Forty Fourth Game : One for all, all for one.
JOYA'S POV
Maingat kong tinatahak ang daan papunta sa Auditorium. Dito ko balak tapusin ang laro. Kinausap ko na si Ate Belle at Winter na iwanan na muna ako. Inutusan ko silang hanapin sila Kris at nang makapag sama sama na sila.
It's the time to End the Game. Their Game.
Marami nang nawala, ayoko nang madagdagan pa.
Trxie and Adrian just died.
Kailangan kong maging matatag.
Nakarinig ako ng mga yapak sa likuran ko.
Lumingon ako at mabilis na nagtago sa pillar.
"Asan na kaya yung mga pesteng papatay kay Joya ?!"
Si Isabelle ito. At patungo rin silang Auditorium, ngunit sino ang kasama nya ?
"Wag kang mag alala, ate... Mamamatay rin yang si Joya. Bakit ba kasi ayaw pa ni Boss na tayo ang pumatay ? Tch."
Halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses nya.
Taki ?!
Nandito ang kapatid ni Isabelle !!
Buhay sya !
Ang buong akala namin ay Patay na sya, nang mamatay ang tatay ni Isabelle ay nawala si Taki. Nagpaka layo layo sya, lumipas ang ilang taon at itinigil na ang paghahanap sa kanya.
Kasama sya ni Isabelle..
"Ewan ko ba kay Boss, basta kailangang mamatay nyang si Joya" Sagot ni Isabelle.
"Why are we doing this ?" Nagulat ako sa tanong ni Taki.
"Taki... They killed our father ! Dapat lang na mamatay sila noh, that's why I suggested Kay kuya Max na dito pumunta. It was all planned. Hindi lang ako, kasama ko si Jess, pero bumaliktad sya at kumampi Kay Ma'am Veronica."
Napatakip ako ng bibig sa narinig.
Sa Simula palang ? I can't believe her.
Napatigil sila sa pag lalakad, malayo na sila sa akin kaya't lumipat ako sa kabilang pillar. Hindi sila makapag salita kaya naman sumilip ako.
"Kamusta Isabelle ?" Nanlaki ang mata ko nang makita si Leo.
Nakasuot sya ng kulay Maroon na Robe. Sh*t ! Is he part of the mesmerata already ?
"I never thought na Itatago ka ni Sir Emilio aka Headmaster Nix, bat hindi kapa ba kasi nya pinatay ?" Napa ismid si Isabelle.
"Nag kwento ka sa akin hindi ba ? Sabi mo, isa kang prinsesa. Prinsesa ka nga ba talaga ? Kinulong mo pa ako sa kwarto 'non. But now that I am back with vengeance, let's finish your story my dear princess.."
Halos mapa nganga ako sa sinabi ni Leo, hindi sya parte ng mesmerata. Thank God !
Humalakhak si Isabelle.
"Nakaka alala ka na pala ? Kelan pa ?" Matapang parin ang pagtatanong nya.
Naka limot sya ?
"Kahit kelan hindi ako nagkaron ng Amnesia na sinasabi nyo. Palabas lang yun." Napangiti nang nakakaloko si Leo.
Kailangan ko nang umalis dito.
"Hangal ka talaga ! Para kalang si Joya ! Papatayin kita !!" Umalingaw ngaw ang sigaw si Isabelle sa buong hallway pa tungong Auditorium.
"Kung kaya mo..."
Pumikit ako at huminga nang malalim.
Ayokong makita na may mamatay sa kanilang dalawa sa harap ko mismo.
Ayokong mawitness ang kamatayan nila katulad ng Kay Trixie.
Nakarinig ako ng pilantik ng latigo.
Pagkasa ng baril.
Sa isang iglap ay pawang katahimikan ang narinig ko. Unti unting nag slow mo ang utak ko.
Ang kadiliman habang nakapikit ako biglang nag liwanag.
Anong nangyayari ?!
