Thirty Fourth Game : Halloween Game Part 2

Author's note : I am Happy to say that Rome Academy has been extended !! Mas mapapa tagal pa ang buhay ng ating mga bida. Hoorayyy !! 

~*~

JOYA'S POV

Nagpalinga linga ako sa kabuuan ng Computer laboratory, maayos at mukhang ginagamit ito ng mga estudyante dito sa St. Hildegard.

Pakshet ! nasaan naba ang susing tinutukoy nila ?

Napatingin ako sa isang malaking salamin sa dulo ng computer lab, napakunot ang noo ko nang makita ang nakabukas na computer mula sa repleksyon ng salamin.

Naglakad ako patungo doon sa computer na iyon, bale sa pangatlong row ito.

Nilapitan ko ang naka bukas na computer at umupo ako.

Nagulat ako nang makitang naka bukas ang Facebook account ng head admin dito.

Si Headmaster Nix ? Wow mya Fb pala sya.

Gagalawin ko sana ang mouse ngunit ayaw gumalaw, naka freeze ata ang computer. Server lang ang makaka kontrol nito.

Napansin ko ang chat sa gilid ng Monitor. It's from Erin 


From Erin :

Hi Master! The task you have given us is already done. Hoping to see you soon !


yun lamang ang nabasa ko, I think na invade ko ang privacy ng Headmaster ng school

Wala naman pala akong mapapala dito.

Tatayo na sana ako nang biglang nag black out ang Monitor, nagulat ako nang magbukas itong muli. Bigla nalang may nag play na video.

Isang babae, ginagahasa...

Hindi ko ito kayang panoorin, ngunit may tunog parin na lumalabas sa di ko alam na speaker. 

Tinakpan ko ang tenga ko, shit ! 

"Nandun sya !! nandun sya sa Cabinet !" Narinig ko nanaman ang boses na iyon, yung boses na paos na paos at pilit na nanlalaban, totoo ba ito ? or part parin ng game ? 

Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa nawala ang tunog. 

Inalis ko na ang kamay ko sa tenga ko at idinilat ang mga mata ko, naka stop na ang Video. Ngunit may naka post na note sa kabuuan ng Monitor.

"Fan to the CEILING, KEY to the sky, the ESCAPE is mile high, how I love them ! How I love them ! I have the KEY at the top of the CEILING and it made me ESCAPE the cruelty of the world."

-Summer

yun ang nakasulat. Binasa ko itong muli, may mga words na bold at naka all caps pa.

Ang words na Ceiling, key at escape.

I think I have already decipher the meaning of this riddle, ang dali lang pala. 

Kumuha ako ng upuan at tumuntong doon, ang ganda sana ng Computer lab pero wala na akong magagawa pa. 

Kinalampag ko ang kisame tutal abot ko nanaman ito, marupok narin naman ito kaya't unti unti ay nag kakaroon na ng crack. Pinagpatuloy ko lamang ang pagkakalampag at ilang sandali ay lumaki na ang crack.

Isang malakas na kalampag ang ginawa ko at nabutas na ito, maraming kahoy ang nag silaglagan kaya't iniwas ko ang mukha ko. 

Eto nanaman tayo, papanik nanaman sa kisame. 

umakyat ako at kinuhang muli ang phone ko, binuksan ang flashlight at nakita ang isang monoblock sa tapat ko.

May susi na nakapatong doon.

Kinuha ko ito at tumalon pababa.

Agad kong binuksan ang pinto at laking pasasalamat nang makalabas ako kaagad mula sa Computer Laboratory.

Nagulat ako nang mag ring ang bell, yun naba ang hudyat na tapos na ang laro ? at nanalo ako ?

Napatalon nalang ako dahil sa saya, eto pala ang feeling nung tipong hindi ka na game over at nakamit mo ang tagumpay. How I wish na parang laro lang ang buhay, ngunit hindi. Oo gaya ng laro may challenge din ang buhay pero ang kaibahan nga lang ay ang buhay ay marami ang Challenges. Di gaya sa laro na isa lamang ang objective, gaya kanina. The goal is to find where the key is. Nahanap ko ito at nakalabas ako, ngunit sa ating buhay ay iba.

Napabuntong hininga nalamang ako at pinunasan ang mga pawis ko, naglakad ako tungo sa hagdanan. Hindi pa ako nakakahakbang pababa bigla nalang akong sinalubong nila Kris.

"OMG Joya ! you made it !" Masayang sambit ni Kris at niyakap ako.

"Like O to the M to the G !! kung ako yun ? baka nahimatay na ako !" Humalakhak si Trixie na nasa likuran ni Kris.

"Ang galing mo Joya." Napatingin ako kay Adrian at nginitian ko sya. O-okay ? Joya na talaga ang tawag nya sakin.

"Congrats po !"

