Aurora 14
"Buti pinayagan talaga ako ni Sir Calvin magleave. Jusko kung alam mo lang yung pagod namin ngayon sa Cafe, ilang araw ka ng hindi pumapasok tapos wala ka man lang pagpaparamdam sa'min kahit text o tawag wala man lang, nakakatampo lang talaga." Reklamo sa'kin ni Sandy
"Sorry na talaga. Di ko naman gustong iwan na lang kayo basta don sadyamg medyo busy lang ako at alam nyo naman pagsinabi ng Lolo ko, hindi talaga pwede. Sorry talaga." Paliwanag ko
Naglalakad kami sa campus ng university namin kailangan naming magbayad ng tuition fee. Oo pwede namang online pero nagkaproblema sa system ng university kaya kailangan personal na kaming pumunta dito. Sabay kaming magbabayad ng tuition fee para sa ikatlong semister namin, malapit na, makakagraduate na ako.
"Buti may bagong nagapply at alam mo ba, hindi na naghesitate si Sir Calvin na tanggapin." Para s'yang naging tsimosa sa pagsasalita n'ya ngayon
"Talaga? Mabuti naman, kailangang kailan na talaga natin ng bagong tauhan." Sagot ko
"Pero alam mo ba 'di s'ya bagay sa Aurora."
"Bakit naman? Grabe ka naman sa kanya."
"Kasi naman, sobrang ganda n'ya tipong pwede na s'yang magartista mukhang korean, jusko ang kinis, minsan nga na tanong ko s'ya kung anong skincare n'ya pero ang damot n'ya wala raw, 'kala naman n'ya gagamitin ko." Natatawa ako habang nagkukwenta si Sandy kasi feel na feel n'ya yung pagiging tsimosa n'ya
Lakad lang kami ng lakad kasi medyo malayo pa kami.
"Mabait naman siguro."
"Anong mabait? Parang may balak s'yang akitin si Sir Calvin."
"Oa-yan mo pa magkwento. Puro ka naman yata tsimis, masama yan."
Feel ko hindi totoo yung mga sinasabi nitong si Sandy, minsan kasi may insecurities 'to pagganito to, natatawa nalang talaga ako sa kanya.
Di namin na malayan nakalagpas na pala kami ng konti sa Admin, sa window ng accounting office. Ang daldal kasi nitong si Sandy. May mahabang pila bago ka makapagbayad ng tuition mo, kaya wala kaming nagawa ni Sandy kundi magantay sa dulo ng pila. Umuna nako kay Sandy at nasa likod ko na s'ya.
"Hayaan mo bukas makakapasok na ako." Pagmamalaki ko pa kay Sandy
Naalala ko nga pala na bilangin yung pera na binigay sa'kin ni Lolo kanina kaya naisipan kong kunin yung pera sa shoulder bag ko, nagmamadali na kasi ako kanina kaya basta ko nalang nilagay sa bag yung pera.
"Rina may nalalag sa bag mo." Sabi ni Sandy saakin
Napalingon muna ako sa kanya tapos saka ako tumingin sa babang direksyon.
Naku yung chocolate nalalag pala. Heto pa yung bigay nung nakahoodie na jacket sa'kin, di ko alam pero hindi ko pa rin s'ya kinakain.
Yumuko ako at akmang aabutin ko na sana gamit ang kamay ko yung chocolate kaso may biglang umupo at unang kumuha sa chocolate ko. Napalingon ako sa kanya kaso nakayuko s'ya
"Aki -----" naputol ang sasabibin ko ng bigla s'yang lumingon pataas sa'kin
Ang lapit ng mukha n'ya saakin. As in sobrang lapit, to the point na yung buhok n'ya ay natatamaan na ng hangin na lumalabas mula sa ilong ko. Tinitingnan lang namin ang isa't isa, mata sa mata. Kulay light brown yung mata n'ya, makapal yung pilik mata at mapula at manipis ang mga labi.
Kaagad naman akong tumayo ng tuwid at kaagad din naman s'yang tumayo at medyo matangkad s'ya.
Bakit ko pa ba kailangang idescribe pa s'ya e.. kilala ko na itong lalaki na to. Namumukhaan ko na s'ya.
"Tyler! Tyler!" Sigaw ng mga babae na malapit sa'min
Sa gulat ko ay sa kanila na punta yung atensyon ko. Tapos may ilang nagdagsaang mga tao.
Naramdaman kong napakapit sa braso ko si Sandy.
"Sayo 'to di ba?" Tanong nung lalaki
Tumango ako sa kanya at akmang kukunin ko na sana yung chocolate kaso bigla n'yang binuksan.
