Kabanata 4

Kabanata 4

Pagbangon ko palang sa kama ay agad na akong napasapo sa noo ko. Sumandal muna ako ng sandali sa headboard, bago bumangon. Hindi na ako tumingin sa salamin at lumabas nalang ng kwarto para bumaba.

Humihikab pa ako habang pababa ng hagdan. Cold shower lang ang gamot ko sa hangover at iyon ang gagawin ko mamaya. Pagdating sa kusina, naabutan kong magkakatabi ang mga girls at nasa harap ang boys. Kunot noo kong hinila ang upuan sa tabi ni Hyrie. Ang weird lang dahil walang ibang maririnig kundi ang pagtama ng kutsara't tinidor sa mga pinggan.

Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang din. Nahirapan pa ako dahil nga pumutok ng kaunti ang labi ko at ngumingiwi talaga ako tuwing nasasanggi ng kutsara. Nang pakiramdam ko may nakatingin sa akin ay nag-angat ako ng tingin at agad kong nakasalubong ang talim at lalim ng tingin ni Dark habang ngumunguya.

Okay, Dominic, lubayan mo ako. Bakit sobrang kamukha mo ngayon si Dark?

"Wala ba kayong balak magpaliwanag sa amin?" Halos sabay-sabay na tanong ng mga boys na akala mo'y nag-pratice talaga sila para lang sabihin iyon.

Nanatili ang tingin ko kay Dark na ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha. Anong ipapaliwanag ko sa kanya? Tatay ko ba siya? Atsaka, hindi ko nga siya kilala, e. Napagkamalan ko lang siyang si Dominic.

"You're not my boyfriend," narinig kong sabi ni Blake na parehas kong iritang irita at nagtataka sa sinabi ng mga boys.

"You're not my husband," kunot noo ko namang sabi habang ngumunguya.

Hindi ko rin siya kilala. That's a fact na kahit kailan ay hindi mababago. He's not my Dominic Cuevas.

"You're just my ex." Walang emosyong paalala naman ni Hyrie kay Morgan.

"You're not myㅡay friend pala kita," natawa pa ng bahagya si Kendall nang sabihin niya iyon kay Zach.

Muntik na akong matawa sa sinabi ni Kendall, kung hindi lang nakatitig si Dark at pinapanuod ang bawat galaw ko ay baka humagalpak na ako sa tawa.

"Tss," halos sabay na naman ang apat na lalake at tumayo rin ng sabay-sabay na akala mo ay iisa lang ang galaw nila.

Nagkatinginan na lang kaming apat na babae nang magwalk-out yung boys at hindi namin alam kung ano ang problema nila. Hindi ko talaga makita iyong point na magpapaliwanag kami. Para saan, 'di ba?

"Weirdos," naiiling na sabi ni Hyrie.

Ilang minuto pa ay umakyat na rin kami sa kanya-kanyang kwarto para makapagprepare. First day ngayon at may naabutan akong uniform sa harap ng kwarto kanina na susuotin namin ngayon.

Pagpasok namin sa school, pinagtitinginan kami. Iba kasi ang suot naming uniform kumpara sa kanila at nasa special section kami na kami lang walo ang estudyante. Hindi man kami pare-parehas ng edad ay pare-parehas kami ng year at classroom. May biglang pumasok sa classroom na mukhang professor kaya umupo ako ng maayos.

"Goodmorning," paunang bati nito bago kami tinignan isa-isa. "My name is Lucas Aomine and I am going to be your one and only professor..."

Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi niyang siya lang ang magiging professor namin? Pwede ba iyon? Bago ito, ah? Ngayon lang ako nakapunta sa school na iisa lang ang professor sa buong klase? Well, alam kong si Marcus ang may pakana nito kaya bahala na siya.

"Yeah, you heard me right. Marcus personally hired me to be your guide. So from now on, sa akin na manggagaling ang mga impormasyon ng future missions niyo."

Nagkibit balikat ako dahil tumama nanaman ang hula ko. Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa kanya dahil alam ko na agad kung ano ang magiging role niya sa amin. Ganoon din yata ang naging reaction ng mga kasama ko kaya napangiwi siya.

