Kabanata 8

Kabanata 8

Nanatili akong nakatitig kay Dark. Umayos siya ng upo at tinakpan niya ang hubad niyang dibdib gamit ang kumot. Magulo ang buhok niya at halatang bagong gising talaga siya dahil namumula pa ang kanyang mata.

"I... uh..." hindi ako makakapa nang gusto kong sabihin.

Naabutan ko ang sarili kong nakanganga sa harapan niya kaya kinagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko. I looked away. Kinuskos ko ang braso ko dahil nilalamig na talaga ako. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa aircon ng kwarto niya o talagang nanlalamig ako sa harapan niya ngayon.

Nalipat ang kanta, pero ganoon pa rin ang nabibigay niyong epekto sa akin katulad ng kaninang kanta. Malumanay, mabagal at sakto lang sa pakiramdam.

"You got a cold, cold heart

Do you feel at all?

You build a house of cards

But it's gonna fall..."

"Are you okay?" Tanong niya.

Hindi ako makapagsalita. Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak na para bang hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya. Nanatili akong nakatayo roon, hindi alam kung ano ang sasabihin.

Hindi ko na rin alam kung bakit ako pumunta rito sa kwarto niya. Ang alam ko lang ay gusto kong pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Dominic at kung paano ko siya nakikita, hindi bilang si Dark kung hindi bilang ang asawa ko.

"Come here..." it almost a whispered.

Iginaya niya ako hanggang sa dulo ng kama niya. Lalo kong naamoy ang pabagong gamit niya na nagiging pamilyar na sa ilong ko. Nilingon ko siya, sa wakas. Ngunit mali yata ako roon dahil saktong pagtingin ko sa kanya ay sakto ring pag-ayos niya ng buhok.

Nakita ko ang ugat sa braso niya at ang buhok sa kanyang kili-kili na mas nagdagdag ng dating sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na hindi pa pala siya nag-aahit ng balbas. Naroon ang maliliit na buhok.

"I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit pumunta ako rito," sabi ko dahil hindi ko yata kayang buksan ang topic kung saan pakiramdam ko ay hindi kami magkakasundo.

"You think I don't see

Who you really are

I've got news coming

I've seen it all from the start"

Tatayo sana ako ngunit hindi pa rin inaalis ni Dark ang pagkakahawak niya sa aking pulsuan. Nagkatitigan kami. Nakita ko ang ngisi niya na parang natutuwa talaga siya sa nangyayari.

"No, you do." Umiling siya. "Come on, I'll listen."

Binuka ko ang bibig ko pero wala na talaga akong makapa na dapat sabihin. Bumuntong hininga nalang ako at binagsak ang balikat ko. Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang sarili sa halo-halong emosyon.

"I know all your secrets

I know all your lies

I know where you keep 'em

Buried deep inside

No, you can't hide your secrets and lies

Secrets and lies..."

"You don't look okay. Tell me..." malambing niyang sabi.

Sa dami nang nangyari ngayong araw ay ngayon pa ba ako mahihiya? Minulat ko ang mata ko para makasalubong ang seryoso niyang mata. Kitang kita at basang basa ko mula roon na handa siyang makinig sa sasabihin ko.

"Okay," siya ulit ang nagsalita. Tumayo siya at inabot ang t-shirt sa table na nasa gilid ng kama niya. "Samahan mo nalang ako kumain ng lugaw." Tumawa siya.

"You got a cold, cold heart

You build a house of cards

I know all your secrets

I know all your lies

I know where you keep 'em

Buried deep inside

No, you can't hide your secrets and lies..."

Tumayo na rin ako at ngumiti. Mas gusto ko yata ang ideya niyang iyon para hindi masyadong awkward dahil nasa iisang kwarto lang kaming dalawa. Tumawa siya sa reaksyon ko dahil para akong nasa kulungan na pinakawalan na.

Pinatay niya ang speaker niya, bago pa tumugtog ang susunod na kanta. Hinayaan niyang bukas ang aircon, kaya naman pala ganoon nalang kalamig sa kwarto niya.

"Let's go, Baby girl..." hinila niya ang kamay ko at inakbayan.

