Aurora 15

Nasa backseat ako habang pinagdadrive ako ng driver ni Lolo papunta na kami sa Aurora para magtrabaho.

Sa totoo lang ayoko naman talaga magpahatid kay kuya kaso lang si Lolo na ang nagsabi sa'kin. Wala man na kong choice kundi sundin lang s'ya. Ganito pala yung pakiramdam pagilang araw ka ng 'di pumapasok sa trabaho. Mamimiss mo yung mga ginagawa mo.

"Miss Rina na'ndito na po tayo." Sabay tigil nung kotse

Lumingon ako kay kuya at isinagbit ko ang shoulder bag ko, "Sige kuya salamat po sa pagdadrive. Wag n'yo nalang po akong sunduin mamaya." Tapos binuksan ko yung pinto ng kotse at lumabas

Nasa harap na ko ngayon ng Aurora. Yung pakiramdam na miss mo talaga yung lugar na 'to. Mamiss mo yung mahirapan ka. Mamiss yung ma-short at magsobra yung pera ko sa kaha.

Naglakad na 'ko at natanaw kong may tao na sa loob ng Cafe kaya dumaretso na akong pumasok.

"Rina kamusta?" Si Sandy ang unang nakakita at bumati sa'kin.

Nginitian ko s'ya at mukhang ready na s'yang sumabak sa gyera maya-maya kasi naka-uniform at apron na s'ya.

Lumapit ako sa kanya.

"Si Calvin?" Tanong ko

Hindi lumilingon saakin si Sandy, "Ewan nasa staff room 'ata. Check mo don." Sagot n'ya

"Ahh." Sabi ko habang tumatango-tango

Nagtaka lang talaga kasi ako, kadalasang s'ya talaga yung unang babati sa'kin tapos parang na-miss ko lang yun.

Hindi ko nalang pinansin yun at naglakad na ako papunta sa locker ko. Habang palapit ako ay may tawanan akong naririnig at mukhang sa loob ng staff room yung ingay nanggagaling. Dinedma ko lang yung ingay at kaagad binuksan ang pinto.

"Rina." Tawag ni Calvin sa pangalan ko

Nakatayo lang ako sa pwesto ko ngayon at nakatulala lang ako sa kanilang dalawa.

"Angeli. " Bulong ko at mukhang hindi nila maririnig kasi sobrang hina lang ng pagkakasabi ko.

Medyo nagulat lang talaga ako though expected ko na na'ndito s'ya.

"Ngayon ka lang ba dumating?" Tanong ni Calvin sabay lapit saakin

Nakita ko silang nagtatawanan habang nagaayos ng design ng cake. Naiwan nalang si Angeli dahil lumapit na nga saakin si Calvin

"Oo medyo maaga ba ko?" Tanong ko pabalik kay Calvin pero yung mata ko nakatingin sa mukha ni Angeli

Busy lang si Angeli sa pagaayos ng cake.

"Hindi naman saktong-sakto ka lang."

Nagulat ako ng bigla akong i-tap ni Calvin sa balikat ko, "Magpalit ka na para makapagsimula na tayo." Sabay ngiti

Inalis ko yung kamay n'ya dahil noon pa man hindi na talaga ako komportableng ginagawa n'ya yon.

"Sige labas na ako." Pagpapaalam ni Calvin tapos lumabas na s'ya

Dumaretso na ako sa locker ko at iunlock ito tapos kinuha ko yung mga gagamitin ko at inilagay naman yung mga gamit ko. Lumingon lang ulit ako kay Angeli at abalang abala talaga s'ya sa ginagawa nya. Lumapit ako sa kanya habang inaayos ko yung uniform ko. Tinitingnan ko yung ginagawa n'ya.

"Tama ba?" Tanong ni Angeli sa'kin tapos lumingon s'ya at ngumiti saakin

Yung boses n'ya na pakalambing para talaga s'yang anghel para saakin.

Nginitian ko lang din s'ya at nagnod, "Welcome nga pala." Sabi ko

"Salamat." Matipid pero mararamdaman mo yung sincerity sa boses n'ya.

Umayos na s'ya ng tayo at magkaharapan na kaming dalawa, "Sorry nga pala." Paumanhin ni Angeli

Kumunot noo ko sa pagtataka sa sinabi n'ya, "Para saan?" Medyo tumawa ako pero 'di tipikal na tawa parang pagkagulat lang sa sinabi n'ya

"Sa iced coffee na inorder ko sayo nung nakaraan. Sorry talaga alam kong sayo ichacharge yun ---"

Bigla s'yang pumunta sa locker n'ya at may kinuha, "---- heto pala yung bayad ---" I cut her off

"Ayos lang naman yon Angeli. Sayo na 'yan." Pagtanggi ko sa perang inaabot n'ya

"Sige na tanggapin mo na. Alam kong nagkaproblema ka non." Pagpipilit ni Angeli

"Pero si ---"

"Magbubukas na tayo!" Sigaw ni Calvin mula sa labas ng staff room

Naputol ang sasabihin ko.

