Aurora 16

Yuel Saw pov

"Alam mo Yuel ang saya ko." Biglang nagsalita si Angeli. Binasag n'ya ang katahimikan dito sa loob ng kotse

Nagmamaneho ako habang nakaupo sa tabi ko si Angeli. Kaalis lang namin sa Aurora's Cafe.

"Bakit naman?" Maikli kong tugon na hindi ko na s'ya tinitingnan, maaabala kasi ang pagmamaneho ko

"Dahil kay Denver. Kahit sinasabi n'yang hindi na n'ya na ako mahal pero nung niyapos at napakalma ko s'ya. Alam ko, nararamdaman ko."

Masisisi ba kita Angeli kung 'yan ang gusto mong isipin? Alam kong sobrang mahal mo si Denver pero bakit s'ya nalang lagi yung lagi mong nakikita? Na'ndito naman ako e.

"Sa tingin mo? Mahal ka pa rin n'ya?"

"Ayokong paasahin ang sarili ko Yuel pero dito ako masaya."

Buong akala mo lang si Denver lang ang makakapagpasaya sayo pero hindi mo alam may isang taong matagal ka ng gusto mapasaya.

Patuloy lang ako sa pagmamaneho medyo napabilisan ko yung takbo ng kotse ko dahil sa sobrang inis sa naririnig ko. Hindi ko madedeny yung selos ko.

"Pano kung hindi na talaga n'ya mahal?" Seryosong tanong ko

Kahit paulit ulit na kong masaktan ayos lang basta ngayon gusto lang marinig yung sagot n'ya.

Lumingon ako sa kanya ng konti, "Mahal ko pa rin s'ya." Sabay ngumiti s'ya na tila mo'y masaya pa rin sa sinasabi n'ya

Bigla kong prineno yung kotse kahit alam kong nasa gitna kami ng highway. Tuluyan akong humarap sa kanya. Tumingin din s'ya saakin ng may pagtataka.

"B-bakit?" Tanong ni Angeli

Deretso akong nakatingin sa mga mata n'ya, "Basta kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo."

Rina Garcia pov

"Naalala mo pa ba yung kumain ng chocolate ko sa university natin?"

Magkavideo call kami ni Sandy habang nasa boarding na s'ya at ako naman nasa bahay.

"Oo naalala ko s'ya, si Tyler Alcantara."

Alcantara pala apelyido n'ya magkatulad sila ni Denver ng apelyido. Di kaya magkapatid talaga sila?

"May connection ba si Tyler kay Denver?" Usisa ko

Nanlaki yung mata n'ya ata nakakatakot yung expression ng mukha n'ya sa screen ng phone ko. At sa tingin ko tama yung hula dahil sa naging reaksyon n'ya.

"Yes Rina, confirm ang tsimis."

"Hala seryoso? Magkaano ano daw sila?"

"Magkapatid sila Rina as in, kaya pala ang gwapo nila pareho." Paliwanag n'ya with matching roll pa sa kama n'ya.

Nakahiga kasi si Sandy sa kama n'ya at ako naman hawak yung phone habang nakaupo at inaantay si Lolo dumating. Nakita ko si Ellise ayon at nakaupo sa kabilang upuan at nagbubuklat ng magazines.

"Ganon pala." Naalala kong ikukwento ko pala kay Sandy yung nangyari saakin kanina, "Alam mo ba nakatabi ko si Tyler kanina." Pagkukwento ko sa kanya

Napatayo s'ya sa narinig n'ya at medyo mahina yung internet n'ya kaya medyo naglalag yung cam n'ya

"Weh? Paano mangyayari yun aber?" Tanong n'ya saakin at mukhang hindi talaga s'ya saakin naniniwala

"Nakaupo kase non sa may upuan after nung ganap don sa Aurora tapos bigla nalang s'ya naupo sa tabi ko tapos ang weird lang kasi. Wala man lang s'yang sinabi basta pagalis n'ya nagpaalam lang. Ang weird no?" Pagkukwento ko

"Alam mo ganyan talaga yang kapatid daw ni Denver. Sa university nga daw wala yang kaibigan kasi sobrang suplado at hindi nakikipagkaibigan sa ibang tao."

"Bakit ang yabang n'ya saatin non sa party?" Pagtataka ko

Kasi hindi ko lang maintindihan na kung suplado s'ya sana hindi nalang n'ya kami pinansin sa event pero kung talagang mayabang s'ya bakit parang hindi naman nung nakatabi ko s'ya. Naguguluhan lang talaga ako.