Sabay kaming lumabas ng kwarto niya at sabay rin kaming bumaba. Walang tao sa sala, gabi na rin kaya baka tulog na ang lahat. Who knows? Baka nga wala rin sa bahay ang ilan dahil sa nangyaring hindi pagkakaunawan.

Pagkalabas namin ng bahay ay agad umihip ang pang-gabing hangin. Nagulo ang buhok ko kaya inayos ko iyon. Kahit na walang nagsasalita sa amin ni Dark ay hindi talaga ako nakakaramdam ng awkwardness. Siguro iyong kanina lang dahil hindi maganda ang place na pinili ko para mag-usap.

"Kagigising mo lang ba?" Tanong ko.

"Not really," sagot niya at saka humalakhak. "Gising na ako noong kumatok ka."

"Kaya pala hindi mo ako pinagbuksan, ha?" Sarkastiko kong sabi.

Halo siyang humalakhak sa sinabi ko. Ayaw kong sirain ang magandang mood ni Dark ngayon. Pero masisira nga ba ang mood niya sa oras na sabihin ko iyong about kay Dominic? Well, mukhang hindi naman dahil wala siyang pakielam sa akin at sa past ko.

"Alam kong papasok ka pa rin kahit na hindi ko buksan," sabi niya. "Kaya hinintay kitang makapasok."

"Dahil ganoon ang mga babae mo sa iyo? Sila ang pumapasok sa kwarto mo?" Hindi ko napigilang sabihin.

I wonder kung ilan na kaya ang naging babae nitong si Dark. Halata naman din kasing mabulaklak ang bibig nito kaya imposible talagang wala o kaunti lang.

Maging si Hyrie ay mukhang pupormahan ng isang ito. Baka kapag wala na si Morgan sa tabi ni Hyrie ay hindi na ako magtataka kung makukuha niya si Hyrie.

Babaero.

"Atleast hindi ako ang lumalapit sa babae," proud na sabi niya.

"At dapat na ba akong matuwa dahil sa sinabi mo?" Iritang sabi ko.

"Chill," pinat niya ang balikat ko at saka lumiko kami sa isang eskenita. "Wala akong masyadong naka-date na babae dahil busy ako sa misyon. Kung meron man, siguro mabibilang pa sa kamay."

"Marami o kaunti, ganoon din iyon. Babaero pa rin," mahinang sabi ko na hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi.

Umalingawngaw sa buong paligid ang halakhak siya. Huminto kami sa paglalakad dahil sa pagtawa ni Dark. Nasa gitna kami ng kalibliban ng lugar ng Valdell. Sumasayaw ang talahib sa paligid namin, maging ang mga puno na akala mo ay may kanta silang sinusunod.

Nakatingin lamang ako kay Dark na halos mapaupo na sa kakatawa. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng isang ito, pero base sa reaksyon niya ay mukhang hindi maganda iyon. Sa inis ko ay sinapak ko ang mukha niya.

"Ouch!" Madiin na sabi niya sabay sapo sa pisnging sinapak ko. "Anong kasalanan ko?"

"Bakit ka ba kasi tumatawa?" Inis na tanong ko.

"Ikaw kasi, e." tumawa nanaman siya. Nang ambaan ko ulit siya ng panibagong sapak ay natigil na siya. "Natatawa lang ako sa iyo."

"Anong nakakatawa sa akin?"

Hindi siya nagsalita. Tumingin siya sa akin at nakita kong pinipigilan niya lang ang pagtawa dahil baka masapak ko nanaman siya ulit kapag tumawa siya.

"Teka nga." Hinawakan niya ang braso ko.

Umakyat mula sa kamay ko hanggang sa mukha ko ang kuryente dumalaloy galing sa pagkakahawak ni Dark sa akin. Napalunok ako. Hindi ko pinahalata sa kanya na kinakabahan ako.

"Nagseselos ka ba?" Ngising tanong niya.

"H-huh?!" Nagulat ako sa sinabi niya.

Anong nagseselos? Anong nasabi ko o ebidensya niya para tanungin kung nagseselos ba ako o ano sa ginawa niya. Wala naman akong pakielam sa mga babae niya. Tinanong ko lang, at hindi ako naniniwala sa sinabi niyang hindi siya babaero.

