Seventeenth Game : Masquerade Ball
First of all, Guys I am so thankful dahil umabot ng 400 + na ang reads ng book ko. For me it's a big achievement.
This chapter is dedicated to : amador_zapanta
She's an active reader. HAHA !
Joya
xxxxxxx
"Good evening Students ! Welcome to our Masquerade ball ! But before we start, ipapakilala ko muna ang ating isa pang founder.... Dave Sampaga !"
That name.... Yun yung pangalan na nakasulat sa may book nang mga teachers.
Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan ko nang maaninag ang nukha ng sinasabi nilang Dave Sampaga.
Oh Fuck ! He's not Dave sampaga !
Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha nito.... Pilit ko mang idenedeny sinampal parin ako ng katotohanang sya nga talaga ito.
Hindi lamang si Belle ang nandito. Pati pala sya. Ano nga ba talaga ang meron dito sa eskwelahang ito ?
"Kilala nyo naman na siguro sya no ? Unlike Ma'am Veronica he's not living here. Our second founder is living outside the academy with his family." Masiglang saad nang Emcee.
"Joya...? I-is that your —!"
"I know Kris, hindi nya dapat ako makita dito. You heard it already that he is the another founder of this fkin hell." Saad ko.
I need to hide..... He's the founder...
Kung kasabwat sya ng school even if I asked for help, he won't let us.
Natanaw ko naman ang usang binatilyong umaakyat sa hagdan ng stage.
Is that....?
Leo ?
Biglang nanumbalik sa akin yung gabing nagintroduce sya saakin.
Leo Kyle R. Sampaga....
Tell me, this is just a dream right ?? Please wake me up !
How did they get in here ?
"Joya, he's the second founder right ? So may power sya" napailing ako sa sinabi ni Kris. Mali ang iniisip nya.
"He won't let us, after all, si ma'am Veronica parin ang namumuno dito."
napatingin muli kami sa stage at wala na doon ang dalawa, bumaba na ng stage.
"So That is Dave Sampaga. Well, before we start the Ball let us just reminisce the past memories that happend here in the academy. you all know Camille ? that's a legendary name right ?
Sumagot naman ang ibang mga estudyante maliban sa amin ni Kris.
Who is Camille ?
"The First ever girl survivor in the game "the knife" That name can be described Brave, Of all competitive students here in the academy, she's the last woman standing. Final girl kumbaga. Apat silang tumakas noon after nang game. Luckily they Escaped.Camille,Camille, Camille. nuong second generation nagkaroon din nang ganitong party noon. A Toxic Party"
Toxic Party ?
Third Person's Point Of View
xxxxxxxxxx
Naka ngiting nag exit ang dalawang mag ama pababa nang stage, naaalala nya ang mga pangyayari nuon.
Iniwan na sya ng anak nyang tinuring matapos makapagusap.
pumasok sya sa isang kuwarto sa likod ng stage dahil nandoon ang mga gamit nya, mga damit nya at ilang importanteng mga kagamitan.
tinungo nya ang lamesa kung saan nakalagay ang kanyang briefcase na naglalaman nang mga papeles nang ipapatayo nyang paaralang Endless high.
Binabalak nyang magtayo nang isang paaralang papangalanan nyang Endless high sa tulong nang kanyang kapatid. sa paaralang ito gusto nyang maging payapa ang lahat. Ayaw nyang mangyari sa paaralang ito ang nangyari sa dating Rome Academy kung saan tahimim ang lahat.
Nang buksan nya ang briefcase laking gulat nya nang may kung anong kulay itim na likido. basa na ang mga Papeles nang Endless High.
nakaramdam sya nang kaba....
Lingid sa kanyang kaalaman unti unti nang lumabas ang naka itim na robe at pulang maskara sa cabinet sa likuran nya.
nang maramdaman ni Dave ang presensya nang tao sa likod nya unti unti nyang kinapa ang bulsa nya kung saan laging may laman na emergency knife.
