AQUA BLUE NA LOGO
"Huwag ka na pumunta sa bahay! Ang kapal naman ng mukha mo para sundan ako, ha! Gusto mo talaga tumawag ako sa pulis ngayon? Ha?!"
S'yempre, ayoko siya makasabay maglakad kaya nauna na 'ko.
Nag-walk out na 'ko, 'no! Aba, nakakahiya. Sa labas pa kami ng mall nagsigawan. Papunta na sana kami sa parking area. Dami pa naman tao ngayon.
Okay naman ang lahat 'yon date namin. Naglaro kami ng racing-racing, muntikan ko pa makuha 'yon cute na stuff toy sa claw machine kaya nag-try kami sa ibang claw machine. And ending, ice cream ang nakuha ko. Tapos siya, cute na keychain. Tapos dinala niya ko sa fancy restaurant na first time namin kakainan, sulit naman.
Sana pala hindi na lang ako nag-cr after namin kumain. Nagka-usap pa sila ng 5-year ex niya sa labas. Aba, papalagpasin ko sana kung hindi lang niya hinalikan sa labi!
Nakaka-inis talaga! Akala ko pa naman hindi ko na makikita ang babae na 'yon! Epal talaga siya sa'min. Oh, ngayon, magsama na sila ng higad na 'yon!
'Di ko alam kung bakit may bitbit ako ngayon kaya tinignan ko ang kamay ko. Walang hiya, helmet pala 'tong hawak ko.
Sa sobrang bwisit ko ngayon, binato ko na lang ang helmet sa malayo. Wala naman tao sa paligid kaya, doon ko na binato. Bahala siya magpaliwanag sa pinsan niya kung nasaan ang helmet. Magaling naman 'yon mag-imbento ng kung anu-ano, e.
Hala... Pa'no ako magcocommute ngayon? Hindi ako maalam mag-commute!
Bakit ba niya kasi ako sinanay na sumakay sa motor niya? Feeling ko tuloy naki-angkas 'yon babae niya bago niya ako makilala. Eww.
Tinignan ko ang paligid, wala akong makitang jeep or SUV. Hindi ko nga alam kung may train station ba na malapit dito sa mall.
Oh my God, am I lost?
Chineck ko muna ang panahon, mukhang hindi naman uulan dahil may nakikita akong stars. Then, tinignan ko naman 'tong suot ko. Dress na hanggang tuhod ko at naka-doll shoes naman ang sapatos ko.
Hindi naman siguro ako ica-cancel, right?
Tinap ko na ang aqua blue na app na may scooter na logo. Heh, ang kulit may pa-animated something pa rito, ah.
Oh, ang bilis naman makakuha ng rider sa app na 'to. At malapit lang pala siya sa mall. Mabuti naman, feeling ko kasi traffic ngayon dahil rush hour na plus weekend pa.
To be honest, this will be my second time na gumamit ng riding app. Malay ko ba kasi na may motor 'tong... ex-boyfriend ko. Pinagalitan pa niya ako dahil hindi ako nagtanong sa kanya, aba malay ba na kailangan ko magtanong.
Chineck ko ang plate number para makita ko. Titignan ko pa naman sana 'yon mukha nang may tumawag. Baka heto na siguro 'yon rider.
"Hello?"
[Ma'am, sa'n banda po kayo?]
"Ah, dito po sa may tapat ng burgeran, sa may waiting shed po."
[Ano pong suot— ay, kayo po pala 'to?]
Ano'ng problema nito? Bakit patanong 'yon last statement niya?
Ano bang motor niya? Wala naman naka-park na motor dito pwera lang sa tabi ng burgeran. Kumaway pa sa'kin 'to, hindi ko naman pinin diyan, e. Tatawid pa tuloy ako.
"Good evening po, ma'am."
Bago ko kunin ang helmet niya, tinignan ko ang plate number at motor niya na... Suzuki Raider ba 'to?
Mukha nga kasi heto 'yon motor na gustong-gusto ni ex-boyfriend pero hindi niya mabili-bili sa hindi ko malaman ang dahilan. Pabili siya sa bago niyang jowa.
"Ma'am?"
Ay.
"Sorry." Nakakahiya, kanina pa ba ako tulala?
Sinuot ko na 'yon helmet, nag-offer pa ng hairnet si kuya pero hindi ko na lang tinanggap, okay lang naman. Tapos sumakay na 'ko, inayos-ayos ko pa 'yon sa part ng palda ng dress ko. Sinigurado ko na hindi 'to aangat, makita pa ni kuya 'yon panty ko.
