Kabanata 6
Kailan ko iwa-wagayaw ay ang bandila ng kapayapaan?
--- Kelly Gracious
****
'SOMEWHERE IN INDIAN OCEAN - Day 7, 3:48 pm'
Huminga ng malalim si Ace upang pakalmahin ang sarili. Takot, pangamba at galit ang kanyang nararamdaman. Dalawang taon na ang nakalipas nang tumakas siya sa kuta ng mga pirata at ngayon ay muling pinagtagpo ang kanilang mga landas. Alam niyang ang mga parak ay mortal na kaaway ng mga Amianian pero hindi niya maituro ang kuta ng kalaban dahil mapapahamak siya. Mahigpit ang siguridad ng Amian, hindi madaling makakapasok dito. Paano pa kaya kung malalaman ng gobyerno ang totoo niyang pagkatao, baka sa libingan ang bagsak niya.
"Hulihin siya at ikulong," napapatiim-bagang sabi ni Zyrus nang dumating ang tatlong navy.
Agad tumalima ang mga sundalo ng karagatan. "Sir, bilin ni admiral ay dumiretso daw po kayo sa headquarter," sabi ng kanilang team leader.
Hindi na muli pang sumagot si Zyrus at agad tumakbo papasok sa barko. Kahit nanginginig ang mga tuhod ni Ace dahil sa nasaksihan ay pilit siyang sumunod sa lalaki. Nakasalubong nila ang mga nagtatakbuhang mga sundalo sa pasilyo. Sa pangalawang palapag naman ng barko ay maririnig ang mga malalakas na kalabog at putukan.
"Zyrus!" bungad ng admiral nang makarating sila sa headquarter. Nakakunot ang noo nito at hindi makakaila ang nagagalit nitong mukha. Samantalang, nagkakagulo naman ang mga kasamang sundalo habang nakatitig sa kani-kanilang computer. May pumarito't pumaroon, hindi maperme sa kanilang upuan.
"Hindi kayo pwedeng ma-delay sa pag-rescue sa ating mga kababayan. Muling nagbanta ang mga terorista na papatayin nila ang mga nabihag kapag hindi tayo nagbigay ng ramson. Dalhin ninyo ang dalawang speed boat at mauna na sa middle eastern island, susunod kami," utos ng admiral dahilan para mapakuyom ng kamao si Zyrus. Naglabasan ang ugat niya sa leeg dahil sa galit na nararamdaman.
"Ma'am!" tawag ng isang navy na dumating. Mabilis ang kanyang paghingal dahil sa pagtakbo ngunit hindi iyon naging bara para hindi masabi ang nangyayari sa pangalawang palapag ng barko. "Nahuli namin ang ibang pirata ngunit may ilan pa ring nakatakas bitbit ang ilan nating mga armas na kanilang ninakaw at mukhang alam nila ang pasikot-sikot ng barko."
"Lintik na mga piratang 'yan! Matinding purwesyo talaga ang binibigay nila sa atin!" galit na sigaw ng admiral pero nilamon ito nang sigawan ng may sumabog dahilan para yumanig ang buong barko.
"Ma'am, nasa paligid ang barko ng mga pirata! Hinahamon nila tayo ng giyera!"
Nahugot ni Ace ang sariling hininga. Hindi! Piping sigaw ng kanyang isip. Nasa malapit lang ang barko ng mga pirata, ibig sabihin muli niyang makikita ang mga taong naging dahilan ng kanyang paghihirap.
"Inaatake nila tayo!" sigaw ng navy nang muling sumabog ang ibang parte ng barko.
"Tutulong kami."
"Hindi," agad na kontra ng admiral sa sinabi ni Zyrus. "Ang misyon ninyo ay iligtas ang ating mga kababayan sa kamay ng mga banyaga. Ano pa't nandito kami, pamingkin? Kami na ang bahala sa kanila."
Labag sa kalooban ng sundalong-doktor ang umalis pero wala siyang nagawa kundi tumango.
