Introduction
PROLOGUE
•••
It’s almost midnight, oras kung kailan halos tulog na ang lahat ng mga tao sa Earth. Yet, here I am, wide awake, having deep thoughts.
Nakaupo lang ako ngayon sa aking kama, nakatalukbong ng kumot na parang isang makapal at malambot na ulap na naglalayon akong protektahan sa lamig ng gabi. Tanging mukha ko lang ang nakalabas, para bang nagtatago sa mga anino ng aking kwarto. Nakapantay ang aking mga paa, malamig ang mga ito, habang yakap-yakap ko na para bang nagbibigay ng sariling init. Nakapatong ang aking baba sa tuhod ko, dinadama ang tibok ng aking puso na sumasabay sa ritmo ng aking malalim na pag-iisip. Ang hirap talaga kapag overthinker.
I am not sleepy yet, so here I am, thinking about things that have often given me headaches. I don’t know what to prioritize tomorrow, or if I can handle everything that will happen. Besides our defense, I also have a college interview.
I looked around my room. Quiet, dark, with only a small light coming from outside, given by the moon, passing through my small window. The shadows in the corners of the room are like waves of the sea, slowly dancing in the air. The light of the moon provides a unique peace, a special kind of calm, as if nature is comforting me despite all my worries. I hear the soft and gentle rustling of the trees outside, as if encouraging me to face tomorrow.
Mayamaya pa ay biglang naiangat ang kurtina sa pintuan. Walang pinto ang kwarto ko kasi nasira na kaya tanging kurtina lang ang nagsilbing sirado nito. Nagulat pa ako nang biglang paghawi ng kurtina ay may babaeng nakatayo at nakasuot ng duster dress. Nakapaa lamang ito, na kita ko dahil nasinagan ng liwanag mula sa buwan. Napasinghap pa ako, at sa isang iglap ay napatago tuloy sa loob ng aking kumot.
Sino ba naman ang hindi mapatago kung mabibigla ka?
“Maaa! Ang sakit sa mata, ” sigaw ko pa kay mama, habang tinatakpan pa rin ang aking mga mata sa kumot. Paano ba kasi, biglang nagliwanag ang loob ng kwarto ko dahil binuksan niya ang ilaw.
Nang makarecover na ako sa pagkabigla dahil sa biglaang pagliwanag ng paligid ay hinarap ko na si mama. Bahagya pa akong umupo at ibinaba ang dalawa kong paa at inapak sa sahig.
“Bakit gising ka pa? ” pabalik niyang tanong, habang nakatayo pa rin at deritsong nakatingin sa akin.
Hindi ako agad nakasagot. Napatulala pa ako, habang iniisip kung ano ba ang tamang isasagot ko sa kaniya.
“Ikaw, Ma? Bakit gising ka pa? ” pagpapalit ko pa ng topic.
Kasi sa totoo lang, takot akong malaman nila na may problema ako. Kung para sa iba, madali mag open-up sa pamilya pero sa akin ay hindi. Hindi ako sanay at hindi rin kami gano’n kalapit ng pamilya ko. Gusto ko man sabihin sa kanila pero pinangunahan ako ng pangamba. Iniisip ko pa lang, kinakabahan na ako sa magiging sagot nila.
“Nag cr lang, ” tipid niyang sagot, at walang bahid na kahit anong emosyon ang kaniyang mukha. “Matulog ka na. Malalim na ang gabi, ” dagdag pa ni mama sa kaniyang sinabi at saka ito tumalikod na.
I sighed.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kung sana nakapasa ako sa unang interview, hindi na sana ngayon magkasabay-sabay pa ang mga gawain ko. Hindi ako natanggap sa unang degree program na pinili ko dahil ang sabi, disqualified daw ako. Panigurado, hindi naman dahil sa grades, kasi simula bata ako, matataas ang grades ko. Lalong hindi naman dahil sa exam, dahil hindi naman ako pinaulit. Naisip ko na baka ito ay dahil sa interview sapagkat sinabi ko kasi na pinili ko ang maging guro since ito ang gusto ng mga magulang ko para sa akin. Siguro dahil doon, hindi nagustuhan ng interviewer ang sagot ko. Pero naging honest lang naman ako. May mali ba? O baka ako lang ang nag-isip ng ganito at pinagmukhang may mali na naman ang aking sarili.
Ngayon, isa ito sa malalaking problema ko. Kung sasabihin ko ba sa aking magulang na ang inaasahan nila ay hindi ko nagawa o mas mabuting itago na lang muna at sabihin na lang kapag siguradong ako’y enrolled na. Obviously, the latter option won. Wala akong nagawa, I have only one choice and that is to pick the last remaining option. Ito ang piliin ang BAEL program at bukas na nga ang interview ko. Malay ko ba, baka ito talaga ang para sa akin.
Kaya sana sa pagkakataong ito, ako naman ang pagbigyan ng panahon para sa maging kinabukasan ko.
•••
Thank you so much for reading! Votes and comments are highly appreciated.
FB: Greennyy Gei Manunula’t
@GreeneverGardenn
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top