"May sinasabi ka ba?" Tanong ni Angeli

"Wala." Sabay lumabas na ako ng staff room

Iniwan ko nalang s'ya kahit alam kong mali. Kailangan na kasi namin magtrabaho at saka alam ko sa sarili kong hindi ko dapat tanggapin yung pera lalo't nabayaran man na yon.

Dumaretso na kaagad ako sa pwesto ko tapos chineck ko yung laman ng kaha. Kumpleto naman yung coins at may mga perang papel na rin.

"Rina pwedeng maging server ka muna?" Tanong ni Calvin saakin

"Bakit?"

"Pinagaaral ko si Angeli magcashier para pagwala ka s'ya yung tatao d'yan."

"Ahh. Sige." Tugon ko

Umalis ako sa pwesto ko at lumapit ako kay Sandy na abala sa pagaayos ng mesa at upuan tapos si Calvin binukasan na yung Cafe. Mga ilang saglit pa ay may ilan ng pumasok sa Aurora.

"Mabilis lang matuto si Angeli. Ang galing n'ya no?" Mahinang sabi ni Sandy saakin

"Oo nga e." Medyo mahina rin ang tono ko

Masaya naman ako na may bagong tao at si Angeli pa. Maganda, masipag, mabait, lahat na nasa kanya. Ayokong makaramdam ng inggit pero parang hindi ko yun magagawa.

Nakatayo lang ako habang tinitingnan yung ginagawa ni Angeli. Masaya s'yang kumukuha ng orders ng customer hanggang sa dumagsa na yung mga customer at halos puro lalaki.

"Tara na Rina at kailangan na nating magserve." Pagyaya saakin ni Sandy

Sumama ako sa kanya at kinuha namin ang tray namin at kinuha yung mga order na ginagawa ngayon ni Calvin.

"Table ano 'to?" Tanong ko kay Calvin

"Table five." Sagot naman n'ya

Agad naman akong pumunta sa table na yun at sinerve sa kanya ang order n'ya, "Happy to serve you po." Sabi ko don sa lalaki

Akmang aalis na ako ng bigla n'ya akong sinitsitan kaya napalingon nalang ako kahit alam kong ang bastos nung way n'ya pero wala akong magagawa customer s'ya kaya't pinagpasensyahan ko nalang s'ya. Lumingon ako pabalik sa kanya, "Yes po sir?"

"Alam mo bang pangalan nung babaeng cashier n'yo?"

Lumingon ako kay Angeli at nakita kong abala pa rin s'ya sa pagkuha ng order.

"Sorry po pero kung gusto n'yo pong malaman yung pangalan n'ya ay s'ya po yung tanungin n'yo."

Natawa s'ya. Isang nakakalokong tawa, "Sige na po, alis na ako."

Actually natatakot na ako sa tawa n'ya kaya pinilit kong umalis kaagad sa pwesto ko pero hahakbang na sana ako ng hawakan n'ya ako sa braso ko.

"Angas mo ah?" Kita sa mukha n'ya ang galit

Ramdam ko yung kaba ko, yung paghinga ko ay biglang lumalim.

"Sir aalis na po ako." Pagiinsist ko

Sobrang higpit na ng pagkakapit n'ya saakin at tipong nagpupumiglas na ako sa kapit n'ya.

"Maangas ka di ba?!"

"Sir kalma po."

"Nagtatanong lang ako 'diba? Kung ayaw mo yung pangalan n'ya edi yung sayo nalang."

"Ayoko sir!" Tumataas na ang tono ng boses ko

"Anong panga ---"

Pinilit kong kumalma kaso sobra na yung kapit n'ya na halos magkakasugat na ang braso ko kaya ang tanging kong naging solusyon ay yung kape n'ya na umuusok pa. Kinuha ko yung kape sa table saka binuhos sa dibdib n'ya. Binitiwan na n'ya ako at nagsisigaw s'ya dahil sa ginawa ko sa kanya. Hinabol ko yung hininga ko dahil sa sobrang kaba sa nangyari pero hindi pa rin s'ya nagpatinag sa kapeng ibinuhos ko sa kanya. Nagngangalit s'yang humarap sa saakin at saka ako akmang hahawakan pero nagulat ako at ang lahat sa bigla n'yang pagbulagta sa sahig.

