo ba Rina si Angeli ang first love ko." S'ya ang unang bumasag ng katahimikan
Kaya pala parang mahal na mahal ka n'ya at ganon ka rin sa kanya.
"Paano mo s'ya naging first love?" Tanong ko
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
**
Denver Alcantara pov
Eight years old na ako at si Tyler naman ay six na. Naglalaro kami ng kapatid kong si Tyler ng tagu taguan dito sa gagawing bahay namin. Ang daming naglalakihang mga sasakyan na may mga dala na mga kagamitan para sa paggawa ng bahay, ng bahay namin.
"Asan ka na ba Tyler?" Sumisigaw ako habang hinahanap s'ya.
Umiikot ikot na ako dito sa mga patong pato na hollow blocks pero kahit anino ng kapatid ko ay wala. Ang daming mga construction worker ang nagtatrabaho pero kaming dalawa puro laro lang.
Hanggang sa nakarinig nalang ako ng isang kotse at sumulip ako sa ilalalim nito at baka sakaling nasa ilalim lang si Tyler. Nakita ko yung paa ni Tyler sa kabilang side ng kotse pero nagtaka ako kasi apat yung mga paa, may kasama s'yang nagtatago doon. Nadahan dahan akong lumapit sa pwesto n'ya at hindi ako nagkamali si Tyler nga pero may kasama pa s'yang isang bata.
Lumapit ako sa kanila.
"Huli na kita Tyler ha."
Busy si Tyler na nakikipaglaro sa bagong bata.
"Ayoko na kuya Denver." Sagot n'ya saakin
Naglalaro sila ng mga robots na alam ko ay hindi talaga kay Tyler.
"Kanino ba yang nilalaro mo Tyler?" Tanong ko
"Kay Yuel bago kong kaibigan." Sagot naman n'ya
Yuel pala ang pangalan ng bago n'yang kalaro at mukhang mabait na s'ya
"Pwede ba akong makisali sa inyo?" Tanong ko
"Sige." Sagot nung Yuel
Maghapon kaming naglaro at masaya lang kami hanggang sa gumabi na at kailangan ng umuwi ni Yuel, tatay n'ya ang architect na gumagawa ng sa bahay namin ngayon.
Nalungkot kami bigla ni Tyler kasi bukas na ulit namin s'ya makakasama. Humaba ang panahon na nakakalaro namin si Yuel hanggang sa isang araw ay may bagong kalaro na ipinakilala si Yuel saamin ni Tyler. Si Angeli, ang ganda ganda n'ya at crush ko s'ya.
"Hoy Yuel ikaw nalang lagi ang ikinakasal kay Angeli. Ako naman!" Galit kong sabi kay Yuel
"E bagay kami e, ikaw bagay ka lang maging pari namin, hindi ba Tyler?" Humanap pa s'ya ng kakampi
Abala lang si Tyler na naghahagis kila-Yuel at Angeli ng mga pinitas n'yang santan. "Hindi kayo bagay kay Angeli, ako lang ang bagay ikasal kay Angeli." Sagot ni Tyler
"Ano? Pati ikaw gusto mo maikasal kay Angeli? Akin lang s'ya e." Kontra ko pa
Pagtango lang ang naging sagot ni Tyler saakin.
"Ako naman Yuel!" Pagpupumilit ko tapos hinila ko si Angeli sa kanang kamay pero hinila rin s'ya ni Yuel sa kaliwa. Para kaming nagaagawan sa isang laruan.
Nung makukuha ko na si Angeli ay binigyan n'yang binitiwan si Angeli at lumapit saakin si Yuel at tinulak ako kaya napaupo ako sa lupa
"Anong problema mo?" Tanong ko
"Mangaagaw ka e." Sagot ni Yuel
"Tara Denver hayaan mo na yan si Yuel." Sabay inoffer ni Angeli sakin yung kamay n'ya
Lalo tuloy akong nagkacrush kay Angeli.
Inabot ko yung kamay ni Angeli at lumayo kaming dalawa sa kanila ni Tyler. Nagpunta kami sa isang puno at kami lang yung na andito.
"May aaminin ako sayo Denver."
