Simula


SIMULA

ALAM mo ba yung pakiramdam ng naliligaw o nawawala? Na para kang batang naiwan ng mga magulang mo, yung ang bilis-bilis nang lahat ng pangyayari at eto ka. Nakatayo at hindi malaman ang gagawin. Gusto mong tumalikod paalis pero dinadala ka ng agos ng tao palayo nang palayo sa kung saan ka talaga pupunta. Kung alam mo, congratulations. Pareho tayo.

Kanina pa ko nakatitig sa screen ng laptop ko. Hindi ko sure kung ise-send ko ba sa HR Department ang resignation letter ko o huwag na.

I let a loud sigh.

Sumandal ako sa likod ng upuan. Pumikit ako ng mariin. Yaomi, mag-decide ka na kung anong gagawin mo.

Sinabunutan ko ang sarili ko bago ko ibinaba ang laptop sa ibabaw ng center table.

Seven years na ko sa corporate job ko this coming May. Masaya naman noong una, nag-e-enjoy ako habang nagtra-trabaho. Mahal ko ang mga co-workers ko at minahal ko na din ang trabaho ko pero dumarating pala talaga yung punto ng buhay natin na napapagod tayo sa normal na ginagawa natin. Nakakapagod pala maging adult.

Hinilot ko ang noo ko. Bina-balance ko ang mga mangyayari kapag ka nag-resign ako sa work ko ngayon.

As a panganay kasi, hindi ako basta-basta makakapag-resign sa work lalo na't may mga kapatid akong nag-aaral pa. May college at elementary.

Pero kaya naman na siguro nila 'yon. Yung business na itinayo niyo malago naman, tapos si Emerald din ay may stable job. If you resign now wala ka nang magiging problema kasi hindi sila magugutom. ani ng isang bahagi ng utak ko.

May sarili naman akong ipon, kahit na hindi ako mag-work ng ilang taon kakayanin pa naman ng pera ko.

And besides, YOLO. You only live once kaya dapat magpakasaya na ako kasi malapit na din akong lumagpas ng kalendaryo. Hindi ko man lang nasulit ang 20s ko.

At dahil do'n, naka-buo ako ng isang desisyon.

Muli akong huminga ng malalim. Kinuha ko ang laptop ko at ipinatong sa hita ko. Nilagay ko sa draft ang resignation letter ko bago nag-type ng panibagong message. Ngumiti ako nang matapos ang message ko.

Indefinite Leave.

Tama. Hanggang hindi pa ko nakakapag-decide if magre-resign ba ko or hindi, ganito na lang muna. Pinindot ko ang send button pagkatapos no'n. Parang may kung anong gumaan sa dibdib ko nang makita ang sent na notification. Tipid akong ngumiti. I will just wait for their response. Sana lang ay mag-agree sila. Sana payagan nila ako.

****

"YES!!!! OH MY GOD!!!!!" Masaya akong nagtititili ng makita ang email na dumating sa'kin.

After weeks of waiting, finally!!! Dumating na.

Hindi ko maitago ang galak na nararamdaman ko. Approved kasi ang hinihingi kong indefinite leave sa office. Inaprubahan nila. Ang ibig sabihin may laya na kong gawin ang gusto ko! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Napa-upo ako sa sahig dahil sa saya. Matagal ko ring hinihintay ang reply nila sa'kin, akala ko nga ay hindi sila papayag pero mali ako.

Nang makabawi sa nangyari ay tumayo ako. Ibabalita ko 'to kila mama. Tama. Sasabihin ko 'to sa kanila.

Mabilis akong naligo pagkayaring mag-almusal. Ngayon ay namimili ako ng damit na isusuot. Kumunot ang noo ko. Bakit puro itim naman yung nakalabas kong damit dito? Hinawi ko ang mga dress para makapaghanap ng medyo buhay na kulay pero wala. Puro sila dark. Bumuntonghininga ako. Kumuha na lang ako ng isang black dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Sinuot kong mabilis 'yon. Sinuot ko rin unang sandals na nakita ko saka inabot ang shoulder bag ko.