Ramdam ko ang hilo kaya kumapit muna ako sa pillar at napaupo.
Puro sigaw ang naririnig ko.
"Joya ! Bat Di mo ako iniligtas ?!" Nanlaki ang mata ko nang makita si Melvin.
"Joya kasalanan mo ang lahat nang 'to !!" Napa luha ako nang tumambad sa akin si kuya Maximo.
"Joya hinihintay ka na namin !" Si Jess naman.
Unti unti silang dumadami.
"Ate Joya ! Kaya mo yan ! Nandito lang kami para sayo" Si Lyka naman.
"Joya masaya akong nabuhay ka hanggang dito.. You must live.." Si Iris ang sumunod na nagpakita.
"Joya... Patawarin mo ako. Pinangalagaan ko lang ang Rome Academy... Mahal ko ang bawat estudyante dito. Nilamon lang ako ng poot at kasakiman. Patawad.." Lumabas din si Ma'am Veronica.
Patuloy ang pag iyak nila.
"Ligaya... Lumaban ka. Mahal na mahal kita" halos humagulgol ako nang makita si Adrian.
"Bitch ! I love you !! Laban gurl ! Wag kang susuko !" Lumabas din si Trixie.
"Patawad Joya... I'm sorry. Goodbye !" Napatakip ako ng bibig. Isabelle ?
KRIS' POV
Patuloy ako sa pag iyak.. Takot na takot na ako. Pinatay na nila si Adrian...
Pwedeng ako na ang sumunod.
"Kris tahan na, nandito na kami.."
Nagkita kita na kami..
Nahanap ako nila Green at Aldrich, tapos nakasalubong din namin sila Ate Belle and Winter.
Wala pa si Tita Manely...
Pinunasan ko ang luha ko. Nandito kami ngayon sa Stock room.
"Hindi matatapos to hanggang wala ni isa sa atin ang papatay Kay Joya" sambit ni Aldrich.
"Oo.. Ganun ang gusto nila. But if we kill them all, makakatakas tayo at matatapos na to" sambit naman ni Ate Belle.
"But it's risky ! Especially para Kay Joya..." Protesta ni Winter.
"Calm down guys... We must have a plan. Are you sure the two of you isn't part of Mesmerata ?" Pagtatanong ni Green.
"What the hell ? Pinagsususpetyahan mo ba ako ?" Ani Winter.
"N..no ! Sinisigurado ko lang." Ngumiti si Green na ani mo'y kinakabahan.
"You better be.." Ani naman ni Ate Belle.
"Ano nga bang nangyari sa inyo ?" Tanong ko kila Winter and Ate Belle.
"Kris... Guys.. We have an announcement to make..." Kinabahan ako sa panimula ni Winter.
"Teka nasan nga pala si Trixie ? Kasama nanaman ni Joya ? Geez yung babaeng yun talaga." Napa tawa nang saglit si Green.
"Brace yourselves... Trixie's gone."
Nag echo sa tenga ko ang mga katagang iyon.
"Trixie's gone."
"A-are you kidding me...? " utal na tanong ni Green.
napa takip nalang ako ng mukha ko.
Wala na si Adrian... Wala narin si Trixie..
Bakit kami pa ang natira ? Are we deserving to live ?
Si Winter, Green, Aldrich, Ate Belle and I ? Kami ba ang karapat dapat na mabuhay ?
Hindi ! They deserve it ! Ang mga nawala ! Sila ang dapat na nandito sa pwesto namin...
Patuloy ako sa pag iyak..
Wala akong na iambag kahit kanino, ni hindi ko natulungan si Joya !
Lalaban pa ba ako ?
Is it still worthy ? My life ?
"Bullshit !!" Pinagbababato ni Green ang mga kahon dito sa loob ng Stock room. Pinagsususuntok nya rin ang pader.
"Hindi ko man lang nasabi na gusto ko sya ! Fuck it !"
