River flows in you


Being in love and being loved by someone is one of the greatest feelings a person could ever be proud of.

However, what about those people… who are too ashamed to speak of how much they feel? Who is afraid of getting rejected? And those, who just choose to suppress their feelings to avoid confusion, future heartbreak and to save themselves from buckets of tears?

Love is associated with pain somehow, you'll never know how much that person is valuable to you… until (s)he decided to choose himself and finally, proved his worth.

"Suzette..." he called slightly stammering, "I-I l-like y-you..."

A jaw dropping confession from the campus heartthrob.

"Uh—" Suzette couldn't find the right words to say, she does not want to humiliate herself once she disproves his confession.

"I know this is too shocking for you, I've been crushing on you since the first time I saw you and it took me two years to finally have the courage to confess, although, reciprocating my feelings for you is a great victory, I don't want you to answer me yes just because of too much pressure. I will be waiting for you till you are finally ready," he said with sincerity that made the people cheer in awe.

Suzette was then confused, he doesn't want me to be pressured and yet he decided to confess in front of the crowd? I cannot doubt his sincerity but this is kinda ironic…she uttered in her mind.

"I like you too, Carson..." Suzette announced feeling flustered.

Hindi niya alam kung gusto ba talaga niya si Carson o kung nabibigla lang ba siya ng husto kaya niya sinabi iyon. Basta ang alam niya ay ayaw niyang mayroong isa sa kanila ang mapahiya.

Lumipas ang isang buong araw na normal pa rin naman ang buhay ni Suzette, walang fans ni Carson ang umepal sa araw niya at maging ang hudyo na umamin sa kaniya ay tila bulang nawala na lang bigla. Nagdududa na tuloy siya kung totoo ba talaga ang mga sinabi nito o baka trip lang.

Napahilamos sa sariling mukha si Suzette ng mayroong ideyang pumasok sa isip niya… hindi niya naman sinabing liligawan niya ako o 'di kaya ay kami na, bakit naman ako magkakaroon ng kagulumihanan sa aking isipan. Pabayaan na lang kung nasaang lupalop ng mundo ang lalaki, aniya sa isip.

Kinabukasan, naglalakad si Suzette sa hallway galing sa canteen nang makarinig siya ng malakas na tawanan sa isang bakanteng classroom. Wala na sana siyang planong pansinin iyon ang kaso lang ay narinig niya ang pangalan ng lalaking umamin sa kaniya noong isang araw lang.

"Matinik talaga 'tong si Carson, kaso hindi yata uubra kay Suzette!" pambubuyo ng tropa ni Carson.

"Ano, p're? Hindi ka pa ina-add sa facebook? Tingnan mo baka nagsend pala ng message request sa 'yo!" dagdag pa ng isang tropa nito.

"Wala nga! Ang mahalaga ay sinabi niyang gusto rin niya ako. Baka gusto lang niyang magpakipot ng konti, kapag niligawan ko 'yon… tiyak na oo agad ang isasagot niya sa akin…" sagot naman ni Carson.

Nakahinto si Suzette malapit sa pinto, sa halip na sumugod at mag-amok ng away ay nagpasiya siyang umatras at sa kabilang banda na lang dadaan kahit na mas magiging malayo siya sa susunod niyang klase.

Hindi mawala sa kaniyang isip ang mga narinig niya, ganoon ba kaboring ang buhay ng magtotropang 'yon para pagtripan siya at dahil sa mabilis siyang sumagot ay iniiisip na nilang easy to get siya? Puwes! Nagkakamali sila, hindi siya ang tipo ng babae na maghahabol sa isang lalaki, gaano man ito kabango at kaguwapo.

Mabilis na lumipas ang isang buwan at sa loob no'n ay hindi alam ni Suzette kung ano ang dapat niyang maramdaman. Isang buwan na mula nang gumawa ng paraan si Carson para mapalapit sa kaniya. Kinaibigan nito ang mga kaibigan niya, dahilan para madalas silang magkasama sa skul, lalo na kapag recess time at lunch break. Madalas pang umupo sa malapit sa kaniya ang lalaki at gusto niyang mainis pero natatawa na lang siya.