"Syempre suplado at masungit nga e, naku ang layo layo n'ya kay Denver sa lahat ng bagay pero aminin mo mas gwapo yung bunso, si Tyler." Pagbibida pa n'ya sa lalaking yun

Iniisip ko lang talaga kung pano yung pangaraw araw na gawain nung Tyler, siguro ang boring ng buhay n'ya. Naawa naman ako kahit papano pero wala pa rin s'yang karapatang sungitan kami.

Naalala ko na naman yung itsura n'ya at yung pagtayo at pagpapaalam n'ya saakin.

"Miss Rina pinapatawag po kayo ng president, kayo po ni Miss Ellise." Nabaling yung tingin ko sa babae na nagsalita.

Nagkatinginan kami ni Ellise ng marinig yung sinasabi n'ya at sabay kaming tumayo at naglalakad. Nagpaalam muna ako kay Sandy at pinatay na yung video call.

"Tingin mo ano kaya yun?" Tanong ni Ellise saakin

"Kinakabahan ako parang tungkol sa'kin yon."

Patuloy lang kami sa paglalakad

"Bakit? Tungkol ba yon sa nang harass sayo sa Cafe?"

Napatigil ako dahil sa narinig ko. Papaano n'ya nalaman?

"Saan mo nabalitaan 'yan?"

"Viral na ang nangyari thru social media. Isa ka sa apo ng president ng pilipinas at hindi ka basta-basta kung sino lang. Kahit yung news tungkol sa inyo ni Denver kalat na rin sa media. Mapapahashtag sana all na ang sang-kababaehan dahil sa inggit sayo sa buong social media. Icheck mo minsan kasi hindi mo alam pinagfifiestahan ka na online. Ikaw rin. Concern lang ako sayo cousin."

Bigla naman akong na lungkot sa mga narinig ko sa kanya. Parang ang sama sama ko tuloy na tao.

Pumasok na kami ni Ellise sa kwarto ni Lolo at nakaupo si Lolo sa kama n'ya kaya tumayo kaming dalawa sa harapan n'ya

"Ellise may ipapakiusap ako sayo, pwede ba?"

Napatingin ako kay Ellise pero s'ya nakaderetsong tingin lang kay Lolo at mukhang nakikinig s'ya ng mabuti.

"Pwede bang samahan mo si Rina sa isang lunch bukas? Gusto ko s'yang makasama doon." Sabi ni Lolo

"Sige." Tugon ni Ellise

Pagkatapos nagulat ako at saakin na nakatingin si Lolo. Heto na yung kaba ko sa sasabihin n'ya. Alam kong nabalitaan n'ya yung nangyari."

"Pasensya ka na apo pero kailangan na kitang pagbawalang pumasok sa Cafe na yun. Para rin sayo ito."

Sabi ko na nga ba, heto yung kanina ko panginiisip at nagpapakaba saakin ng sobra. Alam kong pagbabawalan ako ni Lolo dahil sa nangyari. Alam kong mahirap pero kakayanin ko.

"Bakit nyo pagbawawalan si Rina? E mukha masaya naman s'ya don?" Intrada ni Ellise sa usapan namin

Nakakabastos yung naging way ni Ellise sa part ni Lolo pero walang reaksyon yung mukha ni Lolo sa sinabi ni Ellise.

"Gusto ko lang wag mapahamak ang pinsan mo." Sagot ni Lolo kay Ellise

Natawa si Ellise ng medyo may pangaasar, "Bothered ka ba Lolo? Sana kahit saakin ganyan ka."

"Ellise tama na." Pagawat ko kay Ellise

Alam kong medyo masama na yung mga naririnig ko kaya hangga't maaga ay pinigilan ko na agad si Ellise. S'ya na yung una kong pinapatigil para bilang respeto na rin kay Lolo

"Ano na namang kaartehan yan Ellise?"

Natawa na naman s'ya at sobrang nakakatakot na si Ellise, yung itsura nya, yung mga mata n'ya ay yung tingin n'ya kay Lolo.

Pinipilit kong higitin si Ellise pero hindi pa rin s'ya natitinag sa kinatatayuan n'ya.

"Hindi ako magiinarte, sadyang ganyan lang kayo." May panginginig ang boses ni Ellise

"Nagbago na ako Ellise. E ikaw hanggang kelan ka magiging ganyan? Hanggang kelan ka magiging bastos saakin? Ha!" Medyo tumaas na rin ang tono ng boses ni Lolo

"No. hinding hindi n'yo na ako mababago. Ikaw mismong gumawa sa'kin neto!" Pasigaw na yung boses ni Ellise

Isang malakas na tunog ang nagpakalma kay Ellise, sinampal s'ya ni Lolo mismo sa harapan ko. Ramdam ko yung sakit ng ginawa ni Lolo dahil sa lakas at pula ng pisnge ni Ellise.

