Kabanata 3

Kabanata 3

Buong araw ay hindi ko manlang nabuka ang bibig ko. Wala rin namang kumakausap sa akin kaya mas naging peaceful ang unang araw ko rito sa bahay. Naabutan kong nakaupo sila Kendall sa sala habang kumakain ng chips at fried chicken at nagpho-phone. Umupo ako sa tabi ni Blake.

Sa sobrang tahimik ay tanging pag nguya ng chips at ang tunog na nagmumula sa TV ang naririnig. Hindi ko alam kung nasaan ang mga boys dahil nagkulong ako sa kwarto. Lalabas lamang ako tuwing kakain na or kailangan.

"I'm bored!" Napalingon ako nang biglang sumigaw si Kendall na nakaupo sa couch.

Nakababa ngayon ang hawak niyang fried chicken habang nakanguso. Napalingon naman ako sa dalawa pa naming kasamang babae. Patuloy pa rin sa pag nguya ng chips si Hyrie at si Blake naman ay akala mo walang narinig na patuloy pa rin sa pag kalikot sa phone niya.

Patuloy pa rin sa pag-aaya sa amin si Kendall. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya hindi ako nagsasalita.

"Sige na! Para maging close tayong lahat. Hindi ba iyon naman ang utos sa atin?"

Binaba ko ang paa kong nakapatong sa center table nang sabihin niya iyon. Wala ring balak sumagot si Hyrie at Blake sa aya ni Kendall pero nararamdaman kong gusto rin nilang sumang-ayon sa sinasabi nitong batang Kendall na ito.

"Let's go," biglang sabi ni Blake.

I knew it! Ako lang yata ang hindi nagulat sa sinabi ni Blake, dahil base sa mukha ng dalawa, mukhang hindi nila inaakala na papayag talaga si Blake sa gusto ni Kendall.

"Sinaniban ka?" Nakataas ang isang sulok ng labi ni Hyrie.

Napairap ako sa sinabi niya. Nagsisimula nanaman silang dalawa pero nagulat ako nang hindi patulan ni Blake ang sinabi niya.

Isa-isa na kaming nagsipuntahan sa kanya kanyang mga kwarto para magbihis. As usual, black v-neck shirt na may patong na hoodie at black ripped jeans ang suot ko. Sinuot ko na rin ang boots na lagi kong ginagamit at naglagay ng kaunting brown lipstick at nilugay ang buhok kong nakatali ng pataas kanina.

Naabutan ko si Kendall na nagsusuot ng denim na jacket. Nakangisi siya habang pinapanuod ako sa pagbaba ng hagdan. Hindi ko alam kung ngingiti rin ako pabalik kaya nanatiling diretso ang ekspresyon ng mukha ko.

Nasa tapat kami ng isang club na ang ingay ay abot hanggang dito sa labas. Nakita ko rin ang iilang magkakaibigan na mukhang lasing na kaya nag-aalalayan sila. Labas-masok din ang ilang babae na may kasamang lalaki na who knows kung saan na ang tungo.

Napatingala ako para basahin ang pangalan ng club na tinuro ni Kendall. Nakasulat ang mga letra gamit ang neon lights na nagpapatay sindi.

Esiesjey.

Agad akong napapikit nang makapasok na kami ng tuluyan sa loob ng Esiesjey. Actually, ilang beses na akong nakakapag-club pero iba pa rin ang epekto sa tainga ko ang lakas ng tugtog. Nagsisigawan ang mga tao at mausok ang paligid na nagmumula sa stage at sa mga sigarilyo.

Lalong umingay ang mga tao nang biglang tumugtog ang isang pamilyar na kanta na madalas marinig sa mga club na katulad neto.

"Last night I let the party

Get the best of me

Waking up in the morning

Two hoes laying next to me

Plus I heard an officer

Arrested me

Good weed and cold drinks

That's the motherfucking recipe"

"Whooo!" Nagulat ako sa biglang sigaw ni Kendall na akala mo ay hayop na ngayon lang napakawalan.