"I see, ganito naman talaga sa umpisa. Awkward."

Pagkatapos ng pagpapakilala at mga sinabi niya ay umalis na rin siya. Akala ko naman makakapag-aral ako ng katulad sa isang normal na estudyante, pero mukhang tungkol lang sa misyon ang pag-aaralin namin. Sa isang 21 years old na tulad ko, gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. Akala ko ito na ang sagot doon, mukhang hindi rin yata.

Nakatingin lang ako sa bintana habang tinitignan ang mga estudyante'ng nagkakagulo. Ang iba ay mukhang excited habang nakikipag kwentuhan sa mga kakilala nila, may nag-iisa sa bench at nagbabasa ng libro. Okay, weirdo. At meron ding mga couples na akala mo ay ilang taong hindi nagkita.

Mabilis lumipas ang oras kahit na nababagot na ako. Hindi pa rin kami pinapansin ng M4, wala naman akong pakielam dahil una sa lahat, hindi ko naman sila kailangan. Nang tumunog ang bell ay halos sabay sabay kaming tumayo at alam kong pare-parehas kaming nabagot at gusto ng lumabas ng classrooms.

Sabay-sabay kaming umupo sa isa sa mga table ng cafeteria dala ang pagkain namin, pero nagtaka kami nang hindi sumunod ang mga lalaki. Iyon pala, sa ibang table sila nagsi-upo.

Problema ng mga iyon? Lakas ng mga topak! Wala talaga akong matandaan na nagawang kakaiba para ganoon sila umarte. Daig pa mga babaeng nagp-PMS, e.

"Sa totoo lang, wala naman tayong ginawang mali. Nagsaya lang tayo. Single naman tayo kaya bakit sila magagalit sa atin?" Kunot noong sabi ko.

"Hindi nga raw kasi tayo nagpaalam." Iritang sabi ni Blake.

Hindi ko nalang pinansin iyon at nagsimula na kaming kumain. Ang hirap kumain kapag may putok sa labi. Hindi naman ako sanay na tahimik ang paligid. Hinahanap ko ang lakas ng bunganga ni Kendall pero mukhang may problema yata ang isang ito dahil napansin ko siyang tumitingin sa side ng mga boys.

May gusto ba siya kay Zach?

"Tahimik mo naman..." puna ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

Napatingin din si Blake at Hyrie dahil sa sinabi ko. Siguro ay napansin din nila pero hindi lang sila nagsalita. Kakaiba kasi talaga kapag tahimik si Kendall, e. Siya iyong tipo ng kaibigan na maiirita ka kapag maingay, pero mamimiss mo naman kapag tahimik.

Tinanong na rin siya ni Blake kung si Zach ba ang dahilan. Sabi na, e. Halata rin kasi talaga na si Zach ang dahilan kung bakit siya tahimik.

"Kayo ba?" Biglang tanong ni Hyrie.

Natawa siya bigla atsaka umiling. "We're just bestfriends."

Bestfriends my ass! Siguro nga, ganoon lang talaga niya pinapangalanan ang nararamdaman niya. Sa nakikita ko kasi ay ayaw niya i-entertain ang nararamdaman niya kasi natatakot siya.

Natawa naman ako at umiling. Kayang kaya kong basahin ang iba, pero sarili ko ay hindi ko mabasa.

Patayo na sana kaming lahat nang may biglang pumalibot sa table namin na mga lalaki. Lahat sila ay nakasuot ng varsity jacket ng university na ito. Siguro mga players? Ano naman kaya ang kailangan ng mga ito?

"Hi, girls!" Bati sa amin ng isang singkit na lalaki. "Bago kayo rito, tama? Pwede makipagkilala?"

Bigla akong nairita kaya kumunot ang noo ko. Instinct na siguro na nagkatinginan kaming apat at katulad ko, halatang naiirita rin ang hitsura nila.

"Allergic ako sa fuckboy, lumayo kayo, please? Baka atakihin ako." Biglang sabi ni Blake.

Namula ang mukha ng lalaki sa galit dahil sa sinabi ni Blake. Napatawa ako ng bahagya dahil doon. Bakla itong mga ito, pustahan!