"Gamitin mo 'to. Hindi pwedeng tumunganga ka na lang diyan at hintayin ang panganib. Kailangan mong lumaban, gamitin mo ang pinagsanayan mo sa Saferiane."
Napahigpit ang pagkakahawak ni Ace sa mesa at tulalang napatingin sa M16 na binigay sa kanya ng admiral. Nanginginig ang mga kamay nang kunin niya ito. Matagal na niyang kinalimutan ang makikipaglaban, kasabay ng paglibing niya sa nakaraan.
"Ihanda ang kanyon!"
Napapikit ng mariin ang dalaga nang sumigaw ang admiral. Makipaggiyera sa gitna ng karagatan, panahon na siguro para muli niyang harapin ang mga taong naging kanyang bangungot.
"Handa na ang kanyon!" sigaw ng isang lalaki na sinagot ng admiral.
"Now, fire!"
Ang malakas na putukan ng kanyon, sigawan ng admiral at ng buong team ay lalong nagpapakaba kay Ace. Ilang ulit nagpalitan ng putukan, kumpyensa ang admiral na hindi madaling masisira ang kanilang barkong pandigma. Solid ito sa bala ng kanyon, kung may nasira man ay maliit lamang.
"Oras na makaharap ko ang kapitan ng mga pirata, ililibing ko siya sa ilalim ng karagatan!" nanggigigil na sabi ng admiral bago siya tumakbo palabas ng headquarter.
Nilakasan ni Ace ang kanyang loob at sumunod saadmiral. Alam niyang nandito ang kanyang kalaban pero nagulat pa rin siya nangmakita ang malaking barko ng mga pirata sa kanilang harapan. Parehong may natamong sira ang dalawang barko pero hindi ito iniintindi ng lahat kung lumubog man pareho ang dalawa.
"Isusumpa kong ipapakain kita sa mga pating!" galit na sigaw ng admiral sa kapitan ng mga pirata.
Malaki ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo, bawat isa ay nagpalitan ng nakakasunog na titig. Samantalang si Ace ay nanlalamig ang buong katawan.
Duha...Hintatakot na sigaw ng kanyang isip habang nakatitig sa kapitan, nakangisi itong nakatayo sa railings ng kanilang barko. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagmumukha ng kanyang mga kalaban. Lalo na ang pinuno ng mga pirata, si Usa.
"Ang mga pating ay kaibigan ko, baka kainin ka sa iyong sinabi," nakangising sabi ni Duha dahilan para mapamura ang mga sundalong Amianian. Nakatayo ang mga ito sa tabi ng admiral, naghahanda sa pwedeng mangyari.
Napapatiim-bagang nakatitig si Ace sa kalaban. Buong buhay niyang pinangarap na patayin ang mga kalaban pero hindi niya magawa dahil bihag siya noon pero ngayong nakalaya na siya sa kamay ng mga hayop, ipapatikim niya ang galit na inipon niya buong buhay. Ipaparanas niya ang apoy ng kanyang paghihigante.
"Abante!" malakas na sigaw ni Duha na agad sinagot ng kanyang mga tauhan.
"Aya! Aya, Captain!"
Naalarma ang mga sundalong Amianian nang maglambitin sa lubid ang mga kalaban at tumawid sa kanilang barko. Malapitan at harap-harapan ang barilan ng dalawang panig. Agad itinutok ni Ace ang baril sa piratang kapitan ngunit natigilan siya dahil sa sigaw ni Lucas.
"Aye, watch out!"
Huli na nang kanyang lingunin. Tumama ang sipa ng kalaban sa kanyang sikmura dahilan para tumilapon siya. Hindi pa siya nakakabawi nang sunod-sunod siyang sipain nito.
"Patayin mo na sila!"
Ilang ulit na umiling si Ace para alisin ang tinig na sumisigaw sa kanyang isipan. Nagsisimula pa lang siya, hindi ito ang oras ng kanyang paghihigante. May plano siya para tuluyang mapabagsak ang kanyang mga kalaban. Kahit nangangalaiti na siya sa galit ay pinigilan pa rin niya ang sariling lumaban at piniling tiisin ang sakit mula dito. Walang-wala ito sa sakit na natatamo niya sa mga kamay ni Usa.