"Hindi, ano! Bakit naman ako magseselos?" Inirapan ko siya at nauna nang maglakad.

Alam ko namang kina Aling Tessa nanaman siya kakain ng lugaw. Alam ko na ang daan doon kaya kahit hindi niya ako sundan ngayon ay tutuloy pa rin ako roon.

Naramdaman ko ang kamay ni Dark sa balikat ko, hanggang sa bumigat iyon at alam ko nang nakaakbay nanaman siya sa akin. Hindi ko na tinanggal iyon kahit na naiinis ako sa kanya ngayon.

Tama bang pagtawanan ako dahil lang sa tingin niya ay nagseselos ako? Ha! Ang kapal ng mukha niya!

"Oo nga, bakit ka nga ba magseselos?" Sabi niya ngunit rinig ko mula roon ang pagka-sarcastic.

Nakarating kami kina Aling Tessa ngunit imbes na si Aling Tessa ang nagserve ay isang dalagang maganda, maputi, makinis at maamong mukha ang lumapit sa amin. Sinandal niya ang kamay niya sa table at ngumiti sa amin.

"Ano, Dark?" Ngising tanong niya.

"Terri..." ngumisi rin si Dark.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi na nila ako napapansin dahil mukhang nag-uusap na yata sila gamit ang kanilang isip. Umirap ako at kinuha nalang ang baso at nilagyan ng tubig iyon at saka nilagok ng diretso.

Kaya ba ako dinala rito ni Dark para ipakita na nandito na si Terri? Iyong binibigyan niya ng pang-tuition? Narinig ko na sila dati ni Aling Tessa na nag-uusap tungkol doon. Akala ko naman ay bata pa itong Terri, pero mukhang ka-edad lang yata namin.

"Dati pa rin?" Tanong niya kay Dark.

Tumango si Dark. "Dati pa rin. Idalawa mo na. May kasama ako."

Doon lang tumingin sa akin ang babae. Ngumiti ako. Ngiting kaya kong ipakitang wala akong pakielam kung mas maganda siya sa akin o ano. Nagulat siya at pilit na ngumiti.

Umalis siya para kunin ang order namin. Pinanuod ko nalang si Dark na parang baliw na nakangiti pa rin kahit na umalis na si Terri. Sinandal niya ang sarili niya sa upuan at saka ako nilingon.

"Terri, huh?"

"What?" Kinagat niya ang labi niya. "Anong problema?" Inabot niya ang basong nasa harap niya na may tubig na at saka nilagok.

Hindi ko kaagad nasagot ang tanong niya. Gusto kong itanong ang tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ko yata makaya. Nahihiya ako. Pero gusto ko marinig ang sagot niya. Gusto ko marinig iyon dahil baka hindi ako matahimik nang hindi naririnig ang sagot.

"Are you and Terriㅡ"

He smiled unnervingly. "The answer is no."

Tinignan ko siya. Wala pa akong tinatanong pero nasagot na niya ang tanong ko? Kakaiba talaga ang Dark na ito. Parang wala lang din siyang pakielam sa tanong ko. Pinaglalaruan niya ang baso niya habang pinapanuod ang nangyayari sa loob ng lugawan.

"You meanㅡ"

"Never," said Dark. Nilingon niya ako at ngumisi. "She's almost a sister to me. It would be strange..."

Binalik niyang muli ang tingin sa kaninang pinapanuod. Sinundan ko iyon ng tingin para tignan kung may kakaiba bang hindi ko napapansin pero wala. Nakita ko lang ang mga kalalakihan na may kausap na dalawang babaeng mukhang kaibigan yata nila.

Baka naman kilala ni Dark ang isa sa mga iyon kaya ganoon nalang kung panuorin niya ang bawat galaw nila? Ewan. Hindi ko talaga siya maintindihan.

"But she's so beautiful." Patuloy na sabi ko. "Mukha rin siyang mabait, baka nga hindi lang mukha. Mabait talaga siya."

Tinignan ko si Dark para malaman kung ano ang reaksyon niya pero naroon pa rin ang tingin niya. Ngumisi lang siya at sandaling tinignan ako.