Kaagad akong humarang kila-Lolo at Ellise tapos chineck ko yung pisnge ni Ellise kung ayos lang ba.

"Ellise tara na." Pagaaya ko ulit sa kanya

Inalalayan ko si Ellise palabas ng pinto pero muli s'yang lumingon kay Lolo na nakatulala lang saamin, na-shock lang rin siguro s'ya sa nagawa n'ya kay Ellise. "Hindi pa ko tapos." Isang banta galing kay Ellise

Sinara ko na yung pinto at dumaretso na kaagad kami sa kwarto ni Ellise para mas pakalmahin pa s'ya. Bumitaw na ako sa kanya at naupo s'ya sa kama n'ya at nagcross legs habang ako nakatayo lang sa harapan n'ya.

"As if naman na sa sampal lang n'ya ako matakot. Never." Umirap na s'ya pagtapos n'yang magsalita

Kita ko pa rin yung pula sa pisngi n'ya at yung galit sa mukha n'ya.

"Bakit mo naman kasi sinagot si Lolo?" Tanong ko

"Kita mo naman di ba? He deserves it. Ang bait kong pumasok don."

"Pero mali ka pa rin e."

Tumayo s'ya at lumapit sa mini-table at kinuha yung vape n'ya. Magpaparelax lang siguro s'ya ng nararamdaman.

"So what kung mali ako. Sa bahay na ito, ikaw lang ang tama Rina. Ikaw lang tandaan mo 'yan at kung sa tingin mo demonyo na ako, what more pa si Lolo. S'ya ang hari, s'ya si satanas." Mga salitang never kong inexpect na maririnig kay Ellise

"Ano bang sinasabi mo? Mahal ka naman ni Lolo e. Papaano mo 'yan nasasabi sa kanya?" Medyo tumaas na ang tono ko. Alam kong mali na si Ellise sa mga sinasabi n'ya

Humigop s'ya sa vape tapos nagpakawala ng sobrang kapal na usok mula sa bibig at ilong n'ya at halos matakpan ang buong mukha n'ya ng usok.

"Saka mo malalaman kung sino ang totoong satanas sa bahay na 'to. Just wait Rina sinasabi ko sayo, na saakin ang huling halakhak."

Nagfade na yung usok na ibinuga n'ya. "Ano bang ibig mong sabihin Ellise?" Nako-curious kong tanong

Lumapit s'ya saakin at nagsmirk sa harapan ko, "Pero kakampi mo 'ko kaya wag kang magalala cousin. I got your back." Sabay bungisngis pa n'ya

Humingop ulit s'ya ulit sa vape sa harap ko tapos napakunot ako sa mga sinasabi n'ya saakin. Lumapit ang mukha n'ya sa mukha ko sabay bumunga ng sobrang bangong usok na bumalot sa mukha naming dalawa.

"Matulog ka na may lakad pa tayo bukas." Narinig ko nalang na sinabi n'ya



---

Nakasakay na kami Ellise sa kotse ni Lolo at may driver kami kaya magkatabi kami dalawa sa may backseat. Kanina pang-inaayos ni Ellise yung mukha n'ya pagkasakay na pagkasaya namin sa kotse.

"Ikaw? Lipstick?" Alok ni Ellise ng makita n'ya akong nakatingin sa kanya.

Nakanormal lang yung pormahan ko kasi lunch lang naman daw e at hindi ko lang alam kong anong klaseng lunch ba ito at imbitado pa kaming dalawa.

"Liptint meron ka?" Tanong ko

Ayoko ko kasing nung style ng pagmake up ni Ellise masyadong mabigat sa mukha. Tamang liptint lang saakin.

"Heto." Sabay abot nung liptint n'ya

Dinampi ko sa labi ko yung liptint saka ko kinompress yung magkabila kong labi para medyo magspread yung tint saakin at natikman ko s'ya na medyo matamis yung lasa tapos naramdaman ko na tumigil na yung kotse at lumingon sa'min yung driver. "Dito na po tayo mga ma'am."

Mukhang nagulat si Ellise kasi hindi pa yata s'ya tapos magayos. "Mauna ka na Rina lumabas malapit na 'to."

Binalik ko yung liptint sa make up kit n'ya at lumabas na. Bumungad kaagad yung mataas na company building.

'Emeralds' ---- yan mismo yung nakalagay sa mga billboards nila.

Naalala ko yung magazine na Emerald at si Denver ang unang pumasok sa isip ko.

Kamusta na kaya s'ya?

Inikot ikot ko yung mata ko sa paligid at may nakita akong mga tao sa entrance ng Emeralds. Hindi ko na naalala pa si Ellise at naglakad na ako magisa papunta sa entrance pero bago pa man ako makalapit ay napatigil ako sa paglalakad kasi nakita ko si Angeli.

