Kabanata 5

Kabanata 5

"Ayun naman pala, e," he chuckled with no humor, "Ano pang problema natin dito?" Kunot noong tanong niya sa akin atsaka bumuga ng usok.

Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala na naiiyak ako ngayon dahil sa inaasta niya. Hindi ko kailanman naisip na magiging ganito sa akin si Dominic, pero ngayong nakikita ko siya sa katauhan ni Dark na ganito sa akin, pakiramdam ko ay siya si Dominic kaya mas lalong nadudurog ang puso ko.

"Gamutin mo iyang labi mo," seryoso niyang sabi habang matalim na nakatitig sa labi ko.

Hindi ko na maramdaman ang hapdi noon dahil mas nangingibabaw ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya.

"P-pero bakit mo ako tinulungan?" Wala na akong pakielam. Ang gusto ko nalang ngayon ay sabihin ng bunganga niya ang sinasabi ng isip niya.

"Sinagot ko na iyan kanina, hindi ba?" Humithit ulit siya sa sigarilyo at bumuga ng usok, "Wala ngang dahilan. Bakit ang big deal sa iyo?"

Hindi ako nagsalita. Kahit anong kasinungalingan ang sinasabi ng bibig niya ay hindi pa rin niya matatanggi sa akin ang naririnig kong sinasabi ng utak niya. Kinurot ko ang likod ng kamay ko habang tinitignan ang mata niya.

"You're lying..."

"Maybe so," tumaas ang isang kilay niya. "But it's none of your business..." pinitik niya ang sigarilyo at iniwan akong nakatayo roon.

Napaupo agad ako sa damuhan pagkatalikod niya. Tsaka ko lang napansin na hindi pala ako humihinga habang kausap siya kanina dahil hinahabol ko ang hininga ko ngayon na parang ilang milya ang tinakbo ko. Unti-unting bumalik sa akin ang isang alaala na si Dominic ang kasama ko.

"Hoy, Flame, parang walang nangyari, ah?" Inirapan ko si Dominic nang makitang inaabangan niya ako sa may gate.

Pinitik niya ang sigarilyo habang hawak sa isang kamay ang strap ng bag. Naamoy ko agad ang pinaghalong pabango at sigarilyo sa kanya na lalong nagpairita sa akin.

Bakit ba hindi nalang siya mawala sa mundo para wala na rin akong problema!

"Hindi mo ba natatandaan iyong 5 seconds natin?" Ngayon ay nasa gilid ko na siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Kalmado lang ang mukha ko pero sa oras na mapuno ako ay sisiguraduhin kong bubulagta siya ngayon sa kinatatayuan niya.

Bakit ba kasi ako pumayag sa 5 seconds? Nahalikan tuloy niya ako. Ang masakit pa roon ay siya ang first kiss ko! Nadala lang naman ako ng alak kaya pumayag ako sa 5 seconds, walang malisya ng mga kaibigan namin.

"Flame, panagutan mo naman ako, oh..." he chuckled.

Ang pagiging mapaglaro niya sa lahat ng bagay ay ang pinakaayaw ko sa kanya. Hindi siya seryoso at walang balak magseryoso sa buhay. Alam iyan ng lahat kaya kapag pumayag kang maging girlfriend niya ay wala kang karapatang masaktan sa mga kabulastugan.

Kailan ba magiging seryoso ang isang ito at hindi puro laro ang nasa isip?

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin dahil kunting pitik nalang ay sasabog na ako. Nag-init ang buong mukha ko kaya alam kong namumula na ako ngayon.

"Gusto ko lang malaman mo na, nagustuhan ko iyong halik-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang malakas na tumama ang kamao ko sa mukha niya. Nagulat siya at hindi agad nakabawi kaya susuntukin ko pa sana ulit siya ngunit mabilis niyang nahawakan ang kanang kamao ko. Tinaas ko naman ang kaliwa pero mabilis niya rin iyong nahawakan atsaka ka nilagay sa likod ko ang dalawang kamay.