"So are you," nakangising sabi niya pero ramdam ko na seryoso siya sa sinabi niya.

"Ano bang tinitignan mo roon? Kilala mo ba sila?" Kunot noong tanong ko habang pinapanuod na rin iyon.

Lumapit sa akin si Dark at inakbayan ako. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko kaya pasimple akong napalunok. Ano nanaman kayang trip ng isang ito?

"Yes. No. Yes? No?" Sagot niya. "Nakita mo iyon? Iyong kulay blue ang t-shirt? His name is Jeck."

"So?" Iritang tanong ko.

Nilingon niya ako at umiling habang tumatawa. "Drug dealer siya. At iyong dalawang babaeng kasama nila ay ang ibubugaw nila sa mga bar."

"Paano mo nalaman? May tainga ka ba roon malapit sa pwesto nila?" Sarkastiko kong tanong.

"Tignan mong mabuti ang galaw nila. Pansinin mo ang mali sa tama..." tinapik niya ang balikat ko at bumalik sa pagkakasandal sa upuan.

Tinignan kong mabuti ang ginagawa nila. Kung kanina ay makikita mong mukha silang magkakaibigan, ngayon ay mukhang tama nga si Dark. Kinukuskos ng isang babae ang daliri niya na para bang kinakabahan ito. Hindi man halata sa mukha noong dalawang babae pero parehas nga silang nanginginig sa takot.

"Darkㅡ"

"Get yourself ready, Flame Fontanilla," seryosong sabi niya. Uminom siya ng isa pang beses sa baso niya at saka tumayo.

"Paano iyong lugaw natin?" Tanong ko pero tumayo na rin ako.

Kinuha ni Dark ang balisong sa kanyang bulsa. Wala akong dalawang weapon dahil hindi ko naman akalain na mangyayari ito. Naghanap ako ng matusok na bagay sa paligid ko at agad kong hinablot ang kutsilyo sa may malapit sa mga kalamansi.

"Hey?" Inakbayan ni Dark ang sinabi niyang Jeck. Mukhang nakilala naman siya nito dahil nagpanic iyon.

"Dark Mondragon..." anito. "Bakit sa dami ng araw na p'wede tayong magkita, ngayon pa?"

Nagkibit balikat si Dark ngunit nakangisi pa rin siya. "Maybe because I have to save these two beautiful lady here." Bumaba ang mukha ni Dark sa isang babae. "Anong pangalan ninyo?"

Bumuntong hininga ako. "Flirt..." bulong ko.

"Gago ka ba, Mondragon? May masasamang tao ba na kailangan nilang iwasan?" Tanong naman noong Jeck.

Hindi sumagot si Dark. Nagsukatan sila ng tingin at mukhang alam na noong Jeck na alam ni Dark ang plano nila kaya nauna itong umatake. Nakaiwas naman agad si Dark sa suntok noong Jeck.

"Woah! You're quick," ngisi ni Dark. "But not quick enough."

Nakalikha ng ingay ang palitan ni Dark at Jeck ng suntok kaya naalarma ang ilan. Nagtakbuhan sila habang sumisigaw. Maging si Terri na kalalabas lang ng kusina para ibigay ang order namin ay nagulat at napatigil din.

Lumapit iyong isang lalaking kasama noong Jeck and tried to attack by running at me but I was smarter and grabbed my knife and threw it right in the middle of his chest. Ngumisi ako at lumapit sa kanya. I grabbed my knife out of the guys chest to watch him fell on the ground.

Nilingon ako ni Dark at binigyan ako ng flying kiss. Ngumisi rin ako sa kanya.

Ngumisi ako at pinaikot sa aking kamay ang kutsilyo and then I quickly smashed the next guy across the neck before he could have a chance to me. Sinuntok ko pa ang mukha niya at saka tinuhod ang gitna niya. Pinatunog ko ang aking leeg kasabay ng pagbagsak noong lalaki sa lapag, katabi noong una kong nakalaban.

"Bring it on, bitches!" I smiled as I saw the others backed up.

Lumapit ang isa sa akin but I quickly stabbed him in the chest while lifting myself up and kicking another in the face. Mabilis kong hinugot ang kutsilyo mula sa dibdib noong lalaki and struck another guy infront of his head.

