EPILOGUE
乂💔_💔乂ELSA
_______________
Hindi sa lahat ng oras madaling magpatawad at Lalo na kung masakit yung ginawa nila saiyo dahil para bang pinagmukha ka nilang isa kang bagay na kailangang patungan ng pera sa ulo at una sa lahat hindi ako isang wanted na kriminal para patungan ng pera sa ulo at Hindi ako isang alkansiya na kailangang punuin dahil masyado akong maganda para maging alkansiya at kriminal. Alam Kong wanted ang ganitong ganda pero Hindi ako nagpapahuli kailanman.
Nasaktan na ako at hindi ko na yun makakalimutan Kasi nakabaon na Yun sa puso Kong Walang tigil ang pagdurugo at pagdaing sa sakit.
Pagkatapos ng trahedyang kinasangkutan namin dinala silang mga may pakana ng insidenteng iyon sa presinto alangan namang sa bahay ampunan... upang patawan sila ng kaukulang parusa at dahil menor de edad palang sila ay DSWD muna sila dadalhin at kapag umabot na sa tamang edad kulungan ang bagsak nila pero si Tara Haru Tan at si Farreh Polo Tan ay nabubulok na sa kulungan dahil 18 na sila habang si Jessie ay dinala sa Mental Health Care para maobserbahan.
Si ako naman ay lilipad ng papuntang korea para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi ko alam kay Daddy kung bakit doon pa kung pwede naman sa Harvard o sa Oxford. At sabi niya andun daw ang isa kung pinsan na pinaglihi daw sa kape and ang Dad na sinasabi ko ay ang real Dad ko pero hindi ko parin ginagamit ang pangalang Isalesha at ang apelyidong Newton dahil there's someone remembering me that name that make my heart broke once pero hindi ko alam na masusundan pa yung sakit ng malaman kong pinagpupustahan ka lang pala behind your back at ang masama tinuring mo pa silang kaibigan at ang masama pa nito ay nahulog ka sa isa sa kanila pero hindi ko nasasabihing nagkagusto ako sa kaniya dahil baka umasa lang ako sa mga pinapakita niya at paglilinlang pala yun na kasama sa kanilang Plano.
"Tuloy ka na ba talaga Anak?" Kahit hirap sa pagsagot ay tumango ako. "Mamimiss kita ng sobra." It was Mom. I hugged her tight and even tighter para manuot sa ilong ko ang pamilyar na bango niya. I treasured first the scene before I loosen up my arms circling in her body at baka hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap ko.
"Wala na pong atrasan ito kung ito rin po ang makakabuti sa akin." Saad ko sa kaniya.
"Masaya ako sa iyo anak dahil natuto ka ng magtagalog palagi." Panimula niya kaya nalaglag ang precious jaw ko. "Hindi ka na rin masyadong mayabang sa sarili mo na di katulad dati na paenglish-english ka sa daan kahit bibili lang ng fishball at gulay sa grocery." Sabi niya ulit kaya napaiwas ako ng tingin. "At natuto ka ng-"
"Ng ano Mom?" Tanong ko dito.
"May natutunan ka nga ba? Hindi ko rin alam kaya ikaw na lang magsagot sa sarili mo niyan dahil wala akong alam diyan. Inosente ako diyan." Aniya kay nginitian ko na lang siya. Love your parents Elsa... Love your parents at huwag mo ng patulan. "At napakasaya ko dahil nagiging close na kayo ng ate mo at pansin kong tumatalino na rin siya ng konti dahil may pa-english-english na rin siya minsan." Pansin ko rin yun kay Ate Ellen. Hindi ko alam kung anong trip niya. Siguro nauntog sa pinto na gawa sa bubblegum kaya ayun nabagok ang ulo. Charot.
Andito kami ngayon sa NAIA dahil ngayon na ang lipad ko papuntang korea. Nandito silang lahat including the traitors that made my heart broken into pieces but I noticed that parang wala si Anna andito naman ang pamilya niya.
Magtatanong pala sana ako ng makitang may dala siyang maleta na kulay mint green at nakascarf pa ang gaga at nakashades ng pink pair with her dress na pink also
"Anong fashion yan at saan naman ang punta mo? Bakasyunista ka o Bwisitsyunista?" tanong ko sa kaniya kaya tinanggal niya ang shades niya at winagayway ang buhok niyang bagong dye na kulay brown.
"Sasama ako sa iyo." Simpleng sagot niya na parang wala lang sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay na hindi niya maabot dahil alam kong hindi yan magpapatalo sa akin pero ang layo ng tingin ng gaga. Hindi man lang ako maharap.
"At sino namang nagsabing pwede kitang isama." Mataray na aniko kaya napamaang siya na ala Venus Raj. "Kaya nga ako aalis para hindi na kita makita tapos sasama ka sakin. Kung ganoon ikaw nalang ang umalis at ako ang maiiwan dito. Baka masira pa ang beauty ko sayo kung magkasama tayo sa isang bahay."sabi ko sa kaniya at parang nainis naman ang gaga pero inirapan ko lang siya.
"Ang sama mo talaga Elsa! Akala ko ba BFF tayo tapos gaganyanin mo ako! Alam mo bang halos lumuhod ako sa putikan para lang mapapayag sila Mom at Dad para sumama sa iyo. Hindi mo man lang naapreciate ang ginawa ko!" aniya na nakanguso pa at nangingilid na ang luha.
Tumingin ako kila Tita Victoria at ngumiti naman siya sa akin kaya wala akong choice kung hindi isama siya sakin. Hayss buhay nga naman. Biglang lumapit sila Dad at Real Dad at niyakap nila ako.