"Ay, ma'am. May alam po ba kayo na short-cut? Mukhang traffic po kasi sa dadaanan natin sabi sa Map."
Chineck ko bigla 'yon phone niya, naka-open ang Map so puro "red" ang nakikita ko sa daan na sana, dadaanin namin.
"Kuya, hindi ko alam." Ugh, wala ako sa mood para makipag-coordinate sa kanya.
Nalingon na lang si kuya sa'kin. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil naka-mask siya. "Okay po."
Ano'ng problema niya?
Nilabas ko muna ang phone para mag-screenshot ng transaction and send this to my friend na pupuntahan ko bukas. Dapat sana ngayon kung hindi lang nanggago 'tong... ex-boyfriend ko.
Ibaba ko na sana 'tong shield ng helmet nang prumeno agad si kuya. Shit, buti hawak ko 'tong phone ko and... OH MY GOD!
MAY LIPSTICK STAIN 'YON LIKOD NG T-SHIRT NI KUYA!
Shit!
"Okay lang po, ma'am. Ako naman po ang may kasalanan."
Tinignan ko naman 'tong driver na 'to. "Bakit ba kasi bigla ka na lang pume-preno, ha?"
Lumingon siya sa'kin tapos may tinuro siya kaya sinundan ko. Nasa pedestal line pala kami at ang mga tumatawid ay mga senior citizen, magkabilaan pa. At doon ko lang na-realize na nakahinto pala kami.
"Okay lang po ba kayo, ma'am? May nahulog po ba na gamit niyo?"
"Ah, wala naman. Ayos lang ako." After ko sabihin 'yon, may naamoy ako na mabango na hinahanap ng ilong ko kung nasaan siya.
Inaamoy-amoy ko talaga hanggang sa napunta ako sa batok ni kuya— hala. Si kuya ba 'tong naamoy ko?
Ano ba! Pangalawang dikit na ng mukha ko kay kuya! Una, 'tong labi ko sa damit niya tapos ngayon 'yon ilong ko nasa batok niya ngayon. Iih, mabuti na lang may helmet na nakaharang!
Pero kasi ang bango-bango niya! Hindi masakit sa ilong 'yon ginamit niyang pabango. Hindi ko nga alam kung may halo na ba 'tong pawis or naligo siya ulit, e.
Gwapo ba 'to? May girlfriend na kaya siya?
Hoy, teka! Hindi ko dapat tinatanong 'yan! Arrgh!
"Oh, ma'am, aandar na tayo. Kapit po kayo, ah. Don't worry, wala po akong girlfriend na maghihila sa buhok mo bukas."
Hala, kakapit daw ako. Saan ako kakapit? Wala naman 'yon lagayan ng helmet sa likod ng motor niya. Doon lang ako pwede sumandal.
Sa gilid-gilid na lang ng motor na 'to? Eeh, hahawak pa ko sa pinaka-palda para ma-secure na hindi 'to aangat.
Bigla na lang dumilim ang paligid, sa tunnel pala kami dumadaan ngayon at mabilis na ang pagtakbo ng motor niya. Binaba ko na ang shield ng helmet at kinapa 'tong lock, medyo mahigpit naman so safe.
Dahan-dahan huminto si kuya, red light pala. Tapos, lumingon siya sa'kin.
"Ma'am, sabi ko kapit po kayo, e."
"Hala, saan ako kakapit?"
Hindi niya ko sinagot dahil nag-green agad ang traffic light dito. Nakakapit pa rin ako sa gilid-gilid, ang bilis niya kasi magpatakbo ngayon compare kanina.
Kung sa bagay, wala naman gaanong sasakyan dito sa dinadaanan namin. Kung meron man, sisingit si kuya sa pagitan. Pero, ang bilis niya talaga magpatakbo. Naiintindihan ko naman na gusto niya hindi maabutan ng red light but, my God hindi naman ako nagmamadali ngayon!
Actually, ayoko pa talaga umuwi. After ko makita 'yon kanina, parang gusto ko magpunta sa The Drop Zone para magwalwal. Kaso, busy naman ang friends so... saan ako after ako ibaba ni kuya sa destination ko?
Huminto na naman kami tapos lumingon siya sa'kin.
"Ba't hindi ka kumapit?"
"Bakit ba? Sa'n ba ako dapat kumapit?" tanong ko na lang. Kung makapagtanong naman 'to, kala mo boyfriend ko. Galit na galit? Nasaan 'yon "po"?
Bigla na lang niya kinuha ang kanan kamay tapos... hala, sa'n niya kinapit? Bakit may matigas akong nakapa?!
