Thirtieth Game : Confession

JOYA'S POV

Wala ninuman sa amin ang nag react sa sinabi ni Headmaster Nix, humarap sya at bahagyang natawa.

"What's with the faces ladies ?" napaayos ako ng mukha at napa lunok nalang. Kinilabutan parin ako sa tanong nya.

"W..what do you mean po ?" Tanong ni Kris na nautal utal pa, gaya ko ay kinabahan din sya. 

"Bat parang kung ano ang narinig nyo ? here in St. Hildegard, every weeks may mga challenges sa bawat sections, then may prize syempre. And yung sa Physical Education nyo narin." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano e. Yun lang pala ang tinutukoy nya.

"Ahh.." napabulong si Trixie.

"I got my logbook na. Btw, where is the other one ? yung isa pang survivor sa massacre ?" Tanong nya samin.

"Pinasunod na po namin sya headmaster Nix, pero wala parin po ata sya." Sambit ko na ikinatango nya.

May ibinulong sya na hindi ko narinig kaya't napakunot ang noo ko. Tumalikod muli sya at may kinuha muli sa drawers. 

Humarap sya at may inilahad sa aming mga papel. "Fill up these forms, pati narin dun sa isa nyo pang kasama. Tanggap na kayo, we are very sorry for your lost that's why we offered the scholarships to show sympathy. Nabalitaan kasi namin ang nangyari. Unfortunately, hindi pa masyadong pinagtutuunan ng pansin ang kaso ninyo. This is how the government works. Mabagal." Tama ang sinabi ni Headmaster Nix. Ganito nga sa pilipinas, mabagal ang dating ng salitang hustisya. Marami nang nagbuwis ng buhay ngunit wala paring aksyon. Nakakagalit. Nakakainis.

"Tama po kayo Headmaster." Pagsangayon ni Kris.

"Because those people have connections, maaaring hinaharangan na nila ngayon ang batas. They want to be the law. Gusto nilang pamunuan ang sambayanan. Mga demonyo sila..." Napatingin kaming tatlo kay Trixie na nakayuko lamang habang nagsasalita, parang hindi sya ang Trixie-ng nakilala ko. Ngayon ay seryoso sya at napansin kong may tumulong luha sa kanyang mata. 

"Tama na ito, muli.. nakikiramay kami sa mga kaibigan nyong nawala." Sambit nito at tumayo na. "You may now go to the registrar's office and give them the papers I have given. Alam na nila yan." Tumango naman kami at tumayo narin, nagpasalamat muna kami kay Headmaster Nix bago lumabas ng Office.

Pag labas namin ay wala ng tao, maaaring nagsimula na ang summer semestral classes. 

"Alam nyo, kinilabutan ako sa tinanong satin ng matandang yun." Sambit ni Kris.

"Ako rin, Everything that happened came back." Sambit ko naman. naglalakad lang kami sa hallway habang naguusap.

"Guys, are you sure about this ? parang ayoko na." Nilingon namin si Trixie, kanina pa sya bilasa simula nung pagpasok namin doon sa Office ni Headmaster Nix.

"Sayang naman ang opportunity, at isa pa, para mapagpatuloy natin ang mga na miss natin. right ?" Sambit ko, huminto kami sa isang wooden two door na may nakasulat sa taas na 'REGISTRAR'S OFFICE' 

"Siguro nga.." Sambit nilang dalawa.

~*~

Matapos ang pag aapply ng Scholarship ay biglang nag text si Adrian.

From : ADRIANnersity

Ligaya ! meet me here sa coffee shop sa tapat ng school na yan. ayaw akong papasukin.

Agad ko namang hinarap sila Kris. "Nandun daw si Adrian sa coffee shop sa tapat ng school.

"Bwiset yang Adrian na yan ah, ang haba kaya ng finill up-an ko." Inis na sambit ni Trixie, mabuti naman ay nasa kalagayan na sya. Maarte at maloko.

"Tara na." Muli naming tinahak ang magagarbong daan palabas ng University, di gaya kanina, kaunti nalang ang mga nakaupos a benches. Kadalasan mga lalaki na sa tingin ko ay nag cucutting classes. 'Tong mga 'to, hindi nila alam kung gaano kahirap ang buhay, especially yung pinag daanan namin. Nagagawa pa nilang magbulakbol, if they should've been experience what we have experienced ? hindi nila yan magagawa.

Naabot na namin muli ang malaking gate ngunit wala na doon ang Guards, break time ata nila dahil mag 1:30pm na. Dinaanan nalang namin ang bukas na gate at lumabas na. Hinanap ng mga mata ko ang isang coffee shop.

'SERENITY BOOKOFFESHOP' 

yun ang nakasulat, the title says it all. Coffee shop ito na may mga libro sa loob, physical appearance palang ng shop ay pang school na talaga, bawat upuan ay arm chair at iba pang kagamitang pang eskwelahan. Nakakamangha ang ambiance saktong pagpasok namin.

