Aurora 17
"Akala ko ba kilala ka?"
Natameme lang ako tipong ang sakit lang talaga. Napahiya lang ako kay Ellise at napahiya lang ako sa sarili ko. Gusto ko nalang maglaho na parang bula.
"Hindi ba nakita mo kami sa mansion? Na nagusap kaya kilala n'ya ako."
"Oo pero hindi ka n'ya pinansin."
Papansinin ko pa ba yon? Wag nalang siguro. Naiintindihan ko naman s'ya sa kabilang banda, na baka busy lang talaga s'ya at nagassume lang akong nakatingin talaga s'ya sa'kin. Yun nalang ang iisipin ko.
Nagsimula ng magsalita yung babaeng nagassist saamin kanina kaya yung mga atensyon namin ay napunta lahat sa kanya.
"Welcome po sa Emeralds." Maligaya n'yang pagpapakilala saamin ng company nila
Sa pagbuka palang ng labi nung babae at sa unang salita palang sa kanya ay masasabi mong napakaprupesyunal na talaga n'ya sa ginagawa n'ya ngayon.
Hindi ko lang talaga maiwasang mapasilip kila-Angeli. Gusto ko lang makita yung ginawa nila ni Denver.
"Ininvite po namin kayo para sa exclusive na interview para sa ilalaunch naming magazine for this coming month. Gusto po naming malaman yung lifestyle, mga paborito n'yong pagkain, artista at kung ano-ano pa. Which is iinclude natin sa nasabing magazine."
Sinong magaakala na may gustong umalam sa personal kong buhay. Never in my dreams na maiisip ko na mangyayari 'to.
"Gustong malaman ng Emeralds kung anong buhay ng isang apo ng presidente ---" Sabay turo saamin nung babae. Nakita ko namang napatingin saamin si Angeli pero si Denver? Ayon at hindi man lang kami tiningnan, "--- anak ng Vice president." Pagpapatuloy pa nung babae sabay turo naman kay Denver
"Bagay sila no?" Rinig ko nalang na bumulong saakin si Ellise
Oo bagay na bagay, kahit ako mismo inaadmit ko.
"Pero eventually kulang ang anak ng Vice dahil biglang nawala si Tyler Alcantara."
Oo nga no? Nasaan si Tyler? Dapat kasama namin s'ya ngayon dito e.
"But anyways may mga folders po dyan at pakisign nalang po tapos may mga magiinterview po sa inyo after n'yo maglunch. Thank you po." Naglakad na papaalis yung babae tapos kaagad naman naming binuksan yung folder at kaagad kaming pumirma.
Sumisilip ako kila-Denver at mukhang s'ya lang ang pumipirma. Siguro talagang isinama lang ni Denver si Angeli dito dahil magdedate sila mamaya after nito. Alam ko maling magisip ng kung ano-ano pero syempre nagiging advance lang ako magisip.
"Tara na po at nakaprepare na yung lunch." Pagaaya nung babae
Tumayo na kaming apat mula sa pagkakaupo at kaagad din na sumunod sa babae. Marami kami actually at yung ilan may camera pangdala. Nasa unahan namin sila Denver at Angeli at nakatingin lang ako kay Denver habang nakatalikod s'ya.
"Nasaan si Yuel?" Tanong ni Denver kay Angeli
"Alam mo naman busy lagi yon."
Napaalis tingin ako ng biglang kumapit si Angeli sa braso ni Denver.
"Nagseselos ka no?" Imik ni Ellise
Napakunot noo ako. "Ako? Magseselos? Hindi kaya."
Bakit naman ako magseselos? Para saan? Wala naman akong nararamdam kay Denver.
Dumretso na kami sa isang lugar at pinaupo na naman ulit kami tapos ngayon iisang table nalang kaming tatlo, hindi na kasama si Angeli. Bakit kaya?
"Hi Denver." Bati ni Ellise
Bale magkatabi kami ni Ellise tas katapat namin si Denver. May kinakalikot s'ya sa phone kaya hindi s'ya nalingon kay Ellise. "Hello." Matipid na sagot ni Denver
"Busy? Make time naman para tumingin sa'min."