"Masungit pala si Suzette..." narinig niyang sambit ni Carson sa isang tropa niya.

"Mabait 'yan! Ganiyan lang 'yan kapag 'di pa siya palagay sa 'yo o kaya ay kapag hindi kayo close. Masaya kasama 'yan!" sagot naman ng tropa niya.

" Kailangan ko pa sigurong mas kilalanin siya. Tulungan mo nga akong mapalapit sa kaniya," narinig niyang mahinang sambit ni Carson.

Bulong ba 'yon? Bakit dinig na dinig?

Binalewala niya ang narinig at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa isa niya pang tropa. Kahit anong gawin ng Carson na 'yan, nakatitiyak siyang hindi siya nito ma-uuto.

Vacant niya nang maisipan niyang magpunta sa library para mag-advanced reading sa lessons nila kaso ay malas yata siya ngayong araw dahil naroon si Carson at animo'y isang ulirang istudyante na nakatulog habang nagbabasa ng libro.

Ayaw niyang mapalapit dito pero nang makuha niya ang kailangang libro ay sa mesa siya ng lalaki lumapit at maingay na inilapag ang libro.

"Shhh!" saway ng librarian na nginitian niya lang saka humingi ng paumanhin.

Tinapik niya ang balikat ni Carson, gumalaw ang hudyo pero hindi nag-angat ng tingin.

"Ang sipag mo namang mag-aral, nakatulugan mo pa ang pagbabasa..."

Mabilis na umayos ng upo ang lalaki at umastang nagtatanggal ng muta at ng tuyong laway na wala naman.

"Medyo mahirap kasi 'tong activity namin ngayon. Filipino pa kaya mas nahihirapan ako kasi bobo talaga ako sa ganito," paliwanag ni Carson.

"Naniniwala akong walang taong bobo pero tamad ay marami," nakangising sagot ni Suzette.

"Nakatulog lang ako habang nag-aaral, napuyat kasi ako sa mga assignments kagabi," palusot ng huli.

"Puyat sa assignments o sa kalalaro ng online games? Hindi mo naayos ang phone mo...open pa data at nasa app pa rin ng online game na nilalaro mo… " inginuso pa ni Suzette ang touch screen nitong cellphone na nasa tabi ng baliktad na libro, "saka may klase kayo ngayon, ah. Bakit nandito ka sa library?"

"Ah… ano, sige. Salamat sa paggising sa akin. Late na pala ako sa klase ko hehe," nakangiwing sagot niya sa akin.

The school year ended. Next school year ay huling taon na nila sa college. Ang damuhong nagbago sa natural na takbo ng buhay ni Suzette ay hanggang tingin, ngisi at tanong lang sa kanya. Hinihintay niya kung kailan ito magsasabing liligawan na siya pero walang nangyaring ganoon. Sayang, handa pa naman na sana siyang bastedin ito.

Sa almost 22 years na nabuhay siya ay ngayon niya pa lang naranasan ang ganito. Nagtaka rin tuloy siya ng konti, may itsura naman siya at matalino rin pero walang sumubok na manligaw sa kanya noong high school. Ngayong college naman ay napagtripan pa siya. Hindi rin tuloy niya maiwasang mag-muni-muni. Kapag kaya nag trabaho na siya ay magkakaroon pa siya ng pagkakataon na magka-jowa? Nakakagulat mang isipin pero, kahit kailan ay hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend. Sa kabilang banda, inisip na lang niya na maganda rin naman iyon dahil naging pokus siya sa pag-aaral at hindi nabilang sa porsyento ng mga kabataang maagang nabuntis.

Enrollment day na nila at maaga siyang pumunta para mabilis ding matapos, kaso lang ay minalas yata siya dahil may nakita siyang…

"Lily!"