At nakita na namin si Adrian na nakaupo na halatang frustrated sa bandang dulong table na may iniinom na kape.

"Hey Adriannooo !" Tawag ni Trixie, napalingon naman si Adrian kasabay ang ilan pang nagbabasa. Parang nagalit ang iba dahil sa ingay ni Trixie, Book shop nga rin pala 'to so bawal ang maingay.

Nag peace sign naman kaagad si Trixie at lumapit na kami sa table ni Adrian.

"Astig dito ah..." Sambit ni Kris at umupo narin. 

"Oo nga e, nakita ko lang 'to kanina dahil dun kay kuyang guard sabi nya dito daw muna ako mag hintay, di daw ako pwedeng pumasok without yung form na nasa inyo." Sambit ni Adrian at uminom ng kapeng in-order nya.

Umupo kami at tinawag ang waiter na kumukuha ng orders. Umorder na kaagad kami ng pare parehas nalang na Caramel Macchiato. 

"Tignan mo 'to Adrian, ito na yung forms natin." Binigay ko sa kanya ang hawak kong mga papeles na bigay doon sa registrar's office na pinuntahan namin pagkatapos sa Opisina ni Headmaster Nix.

"So next week na pala tayo papasok ? How about our uniforms ?" Nagtatakang tanong nya.

"Sabi nila naka civilian clothes daw tayo, hindi na kailangan ng Uniforms. Next week ay Halloween party so sa saktong pagpasok natin doon, unfortunately, naka Halloween costumes tayo." Napangiwi naman sya sa sinabi ko at napahagikgik.

"Like O to the M to the G ! Balak kong mag angel costume !!" Nag 'sheez' naman kaagad ang mga taong nagbabasa at nagpapaka busy sa loob nitong bookoffee shop. Napairap nalang sa kawalan si Trixie.

"Ako naman, parang gusto kong mag white lady." Nakangising sambit ni Kris.

"Ako may naisip na." Panimula ko. "Ghost Bride." Nakangisi ko ring sambit.

Namangha naman sila sa naisip ko. Tsk ! ako paba ? 

"How about you Adrian ?" Tanong ko, halatang nag iisip sya.

"Zombie." Napatawa kaming lahat ng mahina sa mga napag iisip naming costumes. Excited narin syempre, pero kahit ganun paman.. Kinakabahan parin kami sa maaring mangyari saamin.

~*~

Nagulat kaming Apat nang madatnan ang Bahay nila Kris na punong puno ng mga Medias, pag pasok palang namin sa gate ay panay na ang flash ng camera. Mabuti nalang ay may mga bodyguards ang Daddy ni Kris na agad hinarangan ang mga reporters.

Nagkakagulo sa buong garden nila Kris, mabuti nalang ay malaki ang bahay nila. Mabilis kaming nakapasok sa bahay nila kaya't napahinga na kami ng maluwag.

"Damn those freak reporters !" Inayos ni Trixie ang buhok nyang nagulo dahil sa kaguluhan kanina.

Sabay sabay kaming napatingin sa mala grandeng hagdanan nila Kris nang bumaba ang Isang lalake at dalawang babaeng naka formal attire.

Nanlaki ang mata ni Kris sa nakita.

"OMG ! ATE DENISE ! LORIE !" maging ako ay nagulat din sa nakita, si Ate denise at Lorie ay nandito na. Tumakbo na si Kris maging ako at yumakap sa kanilang dalawa.

"I didn't know you're here Ate." Sambit ni Kris na naluluha pa. 

"Baby girl, nandito na si Ate. Kamusta kayo ?" Kumalas kami sa Pagkakayakap at pinunasan ni Kris ang luha nya. "Balita ko kay Dad ay may ginawa kayong kalokohan ? mabuti't ligtas kayo." Sambit ni Ate Denise, ever since protective talaga sya kay Kris maging kay Lorie. Tinignan ko si Lorie, dalaga narin ang isang 'to. Nginitian ko sya at niyakap din. 

"Hi Ate Joya." Nakangiting sambit nya sa akin. Matagal silang nasa states kaya walang nakasama ng matagal si Kris. 

Matapos ang yakapan ay unti unti naring nawala ang mga reportes at media sa labas ng bahay. Gabi na kaya't lumabas ako para magpahangin.

Nakatingin lamang ako sa mga bitiun sa langit. 

Isa isa ko itong tinignan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. I promised myself not to cry anymore pero hindi ko mapigilan. Naalala ko dati ang mga sinabi sa akin ni Mama.

"Look at the stars. baby, if you're sad, just look. They'll ease the pain you are experiencing." naluha nanaman ako.

