Kabanata 4
"Better to die fighting for freedom then be a prisoner all the days of your life"
-- Bob Marley
*****
'YAMASHITA CONDOMINIUM BUILDING – Day 5, 10:25 pm'
Nalukot ang mukha ni Zyrus habang nakatitig sa mga kamay na pumulupot sa kanyang mga braso.
"H-hi, gwa-pong pinaglihi... ni ma'am Aman...da... hehehe..." sabi ng may-ari ng mga kamay.
Agad tinulak ni Zyrus ang noo ng babae nang maamoy ang hininga nitong amoy alak. Napalayo ito at napasandal sa pader ng elevator. Nakangisi dahilan para lalong lumiit ang namumungay nitong mga mata. Natatandaan niya ang babae, ito ang assistant ng kanyang Tita Amaya, mahiyain at mahinhin sa loob ng opisina pero kabaliktaran ngayon. Magulo ang buhok ng babae, namumula ang mga pisngi, mapupungay ang mga mata at tila wala ng hiyang nararamdaman.
"G-gwapo ka daw...hik... sa-sabi ng mga kasama ko... Gwapo ka n-nga he... he pero... hik... pero wala ka namang modo..." napahagikhik ito sa sinabi.
Crap! "I'm what?"
"Walang modo!" sigaw pa nito bago bumagsak sa sahig.
Damn it! Who the heck is she, para pagsabihan akong walang modo? Napapatiim-baga ang binata habang ilang ulit na napabuntong-hininga. Umatras siya nang masagi ng babae ang kanyang sapatos. Bukod sa kanyang ina, walang sinuman ang umiinsulto sa kanya. Mahinhin at mahiyain sa iba ang babaeng ito pero pagdating sa kanya ay malakas ang loob na inisin siya.
"Huwag mo akong... hik...hik... ta-tapakan huh? He...he...he... ang ganda mo pa n-naman... katulad ng may-ari sayo... hikhik... sana kasya ka...sa paa ko para.... hehehe para kaysa din ak... ako sa puso ng walang m-modo...na 'to hahaha..."
Napapikit si Zyrus ng mariin habang pinapakalma ang sarili. Hinayaan niya ang babaeng nakahiga sa sahig ng elevator habang kinakausap ang kanyang sapatos.
"Pwe! P-pick... up line ni... Diego hik...hik kasuka."
Napadilat si Zyrus nang marinig itong naduduwal. Agad niya itong hinakbangan nang bumukas ang pinto ng elevator. Wala siyang panahon para mag-alaga sa babaeng lasing.
"H-huwag mo akong iwan..."
Nang makapasok sasariling condo ay dire-diretso siyang umupo sa sofa. Napapikit habang hinihilotang sariling sentido. Sa susunod na araw ay maglalayag sila patungong middleeastern island. Hindi pwedeng ma-delay, baka wala ng buhay silang aabutan. Isasiya sa mga sundalong papasok sa ibang bansa, nagboluntaryo na sasama dahil alam niyang marami ang sugatan. Ang problema niya lang ay hindi makakasamang pumasok ang kanyang medical team, wala siyang katulong.
Crap! Wala siyang magagawa kundi manggamot ng mag-isa. Hindi rin pwedeng maghintay na lang sa barko, nakaupo habang pinapanood ang mga Amianiang kritikal, hindi kakayanin ng kanyang kunsensya.
Napasuklay sa sariling buhok ang binata, frustrated na nakatitig sa ceiling. Natigil lang ang kanyang pag-iisip nang may tupak na pinudpud ng pindot ang doorbell ng kanyang condo. Kunot-noo niya itong binuksan at halos sapakin niya ang babaeng ginawang laruan ang doorbell.
"What do you want?" asik niya dito.
Pilit nitong pinapalaki ang namumungay nitong mga mata, umayos ng tayo at tinuro siya. "W-what do you want? What do... you want? Hik... ikaw magnanakaw ka, p-paano ka... hik... nakapasok sa... sa condo ko?"
What the heck? "Look miss, I don't have time for your stupidity," naiinis na sabi ni Zyrus saka ito tinalikuran pero hindi pa niya naisasara ang pinto ay sumigaw ito at tinalunan ang likuran ng binata. Pumulupot ang mga kamay at paa nito sa kanyang katawan. Nagbabalak pa itong pilipitin siya sa leeg pero wala namang lakas. Ilang ulit napamura ang binata. Pumiksi siya at pilit pinababa si Ace pero may lahing tuko yata ang dalaga. Lasing pero mahigpit kumapit.
"Arck!"
Crap! Kung pwede lang niyang sapakin ang babaeng ito ay ginawa na sana niya. Anong karapatan nito para sukahan siya? Hindi man lang ito nakaramdam ng hiya nang umalis ito sa kanyang likuran at humiga sa kanyang sofa.
Napakuyom ng kamao si Zyrus at ilang ulit nagmura habang pinapakalma ang sarili. Ramdam niya ang langkit ng laway nito na tumutulo mula sa kanyang braso pababa sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang kanyang ulo dulot sa matinding amoy mula dito. Pagod na pagod siya galing sa trabaho pero nandito siya nakikipag-away sa babaeng kailan lang niya nakilala. Dapat sana ang misyon nila ang iniisip nito pero heto't lasing na lasing.