Sobrang lapit ng mukha niya ngayon. Kahit na namula sa may bandang cheekbone niya ang suntok ko ay nag-uumapaw pa rin ang ngisi niya. Kinagat niya ang labi niya tsaka bumaba sa labi ko ang tingin niya.

"Ayoko sa iyo, Dominic! At kahit kailan, hinding hindi kita magugustuhan." Madiin kong sabi.

Imbes na sumagot sa sinabi ko ay agad niyang nilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa labi. Hindi agad ako nakapag-react sa sobrang bilis ng pangyayari. Hindi rin ako makapalag dahil hawak niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko. Gumalaw siya at halos mamaga pa ang labi ko sa rahas ng paghalik niya roon.

"I want you so much that mere looking at you now is killing me..." bulong niya.

Gabi na nang naisipan kong umuwi na sa bahay. Nanatili lamang ako sa lugar kung saan iniwan ako ni Dark at iniyak sa punong naroon ang lahat ng hinanakit ko. Doon ko lang din na-realize na sobrang na-mi-miss ko pa rin pala talaga si Dominic.

Kahit ilan pa ang kamukha niya sa buong mundo ay hindi pa rin nila kayang palitan si Dominic sa buhay ko.

Napangiwi ako nang biglang makaramdam ng tig-iisang patak ng tubig mula sa taas. Tumingala ako at napapikit ang isang mata ko nang tumama roon ang isang patak ng ulan. Ang kaninang ambon lang ay biglang lumakas at tuloy-tuloy na ang buhos ng ulan.

Naghanap ako nang pwedeng pagsisilungan pero wala akong nakita, kaya no choice ako kundi magpa-ulan nalang. Yakap ko ang sarili kong braso habang tinatahak ang daan pauwi.

"Dominic!" hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong sumigaw.

Kasabay ng sigaw ko ang lakas ng buhos ng ulan, kaya hindi masyadong naririnig ang sigaw ko. Humagulgol ako. Totoo nga ang sabi nila na magandang umiyak sa gitna ng ulan, walang nakakaalam, walang nakakapansin.

Tanging ikaw lang at ang langit.

Ngayon nalang ulit ako naging mahina. All those years na wala si Dominic ay hindi ko pinakita sa iba na mahina ako, maging sa sarili ko. Ngayon nalang ulit.

Hindi manlang ako nakaramdam ng panlalamig hanggang sa makarating ako sa bahay. Ang malakas na ulan ay biglang huminto, ang ambon nalang ngayon. Binuksan ko ang gate at napansing bukas pa ang ilaw sa kusina.

Pumasok ako sa loob at nagulat nang makita si Dark at Morgan na humihigop ng kape. Malalim, seryoso at matalim na titig agad ang binigay sa akin ni Dark kaya tinikom ko ang bibig ko.

"Nagpa-ulan ka?" tanong ni Morgan tsaka tinignan ang labas ng bahay, para siguro makita kung umuulan pa o hindi na.

Hindi ako sumagot. Nanatili kay Dark ang tingin ko na umiwas na ngayon ng tingin sa akin at tahimik na humihigop ng kape'ng nasa harap niya.

Naamoy ko ang pinaghahalong amoy ng alak, sigarilyo at pabango, pero kahit ganoon ay hindi masakit sa ilong. Nagulat ako nang patungan ako ni Morgan ng towel sa balikat ko.

"Oh, magpatuyo ka," sabi niya atsaka umupo ulit.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko at parang nanuyo ang lalamunan ko. Nahagip nang mata ko ang kiss mark sa bandang leeg ni Dark. Sumikip ang dibdib ko at kung ano ano na ang imahe'ng pumasok sa utak ko. Pinilig ko nalang iyon at pilit inaalis sa isip.

Kahit na hindi siya si Dominic ay parang si Dominic ang nanloko sa akin. Parang si Dominic ang nagtataksil sa akin.

Prenteng nakaupo siya sa high chair, nakatayo ang buhok at sumasayaw ang may pagkahaba niyang hikaw. Hindi ako makahinga at parang ang daming barang bumabara sa lalamunan ko.

"Hiramin ko muna si Flame, Dark," paalam ni Morgan.

Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon. Napalingon naman si Dark at kunot noong pinapanuod ang pag alis namin ni Morgan. Ano bang problema ng isang ito?

Umupo siya sa may veranda kaya umupo na rin ako roon. Lalo ko pang niyakap sa sarili ko ang towel na binigay ni Morgan para maibsan ang lamig na nararamdaman ko.

"Saan ka ba galing?" Kunot noong tanong niya.

"Ano bang pake mo?" Iritang sagot ko naman sa kanya.

Humalakhak siya at umiling. "Wala naman. I just noticed that Dark's in a bad mood. Niyaya niya ako kaninang mag bar, and I'm guessing that's because of you?"

I doubt that. Hindi siya maglalasing dahil lang sa akin at sa nangyari. Siya na mismo ang nagsabi sa akin na hindi iyon big deal, kaya hindi ako ang dahilan niya.

Baka gusto lang niyang maglasing at maghanap ng babaeng pwedeng landiin.

"Nag-away ba kayo?" Tanong niya ulit.

Hindi ako makapaniwala na sobrang tsimoso niya. Akala ko kasi ay seryoso siyang tao at walang pakielam sa iba, pero heto siya, gustong malaman ang lahat.

"Bakit hindi siya ang tinanong mo?" Umirap ako.

"Ayaw magsalita ni gago, kung sino sino nalang hinalikan kanina," humalakhak siya.

Kilalang playboy si Dominic sa school noon pero simula nang maging kami ay halos isumpa na niya lahat ng babaeng lumalapit sa kanya. Buong araw nakadikit sa akin at nangungulit.

Nagkibit balikat nalang ako. Bakit ko ba hinahanap sa isang tao ang mga katangian ni Dominic?

Nahagip nang mata ko ang pagbaba ni Hyrie mula sa hagdan. Sandali pa siyang napatingin sa amin tsaka dumiretso na sa kusina. Maging si Morgan ay napatigil at sinundan niya ng tingin si Hyrie hanggang sa makapasok na ito sa kusina.

"You know what, you're kinda like me," biglang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Dinala niya ba ako rito para kausapin at sabihin iyan? Well, bigla akong na-curious sa sinabi niya kaya nagkibit balikat nalang ako.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko habang nakatingin sa kalsada.

By now, the rain had become a little sparkle.

"That's because were both heartbroken. Ang pinagkaibahan nga lang, ako kay Hyrie na ex ko. At ikaw naman, sa asawa mo na nakikita mo sa pagkatao ni Dark."

Natahimik ako. Napapansin pala nila iyon? Kung ako kasi talaga tatanungin, mas gusto ko nalang na sinasarili ang lahat para hindi na sila madamay at maapektuhan. Masisira lang ang grupong nagkakaayos na ngayon.

"Tama ako, hindi ba?" Bahagyang tumawa si Morgan.

Ayaw kong sagutin ang tanong niya kaya nagkibit balikat nalang ako. Humalakhak siya at umiling-iling dahil alam na niyang wala siyang makukuhang sagot sa akin. Sa dami ng iniisip ko, pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Pakiramdam ko, sasabog na ang puso at utak ko.

"You're too young to get married," umiling siya at tumawa. May kinalikot siya sa bulsa ng pants niya at nilabas niya ang isang sigarilyo.

Tinaktak niya iyon sa palad niya habang hinihintay ang sagot ko. Bumuntong hininga ako at nagsimula nanaman magkwento ng kwento namin ni Dominic.

Hindi na siya nagsalita kaya nilingon ko siya. Nakakatawa ang itsura niya dahil naabutan ko siyang nakatitig lang sa akin habang bumubuga ng usok sa bibig.

"Ang hirap mong basahin, Flame," napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Why are you so damn mysterious?" tumingala siya at humalakhak kaya kitang kita ang adams apple niya.

"Alam mo kung bakit hindi kayo nagkakasundo ni Dark? You always think that he's Dominic. Hindi mo siya tinitignan bilang si Dark Mondragon. And I guess, that's what frustrates him."

