INY#21

JUDGEMENT:PART 1.0
乂💟-💟乂ANNA
________________

Isang buwan na ng lumipas simula nung namatay si Isalesha. Nakiki-Isalesha na rin no? piling close Nyehehehe... Pero deadski na kasi e edi friend na kami pati nga sa facebook na accept ko na siya.

Simula nung araw nung mawala siya nagsimula na rin ang pagbabago sa lahat lalong-lalo na si Elsa. She's different now. Paano ko ba eexplain ito? Ahmm, ganito kasi yun. Hayss, basahin niyo na lang yung flashback dahil masyado akong maganda para magsayang ng saliva.

FLASHBACK...

Ginising ako ng sikat ng araw sa umaga alangan naman ng gabi. Anga anga lang girl. Tumayo ako sa pagkakahiga alangan namang nakatayo akong natulog tapos hihiga ako kapag nagising. Pwede rin naman pero brainy ako e kaya hindi ko yun gagawin.

Nagtataka kayo kung bakit ako nagkakaganito? Hindi ako mapakali dahil sa panaginip ko kagabi. It looks so surreal kaya noong oras na yun gusto ko nang gumising sa bangungot na yun pero ayaw dahil parang may gusto siyang ipakita sa kin.

Flashback of the Nightmare...

Nakatayo ako sa isang malaking gate na may malaking mansion sa loob. May nakita akong dalawang babae na nakatayo sa harapan. Kahawig ni Elsa at ni Lissang Letse yung dalawang yun.

May hawak na kutsilyo si Elsa at walang armas si Lissang letse pero ang hindi ko inaasahan ay biglang sinaksak ni Elsa ang sarili niya tapos si Lissang Letse ay nakatayo lang dun at biglang bumulagta na hindi ko malaman kung bakit.

Dalawa silang nakahiga sa damuhan at may biglang dumating na lalaking nakaitim. Malaki ang katawan niya. At ang masakit bigla niyang nilabas ang baril niya at kinalbit ang gatilyo na nakatutok kay Elsa.

Pagkatapos biglang nawala ang lahat at napalitan ng itim ang lahat ng paligid pero mas gusto ko ng pink kaya inibahan ko ang kulay ng paligid.

End of Flashback of the Nightmare...

Naligo muna ako at kumain ng konti dahil kailangan kong mamintain ang kagandahan ng katawan ko para mas lalong matakam si My Manager sa akin. WAAHH! nikikilig ako! Anuebe.

"Mom! Dad! Kuya! Alis na po ako!" Sabi ko pagkatapos tumayo na sa kinauupuan alangan namang sa kinakatayuan ako tatayo ano yun shunga. Don't me! Huwag ako.

"Umalis ka lang. Wala akong paki." Ani Kuya Allexer.

"Ang sama mo kuya *sniff*  purkit crush mo lang si Elsa ganiyan ka na sakin. Hindi na kita ilalakad sa kaniya." Sabi ko kaya halos lumuwa ang mata niya.

"Yung Elsa ba na sinasabi mo Anak yung maganda na may salamin?" Ani Mom kaya tumango ako. "Napakaseryoso ng kaibigang mong yun pero gusto ko siya para kay kuya mo. Kaya Allexer ibreak mo na si Khaycee. WAAHH! Elsa for the win!" Sigaw ni Mom. Maka-Elsa pala si Mom.

Nilingon ko si Dad at patay malisya lang. Subo ng subo pero seryoso ang mukha na akala mo may kasalanan yung pagkain sa kaniya.

"Dad!" Sigaw ko kaya halos mapatalon siya sa kinauupuan niya.

"Bakit ka ba sumisigaw?"

"Tulaley ka kasi. Ano bang problema mo? May mali ba sa business natin?" Umiling-iling siya.

"Walang problema sa business."

"Oh wala naman pala. Bakit ka nga tulaley?"

"Masamang maging tulala?!" Galit na tanong niya.

"Hindi po?" Ayan sa kagagahan ko napayuko ako.

"Hindi naman pala e. Oh akala ko papasok ka na?" Nagnod ako sa kaniya at kinuha ang susi ng Lexus ko para ako nalang ang magdrive sa sarili ko papuntang school pero agad akong pinigilan nung driver na umihi lang daw at siya na daw ang magdadrive.

First time ko na nga lang magmaneho e tapos aagawin pa ni kuyang driver. At saka, It's the very first time in forever na nagalit si Daddy ko. For the first time in forever pinagtaasan niya ako ng boses. Go away Anna. WAAHH! It really hurts. Ang magmahal ng kano. Huhuhuhu

Umiiyak ako habang nagmamaneho si kuyang driver. Nasira na ata ang beauty ko dahil sa pag-iyak. Lumabas ako sa lexus ko ng nakapark na sa parking lot si Kuyang driver na bagong ihi. Nakasalubong ko si Vico at nakita niya ata ang mga mata kong bagong iyak.

Lumapit ako sa kaniya at tinignan rin siya sa mata sa mata. Ngayon ko lang napansin na green rin pala ang kulay ng mata niya kagaya ng kay Theresa at napakaguwapo niya. Matangos na ilong, mapululang labi, Makakapal ng kilay at ang kinis ng mukha niya at bagay na bagay sa kaniya ang gupit niya. Matangkad siya dahil hanggang dibdib niya lang ako kahit nakaheels na ako. Bakit ko ba siya pinupuri dapat si My Manager yung ginaganito ko.

