Twentieth Game : The Revelations

Third person's Point of View


xxxxxxx

ILI  ILI

"Ang baho..tsk !" Inda nang salarin at dahan dahang nilisan ang kwarto.nag palinga linga, natatakot na mahuli. dahil pag sya ay nahuli, masisira ang lahat ng pinlano nya. habang nag lalakad ay pinupunasan nya ang ibang bahagi ng katawan na nalagyan ng dugo.

hindi nandidiri...

sa kanyang pagbalik sa kanyang tinutuluyan may nakita syang naguusap sa bandang corridor ng Lumang Library.

napabuntong hininga ito, nilisan nya ang lugar at nagtungo na lamang sa isang madilim na silid. gusto man nyang patayin ang dalawang Estudyanteng nakita nya, pero pagod na sya. At sa ka isa pa, masyado nang umaalingaw ngaw ang Identity nya. Na may Killer sa Buong Academy.

Ito ang tangi nyang gusto... ang Mapatay ang lahat nang nandito. Lalo na ang grupo nila Joya. Matagal nya itong pinlano, at hindi nya hahayaan na mabulalyaso ang kanyang mga pinaghirapan.




Joya's Point of View

"Yung Jess na yun talaga !!" Inis na sigaw ni Kris at pabagsak na umupo sa kanyang pwesto.

"Uy, Salamat talaga pare ah, at saka sayo Eunice" Nakangiting sambit ni Adrian at kinamayan ang dalawang tumulong samin kanina.

Umalis na si Kuya Max na walang kibo sa amin. Isa pa sya, parehas lang sila ni Jess na demonyo.Sya ang dahilan kung bakit kami nandito, kung bakit dinaranas namin ang mga ito.

nakakaiyak lang isipin na yung tinuring nyong kuya sa grupo nyo ay ang syang dahilan nang pagluluksa at paghihirap nyo. 

"Wala yun, dito muna kami sa inyo ah." sambit ni Eunice at agad akong tinabihan.

"Joya, Wala parin si Leo ?" Tanong nya

"Wala parin nga e, wala kabang balita sa kanya ?" Kinakabahan na kasi ako e.  dahil sa depression baka kung ano gawin nun. 

"Uy Guys ! Si Leo oh !!" Agad kaming napa lingon nang sumigaw si Kris. Sinilip namin si  Leo na naglalakad. naka yuko at patungo sa Garden.

"Tara !" Tumayo kaming lahat at agad na tinungo si Leo

tinakbo namin ito.

"Leo !" Sigaw namin na agad nya namang ikinalingon. Halata sa mukha nya ang depresyon, bagsak ang balikat nya.

nginitian kami nito na nagduot ng kirot sa puso ko. Behind that smile is his Agony. 

"Par.." nilapitan ni Alexus si Leo pero bagonyapaito malapitan ay naglakad na si Leo palayo. naiwan kaming tulala. 

"Tara na Guys...." sambit ko at nauna pabalik sa Canteen. He needs space, kailangan nyang makapagisip.

-*-

nagtungo kami sa Dorm namin ni Kris at napagpasyahang magpahinga. Kanya kaanya kaming ginagawa.

Si Eunice at Alexus ay nag lalandian lamang sa isang gilid. Si Kris at Adrian ay seryosong nag lalaro ng Monopoly.

At ako ? Eto nag iisip lamang. kung ano na ang posibleng mangyari samin. kung makakalabas paba kami dito, O kung mamamatay na kami ?

Dalawa nlaang ang pagpipilian namin. Lumaban o mamatay ?

Kung sino man ang Killer. Panigurado akong may malaki syang hinanakit sa Skwelahan na ito maging sa amin. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko rin alam kung sino man ito. Kung ilan silang killer ? O baka isa lang sya ?

Nakaka praning nang utak. Baka mamaya isa sa mga nakakasalubong ko pala ay ang killer. Mag ingat man kami, kung hindi naman namin kilala ang may pakana nang mga ito, delikado parin. nakakakaba.

Kailangan namin magpakatatag. Para saamin. 

"Eunice, Alexus !" Napa tigil ako sa pag iisip nang tawagin ni Kris ang dalawa. Nilingon naman kaagad nila si Kris.

"Tell us more about this Academy" sambit ni Kris. Napaupo agad ako ng maayos.

Gumawa kami ng isang bilog nang naka Indian seat.

"Spill it." Sambit ni Kris.

"Actually, nandito na talaga ako Simula nang ipanganak palamang ako ng nanay ko. Si Ms. Valderama ? Mother ko sya. Itong school...? Every time na may pupunta dito na mga investigators, kinukulong nila kaming lahat" sambit ni Alexus.

"Ako naman, napadpad kami ni Tatay dito habang nangangaso noong 5 years old ako. Sa school na ito...? Wait ! Kilala nyo si Ate Camille ?" This is it.