Masisisi ko ba ang sarili ko? Masisisi ba nila ako? Nawalan ako ng asawa. Nawala ang kalahati ng buhay ko at ngayong nakikita ko muli ang mukha niya ay hindi ko talaga maiwasan na si Dominic ang nakikita ko.

Pero magkaiba sila ng ugali. Ibang iba. Siguro nga susundin ko nalang ang payong ito sa akin ni Morgan para naman magkasundo kami ni Dark, dahil in the end of the day, kailangan pa rin naming magkasundo.

"Subukan mo rin kasing kilalanin siya. Hindi iyong lagi mo siyang kinukumpara sa asawa mo."

Ngumiti ako sa kanya. Kahit nakakainis ang pagkatsismoso ng isang ito ay nagpapasalamat pa rin ako sa sinabi niya. Nagising ako mula sa matagal ko nang pag iilusyon na buhay pa ang asawa ko. Na buhay pa si Dominic.

Tinamad ako bumangon kinabukasan dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Dahil yata ito sa pagpapaulan ko kagabi. Narinig ko ang sigaw ni Kendall kaya tuluyan na akong nagising, ganoon naman tuwing umaga, eh.

Tulala ako habang pababa ng hagdan, hawak ko ang isang strap ng back pack ko. Naroon na silang lahat sa baba at handa nang pumasok. Pagbaba ko ay agad akong nilapitan ni Morgan na siyang ikinagulat ko.

"Uy, si Dark, oh!" Siniko niya ako habang nginunguso si Dark na kasama ngayon si Hyrie.

Ngumisi naman ako ng pilit sa kanya, iyong tipong mapapansin niyang hindi talaga ako natutuwa sa kanya. Siniko ko rin siya at ginaya ang sinabi niya sa akin.

"Uy, si Hyrie, oh!"

Humagalpak siya sa tawa. Umiling nalang ako at hindi siya pinansin. Malakas na ang tama ng isang ito, halata namang gusto niyang higitin si Hyrie mula kay Dark, eh. Akala niya maloloko niya ako.

"Ano, Hyrie, exchange partners na ba?" Nilingon namin ni Morgan si Dark nang sabihin niya iyon.

Nakita ko siyang nakaakbay siya kay Hyrie na parang sanay na sanay na siyang gawin iyon. Nakangisi siya at hindi ko alam kung bakit sumikip ang dibdib ko. Sinabi na ni Morgan kagabi sa akin na huwag kong tignan si Dark na si Dominic, pero hindi ko mapigilan.

Parang si Dominic pa rin ang nagtataksil sa akin sa pagkakataong ito.

Hindi ko alam kung anong meron kay Morgan at sunod nang sunod hanggang school. Naglalakad ako nang bigla siyang sumabay.

Pagkatapos ay gamit ang kanyang paa, isang bato ang pinatalsik niya pataas at sinalo naman iyon ng kamay niya. Sandali niyang pinaglaruan iyon at pagkatapos ay itinutok sa direksyon ni Dark, siguro para ibato sa kanya. Pero natigilan siya nang biglang lumingon si Hyrie sa amin.

Mabilis niyang tinago ang bato sa bulsa niya sabay tingin sa akin na may ngiti sa labi sabay sumipol. Grabe, para siyang tanga sa pagpapanggap niya.

"Kung ako sa iyo, Morgan, gagawa na agad ako ng aksyon para agawin sa iba ang babaeng mahal ko," walang emosyong sabi ko.

"E, bakit hindi ka rin gumagawa ng paraan para agawin ngayon ang lalaking mahal mo?" Nilingon ko siya sa sinabi niya.

He's wearing an amused grin. Umirap ako. Walang sense rin kausap ang isang ito, paano ko aagawin si Dominic sa heaven?

"Kung pwede lang, baka nakakita ka na nang multo sa tabi ko." Sarkastiko kong sabi.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang bumubuntong hininga. Ako na yata ang pinakalamas na babae sa mundo. Buti pa ang mag-ama ko, magkasama na, habang ako ay iniwan nila rito at patuloy na lumalaban sa buhay.