Crap! Still a burden.
Walang nagawa ang binata kundi hayaan na lang si Ace na angkinin ang sofa. Nakakahiya namang magambala ang pagtulog nito at magkalat muli. Wala siyang panahon para mag-alaga sa babae.
***
'Day 6, 6:15 am'
Crap!
Naiinis na bumangon si Zyrus para buksan ang hinayupak na nasa labas ng kanyang condo. "Damn it! Ang aga mong mangbulabog," asik niya kay Lucas. Kung nananapak ang masama niyang tingin, kanina pa nasapak ang nakangising lalaki.
"Na-miss kita." Brotherhood, niyakap siya nito bago walang hiyang pumasok sa loob ng kanyang condo.
Napabuntong-hininga ng malalim si Zyrus nang marinig ang malakas nitong pagmumura. Nakangisi itong tumingin sa kanya, puno ng pagdududa habang ilang ulit na nagtaas-baba ang mga kilay. "Hayop ka rin anoh? May babae ka na pa lang dinadala sa condo mo. Ang lupit mo rin, hindi na virgin."
Naiiling siyang nagtungo sa kusina para uminom. Nang bumalik sa sala ay naabutan niya si Lucas na nakatunghay sa babaeng kagigising lang. Nagulat itong bumangon at takot na isiniksik ang sarili sa gilid ng sofa. Palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki, nagtatanong.
"Good morning lovely," nakangiting sabi ng ugok. "By the way, Lucas Quirino, anak ni Rain Quirino," mayabang na pakilala nito at nakipagkamay.
Napatingin ang babae sa kamay nito bago sumulyap sa kanya. Baliwalang naupo si Zyrus sa pang-isahang upuan at bored na tumingin sa dalawang taong sumira sa kanyang umaga.
"A-anong ginawa nyo... d-dito?"
"Nabagok ba ang ulo mo para magka-amnesia ka?" maanghang na tanong ni Zyrus sa sinabi ni Ace. Crap! She never know what she did. "Ngayong gising ka na, pwede ka nang umalis," aniya bago naiiritang tumingin kay Lucas nang sipain ang kanyang paa at bumulong ng 'harsh'.
"I-I'm sorry, h-hindi ko matandaan ang nangyari kagabi," malumanay nitong sabi, kabaliktaran sa nakakairita nitong boses kagabi.
"Pinudpud mo lang naman ng pindot ang doorbell ko, inakusahan akong magnanakaw sa sarili kong condo, kumapit sa akin at sinukahan ako. Kung 'di mo kaya ang alcohol, huwag kang uminom."
Napayuko ito at parang hiyang-hiya sa nalaman. Malalim siyang napabuntong-hininga. Hindi niya ugaling maging strikto sa lahat ng bagay. Magalit kung pwede namang pag-usapan. It's just... makokonsyensya na sana ang binata kundi lang niya napansin ang mahigpit na pagkuyom ng babae. Double personality?
"Huwag mo nang pansinin ang kaibigan kong araw-araw nireregla," nakangiting sabi ni Lucas dahilan para sipain ni Zyrus ang puwetan nito pero hindi ito pinansin ng binata na ngayon lang nakakita ng babae sa condo ng kaibigang virgin. "Saan ba condo mo, Miss Lovely? Hatid na kita."
"H-huwag na, diyan lang naman ako sa kabila," nahihiyang sabi ng dalaga. Inayos ang sariling salamin sa mata at mahinhin na tumayo na kala mo di makabasag-pinggan.
"Ano nga pa lang pangalan mo?"
"Aye Cua."
"Are you related with Thunder Cua?" ani Lucas.
Naningkit ang mga mata ni Zyrus. Nabubwesit siya sa dalawa. Ang mga ito lang naman ang nag-uusap, bakit hindi pa lumabas.
"Pinsan siya ng ama kong si Marco Cua."
"Damn! Magkateam pala ang mga pamilya natin bilang mga ninja," natatawang sabi ng binata. "At di ba dude, kaibigan din ni Tito Mateo si Tito Marco? Tsk, kay liit nga lang talaga ng Amian."
Napatitig si Zyrus sa babae. Kilala niya si Marco, isang lalaking happy go lucky kung ilarawan ng kanyang ama. Ibang-iba sa anak niyang kulang na lang ipalamon ang sarili sa lupa dahil sa kakayuko.
"Pinagtagpo-tagpo tayo ng tadhana," masayang sabi ni Lucas na agad namang kinuntra ni Zyrus.
"Hindi na nakapagtataka, labing tatlong angkan lang meron ang Amian," aniya bago tumayo hudyat na tinapos na niya ang pag-uusap.
***
"Namumulubi ka na ba at dito ka pa kumakain?" asik ni Zyrus pagkatapos niyang maligo at maabutan pa rin ang kaibigan sa kusina. Naghahanda ng kanilang light breakfast.