"Ano yan? Am I going to die? Babalik din naman ako kaya huwag kayong mag-alala..., di ko nga lang alam kung kailan. At saka tandaan niyo kayo ang nagpapaalis sa akin kaya huwag kayong magdram dito dahil comedy ang genre ng story na ito." sabi ko kaya napatawa sila pero bawat yugyog ng balikat nila sa katawan ko dahil sa tawa nila ay nasasakal na ako. Mamamatay na talaga ako dito. "Pwede na bang bumitaw dahil na sasakal na ang kagandahan ko at baka matuluyan pa akong mamatay sa harap niyo at saka If ever na mamatay ako, ayaw ko naman na ang cause pf death ko ay dahil sa yakap. Ang boring ng layp kung ganoon." Kaya humiwalay na sila sa akin na kinakamot-kamot ang ulo. Pinatapos talaga muna ang speech ko a bago ako binitawan. Hanep, ang lakas ng mga amats ng mga tatay ko.
Lumapit din sa akin sila Tita Victoria at Tito Victor at kahit nahihiya si Kuya Allexer niyakap na rin ako at ang Anna mukhang nagtatampo dahil walang goodbye hug ay ngumunguso kaya lumapit ang pamilya niya sa kaniya. Napatingin naman ako sa apat na nagtutulakan na parang gusto akong kausapan.
Nang makalapit sila sa akin ay tinaasan ko sila ng kilay at parang biglang kumulo ang dugo ko sa kanila pero tiniis ko pa ring pantayan ang kanilang mga tingin.
"Kahit anong gawin niyo hindi ko na yata kaya kayong patawarin." Panimula ko kaya natigilan silang lahat sa sinabi ko. "Masakit na sinaktan niyo ako at parang gusto kong makaganti sa inyo kaya wait for my revenge dahil hindi niyo na makikilala kung sinong Elsa ang makakaharap niyo." Hayag ko sabay talikod sa kanilang lahat kaya sumunod na rin sa akin si Anna.
"Mag-iingat ka Anak!" sabay sabi ng dalawa kong daddy pero hindi na ako lumingon pero tinaas ko ang kamay ko para sumenyas na 'I will' at ang dahilan kung bakit hindi na ako lumingon ay sa kadahilanang, ayokong makita ang pagmumukha ng mga taong nagturo sa aking 'Hindi lahat ng tao na malapit sa iyo ay totoo. Sapagkat, ang iba ay traydor na maninira ng iyong puso hanggang hindi na nito makayanang tumibok dahil nakalimutan na nito kung paano siya natuto.'
Nakapangalumbaba ako sa eroplano sinasakyan namin at nakatingin sa kalangitan napapalibutan ng mga ulap. Tulog si Anna dahil mukhang puyat dahil sa pagpapaawa effect niya dahil halatang magdamagan atang magpaawa ito dahi halata ang eye bags niya kaya pala nakasalamin kanina.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at Iniisip ko Kung ano ang magiging buhay ko sa Korea? Magiging masaya ba ako dun kasama ang hapdi ng sugat na aking natamo. Kaya bang lunasan ng Korea lungkot, paghihinayang, at galit na kumakain sa sistema ko.
Napatingin ako kay Anna na mahimbing natutulog na biglang nagmulat at tinignan ako ng mata sa mata.
"Ah Elsa may BFF!" Aniya kaya nagulat yung mga nagpapahinga sa eroplano kaya todo sorry naman ako sa pagsigaw niya. "Hindi pa pala tayo nakapasa nung chemical na inassigned sa atin dun sa Chemistry. Kawawa naman yung mga walang grade na kagaya na-"
"Naipasa ko na. Matagal na." Pagpapatigil ko sa kaniya. Nagdadrama ako e tapos sisingit-singit. She's really getting on my nerves. Argh! Tinignan ko siya at parang hindi na naniniwala.
"Weh? Tologo ba?" Sabi ko sa inyo e. Hindi naniniwala. At saka bakit ko nga ba ulit kasama itong aalis sa Pilipinas? Yeah right, she pleaded to her parents to be with me.
Sigh*
"Wala ka bang bilib sa alin Anna? Nag-oovertime ako minsan tapos pumupunta ako sa lab at saka nagkagawa ako ng shortcut para mapadali yung paggawa. At saka Anna, hindi mo ba napapansin na wala tayong ginagawa ng whole quarter habang yung iba may ginagawa?" Tanong ko sa kaniya kaya napaisip naman siya tapos napa-gasped.
"So you mean, you did that all by yourself without asking for another hands of your groupmates?" Nagulat ako ng mag-english siya at pati rin naman siya. At nang makabalik kami sa huwisyo ay sinagot ko siya.
"Yes, I did..." Sabat ko. "Especially, I have my own hands to used Anna, so may I ask you a question. Sa pagkakakilala mo sa akin Anna, Do I bother someone to give a hands to help me to finish my works?" Tanong ko rito kaya umiling siya na nakanguso. "Yes, I don't need to bother others to do the things na kaya ko namang gawing mag-isa." Sagot ko rito kaya natigilan siya at bumalik na sa pagkakaupo ng walang kahit anong salita na lumalabas sa bibig nito.
"Nagbago ka na Elsa," she murmured something, but I didn't heard it right. Maybe, it was just my hallucination.
I'm ELSA VOVOUGH and this is the last time that you will see this kind of Elsa because after this I'll never be the same. They deceived me, They lied to me, They hurt me but When I'll return, I'll hurt them thrice of what I've felt right now.
This is Elsa and wait for my sourest revenge.
_____________
H Y U J I N Z Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top