Dominic, malaki na ba ang anak natin? Pasensya ka na dahil hindi ko agad siya naalagaan. Hindi ko manlang siya nakita. Babae ba siya? Lalaki? Malusog? Gwapo? Maganda?

Natigil ako sa pagdadrama nang biglang higitin ni Morgan ang back pack ko. Nanlaki ang mata ko at nilingon ko sina Blake, para lang makita na wala silang pakielam sa ginagawa ni Morgan.

"Morgan, what the fㅡ" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay aga na niyang hinawakan ang pulsuan ko at mabilis akong hinila kung saan.

Nang tumigil na kami sa pagtakbo ay halos hindi ko na mahabol ang hininga ko sa sobrang pagod. Umupo agad ako sa damuhan at ganoon din siya. Humalakhak siya habang nakatingin sa akin at nasandal sa puno.

"Anong nakakatawa, ha?" Iritang sabi ko sa kanya habang hininhingal pa rin.

"Napagod ka na agad?" Taas kilay niyang tanong atsaka umiling.

Inirapan ko nalang siya. Hindi malayo ang tinakbo namin pero sa bilis niya ay napagod agad ako. Tumagatak ang pawis sa noo ko. Ramdam ko ang init sa buong katawan ko pero dahil sa malakas ang ihip nang hangin dito ay hindi ko na napapansin pa.

"Nakita mo ba mukha ni Dark kanina? Parang gusto na akong patumbahin, eh." Patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Sino ba talagang iniinis mo? Si Dark o ako?" Sabi ko dahil inis na inis talaga ako sa kanya ngayon.

"Both..." ngumisi siya at kumindat.

Hinayaan kong sumabog ang buhok ko sa mukha nang biglang humangin ng malakas. Dumikit ang ilan sa mukha ko dahil basa iyon ng pawis. Nagulat ako nang biglang lumapit si Morgan sa akin para tulungan ako sa pag-aayos ng buhok ko.

"Flame, virgin ka pa ba?"

Nasamid ako sa tanong niya kahit na wala naman akong kinakain ngayon. Sobrang init ng mukha ko at alam kong numula na iyon ngayon. Tinignan ko si Morgan kung nangaasar lang ba siya.

Ngunit nakita kong seryoso ang mukha niya habang naghihintay ng sagot mula sa akin. Seryoso ba talaga ang isang ito?!

"Damn you, Morgan!" Inis na sambit ko tsaka sinuntok ang mukha niya.

Humalakhak naman siya habang hawak ang isang pisngi na sinapak ko. Tumaas baba ang dibdib ko sa bilis ng pag hinga ko dahil sa tanong niya.

"Syempre, hindi na." Humalakhak siya at siya na rin ang sumagot sa sarili niyang tanong.

Anong aasahan mo sa dalawang mag-asawa? Magtititigan buong gabi? Marami nga ngayon na hindi pa mag-asawa pero ginagawa na iyon, tapos itatanong niya pa sa akin na may asawa na?

Buong araw ay si Morgan lang ang kasama ko. Unti-unti ko nang natatanggap at nakikita bilang Dark si Dark at hindi si Dominic. Thanks to Morgan, sa laging pagpapaalala sa akin kahit na ang nais lamang niya ay mang-asar tuwing nililingon ko si Dark.

Kinagabihan ay hindi ko alam kung bakit nagtitipon kaming walo sa sala. Nanunuod ng basketball ang M4, habang ako naman ay nakatitig lang sa palabas pero hindi naman talaga nanunuod.

"Alam niyo bang hindi Kevin ang first name ni Durant?" Narinig kong tanong ni Zach.

"E, ano pala?" Tanong naman ni Uno kahit na sa tunong iyon ay mukhang wala siyang pakielam sa sinasabi ni Zach.

Inisip ko rin kung ano nga ba ang totoong pangalan ni Durant, kasi kahit hindi naman ako fan ng basketball o kahit anong laro ay alam kong Kevin ang first name ni Durant.

Nilingon ko si Zach at naghintay na rin ng sagot mula sa kanya. Ngumisi muna siya at talagang feel na feel niya na curious kami sa sagot ng sinabi niya.

"Deo," humagalpak siya sa tawa at kumunot naman ang noo ko.