"Rina!" Sigaw ni Sandy sabay naramdaman ko yung pagyapos n'ya saakin

Lumingon ako sa nagcause ng pagkahimatay n'ya. May sumuntok ng solid sa mukha n'ya.

"Salamat. " Sabi ko kay Yuel

Inayos n'ya yung long-sleeve polo n'ya dahil nagulo siguro dahil sa pagkakasuntok n'ya sa lalaki. "Nasaktan ka ba Rina?" Tanong n'ya

"Hindi naman."

Nagtitiginan yung mga tao sa paligid hanggang sa dumating na si Calvin. Lumapit muna s'ya saakin, "Nasaktan ka ba? Anong ginawa n'ya sayo?" Nagaalalang tanong naman ni Calvin

Shock pa rin ako sa nangyari sa'kin. Sa sobrang tagal ko ng nagtatrabaho ay ngayon ko lang naranasan itong ganito. Iba pala talaga pagikaw yung nasa sitwasyon. Nakakatakot at nakakakaba.

Lumakad kami ni Sandy at pinaupo n'ya muna ako sa upuan tapos si Calvin tumawag na yata ng pulis. Nakita ko namang naguusap si Yuel at Angeli sa kabilang banda.

"Uminom ka muna ng tubig." Tapos binigyan ako ni Sandy ng tubig na nasa baso. Lumangok ako para maibsan yung kaba ko.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala.

Nakita kong pansamantalang isinara at pinalabas muna ni Calvin yung mga customers.

Tumayo ako at lumapit ako kay Calvin, "Ayos lang ako hindi mo kailangang isara yung buong Cafe." Sabi ko kay Calvin

Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi. Ayos lang na magsara muna tayo. Inaalala kita."

"Ayos nga lang ako. Wag mo kong intindihin. Ang mahalaga dito ay yung customer, yung kita at itong negosyo mo. Kailangan mong ituloy ang pagbubukas."

Napatungo s'ya at hinawakan ko sya sa balikat, "Wag kang magalala please." Sabi ko

Hindi na s'ya saakin humarap at naglakad nalang palayo. Hindi n'ya ako bingyan ng kahit anong sagot.

Sinundan ko s'ya ng tingin at dumaretso lang s'ya sa office n'ya.

Nalungkot ako bigla. Sobrang sama ng loob ko para sa nangyayari ngayon, alam ko ako ang may kasalanan at wala akong magawa para kay Calvin at para sa Aurora.

"Ayos lang 'yan Rina." Comfort ni Angeli na nasa tabi ko na ngayon katabi n'ya si Yuel

Wala na talaga akong masasabi kay Angeli, sobrang bait at nasa kanya na ang lahat.

"Hayaan mo nalang muna s'ya Rina." Dagdag pa ni Yuel

"Maupo ka muna dito." Inoffer ni Angeli yung upuan

Naupo naman ako at napaub-ob nalang dahil sa ayokong makita nilang umiiyak ako.

Alam ko na rin ang magiging bunga nitong ginawa ko. Alam kong pagnakarating ito kay Lolo hindi ko alam ang gagawin n'ya. Natatakot ako. Ayokong mawalay sa trabaho ko at lalo na sa mga kaibigan ko

Mga ilang saglit pa ay narinig kong tumunog yung chime sa may pinto. May pumasok

"Anong nangyari? Rina anong nangyari sayo?" Boses ng pamilyar na tao

Inangat ko yung ulo ko at tiningnan yung taong nagsalita, hindi ko na pinansin yung itsura ko kahit puno ako ng luha. Nagdatingan na rin yung ilang mga pulis at tinampot yung lalaki tapos yung isang pulis sinamahan ni Sandy papunta kay Calvin.

"Ayos ka lang ba?" Usisa ni Denver

Nakatayo silang dalawa ni Yuel tapos nakaupo si Angeli sa tabi ko.

"Oo ayos lang ako." Sagot ko

"Bakit ka na'ndito Denver?" Tanong ni Yuel

"Para kay Rina."

Sumilip ako kay Angeli na biglang nagiba ng direksyon ng mga mata, kanina nakatitig lang s'ya kay Denver e.

"Wag kang magalaala okay? Ayos na talaga ako." Paliwanag ko

Tumayo ako at pipigilan sana ako ni Denver kaso binigyan ko s'ya ng isang tap sa balikat para sabihing ayos lang talaga ako.

"Punta lang akong comfort room." Pagpapaalam ko sa kanila

Humakbang na ako at nagpunta sa c.r . Kaagad ko namang binuksan yung gripo at naglagay ng tubig sa palad at hinilamos ito sa mukha ko tapos tinignan ko yung repleksyon ko sa maliit na salamin sa harap ko. Nakatitig lang ako sa sarili ko habang nakaseryosong mukha.

