Who Am I?
(Amian Island Series 1)
Mateo POV
Gusto kitang makasama nang matagal Amanda... Gusto kitang makasama nang matagal dahil gusto kong makita ang mga ngiti mo pero hindi ganitong marami tayong kasama. Gusto kitang makausap nang hindi nauubusan nang pinag-uusapan--- dahil gusto kong makita ang other side mo pero hindi ganitong lasing ka. Gusto kong makita ang bawat reaction mo Amanda--- mga reaction mong dapat ako ang unang makakakita, ng tayo lang dalawa.
"Happy birthday ulit 'tol. Pasensya na kung mauna na kaming umuwi." Tumayo ako at hinila si Amanda palabas ng bar. Hindi ko na narinig ang mga pang-aasar nila sa'min.
Naiinis akong tumingin sa kanya nang makarating kami sa aking sasakyan. Gusto kong ngumiti nang ilang ulit siyang suminok pero hindi ko magawa. Ang matapang niyang mga mata ay mapupungay na ngayon. Namumula na rin ang kanyang mga pisngi. Kahit alam na niyang lasing na siya ay wala pa rin siyang tigil sa pagtunga.
Nakasuporta ang aking mga braso sa kanyang baywang para hindi siya tuluyang matumba habang binubuksan ko ang pinto ng aking sasakyan.
"Aw!"
"Shit! Mag-iingat ka kasi," inis kong sabi habang hinahaplos ang ulo niyang tumama sa bungad ng pintuan ng aking sasakyan nang pumasok siya sa loob.
Agad akong umikot sa kabila at hindi ko napigilan ang sariling hindi siya bulyawan. "What the heck are you doing?"
Dumaan ang pagkalito sa kanyang mga mata ngunit bigla siyang napangiti na parang tuwang-tuwa siyang makitang nagagalit ako. "W-what the heck I am doing?"
"Huwag mo akong ngitian Amanda."
Nabura ang ngiti niyang kanina lang ay nagbigay nang kakaibang pakiramdam sa akin. "B-bakit, ang Ashley mo lang ba ang pwede?" pilit niyang pinasingkit ang mga mata pero tuluyan itong napapikit.
Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngayon lang kita napagmasdan nang ganito katagal Amanda. Ang bait mo pala kapag natutulog. Hindi ko nakikita ang kayabangan sa mga mata mo.
"H-huwag mo akong t-titigan."
Napangiti ako. Kahit lasing at nakapikit ay malakas pa rin ang kanyang pakiramdam. Alam na alam niyang may nakatitig sa kanya.
"Gusto kitang titigan."
Mapupungay ang mga mata niyang sinalubong ang mga titig ko. "B-baka mahulog ka't matunaw ako he...he...he..."
Gustong-gusto kong makita ang mga tawa mo Amanda, ang mga ngiti mo, ang nakasimangot mong mukha. Gusto kong makita ang bawat galaw ng labi mo at gusto ko ring malaman ang lambot nito. Patawad sa kapangahasan Amanda pero hindi ko na kayang pigilan pa.
Tinawid ko ang pagitan ng mga labi naming dalawa. Malakas ang pintig ng puso ko at ramdam ko rin ang pagdaloy ng init sa aking katawan na mula sa katawan ni Amanda. Masarap sa pakiramdam. Gustong-gusto ko ang nag-uumapaw na sayang nararamdaman. Parang kay tagal akong nangungulila sa labi niya at parang kilalang-kilala siya ng labi ko.
I finally found you...
---
To all my fellas and lilies,
I do appreciate if you also read the first series titled Who Am I (Amian Island Series 1) and thank you so much for always supporting in every story that I wrote... Love yah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top