"Anong meron sa kanya ?" Agad naming tanong. Matagal na kaming curious tungkol sa kanya.

"Camille.... A girl, ika nga doon sa masquerade ball. Legendary Name diba ? Actually nandito na sila nung dumating kami ni Tatay. Naalala ko, nung nag start ang The Knife, nagtago kaming mga bata sa isang silid, doon ko nakilala si Leo at Lexus. Don din namatay si Tatay..." Mangiyak ngiyak na sambit ni Eunice.

"Seven silang pumasok noon. Si Ate Camille, Kuya Jeremy, Ate Trisha, Kuya Miggs, Ate Rachel, Kuya Josh at si Ate Merrilaine. Dalawa sa kanila ang taksil. Gaya ngayon nagkaroon din noon ng killers, takot ang lahat" napakunot ang noo ko.

"May killers din ?" Tanong ko na ikinatango nila.

"Sino ?"

"Si Kuya Miggs at Ate Merrilaine. Pinlano nilang patayin sila Ate Camille. Kaso nabigo sila dahil matalino sila. Sila Ma'am Veronica ay nilisan ang Academy dahil sa killers. Kaya naiwan kami dito, gaya noong The Knife, nagtatago lamang ulit kami."

"Buhay pa kaya yang Camille nayan ?" Tanong ni Adrian.

Hindi kaya...? Si Mama ? At Papa ?

"Eunice, ilang taon kana ?" Tanong ko na ikinatigil nya.

"20 na, kasing edad ko 'to, pati si Leo. Bat mo naman na tanong"

"It makes sense now, everything."

Nakita Kong napakunot ang noo nilang apat sa akin.

"Anong It makes sense ?"

"Lahat.. Kung bakit ako pinayagan ni Mama, yung palabas !"

"Anong palabas ?" Tanong ni Kris.

"Nung pagdating natin dito, may kumausap saaking matandang Lalake. Buhay daw si Mama, diba may report na patay na sila ? Hindi totoo yun. Umaasa parin ako sa matandang yun na buhay nga sila mama"

Nanlaki naman ang mga mata ni Kris at Adrian sa narinig.

"So, buhay si Tita Manely ?"

"Wait what..?! Manely ? Are you pertaining to Ate Camille ?"

"Oo,Si Mama, walang iba kundi si Camille na tinutukoy nyo. Sya ang babaeng sinasabi nyong Legendary. Kaya pala, ngayon nagiging maliwanag na ang lahat. Si Belle, si Tito Joseph. At sabi pa ni Mama na Malapit dito ang bahay nila noon kaya pinayagan talaga nya talaga ako Pero kung may koneksyon nga talaga sya dito...bakit nya tayo hinayaang mapunta dito ?" Kunot noong tanong ko.

"Matalino si Ate Camille, alam Kong may plano sya." Sabat naman ni Alexus.

"Kilala nyo si Belle Alcantara ? Magulo pero, she's my Sister. 1 year ang pagitan namin at si Kuya Sherwin nama—!"

"Omygod ! Si  kuya Sherwin ? Nasan na sya ?" Napakunot ang noo ko.

"Napunta rin ba dito si Kuya ?" Curious na tanong ko.

"Yes, He was 9 years old back then. Tapos, kasabay syang nakalabas kasama sina Ate Camille at Si Leo, kaso sa kasamaang palad, may kumuha Kay Leo at ibinalik dito. Si Sherwin... At si Queen Belle ? Paanong—?"

"Kapatid ko talaga sya. Well, si Kuya Sherwin ay adopted lamang. Pero si Belle ! Kapatid ko sya !"

"Teka lang, naguguluhan na kame." Sambit ni Kris na gulong gulo na.

"In short, Si Mama ay si Camille. At si Queen Belle ay ang Ate ko" Sambit ko.

"So, limang taon pala ang tanda sayo ni Leo ? Ay actually 6 years pala. Omg !" Binonyatan ko si Kris na tawa tawa.

"May Gusto ka Kay Leo ?!" Tanong ni Alexus na animo'y gulat na gulat.

"Guys, masyado nang Pagod ang mga utak natin. Magpahinga muna tayo." Tumayo si Adrian at dirediretsong nilisan ang kwarto.

Anyare dun ?

Grabe ang sakit na nang ulo ko.

"OK,magpapahinga na muna kame. Magkita kita nalang tayo sa Cafeteria mamaya." Sambit ni Eunice at kasabay nilang Nilisan ni Alexus ang kwarto namin.

Nagstay si Kris bilang sya naman ang roommate ko.

"Si Adrian..... Hmmm ?" Kinunotan ko sya ng noo.

"Ano nanaman ?"

"Wala lang."










To be continued.....

Late night's Update !!!

Medyo nagulo ang isipan ko. Hahaha. I hope kaya nyong I handle ang mga nagbabagang Rebelasyon.

-Byronskiee



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top