Prologo

"The day will come, the dark will be perish and the light will be risen!"

Nanginginig ang buong katawan ng isang nurse nang marinig ang yapak ng mga taong paparating. Dumagdag pa sa kanyang kaba at takot ang iyak ng batang kanyang inaalagaan.

Napatalon siya sa kama at agad tinungo ang lagayan ng gatas nito. Natataranta habang nagtitimpla. Puno nang pagmamadaling bumalik sa tabi ng bata ngunit natigilan siya nang marahas na bumukas ang pinto. Pigil ang hininga habang sinalubong ang nanlilisik na mga mata ng lalaki.

Agad siyang napayuko. Hindi niya kayang salubungin ang masamang tingin nito.

"Ahhh!!!" napasigaw siya nang maramdaman ang sakit dulot nang paghila ng lalaki sa kanyang buhok, pagkatapos ay marahas siyang tinulak. Agad na nag-uunahan sa pagtulo ang kanyang mga luha nang tumama ang kanyang likod sa mesa. Tahimik siyang humihikbi samantalang lumakas pa ang pag-iyak ng bata. Niyakap niya ang kanyang sarili pero muli siyang napasigaw nang lumapit sa kanya ang lalaki at hawakan ang kanyang mga pasa sa braso. Mahigpit ang pagkakahawak nito.

"Pagpapatahan lang ng bata ay hindi mo magawa! Minamadali mo yata ang iyong kamatayan babae!"

Napatiim-baga ang babae habang sinalubong ang galit sa mga mata ng lalaki. "Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa maging bihag ng mga halang na kaluluwang katulad ninyo!"

"Lintik! Ginagalit mo talaga ako!" nangangalaiti nitong sabi bago marahas na hinila ang kanyang buhok. Mas lalo siyang napaiyak nang pisilin ang kanyang baba.

"Huwag kang magmadali! Makakarating ka rin sa hukay!" Marahas siyang binitawan nito. "Patahanin mo ang putek na batang 'yan kung ayaw mo pang makita si Kamatayan!"

"Mga hayop kayo! Darating ang panahong pagsisisihan ninyo ang kahayopang ginawa n'yo!!" malakas niyang sigaw pero nilamon lang ito ng malakas na pagsara ng pinto.

Ang mga walang awang nilalang ay lumabas ng kwarto pagkatapos siyang saktan. Mga walang kaluluwa. Hindi niya lubos maisip na may ganito kasamang tao sa mundo. Walang awa kung pumatay pero mas nakakaawa ang batang babae na inaalagaan niya. Katulad niya ay bihag din ito, pagkatapos isilang ay pinatay nang walang kalaban-laban ang ama at ina nito.

Dadalhin niya ang bata kung kaya lang sana niyang tumakas ngunit suntok sa buwan kung mangyayari ang gusto niya. Bukod sa nakapalibot sa buong bahay ang mga armadong kalalakihan, nasa isla pa sila. Hindi niya alam kung saang bahagi ng Pilipinas sila naroroon. Malabong makakatakas pa siya. Kung sa bagay ay tanggap na rin niya ang kanyang kapalaran. Tanggap na niyang mamatay sa mga kamay ng mga halimaw na iyon.

"Ngunit bago ko lisanin ang mundong ito ay sinusumpa kong pagbabayaran ng mga hayop na 'yun ang kanilang kahayopang ginawa!" tiim-baga niyang sabi.

Napakuyom siya sa galit kasabay naman nito ay ang malakas na pagkulog.

"Elah..."

Kinilabutan siya nang marinig ang malamyos na tinig ng babae, malamyos pero puno nang hinanakit, may galit at nanghihingi ng tulong.

"Elah..."

Nilibot niya ang paningin sa buong paligid, bukod sa kanyang sarili ay ang bata lang ang naririto sa kwarto. Ang nakapagtataka ay bigla na lang tumahan ang bata at ngumingiti na parang nakakita ng anghel.

"Elah..."

"S-sino ka? A-anong kailangan mo sa akin?" nauutal niyang sabi habang dahan-dahang tumayo.

Napatalon siya sa gulat nang muling kumulog nang malakas na may kasamang kidlat.

"Elah..."

Napalingon siya sa pintong babasagin patungo sa balkonahe. Nahugot niya ang kanyang hininga nang makita ang isang anino sa sahig ngunit wala namang taong nakatayo. Umihip ang malamig na hangin. Nakadagdag kilabot sa kanya ang pagsayaw ng puting kurtina.

"Elah..."

Sa pang-apat na pagtawag sa kanyang pangalan ay nawala siya sa kanyang sarili. Kusang naglakad ang kanyang mga paa patungo sa pinto. Nang makalapit ay bigla na lang siyang bumagsak sa sahig habang nanginginig ang buo niyang katawan. Hindi rin nagtagal ay tulalang bumangon ang babae. Ang mga mata nitong kanina lang ay takot na takot, ngayon ay wala nang makikitang emosyon. Para itong robot nang tingnan ang sariling mga kamay. Hawak nito ang isang malaking karayom at kakaibang tinta.

Tumayo ito at naglakad patungo sa kinaroroonan ng bata. Hinaplos ang pisngi ng bata na puno ng pagmamahal. Napangiti ang babae nang humagikhik ang sangol. Hinaplos din ng babae ang dibdib nito kung saan malapit ang maliit nitong puso.

Isang napakalakas at nakakaawang pag-iyak ang umalingawngaw sa buong kwarto. Nakakabasag ng puso ang pag-iyak ng bata'ng patuloy na nasasaktan. Kusang tumulo ang mga luha ng babae habang patuloy sa pagbabatok. Hindi rin nagtagal ay natapos niya ang pag-ukit ng isang logo sa dibdib ng sangol. Pinahiran ng babae ng puting tela ang dugong dumaloy dito pagkatapos ay umusal ng nakakakilabot na sumpa.

"Mahika kong itim, hiling ko'y iyong dingin. Pagkabulag ang makakakita, sa logong nakaukit sa bata."

Pagkatapos nitong iusal ang sumpa ay hinalikan ng babae ang logong nakasulat bago bumagsak sa sahig kasabay nito ay ang marahas na pagbukas ng pinto. Nakangisi ang babae habang lumuluha. "Ang batang iyan ang maghihila sa inyo pabagsak!" malakas niyang sigaw habang humahalakhak.

Natatakot namang lumapit ang lalaki sa bata. Nanlalaki ang mga mata nito nang makita ang logo. Hindi nagtagal ay humihiyaw ito sa sakit habang hawak ang matang lumuluha ng dugo.

Hiyaw at halakhak ang umalingawngaw sa buong silid.

----
To all my fellas and lilies,

Welcome to the Amian Island and enjoy traveling with my imagination.

Te amore...💓💓💓Deo gracias! Deo gratias! Siemper Deo gratias it Mari!

Kelly Gracious

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top