INY#11

BRAIN BATTLES:PART 1.4
乂❤‿❤乂ELSA
________

'My love is on fire. Now burn baby burnbuljangnan.My love is on fire So don't play with me boybuljangnan-" Si Ate Ellen yan na kumakanta sa hapag kainan ng hindi naman kagandahan ang boses at ito namang magulang ko ay ayun sobrang support at may sabay pang palakpak.

"Wow!Ang galing mong kumanta Anak!Mana ka sakin." Ani Mom.

"Mas maganda kaya ang boses ko sa iyo Honey." Ani Dad.

"Mas maganda yung akin! Sumali nga ako ng The Voice dati diba!"

"Yung akin pang X factor at saka walang umikot sa iyo dati!"

"Walang umikot kasi sobrang galing ko daw kaya disqualified."

"Sakin siya Honey Nagmana!Mukha palang oh akin na!"

"Shut up!" Sigaw ko kaya nagsitigil silang dalawa na laglag panga. Aino ba naman kasi ang anak na magbabawal sa mga magulang... Edi ako at wala ng iba pa.

Hindi ko na sila pinansing nagbabangayan diyan ng pabulong kong sinong pinagmanahan ni Ate e ang pangit naman ng boses niya. Parang gitarang wala sa tono at speaker na barag tapos pang Alien pa yung lyrics. Bakit Lord? Anong kasalanan ko at bakit puro abno ang kabahay ko.

>>>>>>>>

Pagkababa ko ng sasakyan ni Ate na grabe humaharurot na parang naiwan pa ang kaluluwa ko sa gate namin dahil sa bilis ng takbo, Sobrang birit na akala mo lalabas na ang tae na nakadungaw sa puwet niya. Nakasalubong ko si Anna na napakalapad ng ngiti pero ang itim ng eye bags na pwede nang paglagyanan ng barya.

"Good Morning Elsa! Do you wanna build a snowman?" She asked.

"Ayoko nga at saka walang snow sa pinas. It's a tropical country kaya wala kang maeencounter na snow dito." Sabi ko sa kaniya.

"Ay oo nga pala no bakit hindi ko yun naisip." Aniya sabay kamot sa ulo.

"May kuto ka ba? Mukhang nahawaan ka na ng Alagad ni lissang letse."

"Hindi naman." Nakangiti pa rin ang gaga.

"At bakit anong nginingiti mo diyan. Nagdadrugs ka no?" pagbibintang ko.

"Grabe ka naman sa akin Elsa. Mukha ba akong drug lord e ikaw nga jan kapangalan mo yung reyna ng mga droga." Aniya kaya nagtaka ako.

"Sino naman yun?"

"Si Elsa Droga! Wahahaha-Aray naman." Ayan nakatikim ng batok.

"Sige tawa pa!" Sabi ko sa kaniya na may nanlilinsik na tingin kaya tumawa ulit siya kaya once agin nakatikim na naman siya ng batok. She pouted at last na akala mo asong napaamo.

"Masamang maging masaya?"

"Hindi naman."

"O hindi naman pala, kaya huwag ka ng makialam." Aniya kaya napamulagat naman ang mga mata ko.

"Ay ginaganiyan mo na ako huh. Sige ipapakalat ko na jowa mo yung manager sa Mcdo." Pagbabanta ko kaya nalaglag ang panga niya at halos lumabas na ng buo ang mga mata.

"Paano mo nalamang boyfriend ko na siya?" Aniya kaya ako naman ang nalaglagan ng panga.

"Kayo na?"

"Akala ko Alam mo na kaya nagtatanong ako e."

"E ikaw ang tinatanong ko kanina tapos ako naman tinatanong mo. Sige para masaya magtanongan nalang tayo at walang sasagot sating dal'wa!"

"Ang harsh mo talaga kahit kailan." Aniya na nakanguso pero inirapan ko lang siya.

"O paanong naging kayo ni Manager?" Saad ko na nakataas ang isang kilay.

"Pagkatawag ko sa kaniya tinanong ko agad kong pwede ko ba siyang ligawan-"

"Ikaw ang nanligaw?!" Tumango siya.

"Tapos magdamag kaming nagtawagan hanggang sagutin niya na ako. The end of story." Paliwanag niya.

"Napaka easy to get naman ng jowa mo. Sigurado ka bang mahal ka niyan?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang siya.

"Basta guwapo ayos na ako." Aniya kaya napangiwi ako.

"Ang taas ng standard mo Anna. Napakahirap hanapin." Sarcasm yan.

"Kaya nga e." Aniya kaya napasapo nalang ako sa noo.

"Sa susunod huwag mo sasabihing buntis ka na ng maaga dahil masasapak talaga kita!" Banta ko sa kaniya kahit hindi pa kami nagtatagal na magkakilala because I'm worried na baka dahil sa pagiging slow niya ay i-the flash siya sa kama.

"Hindi ako magpapabuntis ng maaga."

"Mabuti naman." I sighed in relief.

"Dahil gabi namin gagawin yun." Pahabol niya kaya sumama ang timpla ng katawan ko at mas lalong sumama ng makita ko ang Lissang letse.

"Problema mo?!" sabi ko sa kaniya ng walang kabuhay-buhay.