Naramdaman kong may lumabas sa pinto kaya't agad kong pinunasan ang luha ko.

"Ligaya, umiiyak kaba ?" nilingon ko si Adrian at nagkunwaring tumatawa.

"Ako ? hindi ah." Pag dedeny ko.

"Don't cry." Sambit nya at tinabihan ako. Tumingin lamang sya sa mga bituin gaya ng ginagawa ko kanina. Lumingon akong muli para tignan ang mga bituin.

"Do you miss them..?" Bigla nalang nagsalita si Adrian habang hindi nagaalis ng tingin sa mga bituin sa kalawakan.

"Of course..." Sambit ko. Tumulo muli ang luha ko, ang sakit sakit... Matagal na akong umiiyak tuwing gabi pero hindi ko parin maialis ang sakit sa puso ko.

"You know what ? Alam kong masaya sila kung nasaan man sila ngayon. Lahat ng mga nagsakripisyo ng buhay, masaya sila dahil nakaligtas ka. Mula sa simula alam kong maraming magbubuwis ng buhay para sayo cause you are special. Ang parents mo, sila Kuya Max, Jess, Isabelle, Melvin, at lahat pa ng mga namatay. Ang gusto nila ay mabuhay ka, kahit ako. Gusto kong makaligtas ka. Kaya dapat, wag mong sisihin ang sarili mo." Tinignan ako ni Adrian sa mga mata.

Nagulat ako nang hawakan nya ang pisngi ko at punasan ang mga luha ko gamit ang hinalalaki nya. 

"Kung ano man ang maaring mangyari, sasabihin ko na sayo ang nararamdaman ko. Ligaya, I want you to know my feelings for you. Matagal ko nang dapat sinabi 'to e, pero pinangunahan ako ng kaba. Nagselos ako Oo. Lalo na kay Leo at Melvin na alam kong gusto mo. Ako lang naman yun simula't sapul ay nang aasar sayo diba ? Ginagawa ko lamang iyon dahil ang sayang makitang naiinis ka. Pero ngayong nakikita kitang nasasaktan at umiiyak ? nanlalambot ako. Joya, I like you." Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung anong i-rereact ko sa sinabi ni Adrian.

He likes me ? 

"Ayos lang naman kung hindi mo ko magustuhan pabalik e, ang gusto ko lang ay mailabas ko na ito sayo. Knowing that may maaari pang masamang mangyari sa atin ? Kung sakaling mamatay man ako, at least nasabi ko na sayo 'to diba ?" Napatawa sya ng bahagya. "Ok lang kahit sabihin mong hindi moko gusto, napaghandaan ko na 'yon. Dahil alam ko sa sarili kong si Leo ang gusto mo. Nasaktan ako 'non nung sinundan mo sya nung nag walk out sya, parang feeling ko mas angat sya sakin kahit kakakilala nyo palang. Pero ang sabi ko sa sarili ko ? hindi ako dapat magpa apekto. Humingi ng favor sa akin si Leo na protektahan ka, at 'yon ang gagawin ko kahit na isakripisyo ko pa ang buhay ko para lang mabuhay ka. Dahil espesyal ka para sa akin." 

Hindi parin ako maka kilos, unti unting bumilis ang pintig ng puso ko. Napalunok ako, all this time may gusto pala sa akin si Adrian ? at ako ? naka tingin sa ibang tao.

"Adrian..." 'Yon lamang ang nasabi ko.

"Joya mahal na kita, pwede ba akong pumasok sa buhay mo ?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. "Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko..." Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sa akin. 

Naramdaman ko nalang ang mainit nyang mga labi na dumampi sa labi ko, nalunod ako sa mga halik nya, hindi ako gumanti ng halik dahil sa gulat ko. Hindi tama 'to. 

Ako na ang pumutol sa halik at umatras ng bahagya. Napatingin ako sa ibaba.

"I-i'm s..sorry." Yumuko lamang si Adrian. Tinignan ko sya.

"Adrian... Salamat sa lahat." Tinignan nya ako, punong puno ng pagmamahal ang mata nya. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero sana maghintay ka sa akin, alam mo naman na namatay si Leo." Humina ang pagsasalita ko. "At nasaktan ako dahil doon, minahal ko sya kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman nya para sa akin. Kaya Adrian, sana hintayin mo ako." 

Yun nalamang ang nasabi ko at pumasok na sa loob. Naiwan si Adrian sa labas at narinig ko ang ilang mga mura nya, marahil siguro 'yon sa pag halik nya sa akin. Sa pag akyat ko sa hagdan nila Kris, napahawak ako sa labi ko.

Aaminin ko, naapektuhan ako sa halik nya. Hindi ko alam pero napangiti ako. Hindi dahil sa halik kundi dahil sa mga sinabi ni Adrian, I didn't know that he loves me. 


[TO BE CONTINUED...]





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top