Hindi siya lumingon, iba siguro ang tinatawag nito. Bukas ang cafeteria ng school nila at hindi siya nakapag-almusal gawa ng pagmamadali niya kaya naman plano niyang kumain muna rito.

"Lily! Suzette! Ang snob naman ng crush ko!" Ayaw man niya ay napalingon siya sa sumigaw.

Alam niyang guwapo ito at mabango pero hindi niya alam na makapal pala ang balat nito lalo na sa mukha.

"Ikaw, ha. Kanina pa kita tinatawag, hindi ka lumilingon. Tapos no'ng sinabi kong crush ko, lumingon ka agad!" hinihingal na sabi nito nang makalapit sa kanya.

"Unang una sa lahat, hindi Lily ang pangalan ko. Pangalawa, hindi ako lumingon dahil sinabi mong crush mo ako. Pangatlo, lumingon ako kahit ayaw ko dahil tinawag mo ang pangalan kong "Suzette." Pang-apat, salamat sa paghanga mo sa akin pero hindi kita gusto at ayaw ko sa 'yo." Hiningal si Suzette matapos niyang sabihin 'yon.

Nakita niya naman ang gulat na ekspresyon ni Carson at ang mabilis na paglamlam ng mata nito.

"Lily kasi ang ibig sabihin ng pangalan mo. I just wanted to create a nickname for you na ako lang ang tatawag but it turns out that maybe, you don't like it. Thank you for appreciating my feelings for you but I guess… hindi pa man kita tinatanong kung puwede bang manligaw ay basted na agad ako." Akmang tatalikuran na siya ni Carson nang pikit matang tawagin niya ito.

"Carson..."

"Huwag mo na akong ligawan. Tayo na."

Napaharap ng maayos sa kaniya si Carson saka parang tuod na nakatayo lang.

"H-Ha? T-Tayo na?" Utal na tanong nito.

Tumango lang siya at maliit na ngumiti.

"Shit!" Biglang sigaw ni Carson at napa suntok pa sa hangin.

"Sorry for the bad word! I-I am just so happy… ano? Gutom ka ba? Papunta kang cafeteria, 'di ba? Tara, libre ko na! Hindi pa rin ako kumakain ng agahan, eh." Hindi na nakaiwas pa o nakasagot si Suzette dahil hinawakan na agad siya ni Carson sa braso at naglakad na ito papasok sa cafeteria. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dahil hawak nito ang braso niya.

"Ano'ng gusto mong pagkain?" tanong nito sa kaniya nang makalapit sila sa counter.

"Kahit ano. Pupunta lang ako do'n sa table, baka maubusan tayo ng puwesto kapag biglang dumagsa ang mga estudyante." Hindi na niya hinintay ang sagot ni Carson at agad na naglakad.

Pag-upo ay napahawak siya sa braso niyang hawak ni Carson kanina. Saka ipinatong ang kanang kamay niya sa ibabaw ng dibdib niya para damahin ang mabilis na pintig ng puso niya.

Umabot na pala sila ng isang buwang mag-boyfriend at girlfriend. Hindi niya pa nga maaalala kung hindi siya nito tinext at kung hindi ito nagbigay ng bulaklak sa kaniya kaninang umaga. Hindi tuloy niya alam kung dapat ba siyang makonsensya o hindi. She feel like she's too heartless but this is her. Alangan naman baguhin niya ang sarili niya para lang sa isang tao? Nah, she'd rather let go that someone than change herself to something not in her likeness.

Sa sumunod na buwan ay ganoon pa rin. Hindi niya na nga halos alam na sila pa rin pala in the past weeks. Abala na siya ngayon at malamang ay pati na rin si Carson pero nakakabilib nga ang lalaki dahil nagagawa pa rin siyang isipin at paglaanan ng oras kahit na busy na rin ito sa career na tinatahak.