"Teka sa'kin yan e." Pagpupugil ko sa kanya
Wala akong nagawa kundi ang panoorin s'yang kainin ng buo yung chocolate ko tapos ngumiti s'ya ng one sided sa'kin, " Salamat." Sabi n'ya bago s'ya umalis
Naiwan akong nakatayo lang dito habang pinagmamasdan s'yang palayo. May ilang babaeng na sumusunod sa kanya kaso hindi n'ya pinapansin. Hanggang nawala nalang s'ya sa paningin ko.
"Ang pogi n'ya no?" Bumasag sa pagkatulala ko. Biglang nagsalita si Sandy
Napabuntong hininga ako, "Asa naman. Napaka n'ya ang dami na n'ya saaking atraso."
"Atleast 'di ba ang pogi n'ya." Paulit ulit na papuri ni Sandy don sa lalaking yun
Nakakainis yung una sa entrance ng event tapos yung kausap ko si Yuel tapos hanggang ngayon sa university na'ndito s'ya.
"Tyler pala pangalan n'ya. Parang pamilyar talaga s'ya saakin." Mahinang tono ni Sandy habang nagiisip
"Kahit sino pa man s'ya wala naman s'yang karapatan."
"Hayaan mo na Rina. Ibibili nalang kita bago tayo umuwi."
"Naiinis lang talaga ako."
"Ano bang meron sa chocolate na yun. Special ba sayo yun?" Usisa n'ya
Huminga ako ng malalim para malabas ko yung bad vibes ko dahil sa Tyler na yon.
Kesa ma-stress ako don sa lalaking yon ay binaling ko nalang yung atensyon ko sa pagpila at makalipas ng kalahating oras ay kami na ni Sandy. Nagbayad kami at ayos na ang lahat.
Naglalakad na kami ni Sandy at nakalabas na kami ng university.
"Gutom na talaga ako Rina kain muna tayo."
"Sige kaso hindi naman ako nagugutom pero sasamahan pa rin kita."
Sabay kaming naglakad at pumasok sa seven-eleven. Nagderetso na kaagad si Sandy sa bilihan ng pagkain ako naman naupo muna dito sa may maliit na mesa sa tabi ng cashier.
Kinuha ko yung cellphone sa shoulder bag ko. Bagong bago ito, kabibigay lang saakin ni Ellise. Ang bait nga n'ya talaga at hindi talaga ako nagkamali sa tingin ko sa kanya.
Nagbukas ako ng IG para tingnan yung account ng Netflix kung may bago silang series na pwedeng subaybayan.
Habang abala ako sa pagcecellphone ay may bigla akong naramdaman. May nagpatong ng bagay sa mesa. Hindi ko nalang pinansin kasi si Sandy lang naman yun. Nagpatuloy lang ako sa pagkalikot sa phone ko.
"Rina sayo ba 'to? Akala ko hindi ka gutom?" Tanong ni Sandy
Tiningnan ko s'ya ng hindi ginagalaw ang ulo ko at tanging mga mata lang ang ginamit ko.
"Huh?" Sabay kunot noo ako
May tinuro s'ya sa mesa at nung tiningnan ko ay nagulat ako. May tatlong chocolate. Ang ikinagulat ko pa ay parehas s'ya nung brand nung chocolate nung bigay sa'kin nung hoodie guy
"Sayo 'yan 'di ba?" Tanong ko na may pagtataka
"Hindi ah." Tanggi ni Sandy
"Akala ko ikaw nagpatong n'yan d'yan sa mesa ----"
Kita ko sa mukha ni Sandy ang pagtataka kaya masasabi kong hindi talaga s'ya, " ---- baka may iba lang siguro na nagpatong tapos nakalimutan."
"Siguro nga. Kukunin ko nalang." Sabi pa ni Sandy
Kaagad kong kinuha yung chocolate bago pa man n'ya makuha, "Ako na dito." Sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi
Tumayo na ako at nagpunta na kami sa cashier at pinapatch ang binili ni Sandy at ang yung mga chocolate ko.
Pagkalabas namin ay naghiwalay na kami ng landas ni Sandy kasi iba na ang uuwian ko. Medyo may konting lungkot habang pinapanood ko si Sandy na palayo pero bukas makakapasok naman ako sa Aurora e.
Tinext ko yung driver na sunduin ako dito sa seven-eleven para makauwi na ako. Habang inaantay ko yung kotse ay may biglang nagtext saakin, si Calvin.
'Ingat ka Rina sa paguwi, miss na kita'
___
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top