Simula
Simula
"Remember, whatever happens, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Narito ka lagi sa puso ko at kahit kailan ay hindi ka mapapalitan..."
Tumango-tango ako habang umiiyak. Hawak niya ang magkabilang pisngi ko habang naliligo kaming dalawa sa sarili naming dugo. May tama kaming dalawa ng baril sa braso ngunit hindi ko na maramdaman ang sakit, mas nanaig ang kagustuhan kong maligtas kaming dalawa. Hindi ko alam kung paano napunta sa ganitong sitwasyon ang kalagayan namin. Bigla nalang may mga lalaking humabol sa amin at walang tigil na nagpapaputok ng baril.
Ilang malulutong na mura ang narinig ko mula sa kanya, bago naglabas ng baril na hindi ko alam kung saan niya hinugot. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko habang nakikipagpalitan ng putok ng baril sa mga humahabol sa amin.
Sumakay kami ni Dominic sa sasakyan. Malulutong ang mura niya at seryoso na ang itsura habang palingon lingon sa rearview mirror upang tignan kung nakakasunod ba ang mga humahabol sa amin. Nilabas niya ang ulo niya sa bintana para barilin ang iilang lalaki na nakalabas din habang pinapaulanan kami ng bala.
"Damn it!" Mura niya nang barilin nila ang gulong ng sinasakyan naming sasakyan. Pumasok siya muli sa loob atsaka ako nilingon. "Are you okay?"
Tumango ako sa tanong niya. Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig sa takot. Ngumiti pa rin siya sa akin kahit na nasa peligro na ang buhay namin. Na parang sinasabi niyang magiging okay rin ang lahat. Makakaligtas din kami.
Nagpalit kami ng pwesto. Siya na ngayon ang nasa shot-gun seat, habang ako ang nagmamaneho. Nilabas niyang muli ang kalahati ng katawan niya sa bintana. Dahil sa panginginig ng kamay ko at sa pagkabutas ng gulong namin ay hindi ko na nakontrol ang manibela.
Ang ngiting binigay niya sa akin kanina ay hindi nabago ang tadhana. Lumiko-liko ang sasakyang sinasakyan namin na halos hindi ko na maimulat ang mata sa takot hanggang sa maramdaman ko ang lakas ng pagkakabangga niyon sa malaking puno.
Bigla akong napabangon sa pagkakahiga at habol ang hininga. Napapaliguan ako ng pawis sa buong katawan habang may luhang tumutulo sa aking mata.
That nightmare...
Hanggang kailan ba ako susundan ng bangungot na iyon? Kailan kaya ako makakabangon sa pagkakalunod kong ito at pakiramdam ko, sa oras na hindi ako makabangon ay mamamatay ako.
"Are you really sure about this, Flame? Look, hindi mo naman kailangang gawin ito..."
Buo na ang pasya ko. Kahit na anong sabihin nila ay hindi na magbabago ang isip ko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at patuloy pa rin sa paglalagay ng mga gamit sa maleta ko. Punong puno ng galit ang puso ko at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya na nararapat sa akin at hindi na ako papayag na may iba pang tao ang makaranas ng naranasan ko.
"Mapapahamak ka, Flame! Hindi basta-basta ang gusto mo," pigil pa niya tsaka hinawakan ang braso ko para matigil sa pag-aayos ng gamit.
"Mind your own fucking business! Gagawin ko ang kahit na anong gusto kong gawin," mahinahon pero madiin na sabi ko.
Dyan naman sila magaling, e. Sa puro salita! Hindi nila alam kung gaano kasakit ang mawalan ng asawa ng dahil sa mga pesteng tao na walang awang ginawa ang lahat para lang masigurado na hindi hihinga ng malaya ang asawa ko.
Dalawang taon na ang nakakalipas ngunit ang sakit ay parang kahapon lamang. Nalaglag ang magiging baby namin dahil sa stress ko noong nawala siya. Kaya ngayon, hangga't buhay ako, sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kanila.
"Hindi ka ba nadala sa trabahong iyan ni Dominic noon? Hindi ba't napahamak lamang kayo?"
At dahil doon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinamaan ko siya ng tingin at sa mga oras na ito, kayang kaya ko siyang patayin kahit na kaibigan ko pa siya. Anong karapatan niyang pigilan ako while in the first place, wala siya sa posisyon ko?