Biglang bumilis ang takbo nung puso ko nang sinakop ako ng bisig niya. Yung feeling na hindi ko nararamdaman kay My Manager. Lumayo siya pagkatapos nun. Inangat niya ang chin ko at papalapit ng papalalit ang mukha niya sa akin kaya napapikit nalang ako. Hahalikan niya ba ako? WAAHH! Ilang segundo akong naghintay at walang pa ring lumalapat kaya minabuti kong imulat ang mga mata ko at nakita ko si Vicong na sa sahig na at si My Manager na nangggalaati sa galit.

"Nagchicheat ka ba sakin Anna?!" Tanong niya pero sa tonong galit na.

"H-Hindi ako nagchicheat sayo. Napuwing lang ako kaya hihipan niya sana." Alibi ko pero mukhang hindi siya satisfied.

"Napuwing ka tapos hihipan niya pero bakit nakapikit ka paano niya mahihipan." Aniya kaya napakagat labi nalang ako.

"Anna! Anna my Friend!" Someone calling my name. Lumingon ako at si Elsa yun na nakangiti.

"Oh My God! Magugunaw na ba ang mundo?!" Sigaw ko para mailayo ang tensiyon sa Dalawa.

"Ano ka ba naman my Friend. Kalma, ako lang to!" Aniya na nakangiti.

"Elsa My friend anong nakain mo?"

"Kanin lang yan my Friend." Aniya na nakangiti pero pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Nang napansin niyang nakatingin ako sa mga mata niya ay nag-iwas siya ng tingin.

"Huwag mong nilalayo ang usapan Anna. Nagchicheat ka ba sakin?!" Ani My Manager.

"Oh! May eksena palang ganito rito. Sige girl maiwan nakita at ayusin ang problema ng mga boylet mo." Aniya sabay kaway-kaway ala Ms. Universe.

Napanganga ako sa pinaggagawa ng babaeng ito at hindi lang pala ako pati si Vico kaya nagkatinginan kami.

"Oh ayan na ang patunay na nagchicheat ka sa akin!" Ani My Manager sabay talikod sa akin.

Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya pero hindi niya ako nilingon man lang.

"Akala ko sapat na ako sayo Anna pero nagkamali ako. Am I not enough? May kulang ba sakin? May mali ba sa akin? Pangit ba ang katawan ko? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?"

"N-No--"

"Then Why?! Ginagawa ko ang lahat para masabayan ko ang buhay niyo at para na rin sa future nating dalawa pero hanggang plano na lang ata yung sa ating dalawa." Aniya kay naiiyak na ako. Kasama na pala ako sa plano niya sa future. Ang gaga ko kasi. Hinarap niya ako at nginitian. "Kung hindi mo na ako mahal sabihin mo lang ayos sa akin pero kapag ganitong sitwasyon at nakita ng dalawang mata ko. Hindi ko matanggap. Binibigay ko lahat ng oras ko sa iyo kahit hindi na ako makapagpahinga sa trabaho para lang mapagsilbihan kita bilang boyfriend mo pero kulang pa pala." Tumutulo na ang luha niya.

"Gusto kita My Manager kaya hindi kita kayang saktan o magcheat. Hindi ko alam kung gusto ba kita o mahal na kita-"

"Hindi, Hindi mo ako mahal dahil iba ang sinasabi ng mga mata mo sa sinasabi mo!" Aniya kaya halos mapaluhod na ako sa kinatatayuan ko. "Magpakasaya ka sa kaniya. Mahal kita pero mas mahal kaniya at mas mahal mo siya kaya handa ako magparaya. We need to break up para magawa ko yun kaya break na tayo-"

"H-Hindi! Walang magbibreak dahil dalawa tayong gumawa ng relasyong ito kaya dalawa rin tayong gagawa ng desisyon kaya hindi tayo magbibreak. I love you My Manager and I don't know how to make my life started without you-"

"You can." Aniya na nakangiti na pilit. "Papalayain kita dahil mahal kita. I need to find myself first at pati ikaw. At kung tayo talaga ang tinadhana gagawa na gagawa ang tadhana ng sign. I love you, but I need to let you go." Hinalikan niya ako sa noo bago niya ako iniwan. Bakit parang ang dali niya akong bitawan? At yung mga mata niya. Pansin kong umiiyak ang mga ito pero parang may mali. Hindi ko maexplain.

"Ang drama ng scene niyo my friend na kakaiyak." Ani Elsa na andito na naman pala at ang dami na niyang galos.

"Anyare sayo?" Tanong ko sa kaniya kahit humihikbi ako.

"Nagtumbling ako jan sa daan." Tinignan niya si Vico kaya napalingon din ako sa kaniya. "Vico wala kang balak tumayo diyan. Masyado ng matagal ang bugbugan scene niyo. Masarap ba matulog sa sahig?"

"Ganito kasi si Superman paguwapo kahit sa daan." Sagot ni Vico kaya napangiwi si Elsa.

"Magsitayo kayo diyan, mukha kayong mga baliw!"aniya sabay flipped ng hair at napansin kong wala na siyang salamin. Ang tanga ko no? Nagtama ang paningin namin kanina hindi ko man lang napansin.

End of Flashback...

Kita niyo. She's really change now at nang nalaman ko ang dahilan ay halos manlumo ako sa sitwasiyon niya. She changed for Isalesha and She promised that to her even though they're not too close at ang masama ay ang sitwasiyon ni Elsa ngayon. Nawala na ang values at virtues na Mission Vision ng school dahil naging wild na sila dahil kay Elsa. She looks so pity but she's doesn't fighting-back  to defend herself kaya ako nalang lagi ang gumagawa.

She's my friend and She'll be forever kahit sa judgement na inaakusa sa kaniya because they really didn't know what really happened between the two of them so why they were judging someone without knowing the truth behind of it. At higit sa lahat, bakit ba ako nag-eenglish?

I Nerd You#21
Hyujinzz( ˘ ³˘)♥
To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top