Hinila ko yung damit ni Ellise as sign na wag na n'yang pinilitin pa si Denver. Baka makulitan lang kasi sa kanya.
"Ano ba yun?" Tanong ni Denver pero 'di pa rin s'ya tumitingin kay Ellise
"Yabang mo talaga Denver pero anyway may itatanong ako sayo may gusto lang ako malaman, totoo ba na ---certified fuckboy ka?" Daretsyahang tanong ni Ellise
This time napalingon at napatigil si Denver sa ginagawa n'ya at seryoso s'yang tumingin kay Ellise. Nakasmirk lang si Ellise kay Denver, halatang nangaasar talaga s'ya.
Lumapit na yung waiter at s'ya ang bumasag sa namumuong initan dito. Nagserve na s'ya nang pagkain sa mesa namin, "Salamat po." Sabi ko pagkatapos maayos yung mga pagkain
Halos puro salad at may tagiisa kaming steak sa plato namin. Naunang humiwa ng steak si Ellise at s'ya na rin mismo ang unang tumikim. "Hmm. Ang sarap naman nito kasing sarap ko, di ba Denver?"
Ano naman kayang nangyayari dito kay Ellise? Pati si Denver dinadamay n'ya. Alam ko sa sarili kong hindi naman totoo yun.
Nakatitig lang si Denver kay Ellise. "Ano? Tititigan mo nalang ako? Sorry pero hindi ako nasisindak sa mga tingin mo ngayon." Dagdag pa ni Ellise
"Ellise tigilan mo na si Denver. Ano bang sinasabi mo d'yan." Pagpupumigil ko kay Ellise
"Sabi ko sayo Rina 'diba, nakakampi mo ako." Sabay tumingin naman s'ya saakin
Yung tingin ni Ellise ay ang mukhang hindi talaga s'ya nagsisinungaling saakin. Hindi ko na alam kung sinong pakikinggan ko. Na kung sinong paniniwalaan ko. Naguguluhan talaga ako.
"Oo alam ko naman na kakampi kita pero kilala ko si Denver mabait 'yan."
"Si Denver mabait? E bakit hindi ka n'ya pinapansin? Bakit may gusto ka ba sa kanya?" Ako ngayon ang hina hot seat ni Ellise
"Wala akong gusto kay Denver. Ano ka ba Ellise, gumagawa ka na naman ng issue e." Medyo galit na ang tono ng boses ko
Ayoko namang magalit kay Ellise pero sumosobra na kase s'ya. Hindi na tama yung mga ginagawa n'ya ngayon.
"Easy may cousin okay? Gusto lang kita iiwas sa lalaking 'to." Sabay turo kay Denver
Biglang dumating si Angeli at kay Denver s'ya lumapit.
"May problema ba kayo?" Mahalumanay na usisa ni Angeli
"Ewan ko d'yan kay Denver pero meron kaming problema e."
"Ano yun Ellise?"
"--- na ayaw na namin magpainterview sa company mo."
Ano bang ginagawa at pinagsasabi nitong si Ellise, ako na itong nahihiya sa kanya e. At ano yung sinasabi n'yang company ni Angeli. Si Angeli may-ari ng Emeralds?
"Bakit? A-anong rason?" Halatang nagulat si Angeli sa sinabi ni Ellise
"Ano bang sinasabi mo Ellise? Wag ka nalang makinig sa kanya Angeli." Singit ko sa paguusap nila
Mukhang seryoso na si Ellise sa sinasabi n'ya at wala na akong magagawa pero susubukan ko pa rin s'yang pigilan
Tumayo bigla si Denver at hinawakan si Angeli sa wrist nito at hinila papalabas. Sinusundan ko lang sila ng tingin.
"Sweet no?" Hindi pa rin natigil si Ellise
"Ano bang problema mo?" Nagagalit kong tanong
Hindi ko na kayang pagtimpian pa ang pagkabratinelang ugali ni Ellise, hindi na kasi n'ya malugar e. Tumayo nalang rin ako at hahabulin ko sila Denver at Angeli para magsorry sa ginawa ni Ellise.