Hindi na ko nag-abalang mag-blower ng buhok kasi mainit naman sa labas, matutuyo din 'to ng maayos kapag nasa byahe na ko.

Lumabas ako ng bahay ko. Ini-lock ko muna ang pinto, nang sure na kong locked mabuti ang buong bahay. Nagtuloy na ko sa gate. Binuksan ko ito tapos tiningnan ang Jeep Gladiator ko. It was a gift from my parents when I turn twenty-two. They said na mas mabuting may sarili na kong sasakyan kesa nagco-commute or nagta-taxi ako. The color is red, my fave.

Binuksan ko ang driver seat at ihinagis sa loo bang bag ko. Sumakay na din ako at inilabas ang kotse. After that I went out to lock the gate then I left.

I turn on the stereo when I get stucked into traffic. Sumandal ako at naki-vibes sa music. My body swayed into the beat. May pa hampas-hampas pa ko sa manibela.

Kahit na panay ang busina ng mga kotse sa likuran at unahan ko ay deadma lang ako. Kung normal na araw lang siguro 'to pati ako makikigaya sa kanila dahil sa inis at inip dahil sa traffic pero kahit siguro abutin ako dito hanggang bukas okay lang. Ganito pala kapag masaya ka. Dahil nakababa ang salamin sa may gilid ko ay kita ko ang paglingon ng katapat kong kotse sa'kin. Magkasalubong ang kilay nito. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti pero sinaraduhan niya lang ako ng salamin. Natawa ako. Umiling bago din sinara ang bintana ko.

This will be a long... drive.

Pero lahat ng saya ko kanina ay parang bulang naglaho nang sabihin ko sa Pamilya ko ang ginawa ko at balak kong gawin. Naka-upo ako ngayon dito sa sala namin, napapagitnaan nina Mama, Papa at Emerald na para bang isang bata na pinapagalitan.

Tumayo ako saka lumayo sa kanila. Sa tapat ako ng pinto ng garden tumayo para na rin makalanghap ng sariwang hangin. Para kasi akong sinasakal.

"Ano ba namang pumasok sa isip mo Hadaza Yaomi?! Bakit ka nag-take ng indefinite leave?! Tapos balak mo pang mag-resign! Ano bang plano mo sa buhay bata ka!!" galit na tanong ni Mama sa'kin.

"Oo nga naman, ate. Wag mong sabihing iaasa mo sa'kin ang lahat?! Alam mo namang kaka-umpisa ko pa lang sa trabaho at hindi pa gaanong stable do'n. Paano na lang sina Anniza at James?" disappointed na ani Emerald.

Si Papa ay tahimik lang na nakatingin sa'kin. Pare-pareho silang nakatingin sa'kin at naghihintay ng sagot ko. Umirap ako sa hangin bago humigop ng hangin at inilabas 'yon. Namewang ako sa harap nila.

"Mama, una po, hindi na ko masaya sa trabaho ko. Nakakapagod. Ang toxic na po do'n. Puro sila parinigan sa susunod na magiging Leader ng team kapag umalis si Sir Ivan. Nagsisiraan na sila don. Tapos po pagod na rin ako. Sa ilang taon po bang pagtra-trabaho ko sa kompanya namin siguro naman po valid na mapagod. Gus—"

"Napaka-arte mong bata ka! Paano kang mapapagod! Wala ka namang ginagawa don kundi ang umupo at mag-laptop! Ha! Sinabi ko na kasi sa'yong mag-asawa ka na lang kesa ganyan! Kabobo mo talaga!!"

Pinigil ko ang sarili kong sagutin si Mama. Binalingan ko na lang si Emerald na masama ang tingin sa'kin.