Naramdaman ko ang kamay ni Aldrich sa likuran ko. Niyakap ko sya at tuluyan nang humagulgol sa balikat nya.
"Shh.. Don't cry, nandito pa kami..."
Napa ngiti ako sa kalagitnaan ng pag iyak ko.
"Let's go back to our senses guys... Alam ko, masakit para sa inyo 'to--
"Shut up ! Can't you see ?!-- Naputol si Winter sa pagsasalita nang sumabat si Green
"Green.. we need to plan !" Sabat ni Aldrich.
"Plan ? What ?! Planning how would we survive here ?! Kaya pa ba natin ? ninyo ? Hanggang ngayon lumalaban parin tayo, is that not enough ? Sa tingin nyo ba makakaligtas tayo dito ? Wala na ! wala na si Trixie !"
Pulang pula na si Green sa kaka sigaw. At Iyak parin ako ng iyak.
"We need to help Joya !" Sambit ni Ate Belle.
"You know what ?!" Dinuro ni Green si Ate Belle na syang ikinagulat namin. "Many lives are now gone para lang ma protektahan si Joya ! Marami na ang nag sakripisyo ! Marami na ang namatay ! Yung mga kaibigan nyo ! Is her life that worthy ?!--
Tumayo ako at sinampal sya.
Gulat sya sa ginawa ko, hinawakan ako ni Aldrich at inilayo sa kanya.
"Green alam mo ? matagal nang namatay si Joya ! Emotionally and spiritually ! At tayo nalang ang makakapitan nya ! Ngayon kapa ba susuko ? Kung makikita ka ngayon ni Trixie, do you think she'll be happy ? na nagkaka ganyan ka dahil sa kanya ? Green please ! Masakit din para sa amin 'to. Lalo na kay Joya ! But look ! Where is she ? lumalaban parin ! nandoon at hinaharap ang kalbaryo ng buhay nya. At kailangan natin syang tulungan ! Pangatlong henerasyon na 'to ! At sana tayo ang magtapos nito. Magkakasama...." Tinignan ko sa mga mata si Green.
"Kris ang sakit e..." Niyakap nya ako at umiyak nang umiyak sa balikat ko.
Niyakap ko rin sya pabalik at hinimas ang likuran nya.
Ang sakit nito.. sobra...
JOYA'S POV
Nagising ako nang makarinig ng isang malakas na putok.
Napabalikwas ako at nag palingalinga, nandito parin pala ako sa pillar.
Nasan na sila Leo ?
Shit si Isabelle ! Tama ba yung nakita ko ?
Nagpakita na sya sa akin ?
Ibig sabihin...
Si Taki ? Anong ginawa ni Leo Kay Taki ?
"Wag kanang mag tago dyan.." Nanigas ako sa kinauupuan ko.
Unti unti akong humarap sa kanya.
Kitang kita ko na sya ngayon, pulang pula ang kanyang mata... Magulo ang buhok...
"Leo... Wag mo 'kong sasaktan, please.." Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mata.
"I'm sorry... Hinabol ko kayo kahapon. Wala ako sa sarili..."
"B..buhay ka.." Nanghihinang sambit ko.
Nakita kong naluha sya na kaagad nyang pinunasan.
"Joya... I am.." Kaagad akong tumayo at niyakap sya.
Sobrang higpit ng yakap nya sa akin.
Humagulgol ako sa iyak.
"I missed you..." Bulong nya sa tenga ko.
"Miss na miss rin kita..."
Humiwalay ako sa pagkakayakap at hinawakan ang mga kamay nya.
"Guys !!"
Napalingon kami.
Napangiti ako sa nakita.
They are all here..
Kris, Green, Aldrich, Ate Belle, Winter and my Mom.
"One for all, all for one !" Sigaw nila.
Mabilis kaming tumakbo patungo sa pwesto nila.
This is it... Laban na 'to. At alam kong hindi ako nag iisa.
Together, we'll fight.
[TO BE CONTINUED...]
Enjoy !!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top