Lumabas ako at tumingin sa kana't kaliwa pero ni-anino nila ay hindi ko na makita pa. Nagtatakbo ako sa kaliwang hallway dahil kutob kong nandoon silang dalawa. Kumaliwa ako sa may kanto ng hallway pero dahil sa pagmamadali ay hindi ko na napansin na may nabundol akong tao kaya tumalsik ako at napaupo sa sahig. Lalaki s'ya sigurado ako kasi hindi man lang s'ya naapektuhan sa pagtama ko sa kanya saka matigas din ang chest n'ya, malakas ang pakiramdam kong lalaki s'ya.
"Sorry." Matipid pero ramdam mo yung sincerity sa paghingi ng tawad
Hindi pa man ako nakakatayo ay lumingon muna ako sa kanya. "I-ikaw pala 'yan."
"Ayos ka lang ba?" Yung boses ni Tyler ay sobrang kakaiba sa lahat para s'yang ewan na hindi ko maipaliwanag
Nagiba nalang rin ang tingin ko sa taong ito simula nung nakatabi ko s'ya sa upuan noon. Kahit medyo hindi maganda ang umpisa namin. Parang katulad ni Ellise. Alam kong kakaiba naman din itong si Tyler.
Nakaseryoso lang lagi ang mukha n'ya parang hindi tumatawa. Inoffer ni Tyler ang kamay n'ya at kumapit naman ako sa kamay n'ya. Aaminin ko nagulat ako sa lambot nito.
Buong pwersa n'ya akong itinayo at nagawa ko naman. "Salamat Tyler."
Minove n'ya yung direksyon ng ulo n'ya sa kanang side n'ya at hinawakan ang dulo ng tenga n'ya at pinisil pisil ito.
Napangiti ako para s'yang batang mahiyain.
"Sige uuna na ako. May hinahanap din kasi ako." Paliwanag ko sa kanya
"Sila Denver ba ang hinahanap mo?" Ngayon ko lang s'ya narinig ng namahaba magsalita
"Oo nakita mo ba sila?" Sagot at tanong ko pabalik
Tumango s'ya, "Sumakay sila ng elevetor kanina." Dagdag pa ni Tyler
Saan naman kaya sila pupunta? Kailangan ko talaga silang makausap para makahingi ng paumanhin.
Saktong nasa tabi lang din namin ang elevator kaya hinintay ko nalang bumukas ito. Napatingin ako kay Tyler na hindi pa umaalis.
"Nga pala bakit hindi ka sumama sa interview?" Usisa ko
"Ayoko lang." Matipid n'yang sagot
'Ting', matinis na tunog ng pagbukas ng elevator
Unti unting bumukas ang elevator at napapansin kong may tao sa loob hanggan sa tuluyan na nga itong bumukas at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon at hindi ko nalang namalayan na biglang humarang sa harap ko si Tyler para takpan yung nangyayari sa loob ng elevetor.
Hawak ni Denver ang pisnge ni Angeli at hinahalikan n'ya ito, nakapikit lang si Angeli pero si Denver nakamulat.
Samantala ngayon ay nakatayo lang si Tyler sa pagitan naming tatlo at pansin ko sobrang lapit ko sa chest n'ya at naamoy ko na ang mabango n'yang damit. Hanggang namalayan ko na lang na hinawakan ako ni Tyler sa kamay ko at dahan-dahan lang n'ya akong hinila para lumayo. Hinahayaan ko lang s'ya dahil ayoko lang din magtagal doon at panoorin yung paghahalikan nung dalawa.
Bakit ko hinahayaan si Tyler na hilahin ako at hawak pa n'ya ang kamay ko.
"Rina." Tawag ni Ellise saakin tapos tumigil na si Tyler at kaya napatigil na rin ako. Umalis na s'ya sa kapit saakin.
Pagkalapit ni Ellise ay tiningnan n'ya si Tyler mula ulo hanggang paa.
"Naks naman ang pogi naman n'ya Rina."
"Ellise si Tyler nga pala. Tyler si ---" naputol na yung sasabihin ko ng bigla bigla nalang umalis si Tyler na lagi naman n'yang ginawa.
"Problema non?" Tanong sa'kin ni Ellie
Napangiti nalang ako habang pinapanood namin s'yang lumakad palayo. "Sadyang ganon lang talaga s'ya."