"Ang galing nya !"

May mga kasama rin sila Adrian nang umakyat sila dito, konti lang silang umakyat dito at siguro yung mga hindi interesado ay nagpaiwan sa baba.

"Baba na tayo, ang saya ng larooo !" Masayang sambit ni Kris, sila nga rin pala ay naglaro. Pero kumpara sakin, mas madali yung kanila I guess.

~*~

Nagsimula nang kumain ang iilan sa amin kaya kumuha narin kami ng mga pagkain sa catering. 

"Uy alam nyo, kanina habang nasa loob ako ng room na yun ? may pinlay akong cassette diba ? nakita nyo ba yun ?" Tanong ko sa kanila habang kumukuha ng pagkain at nilalagay sa pinggan ko.

"Hah ? hindi ah, nagsimula lang kaming manood sayo nung nandoon kana sa Computer Laboratory, siguro nung nandun ka sa Stock room ay nasa kani kanilang room pa kami nun." Sagot ni Kris.

"Why ba ?" Tanong ni Trixie habang kumukuha din ng pagkain, naglakad ako tungo sa next na pagkain at kumuhang muli.

"Para kasing masyadong makatotohan yung clue na iyon. Ayon doon sa cassette na narinig ko, mayroong babaeng sumisigaw sa sakit gaya nung nakita ko sa Computer lab." Sambit ko, napatigil sila at hinarap ako.

"N-nung nasa loob ka nga pala ng Com. Lab. biglang namatay ng sandali yung screen na pinapanooran namin nung saktong umupo ka sa PC na iyon, anong nakita mo ?" Tanong ni Kris na parang naguguluhan na.

"Y-yung babaeng sumisigaw, nakita kong nilalapastangan ang buong pagkatao nya." Sambit ko sa kanila na halatang ikingulat nilang tatlo. 

"Baka naman pakulo lang ng school yun diba ? halloween ngayon, maaaring parte lang yun ng laro." Sambit ni Adrian at humawak sa baba nya.

"Siguro nga... kasi yun din yung nagbigay sakin ng clue, nung una sa cabinet then yung poem naman." pagkasabi ko 'non ay nagpalakpakan ang mga estudyante, napalingon kami sa stage dahil sa ingay.

"Andyan na silaaaa !"

"Ang gagwapoooo !!!"

"ANG GANDA NI WINTERRRR !!"

yan ang mga narinig namin nang saktong tumapat ang spotlight sa mga taong nasa taas ng stage, marami sila at lahat ay naka costume gaya namin. Mukhang may intermission no. sila,nakatayo lamang kami sa kuhanan ng pagkain at pinanood sila.

Nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.


 I got this feeling inside my bones
It goes electric, wavy when I turn it on
All through my city, all through my home
We're flying up, no ceiling, when we're in our zone  


Nagpalakpakan ang lahat dahil nagsimula na silang sumayaw, swabe lang ang sayaw ng mga lalake at pabebe naman muna ang sayaw ng mga babae.

Mayroong nag iisang babae na nasa gitna na ang suspetsya ko ay yung winter, kanina pa nila sinisigaw iyon. 

Teka ?! may Summer na diba ? may Winter pa ? jusko baka nandyan na si Spring at Fall. Korny


 I got that sunshine in my pocket
Got that good soul in my feet
I feel that hot blood in my body when it drops, ooh
I can't take my eyes up off it, moving so phenomenally
Room on lock the way we rock it, so don't stop

Mas nagiging maganda ang sayaw nila at ang graceful nilang sumayaw lalo na nung babaeng nagngangalang Winter. 

Sabay sabay na pumalakpak kaya't sumabay na kami, sumigaw pa ang ilan at naki sayaw narin.


 And under the lights when everything goes
Nowhere to hide when I'm getting you close
When we move, well, you already know
So just imagine, just imagine, just imagine


Ang iba ay naki kanta maging kame, aaminin ko, magaling nga silang lahat. Hindi namin namalayan na napunta na kami sa dance floor dahil sa saya. Ang mga pagkaing dala namin ay iniwan namin sa aming lamesa. Masayang tumungo kami sa dance floor at naki sabay sa sayaw.

"Ang sayaaaa !!!" sigaw ng lahat.

I never knew I would be this happy again...

Napangiti ako habang sumasayaw parin, unti unting nag slow mo ang paligid. Umikot ako at napasadahan ng tingin ang mga ngiti ng mga kaibigan ko.

Si Trixie...yung akala namin ay maldita, kaibigan na namin ngayon. Dahil sa larong sinimulan nila ay napag buklod kami ng isang 'to. Masaya syang kaibigan, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling may masamang mangyari sa babaeng 'to. Nagsimula man kami sa pag aaway, hindi ko hahayaang mapahamak sya, lalo na sa kamay ng mga kaaway. Ipagtatanggol namin ang aming mga sarili.