Deo? Deo Durant?

"Deo Durant!" Siya lang ang bukod tanging natawa sa sarili niyang joke na para bang may kumikiliti sa kanya.

"Mais mo gago!" Inis at halos sabay na sigaw ni Morgan at Dark.

Nagulat kaming lahat nang bigla nalang nag-iba ang palabas. Nagsisihan pa ang M4 kung sino ang naglipat ng channel dahil maganda na ang labanan.

"Tangina naman, Zach, naupuan mo yata iyong remote!" Biglang sigaw ni Dark atsaka tinulak si Zach para makita kung naupuan nga ba ni Zach iyong remote.

"Bakit ako? Wala sa akin!" Inis na sabi naman ni Zach.

"Tangina, sige. Itago niyo pa. Nakakatuwa iyan," sarkastiko at inis na sabi ni Uno habang nakasandal sa couch.

"Wala nga sa akin!" Halos sabay sabay na sigaw noong tatlong M4.

Natigil ang pagtatalo nila nang biglang bumukas at nakita namin si Sir Lucas sa screen na sinasabi niyang pumunta kami sa Efelistheria ngayon.

Napaayos ako sa pag-upo at kumunot ang noo ko. Huwag niyang sabihin na may misyon kami ngayon? Madilim na ang paligid at kunting oras nalang ay matutulog na sana kami. Nakapajama na rin ako kaya dali-dali kaming umakyat sa kanya kanyang kwarto para makapagbihis.

Black v-neck tshirt at black ripped jeans ang suot ko. Nakaboots din ako, para hindi mahirap gumalaw mamaya.

"Mr. Sawyer, an ex-convict, is at Garden Hotel, and has currently taken all the civilian there as hostages. Nakuha namin ang impormasyong iyan mula sa mga kapulisan na naroon. Within two hours, nagbanta siyang pasasabugin ang buong lugar." Bungad sa amin ni Sir Lucas pagkapasok niya sa office kung saan una kaming nagkita kita kaming walo.

"Ang trabaho niyo ngayon ay pigilan siya, hanapin ang bomba, at iligtas ang mga hostage na hawak niya. Lahat kayo ay magtutulong tulong para magawa iyan. Bibigyan ko rin kayo ng kanya-kanyang role para maging maayos ang takbo ng misyon."

"Uno at Blake, kayong dalawa ang snipers. Sa oras na maging mapanganip si Mr. Sawyer, kayo ang kailangang tumapos ng trabaho para wala nang mapahamak."

Magaling sa armas ang dalawang iyan at alam kong magagawa nila ng tama ang role na binigay sa kanila.

"Morgan, ikaw ang hahanap kung saan nakatago ang bomba. Kasama mo si Hyrie dahil siya ang may alam sa inyo kung paano mag-deactivate noon."

"Kendall at Zach, kayo naman ang pupunta sa kinaroroonan ni Mr. Sawyer. Kayo ang pipilit sa kanya na sumuko,"

"Habang si Flame at Dark naman ang pasikretong magpapakawala sa mga hostage."

Tumango kami. Kahit na ayaw ko sa naging pairing ay wala pa rin akong magagawa, kaligtasan ng bawat isa ang nakasalalay sa misyong ito. Pagkatapos ay nag-abot sa amin si Sir Lucas ng folders na may lamang impormasyon tungkol sa misyon namin.

"I'm counting on all of you. Don't let Efelistheria down."

Halos sabay sabay kaming tumayo at lumapit naman sa akin si Dark na nasa bulsa ng suot niyang pants ang dalawang kamay habang may nakasalpak nanamang lollipop sa kanyang bibig at kagat kagat ang stick, katulad noong una ko siyang nakita.

"Anong plano?" Matabang na tanong niya sa akin na para bang no choice siya na ako ang maging kasama niya.

Ngumisi ako sa kanya nang may pumasok na plano sa isip ko. Nagtitigan kami at noong una ay nakakunot ang noo niya, pero maya-maya ay bigla rin siyang ngumisi.

Alam na rin niya ang plano kahit na wala pa akong sinasabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top