Oo s'ya mismo at hindi lang s'ya pati si Tyler. Kinakausap ni Angeli si Tyler, nakatayo lang si Tyler at walang reaksyon yung mukha. Mula dito sa pwesto ko ay tanging gestures lang ang nakikita ko at hindi ko na maririnig kung ano man yung pinaguusapan nila. Hanggang sa tumingkayad si Angeli kahit nakaheels s'ya para lang maabot yung ulo ni Tyler at haplosin yung buhok ni Tyler pero kaagad naman napigilan ni Tyler si Angeli at napangiti si Angeli sa ginawa n'ya.

Bakit sila naandito? Akala ko kami lang ni Ellie dito tapos magkakilala rin sila ni Tyler?

"Hey, anong problema? Ba't tumigil ka?" Napunta kay Ellise yung atensyon ko kaya sa kanya na ako bumaling ng tingin

"Ahh.. wala. May ---" sabay lingon ko ulit sa pwesto nung dalawa pero bigla silang nawala

"May what?"

"--- wala, wala pala. Tara na?" Pagaaya ko kay Ellise

Nagok sign s'ya gamit ang kamay sabay naglakad na kaming dalawa at pumasok na sa loob ng building. Bumungad kaagad yung mga tauhan ng Emeralds tapos may babaeng lumapit saamin at saka kami pinasunod sa kanya. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tingnan yung buong paligid, ang laki kasi tapos may malaking kwarto at may mga lumalabas na tao doon at magaganda at gwapo mga mukhang model tapos may mga rin may dalang camera, dslr at kung ano ano pa.

Pagkatapos pinapasok kami nung babae sa isang kwarto at ramdam kong nagiba yung temperatura dito, mas lumakas yung aircon sa loob na 'to. May isang mahabang mesa sa gitna at may mga upuan sa tabi nito. Inasist kami ng bagong babae sa mga uupuan namin at sumunod naman kami at naupo na. Nirelax ko lang ang sarili ko sa pagupo dito habang ninanamnam yung lamig ng aircon.

"Iinterviewhin siguro tayo dito." Biglang nagsalita si Ellise

"Para san?" Tanong ko pabalik

Tinuro n'ya yung nakaprojected don sa unahan sa gitna namin. Parang nasa isa kaming meeting conference ngayon.

Special Guest interview, yan mismo yung projected don

Teka bakit kami iinterviewhin anong purpose? Saka gagawin ba nila kaming model nila?

May bagong pumasok sa loob, si Angeli. Bigla tuloy akong nagtaka kung bakit s'ya nandito? Anong dahilan? Pano na yung trabaho n'ya sa Aurora ngayon?

"Dito po ang upuan n'yo Miss Angeli." Sabay pinaupo nung babae si Angeli sa upuan, sa tapat namin.

Miss Angeli? A-ano ba talagang meron kay Angeli? Anong hindi ko pa alam sa kanya?

Napatingin saakin si Angeli at nahuli n'ya ako sa aktong nakatitig ako sa kanya. "Hi Rina." Sabay ngiti saakin

"Kilala mo s'ya?" Tanong ni Ellise

"Oo." Matipid kong sagot

"Ganda n'ya ano?" Sabi pa ni Ellise

"Oo."

Kahit mismo si Ellise nagagandahan sa kanya, ganyan talaga kaganda si Angeli.

"Si Denver o." Sabay turo ni Ellise sa direksyon

Napatingin naman ako sa sinasabi n'ya at kapapasok lang rin talaga ni Denver at inassist s'ya nung babae at pinaupo s'ya sa tabi ni Angeli. Magkakaharap na kami ngayon.

Nakatititig lang ako kay Denver, inaantay kong mapansin n'ya ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang ay gusto ko lang s'yang kamustahin. Naririnig ko yung medyo malakas tawanan nila ni Angeli habang may pinagkukwentuhan sila. Iba yung ngiti ni Denver pero hindi din naman sobrang saya sa tingin ko. May naalala tuloy ako yung nangyari sa Aurora, yung pagyapos ni Angeli kay Denver habang pinapanood ko silang nagtatawanang dalawa ngayon ay nagulat ako ng sa wakas ay napatingin na saakin si Denver. Nginitian ko nga s'ya kaso tiningnan lang n'ya ako ng mga kahit anong reaksyon sa mukha ko, para lang akong hangin ngayon. Nasaktan ako bigla ng wala akong nakuhang kahit anong reponse sa kanya. Nagpatuloy lang sila ni Angeli sa paguusap, umiwas ng tingin si Denver na para bang hindi talaga ako nakita.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top