Si Kris... ang natitira kong bestfriend, tatlo kami noon. Isabelle, wala e, iniwan mo na kami. Akala ko panaman ay hanggang wakas at gumraduate at makapag trabaho tayo ay magkakasama parin tayo. Nakita ko ang ngiti ni Kris, wala ng bahid ng lungkot at takot. Hinding hindi kita iiwan, kung sakaling may mangyari mang masama, lagi mo sanang tatandaan na handa akong isakripisyo ang buhay ko para sayo. Hindi mo ko iniwan nung mga panahon na nadoroon pa tayo sa loob ng Rome Academy. Isa kang mabait na kaibigan, you understand me very well. Alam mo kung kailan ako malungkot o masaya. You even noticed na in love na ako kay Leo, walang tatalo sa pagsasamahan natin. Nating last four standing ika nga ni Trixie.

Slow mo parin ang paligid ko at napasadahan ko naman ng tingin si Adrian na nagsasaya din. 

Adrian... yung lagi akong inaasar, lalo na nung byahe papunta sa Rome Academy. Hindi man namin sya nakasama ng mas matagal pa, alam kong mabuti na sya noon pa man. At napatunayan ko iyon sa sarili ko nang mas nakasama ko pa sya. Hindi nya ako pinabayaan, nakakagulat lang nang malaman kong may gusto pala sya sakin. At handa nyang isakripisyo ang buhay nya sa akin. Salamat Adrian, hindi ko rin hahayaang may mangyaring masama sayo. 

Nakita ko rin ang dalawang lalaking hindi maikaka ilang sumasayaw narin. Si Aldrich at Green....

Napangiti ako at naramdamang may tumulong luha mula sa mga mata ko.

Natigil ang sounds kaya't napatahimik ang lahat.

Lumabas muli si Summer na nakangiti sa stage. "What a wonderful performance from Bratties and Gwapitos groups ! super galing talaga nila noh ?" Natawa si Summer nang magsigawan ang buong estudyante sa loob ng Gym. 

"WINTER WINTER !!"

"JAZZ JAZZ !!" 

Magkabilang panig ang sinisigaw nila, yung Jazz ay sa tingin ko ay sa Gwapitos na group samantalang si Winter ay sa Bratties.

Mas lalong nagsigawan nang magharap ang dalawa, tila mag kakaroon ng dance showdown.

"Like O to the M to the G !!!! ang gwapo ni KOYA !!!!" Narindi ako sa tili ni Trixie at inilabas ang dala nyang phone na bigay ng Daddy ni Kris at kinuhanan ng picture ang dalawang tao na magkaharap sa stage.

Sigawan lang ng sigawan nang biglang magsimula ang kanta.


 I got this girl
She don't go to school
I got this girl
I got this girl
She don't go to school
I got this girl,She don't go to work  

naunang sumayaw yung Jazz at nilapitan ang kalaban nyang si Winter, halos mapatid ang litid ng mga estudyante sa sigaw.


 Because she twerk
Cuz she twerk
Cuz she twerk, twerk, twerk  

Humataw yung Winter at namangha ako dahil sa pag twerk nya, nagsigawan ang mga lalake maging ang katabi kong si Adrian. 

Ang galing nyang sumayaw....SHETTTT


 I got this girl
She don't go to school
I got this girl
She don't go to work
Because she twerk
She twerk
She twerk
She twerk  


sabay silang nag twerk pero ibang klase yung sa lalake, of course pang lalaking twerk. Ang astig nilang tignan.

"KISS ! KISS ! KISS !" Yun ang sinisigaw nila nang matapos ang kanta.

So kaya pala panay ang sigawan ? may relasyon pala ang dalawa. Walang forever ! 

Tinapatan sila ng Spotlight at laking gulat ng Winter nang sunggaban sya ng halik nung Jazz.

"Naks naman po pala si Mister Vice President may pa kiss pa !" Dumating si Summer na tawang tawa.

Bumaba na sa Stage ang dalawa at nabalik ang lahat sa pagkain, itinuloy namin ang pagkain namin.

Ang saya lang dito...

sana ganito na lang palagi, walang gulo, walang away... 

Pero sa sitwasyon namin ? wala na atang salitang kapayapaan. They already chose us to be the player of their games. Nakakalungkot isipin...

Nahuli man sila Eunice, alam kong may dahilan ito. At mas malaking posibilidad na mas maging mapanganib ang buhay namin.

"AAAAHHHHHHH !!!" 

Napalingon ang lahat dahil sa sigaw. Nanindig ang balahibo ko dahi sa sigaw na iyon. Otomatikong tumayo ang lahat ng estudyante maging ang buong school committee dahil sa sigaw na iyon.

"Ano yun ?" 

[TO BE CONTINUED...]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top