"Ako din may aaminin sayo."
After eight years.
"Maghihiwalay pa ba kayong dalawa?" Tanong ni Yuel habang nanunood saamin. Nagsasayaw kami dito sa dance dance revolution ni Angeli.
"Galingan mo naman." Sabi ko kay Angeli na tumatawa habang hirap na hirap gayahin yung steps.
"Inaayos ko na." Tugon ni Angeli
Hanggang na tapos na kami sa pagaarcade. Tumambay muna kami sa may upuan sa labas ng sinehan. Nakaakbay ako kay Angeli samantalang si Yuel ay umiinom sa shake na binili n'ya kanina at hindi man lang kami inaalok.
Sobrang saya lang namin ni Angeli at parang waalang titibag sa'min. Kahit wala kaming label ay alam namin na mahal na mahal namin ang isa't isa.
Ilang araw pa ang lumipas ay inaabangan ko s'yang dumating. Si Angeli dito saaming tagpuan sa tuwing uwian sa school. Handa na akong manligaw dahil alam kong s'ya yung taong mamahalin ko habang buhay.
Hanggang sa sobrang saya ko ng makita ko s'yang papalapit na saakin.
"Yes nandito na s'ya." Bulong ko habang nakangiti
Lumapit at tumabi s'ya sa'kin kaso umiiyak s'ya.
"Bakit ka umiiyak?" Nagtataka kung tanong
"Denver sorry." Bigkas n'ya habang humihikbi
"P-para saan?"
"Sorry talaga." Nakaramdam ako ng mahigpit na yapos mula sa kanya
Tinapik tapik ko yung likod ni Angeli para icomfort s'ya. Ayoko s'yang nakikitang umiiyak at nasasaktan.
"Denver iiwan na kita." Mahina n'yang sabi pero dinig na dinig ko dahil malapit lang ang tenga ko sa bibig n'ya
Iiwan n'ya ako? Pero bakit? Bakit ngayon pa?
"Bakit? Anong problema? May nagawa ba ako?" Tanong ko
Gusto ko ng alisin ang pagkakayakap ko sa kanya dahil nagagalit na ako pero mahigpit ang yakap n'ya.
"Wala kang na gawang kahit ano. Desisyon ko 'to."
"Bakit ba? Hindi mo na ba ako mahal? May na gawa ba akong mali?" Kahit ayaw n'ya akong bitawan sa yakap n'ya ay kaagad akong umalis dito
"Mahal kita Denver, mahal na mahal pero kailangan kong magaral sa ibang bansa pero wag mo isiping hindi kita mahal Denver."
"Please wag mo naman akong iwanan."
"Sorry talaga Denver."
**
Rina Garcia pov
Habang nagkukwento si Denver parang gusto ko s'yang kampihan ngayon. Siguro sobra lang talaga s'yang nasaktan kaya ganito nalang s'ya.
Matagal na pala n'yang iniintay si Angeli tapos ngayon bakit ganito s'ya.
Ngayon nagsink in na saakin lahat kung bakit ganito, silang dalawa ni Angeli.
"Hinanap ko sa ibang mga babae ang pagmamahal ni Angeli pero walang makahigit sa kanya pagkatapos bumalik na si Angeli na para bang walang nangyari. Oo aaminin ko na mahal ko s'ya noon pero ---"
"Pero ano?"
"Nakita kita sa labas ng elevetor at alam kong nakita mo ang ginawa ko kay Angeli."
"Oo nakita ko kayo pero hindi ko naman sinasadyang makita yon."
"Niyapos ako ni Angeli noon sa Cafe at bumalik ang nakaraan, yung sakit nung mga panahon na hinahanap ko s'ya at sinabi ko sa sarili ko baka mahal ko pa talaga s'ya. Iniwasan kita para kay Angeli para maging kay Angeli lang ang buo kong atensyon. Hinalikan ko si Angeli para malaman ko kung ano ba talaga yung tunay kong nararamdaman sa kanya at nagkamali ako, hindi ko na maramdaman sa kanya ang pagmamahal na sobra kong hinahanap dati. Doon ko napatunayang hindi ko na talaga s'ya mahal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top