Si Rina ka 'diba? Kaya dapat matatag ka. Wala lang sayo 'to. Ang dami dami ng binigay sayo ng problema diba? Heto pa ba? Wala lang 'to.

Pinunasan ko yung mukha ko gamit ang panyo para matuyo at saka ako naglakad palabas ng c.r kaso napatago ako ng makita yung tatlo na naguusap.

Bakit ba ako nagtatago? Para san?

"Bakit ka nagtatrabaho sa Cafe na 'to?" Tanong ni Denver habang seryoso ang itsura

"Gusto ko lang maexperience ang magtrabaho." Malumanay na sagot ni Angeli

Natawa ng nakakaloko si Denver, nakakatakot s'ya kapag ganito.

"Kailangan mo ba ako titigilan? Ano pa bang kailangan kung gawin Angeli para tigilan mo ko?"

"Wala Denver, wala kang kailangang gawin. Alam kong wala na akong space d'yan sa puso mo ngayon pero bakit 'di nalang tayo magsimula ulit?"

"Ulit? Second chance? No way!" Sabay suntok ni Denver sa mesa sa harap nila at halata ang pagkagulat ni Angeli sa ginawa ni Denver

"Tumigil ka Denver, you're being too much!" Sabat ni Yuel

Nakatayo lang si Yuel sa pagitan ng dalawa pero si Denver parang nawawala na sa kontrol n'ya.

"Ako? Too much? The hell I care bro!" Sabay tumayo si Denver at sobrang lapit ng mukha ni Denver kay Yuel.

Nagkakainitan na naman silang dalawa. Gusto ko ng lumabas kaso pinipigilan ko ang sarili ko, wala akong alam sa issues nila. Mahirap lang makialam.

"Alam mo Yuel kung gaano ako nasaktan dahil d'yan kay Angeli. Alam mo kung gaano ako sinira ni Angeli! Now tell me? Masisisi mo ba ako?!"

Galit na galit si Denver hanggang sa kwenelyuhan na n'ya si Yuel.

This time naisip ko ng lumabas at umawat. Nagstep forward ako pero muli akong tumigil.

"Tumigil ka na Denver! Please, kumalma ka na please ----" Tumayo sabay yapos kay Denver

Nakikiusap na si Angeli habang nakayap patalikod kay Denver pero hindi parin binibitawan ni Denver si Yuel

Natigilan ako hindi alam kung bakit. Gusto ko lang umawat sa kanila pero bakit pa nga ba? Nandyan naman si Angeli.

Napaatras nalang ako habang nakatalikod.

Nakikita ko yung sobrang pagmamahal ni Angeli kay Denver na halos umiyak na ito. Naaawa ako habang pinapanood lang sila.

"Please Denver, I love you."

That momment ay bumitaw na si Denver kay Yuel. Kitang kita ko ang pagkalma ni Denver sa sinabi ni Angeli. Hindi ko na kaya makuhang pakinggan at lalo ng panoorin pa sila kaya't naisipan ko nalang tumakbo at doon na ako dumaan sa fire exit ng Aurora dahil yun lang naman ang pwede kong labasan.

Tumakbo ako ng konti tapos nakakita ako ng isang bakanteng upuan. Naupo ako doon tinaas ko yung dalawa kong paa tapos niyapos ko ang hita ko, pinatong ko yung baba ko sa tuhod ko at tinitigan ko lang yung lupa.

Gusto ko muna mapagisa. Kailangan ko ito ngayon dahil sa daming nangyari ngayong araw na 'to. Yung tipong akala ko ayos na ako sa pangbabastos nung lalaki sakin kaso lang hindi pa pala dahil sa mga nakita ko. Hindi ko alam pero naapektuhan ako ng walang dahilan.

Nakaramdam ako na may umupo sa tabi ko. Hindi ko s'ya pinansin patuloy lang ako sa pagtitig sa lupa. Gusto ko lang damhin ang katahimikan dito.

Lumipas siguro ang ilang minuto ng pagkatulala ko at nagbalik naman kaagad ako sa senses ko. Lumingon ako sa taong tumabi saakin kanina. Hindi ko pa rin kasi s'ya nararamdamang umalis

"Tyler?" Nagulat kong tanong ng makita s'ya

Anong ginagawa n'ya dito? Sobrang nakakapagtaka lang.

Tiningnan lang n'ya ako ng hindi gumagalaw yung ulo n'ya. Yung tipo na mismong mata lang n'ya talaga tapos nagulat ako ng tumayo na s'ya,

"Alis na ako." Tapos dere-deretso na s'yang naglakad.





__

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top