"Em, hindi ko naman inaasa sa'yo ang lahat. Hindi ba't mayroon akong pintayong business sna sina Mama ang humahawak? Doon kukuhanin yung mga pangangaylangan sa bahay, pati baon nila James at Anniza. Di ba malaki naman ang kita do'n? Saka napakabigat ba sa bulsa mo ang paglalabas ng two to six thousand pesos, yung kita mo naman nasa thirty thousand a month ah." Nangilid ang luha sa mga mata ko.

"Ada! Magtigil-tigil ka nga sa kaartehan mong 'yan! Palagi ka na lang ganyan! Nung nakaraang buwan hindi ba nag-leave ka din. Wala ka nang swe-swelduhin sa kagagahan mo!" ani Mama.

"Ma naman!!!" naiiyak kong pigil dito. "Puro na lang po ba pera?! Ganun po ba?! Hindi niyo man lang ikinonsider yung feelings ko! Hindi niyo man lang pinansin na hindi na ko masaya! Na pagod na ko!" hirap kong sabi dito.

"Ate, wag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Mama. Nag-aalala lang siya sa'yo! Ikaw naman kasi, choice mo 'yan kaya dapat panindigan—"

"WOW! Talaga ba, Emerald?! Tagala ba?!" Nakipagsukatan ako ng tingin sa kapatid ko.

"Tama na yan!" pumagitna si Mama.

"Totoo naman kasi, Ate! Kung di ka pala masaya diyan sana hindi ka nag-apply, 'di ba?! Sana hindi mo na rin kinuha yung Business Management kung mapapagod ka rin sa corporate job—"

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. "Sa tingin mo ba may choice ako, Emerald?! Kung mayroon lang!"

"You have a choice—"

"I DO NOT HAVE A CHOCIE BACK THEN, EMERALD!!" galit kong sigaw at saka siya dinuro. "It's dream versus being practical, Em! If hindi ko pinili ang business management sa tingin mo makukuha mo 'yung gusto mong course?! Sa tingin mo magiging ganito yung buhay niyo ngayon! I choose to pick something I don't like just to provide for this family! To provide for you! Kaya huwag mo akong pagsasalitaan na para bang magkatulad tayo ng pinagdaanan!" hindi ko na napigilan ang pagluha.

"Ada, huwag ka ngang sinungaling! Pinapili ka namin noon—"

"Opo, Ma! Pinapili niyo ko sa gusto niyong course! Pinapili niyo ko sa pangarap niyong hindi natupad!!" sobrang labo na ng paningin ko dahil sa mga luhang lumalabas sa mata ko. "Gusto ni Papa maging doctor ako kasi hindi niya natapos yung course niya dahil nabuntis ka niya! Ikaw! Gusto mo ako maging engineer kasi nai-inggit ka sa anak nina Aling Consolacion na nagtra-trabaho sa ibang bansa! Pero dahil hindi ako nakapasa sa gusto niyong course, pinilit niyong mag business management. Hindi ba—"

Umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa buong sala. Umawang ang labi ko. Mas lalo namang bumaha ang luha ko dahil sa sampal na ginawa ni Papa. Ni hindi ko nga nalamalayang nakalapit na pala siya sa'kin. Sa sobrang lakas nang sampal niya sa'kin ay tumabingi ang pisnge ko at namanhid ito. Mas lalo lamang sumama ang loob ko sa kanila dahil sa ginawa niya.

Ikinuyom ko ang kamao ko.

"Sige! Saktan mo pa ko, Pa! Saktan mo pa ko!" humagulgul ako. "Da-dahil lang sa pag-re-resign... nagawa niyo kong saktan?! Dahil lang don­­—"

"DAHIL BASTOS KA, HADAZA! Binabastos mo na kami! Ibinigay naman namin sa'yo lahat! Wala kang utang na loob! Napaka-walanghiya mo! Ano dahil may pera ka na babastusin mo na lang kami ng ganyan?!" malakas niyang sigaw.