"Ano ba!" sigaw ko sabay tinanggal ko 'yon kamay ko.
Nataranta pa siya. "Bakit mo inalis?"
"Bakit matigas?!"
"Matigas?"
Hindi na 'ko nasagot dahil nagbusina na 'yon sasakyan sa likod namin. E, wala naman akong choice kundi kumapit sa kung ano'ng matigas na 'to.
Bibitawan ko na sana ang kaliwang kamay ko pero, pinigilan naman ni kuya tapos binalik niya sa may matigas.
"Bakit ka bumitaw?" tanong pa niya habang nakatingin sa daan. Ako naman siguro ang kausap nito 'no?
"Kukunin ko phone ko!"
"Bawal mag-phone ma'am 'pag umaandar tayo."
Sorry, hindi mapigilan ng kilay ko tumaas dahil sa sinabi niya.
"Hindi ako galit, ma'am. Safety niyo po ang priority ko kaya hangga't kaya naman maghintay ng boyfriend mo sa reply mo, e, maghintay po siya."
"Kuya, wala na kami. Binalikan niya 'yon dati niyang alaga na higad na 'kala mo, ubod ng kagandahan. Kamukha lang naman niya 'yon aso sa tapat namin, kung makatingin sa'kin 'kala mo inagaw ko asawa niya. E 'di sige! Sa kanya na 'yon hinayupak na 'nimal na 'yon!"
Dahan-dahan niyang hininto ang motor, red light kasi. "Ma'am! Kumalma ka!"
"Ayoko kumalma hangga't hindi ako nakakaganti sa higad na 'yon, tangina niya!"
Lumingon na lang sa'kin si kuya. Pero bigla na lang nag-green light kaya inandar na niya ang motor. Tapos, huminto kami sa gilid.
"Hala, bakit ka huminto?"
"Okay ka na ba, ma'am?"
"Huh?"
"Okay ka na ba?"
"O-oo, okay naman ako. Bakit?"
"Sure ka, ha? Baka bigla na lang tayo ma-aksidente kaya huminto ako. Ikalma mo muna 'yan sarili mo, ma'am bago tayo umalis."
Nang marinig ko ang salitang "kalma", ngayon lang pumasok sa katawan ko ang pagod. Hindi ko alam kung nasaan, sa katawan ba, sa utak, o sa puso?
"Uwi na tayo, please."
Hayan na lang ang nasabi ko. Ayoko na makipagsagutan kay kuya. Mas lalo ko namimiss ang malaking teddy bear ko sa apartment na bigay ng kuya ko. Feeling ko tuloy, teddy bear ko ang kayakap ko ngayon. Ang pinagka-iba lang, may matigas talaga akong nararamdaman.
"Kapit lang po kayo sa abs ko, ah."
Gusto ko tuloy bumitaw after niya sabihin 'yon pero, pagod na 'ko. Mukhang hindi naman niya ako aawayin kaya hinayaan ko na lang. Ramdam ko pa ang kamay niya sa kamay ko, mukhang sine-secure niya na hinding-hindi ako bibitaw sa "abs" niya. Saka na niya tinuloy ang byahe namin.
E, mukhang abs nga 'tong nakakapa ko.
Naging alerto na 'ko no'n malapit na kami sa destination. Doon na 'ko nakipag-coordinate kay kuya kung saan 'yon shortcut kasi hanggang ngayon, traffic pa rin.
"Ma'am, sure ka bang dito kita ibababa?"
Tumingin pa 'ko sa kanya. "Bakit? Hayan naman talaga ang pinin kong location, ah."
"Grocery store na pasara na? May sakayan pa ba rito papunta sa inyo?"
Sinadya ko talaga na i-pin dito dahil ayoko malaman ng kahit na sino 'yon apartment na tinitirahan ko ngayon.
"Oo, dito na 'ko bababa." Bababa na sana ako nang bigla niya inandar at prineno agad kaya napayakap ako sa kanya.
"Bwisit ka! Ano'ng ginagawa mo?!"
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon! Gusto mo i-report kita?"
"Ay, 'wag naman po ganyan ma'am."
Of course, hindi ko gagawin 'yon. Wala na kong oras para sa ganyan. Magpapahatid na lang ako tutal hindi naman magku-krus ang landas namin.
Naihatid naman niya 'ko nang maayos kaya wala naman ako naging problema sa byahe ko. Except lang sa may lipstick stain ni kuya na pink.
"Ma'am, last request na lang po."
Tumingin agad ako kay kuya, "ano?"
"Pahingi na lang po ng tubig."