:Tsk ! Tsk ! tatang.... Bumalik kapa dito. Sana ay umalis ka nalang, ngayon, maisasakatuparan ko na ang aking mga plano. HAHAHAHAHA" Demonyong mga tawa ang pinakawalan ng demonyong nasa likod nya.
Nanlaki ang mata ni Dave nang marinig ang tawag na tatang sa kanya sapagkat isang tao lamang ang tumatawag sa kanyang tatang.
at saktong pagharap nya ay itinarak na ng salarin ang kutsilyong hawak hawak nito sa lalamunan ni Dave.
Umagos ang mga dugo sa Leeg nya wala pang ilang minuto ay napahiga na ito sa sahig.Pinagmasdan lamang ng salarin si Dave habang naliligo sa sariling dugo.
"Paalam na Tatang tsk" Saad nito at kinuha ang bag ni Dave na naglalaman din nang mas importanteng Impormasyon na maaring magamit nang salarin para mapasakatuparan na ang kanyang ninananis.
At sa muling sandali hinubad nang salarin ang maskarang suot nya.
"Dead are not always dead" nakangising sambit nito at muling sinuot ang maskara at tuluyan nang nilisan ang Kwarto.
Leo's Point Of View
xxxxxxxxxxx
Finally ! nandito narin si Dad, I missed him...
Very much...
Tinungo ko ang stage at hinalikan si Dad sa pisngi, It's been a month since we last saw each other.
"nak ! musta naman ?" He asked.
"Ayos lang dad kaso some stage things are happeing these past few days. Narinig daw nang kaklase ko na mas maaga na ang The Knife at House of the dead. You told me dati that umabot pa nang 30th Wave before yung Dalawang pinaka rare na Laro ? pero dad, nasa 10th Wave palang kame" Linanya ko na ikinagulat nya naman.
"Isa lang ang alam kong dahilan, Leo they found them already... Ilalabas na kita dito" napakunot ang noo ko.
So they found them already ?
Umiling ako sa ideyang ilalabas na ako dito ni Dad.
"No Dad, Kailangan nating ilabas ang lahat nang estudyante dito" Protesta ko mauti nalang ay mahina ang paguusap namin na ang emcee lamang ang nakakarinig na alam namin na nasa panig ni Dad, Obviously she's Dad's Secretary.
Bumaba na kami ni Dad at nagsimula nang magsalita muli ang emcee tungkol sa mga nangyari dati at kung sino si ate Camille.
"Anak hindi natin mailalabas ang lahat nang estudyante dito, malakas ang kapangyarihan ni Veronica kaysa sakin pero kung ikaw lang, hindi nila mahahalata"
"Pero Dad....Hindi pwedeng ako lang." muli kong protesta. ayokong maging makasarili, paano na sila Joya ? sila kris ? naging kaibigan ko narin sila kahit sa maikling panahon palang silang nandito sa paaralang ito.
Lalo na si Joya, hinding hindi ako papayag sa desisyon ni Dad.
"Anak mamaya na natin ito pagusapan, may kukunin lamang ako sa loob, kumain kana muna at mamaya ay sasayaw na kayo randomly" Saad ni Dad at agad ko syang niyakap.
he raised me up when I was 5 years old up until now.... That's why I really love him.
Matapos nun ay nagtungo na ako sa Puwesto kung saan nandoroon ang mga drinks at saktong nakita ko naman si Alexus. Isa sa mga kaibigan ko.
"Alex !" Bati ko sa kanya at kinuhanan ang chips na nasa platito nya.
"Uy Par ! kamusta ? Teka nga, Lexus kasi diba ? Alex ka nang Alex e" busangot nya na agad kong ikinangiwi.
Oo nga pala, ayaw nyang tinatawag syang Alex, yun yung tawag sa kanya nang Ex-Girlfriend nya na si Jelly. "Edi Lexus ! Teka asan si Eunice ?" lumingon naman sya kaagad at nagpalinga linga.