Mabalik ako kay Ellise hindi ko alam kung tutuloy pa ba kami o hindi na. Sa kanya ko nalang ibibigay ang desisyon pero kung ako naman ang tatanungin ay gusto ko nalang umuwi at sobrang nakakastress ang araw na ito.
"Tara na?" Biglang nagyaya si Ellise
"Saan?"
"Uuwi na ayoko na dito at saka may ikukwento ako sayo sa kotse. Natawagan ko na si Manong at nakaready na yung kotse sa labas."
Sabay na kaming naglakad at lumabas ng Emeralds tapos kaagad namang bumungad yung kotse kaya sumakay na kami kaagad at umandar na. Habang nakaupo ay hindi na ako mapakali na malaman ang ikukwento ni Ellise. Ayokong tanungin ng deretso sa kanya baka magmukha akong tsimosa.
"Ready ka na ba sa sasabihin ko sayo?" Tapos nagcross legs s'ya at humarap sa'kin
Nagnod ako, "Ano ba 'yon?"
"About kay Denver."
Kung ipipilit n'ya yung sinasabi n'ya kay Denver ay hindi pa rin ako maniniwala. Kahit nakita kong naghahalikan sila ni Angeli ay hindi ko pa rin iniisip na ganon talaga si Denver
"Wag mo naman siraan yung tao." Pagtatanggol ko kay Denver
"Hindi ko talaga s'ya sayo sinisiraan nagsasabi lang ako ng totoo. F*ckboy talaga si Denver at alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Dahil niligawan din n'ya ako dati tapos muntik pang may mangyari saamin kaso binusted ko na agad kasi ayoko ng gaya n'ya. Playboy slash F*ckboy."
Seryoso ba talaga si Ellise sa mga sinasabi n'ya?
"Talaga ba?"
"Oo seryoso ako kaya nga kita tinatanong kung may gusto ka sa kanya kasi magaling yan magpafall ng babae. Kunware kakain kayo sa labas tapos ikaw pala kakainin n'ya. Madami pa s'yang mga pafall movement na gagawin sayo hanggang sa makuha ka n'ya. I feel bad for Angeli, baka gamitin lang s'ya ni Denver."
Mahirap maniwala kay Ellise pero parang gusto ko na rin s'yang paniwalaan kasi mukhang hindi talaga nagsisinungaling si Ellise. Tama s'ya na ---baka nga kung ano lang gawin ni Denver kay Angeli kailangan kong mabalaan si Angeli pero baka hindi s'ya makinig saakin. Sana tama lang na makiaalam ako pero naisip kong wag nalang. Personal na buhay na 'yon ni Angeli.
Mga ilang minuto pa ay tumigil na ang kotse at nandito na kami sa mansion ni Lolo. Nauna na akong lumabas at hindi ko na alala si Ellise. Nagdere deretso kaagad ako sa loob at nagtaka ako sa maagang paguwi ni Lolo ngayon. Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Apo nasaan si Elllise?" Medyo kakaiba ang tono ni Lolo
Ano na naman kaya ang nangyari?
Pumasok na si Ellise at kaagad ko s'yang tinawag para lumapit kay Lolo at hindi naman ako nabigo at lumapit s'ya sa'min.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Ellise?"
Hindi nalang umimik si Ellise nakatingin lang s'ya kay Lolo.
"Tinatanong kita Ellise. Bakit mo kinancel yung interview na 'yon?" Nagagalit na si Lolo
"Hayaan n'yo na Lolo ayoko na rin naman e." Singit ko
"Wag mo pagtakpan si Ellise kahit hindi mo sabihin alam kong s'ya ang may gawa."
"Oo ako na, happy?"
Nagsisimula na naman ang pagaaway nilang dalawa
"Hindi naman para lang sayo ang ginawa ko para kay Rina yun! Para makilala s'ya ng mga taong nasasakupan ko."
"Eh ba't kayo? Bakit hindi ka magpakilala kay Rina o kaya sa buong bansa? Natatakot ka bang lumabas ang baho mo?"
Anong magpakilala? Atsaka bakit sobrang daming alam ni Ellise? Ano yung tinatago ni Lolo sa'kin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top