Kabanata 2

     Ipinarada ni Lothair ang kanyang sasakyan sa loob ng garahe ng mansyon ng kanilang pamilya. Kahit na marami na siyang pera upang makapag-patayo ng sarili niyang bahay, mas ginusto ni Lothair na manirahan sa bahay na kinalakihan niya kasama ang kanyang mga magulang katulad ng mga kapatid niya.

Wala naman siyang sariling pamilya kaya hindi niya kailangang lumipat. Kung tutuusin napakalaki nga ng mansyon ng Costa Allegre para sa anim na tao at iilang mga katulong. Isa pa, hindi rin naman nakakahanap si Lothair ng babaeng 'suitable' maging asawa.

In fact, he wasn't looking for any woman at all.

"Magandang gabi, sir Lothair." bati ni manang Cecil sakanya ng pagbuksan siya nito ng pinto.

"Magandang gabi rin sa'yo, manang." wika ni Lothair sa kasambahay at tuluyang pumasok sa loob. "Tulog na ba sina mom at dad?"

"Mukhang gising pa si sir Lowelle, hijo. Pero, si ma'am ay parang tulog na."

Inilagay ni Lothair ang kanyang briefcase sa paanan ng lamesa at tiningnan ang matanda. "Ah, ganun ho ba? Salamat po."

"Nakakain ka na ba?"

"Tapos na po, manang." sabi niyang paupo sa couch.

"Oh, sige, hijo. Kung wala ka nang kailangan, mauna na ako."

Tinannguan niya lang ito at binuksan niya ang kanyang briefcase, at isa-isang kinuha ang mga papeles na kailangan niya pang permahan.
Narinig niya ang malumanay na paglakad ng kasambahay patungo sa silid nito, hanggang ang malakas na katahimikan na naman ang lumukob sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. Sanay naman siya na palaging ganito. 'Yung mag-isa lang siya, at yung nakakabinging katahamikan ang palaging nandiyan upang siya'y damayan.

"Lotario, ikaw na ba 'yan?" napapitlag si Lothair ng marinig ang boses ng kanyang ama.

"My name's Lothair, dad. Not Lotario." pinandilatang sabi niya.

"Mas maganda kase ang entrada ng Lotario. You know it, and I know it." tumatawang wika nito habang pababa sa hagdan.

"Ikaw lang ang nakaka-alam, dad."

"Bahala ka." tumawa ulit ito. "Kumusta ang trabaho?"

"Great," sagot niya, at hindi niya napigilan ang sumilay na ngiti sa kanyang labi. "I think- I mean, I know that we're going to win the Fernando Electronics bidding."

Nakataas kilay siyang tiningnan ng kanyang ama. "Akala ko ba ang mga Villa Grande ang may highest current bid?"

"That was before. Pero tayo ang mananalo."

"You sound so sure, son." kunot-noong sabi ng kanyang ama.

"Because I am sure." paniguradong tugon niya.

Namilog ang mata ng kanyang ama sa ekspresyong nasa mukha niya. "What did you do now, Lothair?" may pagbabanta sa tinig nito.

"Wala naman ah," inosenteng depensa niya. Pero may katiting ng ngiti ang naglalaro sa kanyang mga labi.

"You're not fooling me, son."

"But dad," pagda-dahilan niya. "A successful businessman never reveals his secret."

May pag-aalinlangan siyang tinignan ng kanyang ama. Pero sa huli, bumigay rin ito. "Alright. You got me there."

Binaling niya ang atensyon sa mga papeles sa lamesa at sinimulan niya ulit ang pag-peperma dito.

"But if you must know, dad." tiningnan niya muli ang kanyang ama na nag-aalalang nakitingin sakanya sa katapat na upuan. "I may or may not have threatened the Fernandos that I will drop-out from the bidding if they won't sell their company to me."

"What?" bulalas nang kanyang ama. "Why on Earth would you do that?"