"Kanina alng nandito yun ah, yung pataay gutom talaga na iyon"
Si Eunice Del Vega ay yung kasama kong Kahera sa may cafeteria which is Girlfriend ni Lexus ngayon.
"Uy Hi Leo !" bungad sa amin ni eunice na may daalng dalawang plato nang pagkain, for sure sa kanya lang yan.
"Ang takaw mo talaga Eunice kahit kailan tsk" bungad ko sa kanya na kaagad nya namang ikinanguso.
"Kaso may kaso, Tsk ! hindi ako tumaba taba. Uy Btw, nandyan na si Tito Dave ah ?"
"Kaya lang parang problemado sya no babe ?" Napakunot ang noo ko, bukod ba sa pagalalbas sakin dito may iba pa syang pinoproblema ?
"Wala iyon nako naman kayong dalawa, tara kain na tayo at mamaya ay mag s-start na ang Sayaw" nagtungo naman kami sa lamesa at nagsimula nang kumain.
Joya's Point of View
xxxxxxxxxx
Matapos magsalita ni Dave Sampaga 'kuno daw nagtungo kami ni Kris sa isang lamesa.
"nasan na kaya sila Melvin, Adrian at si Leo ?" tanong ko, kanina ko pa kasi sila hindi nakikita e.
"Ay oo nga noh ! tara hanapin natin"saad ni Kris at naglakad na.
naghanap kami nang naghanap hanggang sa nalibot na namin ang buong gymnasium ay wala parin ni isa sa kanila ang nakita namin.
"Wala parin sila ano bayan !" Halos 30 minutes kaming naghanap nilibot ang napakalaking gym na ito pero wala naman kaming nahanap.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad anng di ko namalayan na may nasanggi na pala ako.
"Oh Shocks !" Bulalas nang isang naka Puting Babae
"Oh My God I am so sorry !"agad kong hingi nang tawad nang makita kong nabuhusan pala sya nang hawak nyang wine.
"For God's Fucking sake ! are you Blind ? or are you just plain stupid ? My God ! you fuckin' ruined my Glamorous gown tas mag sosorry kalang sakin??" Sigaw nya saakin na agad kong ikinagulat.
Oh Bitch please ! ayokong makipag away.
"Sorry talaga, hindi ko sinasadya, pero hindi ako tanga ! at hindi ko kasalan kung bakit ka natapunan right ? sa katangahan mo yun kung na balance mo sana nang mabuti ang glass of wine mo hindi ka matatapunan, at saka anong gusto mong gawin ko ? luhudan ka ? For your information Girl hindi ako lumuluhod sa mga babaeng panget" Pang iinis ko. kahit na wala ako sa punto kailangan kong bumawi hindi ako papayag na ganituhin lamang nang babaeng ito.
Akmang aalis na kami ni Kris nang bigla nyang hablutin ang buhok ko na agad ko namang ikinaliyad. Ramdam ko ang sakit nang pagsabunot nya sakin kaya agad kong iti-nwist ang katawan ko at nung magkapantay na kami agad ko syang sinipa sa sikmura at sinampal kaya't lumagapak sya sa sahig.
Told yah bitch ayokong makipag away. di aman ako magaling umarte, for your informations guys I am Trained in self defense. Wag ako !
"Magaling Joya" bulong sakin ni Kris. lumabas man kaming kontra bida sa gabing ito atleast hindi ko hinayaan na ganunin lang ako. hindi ako pinalaking ganon ni Mama.
Pinagmasdan ko ang mga kaibigan nung babaeng naka higa sa sahig at hirap na hirap tumayo.
"You skank ! ano sa tingin mo ang ginawa mo kay Trixie ? wala kang modo !!" Sigaw saakin nang isa nyang alipores.