"Anong sabi mo!"

Confirmed. Pumapatol sa babae at halatang pikon, isa sa katangian ng mga baklang hindi umaamin sa totoong pagkatao.

Natatawa ako habang iniisip ang mga iyon. May hawak pa man din silang bola at lalaking lalaki ang tindig. Paano kaya kung totoo ang iniisip kong bakla sila?

"Gusto mo ba isigaw ko pa para marinig sa buong cafeteria? Sabihin mo lang, madali akong kausap." Ngumisi si Blake.

Nagtiim ang mga bagang noong singkit at akmang susugod na kay Blake pero may biglang pinigilan siya noong kasamahan niya. Dahil doon, tumabi siya at isang lalaki na may hikaw sa labi naman ang lumapit sa amin. Ipinatong nito ang kamay niya sa lamesa namin at diretso ang tingin sa akin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsara at tinidor na hawak ko nang nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinawakan ang baba ko para maangat ang mukha ko.

"You girls are brave... I like that," sabi nito pagkatapos ay tinitigan kami isa-isa. "Come hang out with us. Pasisiyahin namin kayo, promise."

Pinakalma ko ang sarili ko dahil baka matusok ko ang mata nitong lalaking may hawak sa baba ko. Well, gwapo naman sila, e. Mali lang talaga ang pag-approach nila sa amin na akala mo ay napakababa naming mga babae na kayang kaya nilang ayain.

"We don't have time para sa kalandian niyo," sagot ko sabay tabig sa kamay ng lalaki na nakahawak sa baba ko.

Bigla akong napatingin sa side ng mga boys at nakitang pinapanuod nila ang mga nangyayari habang nakasandal sa back rest ng upuan at ngumunguya. Wala akong makitang kahit anong ekspresyon sa mukha nila pero nakita kong parang natutuwa si Dark nang tabigin ko ang kamay ng lalaki.

Tumingin naman ako sa lalaking nasa harap ko. Imbes na mainis siya ay lalo pang umangat ang isang sulok ng labi niya na parang tuwang tuwa siya sa ginawa ko.

"Dali na, sumama na kayo. Sandali lang naman, e. It'll just be a quickie."

Nanatiling kalmado ang itsura ko kahit na asar na asar ako sa sinabi niya. Nakapalumbaba ako habang bumubuntong hininga para kumalma pa lalo. Walang ekspresyon ang binigay ko sa kanya kahit na siya ay kung ano anong ekspresyon ang binibigay sa akin.

Nanliit naman ang mata ko nang biglang hawakan ng lalaki ang balikat ko. Tinignan ko iyon at nakitang hinimas himas pa niya ang balikat ko kaya lalong nag-init ang ulo ko.

Hindi na ako nagulat nang makitang nanlilisik ang mata ni Hyrie. Kahit ako ay iritang irita na rin pero marunong akong kumotrol ng facial expression na kahit patayin ko sila isa-isa ay mananatiling kalmado ang mukha ko.

Matalim silang tinignan ni Hyrie at sinabing, "Aalis ba kayo? O gusto niyong pare-parehas na maputulan?"

"Aalisin mo iyang kamay mo o babaliin ko? Mamili ka." Matamis akong ngumiti sa kanya, "Parang mas maganda iyong pangalawa. Ano sa tingin mo?" Nanatili ang ngiti sa labi ko.

Mukha lang akong anghel pero hindi niyo alam ang kaya kong gawin. Baka magsisi ka kapag bumulagta ka ngayon sa harap ko.

Tumawa siya at agad niyang tinanggal ang pagkakahawak sa akin pero alam kong hindi pa rin ako titigilan nito. Marami namang ibang babae riyan, bakit kami pa pinagtripan nila? Sila iyong literal na, 'hindi nila kilala ang kinakalaban nila'

"Baka ma-adik kayo kapag natikman niyo ito,"

Ow! Hindi naman masyadong mataas ang tingin nila sa sarili nila, ano? Napalingon ako kay Kendall nang humagalpak siya sa tawa.