Malapit nang mag pasko pero parang hindi niya ramdam dahil busog na busog sila sa mga school works na malapit na rin ang deadline. Hindi niya na nga halos maisip kung anong gagawin niya sa pasko, ang kumain ng spaghetti o ang mag-print at gumawa ng power points.

December 24, ilang oras na lang at pasko na. Tumutulong siya sa mama niya sa pag-aayos ng sala nila, kung saan sila magsasalo mamaya kasama ng iba niyang mga tita, tito at mga pinsan. Nagulat siya ng alas diyes ay nag-text sa kaniya si Carson. Nakikipagkita sa kaniya. Nagreply naman siya ng K at mabilis na umakyat sa silid niya. Naligo siya at nagbihis ng maayos na damit. Nagdala rin siya ng blazer panangga sa malamig na simoy ng hangin.

10:45 pm nang umalis siya ng bahay nila. Wala siyang makitang tricycle kaya naisipan na lang niyang lakarin ang papuntang bayan. Marami siyang nakakasabay o 'di kaya ay nakakasalubong na mga naglalakad rin kahit papaano ay palagay siyang safe naman maglakad.

After 20  minutes ay nakarating na siya sa bayan. Inikot niya ang paningin kung saan puwedeng pumuwesto si Carson.

"Kanina pa ako naghihintay, pauwi na sana ako. Akala ko kasi ay hindi ka na makakapunta." Nagulat siya sa nagsalita sa likuran niya.

Si Carson na guwapong guwapo sa suot na black polo, khaki pants at white shoes. Nalanghap din niya ang mamahaling pabango nito na hindi masakit sa ilong at masarap singhutin.

"Nagreply ako kanina. Wala lang tricycle kaya natagalan ako papunta rito," paliwanag niya.

"Tara, upo tayo ro'n sa bench," yaya nito sa kaniya at hinawakan ang nanlalamig niyang kanang kamay.

Nahiya siya ng konti at plano sanang bawiin ang kamay niya pero hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya.

"Kahit ngayon lang," mahinang pakiusap pa nito.

"Kumusta ka?" tanong ni Carson sa kaniya pagka-upo nila.

Walang masyadong tao sa puwesto nila. Ang maraming tao ay doon sa maraming christmas lights at christmas trees. Sa puwesto naman nila ay mayroon din pero hindi masyado, sa punong nagsilbing lilim nila mula sa hamog ng gabi ay mayroong tila lanterns na nakasabit na nagsisilbing ilaw nila.

"Ayos naman. Abala sa school, alam mo na… graduating na tayo. Napag-isipan ko rin kasi na… pagka-graduate ay magrereview na agad ako para sa LET examination," pagkukuwento niya.

"Hmm… mukha ngang ayos ka lang. Ang ganda ng plano mo, sana makapasa ka kaagad kapag nag-take ka na."

"I-Ikaw? Kumusta ka?" halos kanda-utal na tanong niya.

"Me? Finally, you asked," at saka matunog itong ngumisi. "I guess… I'm still fine, this is just a little heartbreak, malayo sa bituka and I think I will still survive. We're going to move from another country soon and I just wanted to personally greet you with a merry christmas," dagdag pa nito.

"Ah… aalis kayo papuntang ibang bansa? Good, mag-ingat ka roon… kayo ng pamilya mo." Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Dapat ba siyang maging masaya o malungkot. Carson is going to leave the country soon. Baka next year siguro, tatapusin muna itong taon ngayon bago aalis.

Napa-isip tuloy siya sandali tungkol sa relationship nila. Makikipag-hiwalay kaya ito sa kaniya ngayon? Ang galing namang mamili ng araw, pasko pa talaga.

She was about to say something when he spoke.

"I actually don't know where to start but I just want to ask you first, naging boyfriend ba ako sa 'yo? Naramdaman mo bang boyfriend mo ako?" tanong nito.

Napakurap siya saglit bago naka-sagot, "Oo naman. You are caring and sweet, although I may appear cold and such… I am still aware of your actions…" she answered with pure honesty.