"My decisions are my own, Ever, so don't question it! Dahil unang una sa lahat ay wala kang karapatan!"
She's my bestfriend since highschool pero sa panahon ngayon, sarili mo nalang ang dapat mong pagkatiwalaan. Sarili mo lang ang karamay mo. But it sucks to be me. Pakiramdam ko ay ako ang may dala ng malas sa buhay ng mga taong mahal ko.
Bitbit ko ang gamit ko habang nag-aabang ng taxi. I saw this foundation, something, sa internet and it caught my attention. Isang samahan ng mga skilled people na misyong protektahan ang Valdell City. At alam kong makakatulong ang pagsali ko roon sa hustisyang hinahanap ko para sa pagkamatay ng asawa ko. Kaya hindi na ako nagdalawang isip at sumali roon.
Efelistheria.
Ngayon ko lang narinig ang organization na iyan at ang tanging alam ko lang ay isa sila sa may pinakamatitinik na secret agent sa bansa na may layuning protektahan ang mga tao.
Ilang oras pa ang binyahe ko hanggang sa makarating ako sa lugar na tagong tago. Liblib at hindi kailangan man iisipin ng ibang tao ang pumunta rito. Matalahib ang lugar at hanggang kalsada lang ang mga sasakyan. Kailangan kong lakarin para makarating ako roon. Madilim ang paligid habang naglalakad ako, sobrang tahimik at mga iilang kulibangbang lamang ang naririnig.
Malamig ang paligid nang makarating na ako sa tapat ng building. Nanatili ako roon habang pinagmamasdan ang lugar na iyon. Madilim at walang katao-tao sa paligid at hindi ko maaninag kung may tao ba sa loob o wala dahil tinted ang salamin.
Papasok na sana ako nang biglang hinarang ako ng guard. Napakunot ang noo ko sa ginawa niyang iyon. What's his problem?
"Nasaan ang tattoo?" He asked, seriously. Nakaka-intimidate siya at parang siya iyong tipo ng tao na hindi mo malulusutan.
"Wala pa," pinakita ko sa kanya ang pulsuan ko. "Isa ako sa meyembro ng binubuong grupo na Efelistheria..."
Sandali pang nanatiling nakatitig sa akin ang guard at kumunot ang noo ko. Mukhang hindi siya naniwala sa sinabi ko. Hindi ko inakala na ganito kahigpit ang sekyuridad dito, hindi tuloy ako makapasok dahil lang wala akong patunay.
"Hindi ako naniniwala..."
Nagulat ako nang bigla siyang maglabas ng baril at tinutukan ako. Hindi ako gumalaw at magkasalubong na ang kilay ko habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya, dahil isang kurap ko lang ay baka bumalagta na ako sa sahig.
"The fuck..." mahina at malutong na mura ko at halos magdugo ang labi ko sa pagkakakagat.
Nanliit ang mata ko at nang mapansin kong pagalaw na ang kamay niya para kalabitin ang trigger ng baril. Pero bago pa niya maigalaw ang daliri ay agad kong hinablot sa kanya iyon. Dahil sa gulat nang panlalaban ko ay nabitawan niya iyon kaya siya naman ngayon ang tinutukan ko ng baril.
Ngumisi ako nang magtaas siya ng dalawang kamay, bilang tanda ng pagsuko. "Ikaw kasi, Manong, e. Kung naniwala ka na sana agad sa akin edi hindi tayo hahantong sa ganito,"
Sasagot pa sana siya nang biglang may lumabas na babae mula sa loob at diretsong nakatingin sa akin. Binaba ko naman ang baril. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin at kay Manong Guard.
"I bet you are Flame Fontanilla?" Tanong niya. Nagtaka naman ako na kilala niya ako pero tumango pa rin ako. "Follow me..."
Humangin ng malakas kaya sumabog ang buhok ko. Humigpit ang hawak ko sa dala kong maleta at pumikit ng mariin. Wala ng bawian. Hindi na ako pwedeng magback-out. Bago pumasok sa loob ay nilingon ko muna si Manong Guard at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
"Oh, Manong, sa iyo na ito!" Hinagis ko sa kanya ang baril at nataranta naman siya kung masasalo ba niya iyon o hindi. Napatawa ako nang huminga siya ng malalim pagkatapos iyon masalo, na para bang niligtas niyon ang buhay niya.