"Ma-adik? Kami? Baka nga kasing laki lang ng kikiam iyan, e!"

"Oh, natamaan ka? Maliit iyang sa iyo, ano?" Inosente kong sabi nang makitang naasar ang mga mukha nila at mas inasar pa sila lalo.

Umiling ako. Lalo siguro akong matatawa kung malalaman kong kami ang unang sumagot sa kanila ng ganito. Pakiramdam ko kasi ay sikat din sila dahil pinagtitinginan at pinagbubulungan na kami rito.

Inilapit niya bigla ang mukha niya sa akin na para bang balak niya akong halikan sa labi. Dahil sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na napansin iyon kaya nagulat ako. Pero bago pa maglapit nang tuluyan ang mukha niya sa akin ay nagulat ako nang biglang tumilapon ang lalaki palayo.

Pulang pula si Dark pagkatapos suntukin sa mukha ang lalaki. Lumaban naman ang lalaki sa kanya pero mas payat ang braso at kumuyom ng lalaking kalaban niya kaya hindi na kailangan pang pumorma ni Dark. He was always the bulky type.

Napahiga sa sahig ang kalaban niya kaya mabilis niyang inupuan ang tiyan nito at sunod sunod na sinuntok ang mukha ng kalaban niya.

Pulang pula maging ang kanyang leeg. His strong and tight arms continued punching the other boy's face. Kahit na maraming kalaban ay iisa lang talaga ang gustong suntukin ni Dark, ang lalaking humawak sa mukha ko.

Sa nakikita ko ngayon ay masasabi kong walang makakapigil sa kanya kaya mabilis kong hinawakan ang braso niya bago pa niya mapatay ang lalaki.

Dahil doon, napatigil siya sa pagsuntok tsaka napatingin sa akin. Ang matalim, malalim at nakakapatay niyang mata ay biglang lumambot nang mapatingin sa mata ko. Iyon naman ang ginawang way ng lalaking kalaban niya para bawian ng suntok si Dark sa mukha.

"Bullshit!" Malutong na mura ko bago suntukin ang ilong ng lalaki kaya tuluyan na siyang nakatulog.

Hinawakan ko ang braso ni Dark at hinila siya paalis sa cafeteria at iniwan sila Uno roon na nakikipagsuntukan pa rin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi ko naman kabisado ang buong school, mabuti nalang at nagpatianod siya.

Nang makakita ako ng isang lugar na tago ay doon ako huminto at hinarap siya. Wala manlang kagalos-galos ang mukha niya kahit na nasuntok siya noong lalaki.

Ganoon ba katigas ang mukha ni Dark?

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon, e..." kunot noong sabi ko sa kanya.

"Tss," umiling-iling siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pants niya atsaka sumandal sa punong nasa likod niya.

"Kaya naman namin," sabi ko pa.

Bigla siyang naglabas ng sigarilyo at walang sabi-sabing sinindihan iyon. Hindi siya makatingin sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagkairita niya.

"Bakit, Dark? Anong dahilan mo para-"

"Wala." Nagkasalubong ang kilay niya nang tumingin siya sa akin, "I didn't save you. Naki-sama lang ako kila Uno nang sapakin niya iyong lalaking nambastos kay Blake."

Napanganga ako sa sinabi niya. Bigla akong nahiya at hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa sinabi niya. Naguguluhan ako dahil hindi naman iyon ang sinasabi ng mata niya, pero bakit iba ang sinasabi niya?

"Stop acting like you're special. Sabi mo nga 'di ba, I'm not your husband..." he chuckled with no humor.

Bakit kahit na hindi ko kilala itong Dark na nasa harap ko ngayon ay milyon milyon pa rin ang mga kutsilyong nagsisi-unahang tumusok sa dibdib ko. Nahirapan ako bigla sa paghinga.

"Right. You're not Dominic," tumawa ako ng sarkastiko kahit na nanghihina ang tuhod ko, "Magkamukha nga kayo, pero ang ugali niyo ay ibang iba."

Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Nanlilisik ngayon ang mga mata niya at hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na sapakin niya ako sa sobrang inis.

"Ibang iba kayo ni Dominic, Dark..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top