Hindi ko na sila pinanuod kung paano sila mapahiga sa sahig tulad ng lagi kong ginagawa. I had to be quick enough para patayin ang isa pang lalaki na lumapit sa akin bago pa niya ako maunahan.

"Matulis pala itong kutsilyo na ito?" Pina-slide ko iyon sa palad ko at agad na dumaloy ang malapot na likido roon, patunay na ganoon siya katulis.

Luminga ako sa paligid. Marami na ring napatumba si Dark pero marami pa rin ang lumalapit sa amin. Hawak na ni Dark ang dalawang babae na mukhang itatago yata niya sa kusina, kasama ni Terri at naiwan akong nakikipaglaban doon.

"Hindi ako nananakit ng babae," ani ng isang lalaking nasa harapan ko.

"Hindi rin ako nananakit ng g'wapo," ngumisi ako. "Pero since panget ka naman, sorry nalang!"

Lumapit ako sa kanya para sana isaksak ang kutsilyong hawak ngunit nahawakan niya ang kamay ko at sinuntok ang baba ko, kaya nabitawan ko ang kutsilyo. Sa lakas ng suntok niya ay nandilim ang paningin ko ngunit mas lalo lang akong ginanahan. May tumulong malapot na likido sa gilid ng labi ko.

Siniko ko siya at hinawakan ang kanyang kamay at saka hinila pababa. Sinipa ko ang t'yan niya at sinuntok pataas ang kanyang panga. Tumalsik naman ang malagkit niyang dugo ngunit buhay pa ang isang ito. Naramdaman kong palapit na sa akin ang isang lalaki kaya nilingon ko iyon ngunit bago pa niya ako malapitan ay agad na bumagsak iyon sa lapag.

Nakita kong nakangisi si Dark sa likod niyon. Hinugot niya pabalik ang balisong na naiwan sa likod noong lalaki at saka tumayo.

"Thanks!" Ngisi ko.

"Welcome!" At saka siya kumindat.

Naramdaman ko ang likod ni Dark sa likod ko. May tatlong lalaki pa rin ang nakaharap ngayon sa amin. Wala na akong hawak na kutsilyo ngayon dahil nahulog kanina. Napansin yata iyon ni Dark at nilaglag na rin niya ang hawak na balisong.

"Wanna go hand to hand?" Tanong niya sa tatlo.

"Mayabang ka pa rin kahit kailan, Mondragon..." ani ng isa pero binagsak na rin nila ang hawak na kutsilyo.

Mabuti nalang at wala silang dalang baril, kung mayroon ay baka mahirapan kami ng kaunti ni Dark. Naramdaman ko ang hapdi sa gilid ng pisngi ko kaya hinawakan ko iyon. Tinignan ko ang daliri ko at nakitang may dugo roon.

"Three versus two?" Ngisi ni Dark.

"Babae ang kasama mo, Mondragon. At alam mong mahirap patulan ang babae..." sabi ng isa.

"Talaga?" Tinignan ako ni Dark. "Let's see..."

Hinawakan ni Dark ang balikat ko at hinarap sa kanilang tatlo bago tapikin iyon. May binulong si Dark sa akin kaya tumango rin ako. Ngumisi ako sa tatlong lalaking nasa harapan ko, handa nang umatake.

"Come on!" Sigaw ko.

"Wala ka ba talagang awa sa mga babae, Mondragon?" Tanong noong isa.

"Maybe..." kibit balikat na sagot ni Dark. "Kaya nga iniwas ko mula sa inyo si Shari at Chassy dahil wala akong awa sa mga babae."

Kumunot ang noo ko. "Sino iyong mga binanggit mo?" Tanong ko.

"Iyong dalawang babae na kasama nila."

Oh! So, talagang tinanong niya ang pangalan ng dalawang iyon? Kahit kailan talaga ang flirt nitong si Dark. Hindi ko nakikita ang isang ito na mags-stick sa isang babae. Kung mangyayari man iyon? Ako ang unang matutuwa.

"The clock is ticking!" Lumayo sa amin si Dark at sumandal sa table habang nakatingin sa wristwatch.