"Damn it!" mura ni Lucas. Gustong-gusto niyang lapitan si Ace at tulungan ito pero hindi siya nauubusan ng kalaban.
Sa kabilang bahagi naman ng barko ay nakikipagpatayan ang mga Amianian, gamit ang iba't ibang uri ng pakikipaglaban. Maririnig sa buong karagatan ang sigawan at putukan. Ang admiral naman ay hindi nawawala sa paningin ang papalapit na si Duha habang nakikipagbarilan siya sa mga alagad nito. Nang maubos ang kanyang kalaban ay itinutok niya ang baril sa kapitan ng mga pirata dahilan para matigilan ito. Kinasa niya ang baril. Walang lumabas. Muli niyang kinasa.
"Ang malas mo, ganda!" napapahalakhak nitong sabi.
Napapatiim-bagang sinugod ng Admiral si Duha. Inihampas niya ang baril niyang wala ng bala pero sinangga ng espada nito. Kung dito lang din siya mamamatay, sisiguraduhin niyang isasama niya sa ilalim ng karagatan ang kalaban.
"Aaahhh!!!"
Isang malakas na sigaw. Isang malakas na sigaw mula kay Ace nang maramdaman niya ang paghiwa ng espada sa kanyang kanang braso. Ilang ulit siyang gumulong sa sahig para iwasan ang espada ng kalaban na pilit siyang tinutusok. Nang makuha niya ang baril na natapon kanina ay walang pag-alinlangan pinagbabaril ang kalaban. Bumagsak itong wala ng buhay. Napapikit siya ng mariin at hinayaan ang mga sigaw na dumaloy sa kanyang isipan.
"Wala kang kwenta! Hindi kita sinanay para mamatay sa ganitong paraan!"
Lintik! Ilang ulit ko bang gagamitin ang aking mga kamay para kumitil ng buhay? Ilang ulit akong makikipaglaban para patuloy akong mabuhay? Nanghihina siyang tumayo nang walang mahanap na sagot.
"Ace Sparrow."
Naestatwa sa kinatatayuan si Ace nang marinig niya ang boses nito. Nanlalaki ang kanyang mga mata, hindi dahil sa butas ng baril na nakatutok sa kanya kundi dahil sa likod nito ay ang seryosong mukha ng lalaking ayaw niyang maalala.
"Ako ang unang tao na hindi mo gustong makalimutan," anito dahilan para manghina ang kanyang mga tuhod. "Sa wakas, natagpuan din kita."
Uno... Ang lalaking naging kakampi niya ngunit ang lalaki ring ito ay ayaw siyang pakawalan. Hindi para gawing bihag kundi para gawing asawa. Hindi man siya masasaktan pero habang buhay siyang hindi magiging malaya. Higit pa sa sakit ng dibdib at katawan ang kanyang mararamdaman dahil pati kaluluwa niya ay iiyak sa mga kamay nito.
"Nasa atin na ang kayamanan! Atras!"
Kung hindi pa sumigaw si Duha ay hindi kakayanan ni Ace ang panghihina ng katawan.
"Babalikan kita Ace," huling sabi ni Uno bago ginamit ang lubid upang makatawid ulit sa kabilang barko.
Tuluyang napaluhod sa sahig ang dalaga nang bombahin ulit sila ng mga pirata. Ilang minuto rin nang muling naging tahimik ang kapaligiran sa putukan, pero yumanig ulit ang barko dahil sa nagwawalang tubig ng karagatan. Tumaas ito na parang may malaking bulalakaw na bumagsak dahilan para pumasok ang tubig sa kanilang barko. Gulat na napatingin ang lahat sa laot, nang pumayapa ang tubig ay wala nang makikitang bakas ng barko ng mga pirata.