"Nakalimutan kong mag-grocery," nakangisi nitong sabi bago sinundan nang subo. "Ayaw mo nun, may instant tagapagluto ka."
"Baka kako instant manggugulo."
"Tsk, by the way, maganda yung babae kanina. Halatang may gusto sayo."
"Pormahan mo kung gusto mo."
"Hindi ko type. Masyado siyang angel kung kumilos, baka masunog lang siya kapag magkasama kami. Nababagay lang siya sa batong katulad mo, baka mapalambot ka pa niya."
"Wala akong balak magdagdag ng pagtutuunan ng pansin."
"Tsk, virgin! Magiging masaya ang araw at gabi mo kapag babae ang kasama mo sa kwarto."
Napapailing niyang ibinaba ang tasa. "Ano ba talaga ang ipinunta mo dito?"
"Nililihis mo lang ang usapan," pilyo nitong sabi pero agad ding nagseryoso nang makita ang matalim niyang mga titig. "Nabalitaan kong may misyon ka sa susunod na araw. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nakalimutan mo na bang team tayo."
"Hindi rin kayo makakapasok dahil limitado lang ang makakapasok sa kanilang bansa."
"Ganun ba?" Napapaisip si Lucas. "Sigurado akong magpupumilit si Melany na sumama sayo. Alam mo namang kahit saan ka magpunta ay susundan ka pa rin niya. Patay na patay sayo ang babaeng yun. Kailangan ko ring sumama dahil baka tanggalin mo ako sa team, tsk, sa barko na lang kami maghihintay. Mapapakinabangan mo pa naman kami kapag nakarating na sa barko ang mga pasyente."
Tumango ang binata. "Bahala ka." Kakailangan nga niya. "Gusto mo ba talagang maging nurse na lang at huwag ng mag-proceed sa pagiging doktor?" Matalino naman ang kanyang kaibigan, may kakayahang maging doktor. Alam niya dahil sabay silang kumuha ng kursong medisina.
"Dude, sa isang tulad ko ay nababagay lang sa mababang ranggo. Kapag mataas ang ranggo, maraming responsibilidad. Iiyak ang mga babies ko kapag di nila ako nakakasama sa gabi."
Napapailing na tinapos ni Zyrus ang pagkain, hindi na pinansin ang walang kwentang pag-iisip ng kaibigan. Puro babae ang tumatakbo sa isip nito, at wala siyang panahon para diyan.
***
"Ano ang kailangan mo?" kunot-noong tanong ni Zyrus nang mabungaran ang babaeng kanina lang ay nagpainit ng kanyang ulo. Inihahanda niya ang kanyang mga medical kit at baril na dadalhin sa misyon pero natigil nang pinudpud na naman ng babae ang kanyang doorbell.
Agad itong nag-iwas ng tingin at namumulang iniabot sa kanya ang platong may laman. "P-peace offering ko. P-pinagluto kita ng adobong baboy. P-pasensya ka na talaga... h-hindi ko sinasadya. H-hindi na mauulit."
Crap! Promises might be broken. "No need, siguraduhin mo lang na hindi ka na mambubulabog." Tinalikuran niya ito at isasara na sana ang pinto pero agad nakahawak si Ace sa laylayan ng damit ng binata at hinila ito ng mahina.
Nanliit ang mga mata ng binata at naiiritang tumingin sa babae dahilan para sumilay ang pagkagulat at takot sa mga mata nito. Kahit makapal ang salamin nito ay hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng bilugan nitong mga mata. Crap! What a cry baby!
"P-please, tanggapin mo na ang peace offering ko."
Napipilitan siyang tanggapin ang binibigay nito. "Hintayin mo itong plato." Agad nagtungo ang binata sa kusina at inilipat ang pagkain sa ibang plato.
"Salamat," masaya nitong sabi nang bumalik siya at ibigay dito ang pinaglagyan ng pagkain.
Napapailing na pumasok sa loob ng condo si Zyrus habang tinatawagan ang sariling ina. Hindi niya nasagot ang tawag nito. Malamang susugurin siya ng kanyang ina kapag hindi siya nakausap nito ngayong araw. Dalawang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Zyrus! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"
Masarap. May talent naman pala siya sa pagluluto, sabi ng isip ng binata nang matikman ang dinalang pagkain ng dalaga. Ganitong mga gawain ang nababagay sa kanya. Kaya nakapagtatakang pumasok siya sa pagiging assistant ng agent, wala sa hitsura niya ang humawak ng sandata. Baka putok pa lang ng baril ay magwawala na siya sa takot.
"Zyrus!"
Napaigtad ang binata dahil sa sigaw ng ina. Nawala sa isip niya na kausap niya pala si Amanda sa kabilang linya. Crap!
*****
Amian's Trivia
· Amian Island – is a hidden empire of the Philippines, located near in Batanes.
· Amianian – the people
· Filipino – is also their language
· Peso – currency
· Dual citizenship – Amianian 'inside the Amian' and 'Filipino outside the Amian'
___
Salamat po sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top