Pagpasok ko sa loob, tanging tunog lamang ng suot namin sapatos ang naririnig. Masyadong tahimik at hindi ko alam kung may tao ba talaga rito. Naunang naglakad sa akin ang babae, hindi ko naman siya matanong dahil pakiramdam ko ay hindi rin niya ako sasagutin.
Sumunod lang ako habang nililibot ang paningin sa kabuo-an ng loob. Dim ang ilaw ngunit hindi iyon masakit sa mata. Biglang huminto ang babae sa tapat ng elevator tsaka tinapat ang pala-pulsuan at bigla nalang bumukas iyon at sumakay kami.
Kumunot naman ang noo ko at dahan-dahang pumasok. Nakangiti pa rin ang babaeng kasama ko ngunit hindi ko alam kung bakit iba ang nakikita ko sa ngiti niyang iyon. May kakaiba.
Nang tumunog ang elevator ay agad kaming lumabas at naglakad pa ng kaunti bago siya tumigil sa isang pintuan. Humarap siya sa akin at ang ngiti niya ay naroon pa rin.
"Go inside. Enjoy!"
Nanatili akong nakatayo sa harap ng kwartong iyon at huminga ng malalim. Sa oras na pumasok ako sa kwartong ito, magbabago ang buhay ko. Magbabago ang lahat sa akin.
Hinawakan ko ang door knob at dahan dahang pinihit pabukas. Agad na napalingon sa akin ang mga taong naroon na para bang ako nalang ang tanging hinihintay nila. Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong naroon.
Tatlong babae, tatlong lalaki. Ang isang lalaki ay nakasandal sa pader habang matalim ang tingin sa akin. Ang isa naman ay nakangisi habang nakahawak sa back rest ng upuan ng isang babaeng ngiting ngiti rin sa akin. Ang isang babae ay akala mo pinaglihi sa sama ng loob; hindi manlang makangiti at parang gusto nang umuwi at matulog nalang.
"Hi!" Napalingon ako sa isang babae na nakaupo habang kumakaway sa akin.
Agad naman siyang binatukan ng lalaking nakatayo sa gilid niya. Ngumiti lang ako at hindi ko alam kung saan ako pupwesto. So... sila pala ang makakasama ko?
"Oh, kumpleto na pala tayo," sabi ng lalaking nakatayo sa likod niya.
Sila lang ang malawak ang ngisi habang ang iba ay walang reaksyon na nakatingin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko at kung saan ako tatayo. Tumabi nalang ako sa lalaking nakasandal sa pader at huminga ng malalim.
Hindi pa ako natatapos sa paghinga nang biglang bumukas ang pinto at biglang pumasok ang isang lalaki. Naka-all black siya at naka cap habang may nakasalpak na lollipop sa kanyang bibig. Nakipag fist bump siya sa lalaking kanina pa nakangisi at hinila niya ang isang upuan tsaka umupo.
"Kumpleto na talaga tayo," sabi ng isang lalaki at umayos ng pagkakatayo.
Hindi ko alam kung bakit hindi matanggal ang tingin ko sa lalaking kararating lang na naka all black at nakasuot ng cap. Tinanggal niya ang cap upang ayusin ang kanyang buhok. Ang ngisi sa kanyang mukha ay nanatiling suot niya. Sumayaw ang hikaw sa tainga niya habang gumagalaw siya.
Nanlaki ang mata ko nang mag-angat siya ng tingin. Sarap na sarap siya sa lollipop na nasa kanyang bibig. Bigla ang pag-iinit ng sulok ng mata ko habang pinapanuod ang bawat galaw niya. Hindi na ako makagalaw. Hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila dahil sa pagkagulat ko.
Gaano man kalaki ang pagbabago sa anyo niya ay hindi pa rin nawawala ang pamilyar na pagtibok ng puso ko tuwing nakikita siya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Gusto kong umiyak at gusto kong yakapin siya pero parang may pumipigil sa akin.
"D-dominic..." halos bulong na sabi ko.
Pero parang dinala iyon ng hangin sa pandinig niya. Seryoso siyang tumingin sa akin and he clenched his jaw. Ang ngisi niya ay biglang naglaho at napalitan ng pagkakunot ng noo.
"Sino ka?" Lalong natigil ang pag-ikot ng mundo ko sa mariin niyang tanong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top