"For obvious reasons." ikinibit niya ang kanyang mga balikat. "I want the Fernando Electronics under the Costa Allegre management."

Luminghap ng malakas ang kanyang ama at napahilamos sa mukha. "Papano mo naman napa-oo ang mga Fernando?"

"It's very simple, dad. Everything and even everyone, can be bought by money." seryosong sabi niya sa kanyang ama. "The Fernando's had two major buyers in this whole buy-out. The Villa Grande's and of course, us. Tayo at ang Villa Grande lang naman talaga ang komandanteng players dito. The other companies were just pawns in the game, leaving them far behind the major league. If Costa Allegre backs out, that automatically means that the Villa Grande's would be the winner, with their winning bid. Are you following me?" tanong niya sa kanyang ama, at dagli naman itong tumango.

"But apparently, I offered the Fernando's a more generous amount than the last bid made by the Villa Grande's, in a private transaction and well..." he shrugged. "pumayag naman sila."

Malumanay siyang tinignan ng kanyang ama, na nagpapahiwatig na nag-aala ito. "I'm not even gonna ask how much 'generosity' you've been willing to extend in this particular buy-out, Lothair."

"Trust me. It'll be worth it, dad." tiyak niyang sabi sa ama. "Magagaling ang mga tauhan natin. Makakabawi tayo."

"Alam ko 'yun, anak. Ikaw pa." nakangiting sabi ng kanyang ama. "Over the past five years, you've proven your resilience and your impeccable talent of supervision to me. Kaya nga umunlad pa lalo ang ating kompanya. Kung nag-aala kang wala akong tiwala sa'yo, edi sana noon pa kita pinatalsik bilang presidente at CEO ng kompanya."

"That makes me feel so much better, dad." sarkastikong wika niya.

Tumawa ito. "It's true though." kumunot na maman ang noo nito. "Pero ang pinag-alala ko lang ay ang mga Villa Grande. You do know with what you're doing, you're never going to end this rivalry between the two companies, right?"

"Yes, dad. Or do I ever plan to." sabi niya, tsaka bumalik sa kanyang trabaho.

"Hay nako, anak. Akala ko namang mahihinto na ang hidwaan ng dalawang kompanya ngayong iba na ang namamahala."

"I don't even understand why you want to befriend the two companies." tiningnan niya ang kanyang ama. "It has been that way for as long as I could remember. And from my point of view, it looks futile."

"And why do you say that?" taas kilayng tanong ng ama niya.

"Because," umirap siya. "hinding-hindi kami magkaka-sundo sa presidente nila. Nakita mo na ba siya? Parang dragonang kumakain ng tao." umiling-iling na sabi niya.

"So nakita mo na pala siya?"

"In pictures, yes."

"Eh, sa personal?"

"Hindi pa." nagkamot siya ng ulo. "Where are you going with this, dad?" pagod niyang sabi.

"I was just asking, son. Sige, matutulog na ako." anito, tsaka naglakad pabalik sa hagdan.

Nang naka-pangalahati na ito, tumingin ito pabalik kay Lothair. "O'nga pala, kailan ba lalabas ang resulta ng Fernando deal?"

Tumingala siya sa ama niya. "Bukas."

"O'sige. Matulog ka na pagkatapos mo diyan ah?"

"Yes, dad," aniya. "And oh, don't forget to watch the news tomorrow."

"Kung iyon ang gusto mo." sabi nito, paakyat ulit sa hagdan.

"Good night, dad."

"Good night, Lotario."

Umirap siya sa sinabi ng ama, at humilig sa kanyang kina-uupuan. Napa-isip siya kung hanggang kailan kaya siya titigil, mapasakanya lang ang gusto niya.

Habang mahinahon niyang minamasdan ang mga papeles na nasa harapan niya, awtomatikong napasakanya na ang sagot.

Never.

Please do VOTE, guys! I'll be forever thankful (kahit walang forever) :p

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top