Kabanata 3

"Good morning po, miss Villa Grande," agarang bati ng receptionist sa lobby ng Villa Grande Group of Companies sa kanilang CEO.

"Good morning," tipid na tumango si Vesper sa babae.

"Good morning, ma'am," korus na pagbati rin ng mga nakakalat na empleyado sa malaking lobby.

Tinanguang rin lang sila at tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa kanyang pribadong elevator papunta sa ika-thirtieth floor, kung saan naroon ang kanyang opisina.

Pagdating niya roon, agad niyang inilapag ang kanyang bag sa lamesa at umupo sa swivel chair.

"Today's the day." aniya sa sarili.

Ngayong araw na niya malalaman ang resulta ng Fernando Electronics buy-out. Di naman talaga aabot ng ganito katagal at ganito ka-suliranin ang pagbili ng sinasabing kompanya. Ang Villa Grande naman talaga ang unang naka-pagsaad na bibilhin ang kompanya, at sa una, pumayag ang mga taga Fernando.

Pero bigla nalang ring may nagsulputan na iba't-ibang kompanya na gusto rin raw bilhin ito. So, the Fernado's took that opportunity, and initiated a bidding game, with only one major rule: By whoever bids the highest, wins the game. Nagpapahiwatig na kung sino man ang may pinakamataas na tawad, siyang mapagkaka-looban ng sinasabing kompanya.

Ang huling balita noong isang araw tunkol sa bidding ay ang mga taga-Villa Grande raw ang may pinaka-highest bid, kaya medyo kampante si Vesper.

Sa loob ng tatlong taon na bilang presidente at CEO ng kanilang kompanya, hindi maka-kaila ni Vesper na minsan mahirap talaga ang pag-papatakbo ng ganito kalaking kompanya. Idagdag pa na babae siya, kaya maraming naghihinala sa kanyang kakayahan. Pero sa loob ng tatlong taon ng pagpapatakbo ng kompanya napatunayan na niya sa lahat that she's perfectly capable at hindi lang mabasta-basta. Ang mga pasikot-sikot sa negosyo ay na-unawa na niya. Kaya walang humpay ang respetong nakukuha niya sa kanyang mga employees at sa mga tao sa paligid niya. Ma-business associate man, o musmos. Bihira lang kase ang mga babaeng may kakayahan at paninidigan na makapag-patakbo ng isang business empire. At bihira lang rin ang nagtatagumpay. Taas-noong isa si Vesper sa mga iyon.

Lumabas siya sa kanyang opisina upang i-check ang kanyang mga employees sa iba't ibang departments. Madalas na niya itong gawin kapag di siya masyadong busy dahil gusto niyang hands-on siya sa kanyang kompanya at mga employees.

Awtomatikong napataas ang kilay niya ng makakita siya ng dalawang employees na nagchi-chismisan.

Di ba dapat nagtatrabaho sila?

Nilinaw niya ang kanyang lalamunan, at dali-daling napabalikwas ang dalawang babae sa isa't-isa.

"Mind sharing what you two girls were gossiping about?" taas kilayng tanong niya.

"Ma'am...ah..eh..hehe" nauutal na sabi ng isang babae habang kinakamot ang ulo.

"May kuto ka ba?"

Dagling hininto ng babae ang pagkamot sa ulo, at bantayog nitong iniligay ang mga kamay sa tagiliran. "Hehe.. wala po, ma'am."

"Buti naman kung ganon. Now tell me, why were you gossiping around when you're supposed to be working? "

"Eh, kase po, ma'am, " salo nung isa. "Alam niyo ba, si Sunshine Dizon at yung asawa niyang-"

"I'm not interested in whatever you want to say unless it benefits the company. Sabihin niyo nga sakin. Iyang pag chi-chismisan niyong iyan, nakakatulong ba 'yan sa kabuhayan niyo? Kung ako sa inyo, babalik na ako sa trabaho bago pa ako masisante ng boss ko." aniya, at tsaka tinignan ang lahat. "At anong tinitingin-tingin niyo diyan? Gusto niyo rin bang maging katulad ng dalawang babaeng ito?"

Dali-daling nagyuko-an ang mga trabahante at nagsibalikan sa kanilang mga trabaho.

"Sa susunod, ayaw ko nang makakita ng mga empleyadong nag-chichismisan kapag oras ng trabaho, alright?"

"Yes, po, ma'am Estelle."

"Mabuti." aniya, at naglakad palayo.

"Dapat Viper as in ahas yung pangalan niya, eh. Hindi Vesper. Sana tinuluyan na ng mga magulang niya."

Awtomatiko siyang napahinto sa kaniyang paglalakad, at dagling hinanap kung saan nanggaling ang boses.

"You were saying?" tanong niya sa isang babaeng puno ng colorete ang mukha.

Nagmumukha na nga siyang cake, nagawa niya pang mang-insulto sa boss niya? Isip isip niya.

"Ah..wala po, ma'am"

"No. I heard you loud and clear." The girl visibly gulped. "I'm your employer and you work for me in exchange for money na binili mo ng damit mo, pagkain mo, at kung anong watercolor yang inilagay mo sa mukha mo. If you can't respect me then so be it." at binitawan niya ang mga katagang kanina pa siya kating-kating sabihin. "You're fired. Pack your things effective immediately and leave."