"Tangjuice! Mga multo ba sila para mawala na lang na parang bola? I-trace sila!" galit na sigaw ng admiral sa kanyang audio device.
"Ma'am, nag-iba po ang porma ang kanilang barko, sumisid sila sa ilalim ng karagatan at sa ngayon ay nasa sampung kilometrong layo na sila mula sa atin."
Ilang ulit napamura ang admiral nang wala ng pag-asang mahabol pa ang mga pirata. "May araw din sa atin ang mga hayop na 'yun! Anong sinasabi nilang kayamanan?"
"Ang kahon-kahon nating mga armas," nakayukong sabi ng sundalong navy dahilan para mapaigting ang panga ng admiral bago napapikit ng mariin.
"Umabante patungong middle eastern island," disappointed niyang sabi bago pumasok sa cabin. Maraming sundalong sugatan. Mabuti na lamang ay walang buhay na nawala.
***
'Day 8, 6:37 am'
Napapangiwing iginalaw ni Ace ang kanyang braso para palitan ng benda ang kanyang sugat. Mabuti na lang hindi masyadong malalim, aniya habang hinahaplos ito. Si Lucas ang gumamot sa kanya kaya lang nahihiya na siyang abalahan pa ang doktor para palitan ng benda ang kanyang sugat. Busy ito sa panggagamot ng mga sugatang Amianian at Filipino na naipit sa digmaan.
Nakarating sila sa middle eastern island kaninang madaling araw. Walang pahintulot mula sa gobyerno ng isla na pwede silang dumaong sa isla, kaya nanatili sila sa laot. Gamit ang speed boat ay sinundo ng mga navy ang mga Amianian at Filipinong naghihintay sa pantalan.
"May maitutulong ba ako?" tanong ni Ace kay Lucas.
Umiling ito. "Malapit na kaming matapos, Miss Lovely. Dumiretso ka na lang sa headquarter. Susunod kami."
Tumango siya bago nagpaalam. Naabutan niya angadmiral at ilang mga navy na nakatutok sa kani-kanilang computer. Mayamaya langdin ay dumating si Lucas at ang doktora. Namangha pa siya sa dalawa dahilmabilis nilang natapos ang kanilang mga trabaho. Binati siya ng binata nangmaupo ito sa kanyang tabi, samantalang, inirapan lang siya ng doktora at nauposa gilid ng binata. Napangisi ng lihim si Ace, natatawa siya sa doktora.Tinuturing siya nitong ka-kompetinsya sa atensyon ni Zyrus. Ngayon pa lang aynae-excite na siya sa labanan nilang dalawa. Hindi niya nakita ang babaengdoktor kanina sa labanan, curious tuloy siya kung paano ito makipaglaban.
Nilait siyang mahinhin at hindi makahawak ng baril, gusto niyang malaman kung gaano ito kabangis sa pakikipaglaban.
"Kumusta ang sugat mo?" tanong ni Lucas dahilan para lingunin niya ito.
Matamis niyang ningitian ang lalaki. "Hindi na masyadong masakit. Salamat sa paggamot."
"Mabuti naman. Baka magalit sakin ang kaibigan kong virgin. Matindi pa namang magalit yun, kalahi kasi ng mga Trinidad. Dapat sa kanila ay Mondragon ang apilyedo, para kasi silang mga dragon," bulong nito sa kanya, ang mga mata ay nakatitig kay Admiral Jane Trinidad na seryosong nakatitig sa malaking TV screen. Pinilit naman niyang sabayan itong tumawa ng mahina para hindi mapahiya sa sariling biro.
"Stop flirting Lucas, magfocus ka sa misyon," naiiritang sabi ng doktora.
"Tsk, selos ka naman agad," natatawang sabi ng lalaki dahilan para tingnan ito ng masama ng babaeng doktor bago siya sinulyapan at inirapan.
****
Law of Amian
Artikulo 8 (Seksyon 1) – ipinagbabawal na ipagsabi sa buong mundo ang pinagmulan ng mga Amianian.
---
Maligayang paglalakbay fellas and lilies!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top