"W-Wala. Masama bang dumaan
Sa daanan?" tanong niya.

"Hindi naman. Pero masama ang dumaan sa dinadaanan ko dahil pwede kang malumpo ng wala sa oras." Sabi ko sa kaniya.

"Kanina mo pa dapat sinabi Elsa para hindi ako dumaan dito para hindi ako malumpo dahil gusto ko pang makapaglakad." Ani Anna takot na rin na kinagat kagat ang daliri.

"Mauubos yang kuko mo. Hindi yan kuko krunch kaya huwag mong kainin pero walang wala ka na talaga itira mo kapag emergency." Sabi ko sa kaniya.

"So san ako dadaan kung ganoon?" Ani Lissang letche.

"Sa Mt. Everest at languyin mo ang Nile river. Maglakad ka sa Sahara Dessert tapos ayun makakarating ka na sa iyong destinasyon."

"Edi patay na ako nun!" Aniya kaya tumango ako at ngumiti.

"Syempre dahil sa impyerno naman ang punta mo at kapag nawawala ako huwag kang mahihiyang tumawag sa akin para maturo ko sa iyo ang tamang daan." Napaatras siya at dali-daling tumakbo sa building namin.

"WAHAHAHA-" Natigilan ako sa pagtawa ng tumakbo rin si Anna papuntang building. "Hoy Anna!Sandali lang!" Sigaw ko sa kaniya.

Hinihingal akong nakarating sa klasrum at agad umupo sa tabi ni Anna. Sinamaan ko siya ng tingin at si Ate Girl inisnob lang ako. Kinalbit ko siya.

"Hoy Anna!" Tawag ko pero hindi niya ako pinapansin.

"Anna!" Tawag ko ulit.

"Ay may LQ!" Ani Vico.

"Hoy Alam niyo ba si Anna may bo-" Hindi ko na natuloy dahil tinakpan na ni Anna ang bunganga ko.

"Ano ba yun bestfriend kanina mo pa ako tinatawag." Aniya na malambing.

"Tsk..." Sagot ko.

"Uy Elsa Alam mo bagay kayo ni Shan parehas kayong ang lakas ng dating sa pag Tss." Ani Vico na napakakulit na kalamo bata.

"Paki ko hindi ko naman siya type!" Sagot ko kaya humiyaw sa tuwa si Ali.

"Loyal kasi yang si Bebe ko. Ako lang yung type niyan kasi ang guwapo ko." Aniya kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Hindi rin kita type!" Sagot ko kaya napahiya siya sa loob ng klase.

"Feeling maganda!" Pagpaparinig ni Lissang letse na may kasama ng Alipores na dalawa sa gilid niya na dumaan sa harap.

"Kaysa naman sa weak na nakagaya ng isa diyan!" Pagpaparinig ni Anna.

"Oo nga! Nagmamagaling weak naman." Dagdag ni Theresa.

"Ano bang type mo?" Tanong ni Alexander.

"Uhmmm...Gusto ko ng guwapo."

"Uyy ako yun." Ani Alex.

"Ako kaya yun!" Ani Vico.

"Ano pa?" Ani Ali.

"Simple lang manamit. Yung Shirt lang at jeans lang ayos na."

"Ako rin yun." Ani Alex.

"Ako yung mga binabanggit ni bebe ko e. Kabisado na niya talaga ako. Ang Sweet!" Ani ali.

"Basted ka na bro!"

"Tss..." Sagot ni Ali

"Di mo bagay." Ani Shan.

"Ano pa ba ang nasa standard mo?" Pagbablik tanong ni Vico.

"Mahilig sa sports. Matured na. Hindi babaero at higit sa lahat matalino." Sagot ko.

"Ano ba yan! Sayang bagsak ako sa isa. Simula ngayon mag-aaral na ako ng mabuti." Ani Ali.

"Sa isa lang ba?" Pagpaparining ni Alexander.

"Ako rin." Ani Vico at Alex na sinabayan ng iba pang lalaki.

"Anong ako rin." Tanong ni Ali Kay Vico.

"Magmamatured na ako. Doon lang naman ako bagsak e." Aniya.

"Walang experience ang baby damulag natin Alex." Ani Ali.

"Oo nga e. Masyado pang bata kaya less experience." Sahol ni Alexander.

"Tss..." Ayan lang ang sagot ni Shan.

"Ganda natin teh a. Magpautang ka naman jan o kahit isa lang." Bulong ni Jessie pero tinulalaan ko lang siya. She pouted at bumalik sa pagiging tahimik niya.

"Damot." Bulong niya na nakanguso pero dinig ko pa rin.

"Kahit patikim lang kahit isa sa apat ayos na ako." Ani Theresa na kahit naririnig na ng boys sa likod ang pinagsasabi kaya napangiwi ako.

"Nakakadiri ka girl." Ani Jessie

"TSEH!"

"Malason mo yang utak ni Anna mamaya makitikim na rin yan. Katabi mo pa man din. Isa ka pa man ding bad influence kaya nahawa si Jamica sa iyo. Naalala mo nung grade 9 tayo--" Ani Jessie kaya tinignan ko naman si Anna na kumikinang ang mga mata sa naririnig.

I Nerd You#11
Hyujinzz( ˘ ³˘)♥
To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top