"Glad you felt my affection towards you. It is just sadenning that…" halos hindi nito maituloy ang gustong sabihin.

"Hindi ko alam kung boyfriend mo ba ako o kaibigan lang. Ramdam mo na boyfriend mo ako pero ako, hindi ko ramdam na girlfriend kita. You are treating me like I am just one of your friends," tuloy-tuloy na sabi ni Carson.

"Carson… you are my boyfriend..."

"But it doesn't seem so..."

"Sorry kung hindi mo ramdam 'yon… it's just that… I am not use to it," paliwanag niya.

"Ayos lang," tila labas sa ilong na wika ni Carson, "Alam mo ba? Maraming babae sa paligid ko ang gusto ako at pilit na nagpapapansin sa akin pero wala, eh. Sa 'yo ako nahulog. Binihag mo na agad ang puso ko. Ayaw ko sa masungit pero sa tuwing tinatarayan mo ako, nahuhulog ako sa 'yo lalo. Mas lalo kitang nagugustuhan. 'Yong simpleng malamig na K na reply mo sa akin… imbes na mainis ako ay kinikilig pa ako. At least you replied, right?" dagdag pa niya.

"Makikipag-hiwalay ka na ba sa akin?" deretsahang tanong ni Suzette.

"Gusto mo ba?" balik na tanong ni Carson.

"If we are meant to be… then we will be..."

"Pagod ka na ba agad kahit hindi ka pa lumalaban?" tanong ni Carson.

"Let's just break." Mabilis na sagot ni Suzette.

Natigilan saglit si Carson bago sumagot, "okay then," malamig na sagot nito.

Tumayo agad si Carson. Gulat na gulat naman si Suzette. She didn't actually mean it! She was just pissed. He's telling her about those girls adoring him and waiting na baka isang araw ay maging single ulit si Carson. Alangan naman matuwa siya? Siyempre magseselos siya! S-Selos?

"Merry Christmas, Lily," he greeted, then briefly walked away.

Suzette was left sitting there, alone. She didn't bother herself looking at his back, because she actually can't. Watching him turning his back at her feels like… hell.

Feeling the cold whisper of the December breeze. She let herself take a deep sigh. And then the tears she didn't expect slowly rolled down her cheeks. She immediately wiped it but another tear slipped. She spent more minutes there, sitting and crying as the fireworks display started.

"Why am I crying?" she murmured to herself.

"Tsk. Asshole, hindi man lang ako sinuyo. Hindi man lang ako binalikan. Hindi ba siya aware na bobo ako sa ganito? No boyfriend since birth. Ano ba'ng akala niya? Nag-seminar ako tungkol sa pag-jojowa?" Parang nasisiraan ng bait niyang kausap sa sarili sa niya.

She was a bit confused. Habang tuloy-tuloy sa ingay ng mga paputok ang paligid niya, ang utak niya rin ay magulo at maingay. Ang daming tanong at ang daming rason na hindi man lang nasabi kanina. Nadagdagan pa nang hindi niya maintindihan na nararamdaman. Bakit niya ba iniiyakan ang lalaking 'yon na bigla na lang pumasok sa buhay niya at pinagtripan siya? Tapos ngayon ay iniwan siyang mag-isa habang gulong gulo sa mismong sarili niya.

Inis na sinabunutan niya ang kaniyang sarili.

"Ang tanga mo! Huwag mong sabihin na dahil sa kagagahan mo ay ikaw ang nahulog sa kaniya?" sermon niya sa sarili niya.

Natigilan siya sa narealized niya.

"Shit! Did I? Did I fell for him? Am I?" litong tanong niya sa kanyang sarili.

"Ito ba 'yon? The river that flows inside me? Am I that naive not to realize it sooner?" she once asked herself again.

As the realization hit her, she can't help but to curse out loud. Her timidness and in denial persona got her big time... this time.

~~#30

Total word count: 2,950 (Google Docs)

#pluviophilewricon
#ColdDecember

authorpluviophile




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top