epilogue

Nandito na ulit ako, Carol! Mabibisita na kita~ Alam mo bang miss na miss na kita? Ha?

Kasama ko ngayon sina mama at papunta kami sa bahay niyo. Doon daw kasi kami magkikita nina tita Ness at ng pamilya mo. I can't wait to see you again~

Bago ka bisitahin, dumaan muna kami sa flower shop para bilhan ka ng bulaklak (of course, bulaklak). Pagkatapos noon ay dumeretso na kami dyan.

Hinanap namin ang puntod mo sa sementeryong 'to at nilapag na ang mga binili naming bulaklak sa ibabaw ng puntod mo.

"Hi, Carol. Long time no see." nakangiti kong bati sayo.

Aish. I miss you so much. Bakit ka pa kasi nagkasakit? Bakit mo ako iniwan? Sa mismong araw pa yun ng Pasko ha.

Anyways, you gave me a notebook right before you were rushed to the emergency room. I think it's a diary or somethin'? I don't know. 'Di ko pa kasi siya nabubuksan. Baka mamaya, buksan ko na siya.

Happy new year pala, Carol. I hope you'te happy there. We'll see each other again soon in the afterlife. And... uhh... I-I love you. But I think I need to find another woman to love. 'Di naman pwedeng habambuhay na akong single, ano? Kailangan ko rin naman ng tao na makakasama ko hanggang sa tumanda na ako. I wished that it could be you but now that you're gone... fuck, I'm crying again.

We miss you so damn much. But I think I need to say goodbye to you for one last time.

Goodbye, Carol. I love you, pero bilang kaibigan na lang. Don't worry, I'll move on.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top