"Bulag kaba Gurl ? kita mo naman kung ano ang ginawa nya kay Joya diba ? sinabunutan nya diba ? bobong 'to ikaw yata ang bulag at plain stupid dyan e" Sabat ni Kris.
inilibot ko ang paningin ko, pinagtitinginan na kami nang mga estudyante, halos lahat nang mata samin nakatungo at naghihintay nang mga sususnod na mangyayari, kumbaga sa isang drama show hihintayina gn sabunutan, sampalan, at palitan nang masasakit na salita.
Nilapitan ako nung alipores nya at akmang sasampalin na nya ako nang biglang may magsalita sa likod ko.
"Hurt her or I'll kill you ?" napalingon ako sa nagsalita.
"O-oh ! Kyle ! it's you" utal na sambit na sambit nang babae.
"Jelly ? nandito ka parin pala matapos ang napaka makasalanang ginawa mo ? hindi ka parin pala namamatay, sadyang napakalaki nga naman nag eskwelahan na ito na ngayon lang muli tayo pinagtagpo muli" Inis na sambit na ni Leo na agad na nagbigay saakin ang kilabot.
"Look what happend ! She Slapped and kick Trixie hindi makatayo ngayon oh" sigaw nung Jelly
"So next time, don't mess up with her ok ?" Sambit ni Leo at hinatak ako paalis sa kumpulan. sinundan naman kami ni Kris tungo sa mga bleachers sa gilid nang Stage.
"Those Girls !! arggg !" inis na sigaw ni Kris at ginulo pa ang buhok nya. akala mo naman talaga e...
"Ayos kalang..?" nagulat ako nang icheckn nya ang mukha ko.
"Sinabunutan ako nung Trixie bayun ? ang sakit e" inda ko, playing a trick on him.
"Really ? dahil na damage ang buhok mo kailangan na itong putulin" Napasibangot ako, heto naman hindi mabiro e.
"Haha, di naman mabiro. Okay na ako, btw nakita moba sila Adrian at si Melvin ?" Takang tanong ko.
"Hindi ko pa sila nakikita Simula nang pumasok ako sa gym kanina e." Saad ni Leo.
Nasan na kaya ang dalawang yun ?
"Uy guys mag sstart na daw yung sayaw Tara na !!!" Yaya sa amin ni Kris at tumakbo na kami sa gitna ng gym na marami naring nagsasayaw.
I wore my white mask.. This is how we play it.
Halos lahat na kami ay nakasuot nang mask, hindi na kami mamumukhaan pa.
Nagsimula nang tumugtog ang mga klasikal na tunog at dahan dahan kaming sumayaw.
-*-
"Graveee !!!! I am so kiliggg" halinghing ni Kris dahil sa kilig, sukat nagkaroon nang gwapong kasayaw.
Napaupo muna kami ulit sa mga bleachers at nagpahinga. Grabe ang tagal din nang sayaw namin.
"Teka, kuha muna ako nang maiinom" presenta ni Leo na agad namang tumumungo sa may mga inuman.
"Hoy Gaga !" Kalabit sa akin ni Kris.
"What ?" Kunot noong tanong ko
"Choserang 'to, may gusto sayo si Leo."
"Sa tingin mo" alangan na tanong ko.
"Halata naman e, pwro kung magmamahal kaman mahirap na dito, ang complicated lang. Baka in the end wala kayong happy ending...."
She's right... May punto naman sya, mahirap dito.
"Tama na muna Yang love love nayan. Anong oras ba end ng party na to ? It's already 4 in the midnight, inaantok na ko" saad ko.
Napalingon kami ni Kris at iba pang mga nagpapahinga ring mga estudyante nang makarinig kami nang malakas na sigaw, hagulgol.
"Ano 'yon ?" Agad Kong tanong at tumayo.
Hinatak na ako ni Kris papunta sa malaking kumpulan at kami at naisiksik sa mga estudyante.
"Oh My God !!!!!" Tili ni Kris nang maabot namin ang harap mismo nang kumpulan.
Nanikip ang dibdib ko...
What happened ??
"Ahhhhhhh !!!!!"
To be continued.....
RIP DAVE SAMPAGA HAAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top