Ngumisi ako at ako na ang unang umatake sa kanila. Hinawakan ng isang lalaking kulay pula ang damit ang kamay ko at pinulupot. Sinuntok ako ng isa nilang kasamang may mahabang balbas.

Hindi pala nananakit ng babae, huh?

Hindi ko magamit ang kamay ko kaya ang paa ko nalang ang ginamit ko. Tinaas ko ang dalawa kong paa para maabot ang leeg ng lalaking may mahabang balbas at hinila siya pababa. Natumba iyon at tinadyak ko naman palikod ang paa ko, sakto sa gitna ng lalaking may hawak sa akin.

Nilingon ko si Dark na seryosong nanunuod habang naninigarilyo.

Siniko ko ang isang nakasuot ng sumbrero at siniko ang bandang mata niya. Sinigurado kong sakto sa tulis ng siko ko ang tumama roon kaya napasigaw siya at umupo sa harapan ko habang sapo ang mata. Tumayo naman ang lalaking may mahabang balbas.

"Lapit!" Ngisi ko.

Lumapit siya sa akin at mabilis akong sinuntok sa mukha. Hindi ko nahanda ang sarili ko kaya napaatras ako. Hindi ko pa namumulat ang mata ko ay naramdaman ko ang pagslide ng kutsilyo sa pisngi ko.

"Foul!" Sigaw ni Dark.

"Shit..." malutong na mura ko at nilingon si Dark.

Mula sa pagkakasandal sa table ay nakita kong pinitik niya ang sigarilyo at lumapit na sa amin. Tinulak niya ako patalikod at hindi ko na nasundan ang nangyari. Naabutan ko nalang na napatumba na kaagad ni Dark ang tatlo.

"You okay?" Tanong niya agad sa akin.

"I am," sagot ko kahit na tumutulo ang dugo sa pisngi ko. "Iyong mga babae? At si Terri, okay lang ba sila?"

Hindi niya ako sinagot. Hinila niya ako papunta sa kusina at naabutan ang tatlong babae na nanginginig sa takot. Napatayo si Terri nang makita kami.

"Natatakot ako, Dark..."

Mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko at agad niya iyong binitawan para mayakap si Terri. Pinatahan niya ito. Umiwas ako ng tingin at nilapitan nalang si Shari at Chassy.

"You guys are safe with us," sabi ko.

Sabay na tumunog ang cellphone naming dalawa ni Dark. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at nakita ang text mula kay Marcus at sigurado akong ganoon din ang text na natanggap ni Dark.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hinatid namin si Terri, kasama ang dalawang babae na si Shari at Chassy sa bahay nila. Doon na muna sila tutuloy. Naghintay nalang ako sa labas ng bahay habang si Dark ang naghatid sa kanila sa loob.

"Masakit?" Bulong ni Dark sa akin nang makalabas siya ng bahay.

"Gago ka ba?" Sarkastiko kong sagot dahil dapat alam na niya ang sagot sa tanong niya. "Kamusta? Okay na sila?"

Tumawa siya. "For now, hindi pa natin alam kung may mabubuhay kina Jeck kaya kailangan ko silang bantayan."

"Ngayon?" Kunot noong tanong ko. "So, dito ka matutulog?"

"Gusto mo bang dito ako matulog?" Nakangising tanong niya.

"Pakielam ko sana?" Nagsimula na akong maglakad. "Kaya ko namang umuwi mag-isa."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Mukhang hindi pa ako makakatulog kaagad nang maaga mamaya. Kumikirot na ang mga sugat ko at pakiramdam ko ay gigisingin ako niyon buong gabi.

"Really?" Hindi na ako nagulat nang sumusunod sa akin si Dark dahil nararamdamam ko naman ang presensya niya.

"Really."

"Doon ako matutulog sa kwarto mo, Baby girl..." sabi niya.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Hinanda ko na ang kamao ko para sana suntukin siya pero bago pa makalapag sa mukha niya iyon ay pinag-cross na niya ang dalawang kamay niya sa harapan niya at takot na takot na baka ituloy ko iyong suntok.

"Gagamutin ko lang sugat mo!"

At bakit kailangan pa niyang matulog sa kwarto ko!?

_______

Song : Secret and Lies by Ruelle

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top