Tiningnan niya naman ang ibang trabahante at pumalakpak. "Back to work, everyone. Show's over."

Iniwan niya ang departamento at naglakad pabalik sa kanyang opisina.

Nag-buzz ang intercom sa opisina ni Vesper, causing her to stop going over the Fernando Electronics file.

"Yes?" sagot niya.

"Ma'am Estelle," agad na wika ng sekretarya niya sa kabilang linya.

"Yes, Carol?"

"Kailangan niyo mikita ang news. Now na po." rinig niya ang pangamba sa tinigng sekretarya, kaya dali-dali niyang binuksan ang TV sa kanyang opisina.

Pagbukas sa TV, awtomatikong nag-flash sa screen ang news channel na may headline sa ibaba na nakalagay: "Costa Allegre wins again."

Napakuyom ng kamay si Vesper sa nakita at patuloy'ng nakikinig sa dalawang anchor na nag-didiscuss tungkol sa Fernando Electronics buy-out.

"At sa huli, ang Costa Allegre ang nanaig sa Fernando Electronics buy-out, laban sa limang iba't-ibang kompanya. Kasama na doon ang kanilang malupit na kalaban at karibal, ang tanyag na mga Villa Grandes. Matapos ang halos isang buwan ng pagsubaybay ng mga kapwa negosyante at sambayanan, natapos na rin, ang siguro isa sa pinaka-entertaining na buy-out na ating masasa-saksihan."

"Tama ka diyan, Bob. Kahit nga siguro ang mga bata pumipili na ng papanigan."
tumawa ng pa joke yung isang anchor.

"Siguro nga, Mike. Pero ang ipinagtataka ng lahat ay kung bakit ang Costa Allegre ang nanalo, nang noong isang araw lang, ang Villa Grande ang may pinakataas na bid."

"'Yun na nga," segundo ng isa. "Baka napag-pasyahan ng presidente at CEO ng Villa Grande Group of Companies, na si Vesper Estelle Villa Grande, ang unica hija nina Roscoe at Stella Villa Grande na back-out sa bidding."


"Sa tingin ko, hindi pa'rin magkakasundo ang Villa Grande at Costa Allegre, Bo-"

"Hindi talaga!" Singhal niya at pinatay ang TV.

Napahilamos siya sa mukha. Pa'no ba to nangyari? asik niya sa sarili. Wala naman siyang natanggap na balita mula sa mga Fernando o kaya sa taong in-assign niya sa Fernando deal na nag bid ng higher amount ang Costa Allegre.

Nag-buzz ang intercom. "Ma'am, papasok na po diyan si Mr. Salazar. "

Ilang segundong lumipas, pumasok ang taong naka-assign to feed and notify Vesper about the whole Fernando Electronics ordeal. Kitang-kita ni Vesper ang eyebags at ang mga fine lines ng stress sa mukha nito, ng palapit na ito sa kanya. Isa na si Mark Salazar sa mga taong inaasahan niya, at kahit itanggi man niya sa sarili, ngayon lang siya nabigo rito. Pero mamaya na ang pag-kukunsume. Dapat niya malaman kung ano ang nangyare.

"How could you let this happen, Mark?" bulalas niya sa lalake.

"Pasensya na talaga, Estelle. Trust me, ginawa ko lahat. Akala ko tayo talaga ang mananalo. I've been up all night going through everything and waiting for the Fernando's to call if there was a change of wind. Pero wala. Ngayon ko lang talaga nalaman na nag-bid ng higher amount ang Costa Allegre."

"'Yun na nga ang problema!" balikwas na sigaw niya. "Ngayon lang natin nalaman! May mali talaga dito."

"Alam ko, Estelle. Pero may iba rin tayong problema."

Tumingala siya sa lalake mula sa pag-tutok sa kanyang lamesa. "Ano?"

"Ang media. At ang Costa Allegre. Siguro pinagtatawanan na nila tayo ngayon."

"Subukan lang nila at kakatayin ko talaga sila."

"What about the media? Alam kong tayo na naman ang pag-pipiyestahan nila."

"'Wag niyo lang silang pansinin."

"What if they ask for an interview?"

"I won't have one." dismisa niya.

"What if-"

"Stop it, Mark!" sigaw niya. "Punong-puno na ako. May public relations tayo, diba? Let them handle that. "

"I just don't want the public to see us as sore losers, Estelle."

Tiningnan niya ng seryoso ang lalake. "We are not sore losers. Kung pinagtatawanan tayo ng mga taga Costa Allegre ngayon, sila ang matatawag nating sore winners. I know that there's something fishy about this whole buy-out, and I'm gonna find out what. "

Kunot-noo siyang tinignan ng lalake. "Pa'no mo naman gagawin 'yun?"

Tumalikod siya, at maiging tinignan ang syudad at ang mga sasakyang parang mga langgam na umaandar sa ibaba. "I'm going to demand answers from the person who brought out all the dirty work in this entire buy-out."

"You're not telling me..." may pagbabanta sa boses ng lalake.

"Yes," she confirmed. "I'm going to see Lothair Costa Allegre."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top