"Ah, sige. Wait." tumakbo na 'ko papasok sa loob para kunin ang natitirang bottled water sa ref nang maka-alis na siya.
"Heto, oh..."
Hindi ko alam kung bakit ako napahinto nang makita ko ang mukha niya na walang helmet at mask. Moreno siya, malaki ang mata na may eyebags, ni konting bigote wala ako makita sa mukha niya. Ang ganda ng batok niya kahit na moreno siya. Classic fade ang buhok niya, pa'no ko nalaman? Salamat sa kuya ko dahil favorite haircut niya 'yon.
Shit, ang gwapo naman niya. Plus may abs at mabango pa 'yon pabango niya? Shit!
Nagising na lang ako sa katotohanan nang tumingin siya sa'kin tapos ngumiti. Fuck! Ang gwapo niya!
"Ma'am?"
"Ay, heto oh." Inabot ko naman sa kanya 'tong tubig.
"Thank you." Ano ba! Kahit sa pag-thank you niya, ang hinhin na 'kala mo, hinehele ako sa pagtulog. Pati paglunok niya ng tubig na sumasama ang Adam's apple niya, hindi nalagpasan ng mata ko. Ang gwapo niya!
Kaso, bigla na lang niya sinuot 'yon helmet niya after niya ubusin 'yon tubig. Bago niya i-andar ang motor, nagba-bye pa muna siya sa'kin.
Wala na! Hindi ko na siya makikita! Psh, five-star ka na lang sa'kin.
Kinabukasan, kailangan ko na pumasok sa work, s'yempre. Maaga ako ngayon dahil ayoko maabutan ng traffic!
Single life, here we go!
Paglabas ko ng gate ng apartment, may itim na Suzuki Rider ang naka-park. Wala naman nakalagay na "no parking" signage rito pero... kanino 'to?
"Hayon! Kaya na pumasok ang single na pasahero ko for today!"
Lumingon agad ako sa likod nang marinig ko ang boses niya. 'Yon suot niya ngayon, green polo shirt and black jeans na naka-rubber shoes siya. Hindi siya naka-uniform ngayon at 'yon helmet na bitbit niya, mukhang sarili niyang helmet talaga.
"Bakit nandito ka?" hoy, hindi pataray na tanong 'yon.
"Uhh, ihahatid kita?"
"Hindi naman ako nag-book, ah."
"E 'di mabuti hindi ka nag-book. Ako na ang maghahatid at magsusundo sa'yo sa work. Or kahit saan mong gusto pumunta." Hindi ko napansin na dalawang helmet ang hawak. 'Yon puti, sinuot na niya sa'kin at siya na rin nag-lock.
"Ikaw na po ma'am ang mag-pin ng location mo for today's ride," nakangiti pa siya nang sabihin niya 'yon sa'kin.
Ang corny talaga pakinggan pero kinikilig ako ngayon! Ano ba! Aarrghh!
"Wala ako pambayad sa'yo."
Hindi siya nagsalita, pero mas lumaki ang ngiti niya pagkatapos taas-baba ang ginagawa ng mga mata niya ngayon.
"Hoy! Gago ka, ah!"
"Joke lang, ma'am. Okay lang naman kung hindi ka makakapagbayad ngayon. Pwede naman, utang muna. Kung makakapagbayad ka naman kinabukasan, sabihin mo sa'kin kung ano'ng mode of payment ang available." Gosh, kumindat pa si kuya!
Dapat nandidiri ako ngayon pero ang gwapo niya kasi! Kainis!
"Tara na, malalate ka sa work mo 'pag naipit tayo sa traffic. Lunes pa naman din," sabi niya pagkatapos, kinuha niya ang kanan kamay ko para maglakad papunta sa motor niya.
"Ayos lang, para makapa ko pa 'yon dapat kong makapa."
"Huh?"
"Ha?" huminto kami sa paglalakad. Lately ko lang na-realize na hanggang bibig lang niya ako. Gosh, I'm so small.
"May sinasabi ka?"
Shit, narinig niya? "Wala, ah."
Kita ko sa mukha niya ang pagtataka pero bigla na lang siya ngumisi.
Hindi niya sinabi nang malakas pero alam ko nag-lipsync siya na "mamaya" saka ako hinila papunta sa motor niya para sumakay.
Mukhang iba ang sasakyan ko mamaya after work, ah.
Bakit ba? Single naman ako, wala naman siyang girlfriend. E, 'di, i-go ko na.
END.
VOTE - LEAVE YOUR THOUGHT[S] - FOLLOW NIYO NA PUUU AKUUUUUUU AHUHUHAHAH!
SALAMAT ^^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top