"Anak, gusto ka lang naman kasi naming mag-success sa future mo! Anong makukuha mo sa HRM? Chef-chef na yan! Eh kahit hindi ka naman tapos no'n makakapagluto ka! Yung mga pinsan mo, lahat sila tapos nang HRM-Chef-chef. Ano trabaho nila ngayon? Ayun, nasa Jollibee, puregold! Factory worker! Anak, anong mapapala mo don?!" singit ni Mama.

Napasabunot ako sa sarili ko. Umiling ako.

"MA! At least don masaya sila! At least don nakuha nila yung course na gusto nil—"

"Edi magugutom kami! Matatanda na kami ng Papa mo. Kung ganun trabaho mo paano mo mapapag-aral ang mga kapatid mo!"

"Iyun na nga po, Mama..." dahan-dahan akong tumingin kay Papa. Masama rin ang tingin niya sa'kin pero mas kalmado na sa kanina. "K-kaylangan kong piliin yung kung saan ako mas kikita ng pera kasi panganay ako. Kasi po hindi ko kayang magutom kayo. Kasi po kaylangan ko pang mapagtapos yung mga kapatid ko...p-pero ilang taon na rin naman, Mama-Pa. Ilang taon na po. Tapos na si Emerald. H-hindi po ba pwedeng hu-huminga lang ng kaunti? M-mayroon naman...g business. Malakas ang kita no'n, hindi kayo magugutom," hinang-hina kong paliwanag.

"Ate, sobrang selfish mo naman kung sinusumbat mo 'yan. Selfish ka!" sigaw ni Em bago tumakbo paalis nang sala.

Ihinilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

Mahal ko ang mga magulang ko. Inirerespeto ko sila higit sa akala nila kasi nakita ko kung paano nila iginapang ang pag-aaral ko noon. Nakita ko kung kani-kanino sila nangutang para lang may ipangbayad sa tuition ko pati pambaon sa school. Kita ko lahat 'yon kaya nga lahat ng kaylangan nila ibinibigay ko, miski hindi nila kaylangan. Wala akong maisusumbat sa lahat ng binigay ko o hiningi nila kasi kusang loob kong ginawa 'yon. Bukal sa loob ko.

Pero ang gusto ko lang naman...kahit minsan ay suportahan nila ako.

Kahit minsan hayaan naman nila akong lumaya sa kung anong ginawa nilang buhay sa'kin kasi sa totoo lang. Hindi ko kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung sino ako. Kasi buong buhay ko sinunod ko sila. Na dapat, yung gusto ni Mama o ni Papa yung gagawin ko. Susundin. Ganun ko sila kamahal...

Ang hindi ko lang alam...ang pagmamahal na pala ito pala yung sisira sa'kin.

Lumakad ako paalis sa lugar na 'yon na hindi lumilingon sa kanila. Kahit anong tawag nila sa'kin ay hindi ako lumilingon. Tahimik akong umiiyak na sumakay sa kotse. Walang direksiyon kong pinaandar ang sasakyan paalis. Basta ang gusto ko lang makalayo sa kanila kasi kung di ako aalis baka magkasakitan lang kami. Ayokong magbitaw ng salitang hindi ko na mababawi pa.

Ilang beses akong kumurap nang magising sa katotohanan. Dahan-dahan akong tumingin sa labas. Wala akong idea kung saan ako napunta. Puro lang puno ang nakikita ko sa paligid. Sumandal ako sa upuan ko.

Tama bang sinabi ko kina Mama? O sadyang mali ako sa balak kong pagre-resign? Am I selfish?

I startled when my phone rang.

Slowly, I took my phone out from my shoulder bag and I saw my mother's name on the screen. Tears escaped again. I turn it off and tossed it at the backseat. I cannot talk to them right now. Hindi ko nga mahanap ang tamang salita para i-akma sa kung anong nararamdaman ko, eh. Pumikit ako ng madiin. Pagod na ko sa lahat.

"I want to rest."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top