"Bago kayo rito?" Nagtanong-tanong na rin siya sa mga taong nakakasalubong niya habang kaming tatlo ay nasa likod niya.

Nakakahiya kasama ang isang ito at alam kong ganoon din ang iniisip ni Hyrie at Blake na nasa magkabilang side ko at tahimik na pinapanuod ang sumasayaw-sayaw na si Kendall.

Naalala ko tuloy iyong dating ako. Katulad din ni Kendall, innocent and carefee, walang pakielam sa iisipin ng ibang tao basta't masaya lang ako. Pero ngayon, hindi ko na mahagilap ang dating Flame na alam kong nagtatago lang ngayon sa loob ko.

Umupo kami sa isang couch na pabilog. Binagsak ko ang sarili ko sa malambot na upuan at inabot ang menu na nakalapag sa table.

"Anong order natin?" Tanong ni Kendall habang lumilibot ang buong paningin niya sa loob ng club na para bang ito ang unang beses niyang makapasok dito. Una nga yata talaga.

"Oh, mamili ka." Tamad na inabot ni Hyrie sa kanya ang menu, "Tutal ikaw nagyaya rito."

Nakapalumbaba si Kendall habang nakatitig sa menu na binigay sa kanya ni Hyrie at hindi ko alam kung binabasa ba talaga niya ang mga nakasulat doon o talaga tinititigan lang.

"Hmm... ano bang gusto niyo?" Tanong ko.

Halos matawa pa ako dahil dati, wala akong kaalam alam sa pag oorder at naghihintay nalang ako ng alak. Pero ngayon, mukhang ako pa yata ang magoorder.

"Beer na lang kaya?" Suhestiyon ko habang nakatingin sa San Mig na lagi kong inoorder noon.

Hindi rin kasi ganoon kalakas ang tama ng beer kumpara sa ibang inumin dito. Pero kung gusto talaga nilang malasing, oorder sila ng cocktail o 'di kaya ay Tequila.

"Tequila rin," sabay na sabi ni Blake at Hyrie. Muntik pa akong mapasapo sa noo ko dahil doon.

Masama talagang nagsasama ang dalawang ito, e. Pero nagulat ako sa order nila. Seryoso silang Tequila? Patayan yata ang trip ng mga ito, iyong tipong gagapang na pauwi.

"Okay." Umirap ako bago pa sila magsagutan. "Beer at Tequila na?"

"Lemon and salt," dagdag ni Blake at sumandal sa back rest ng couch habang malayo ang tingin.

Hyrie waved her hand dismissively then said, "That's for sissies!"

Hindi ko alam pero bigla kaming nagtinginan ni Kendall na parang iritang irita na kami sa sagutan nilang dalawa. Umiling nalang ako at pasimpleng tinawag ang waiter at agad namang tumakbo ang isa habang hawak ang tray.

"Oh, talaga? Kapag nalasing ka agad, tatawanan talaga kita." Sarcastic na sabi ni Blake at hindi manlang siya naasar sa insultong sinabi ni Hyrie.

"Believe me, I'll be the one laughing at you."

"We'll see,"

Ilang minuto lang din ay dumating na ang order namin. Agad kong nilagok ang San Mig habang nakatingin sa mga taong nagsisitalunan sa dance floor habang nagsisigawan.

"So, ganito nalang?" Biglang nagsalita si Kendall na umiirap-irap. "Sana nagsari-sarili nalang tayo ng table, ano? Walang pansinan pala, ha?" Kahit ang lakas ng tugtog dito sa Esiesjey ay rinig na rinig ko pa rin.

Napatitig ako sa kanya. Ganyan din ako noon, hindi makapakali na hindi nagsasalita at hindi makatiis na hindi gumagalaw sa isang sulok. Pero ngayon, mukhang nasanay na ako sa ganitong ugali ko. Tahimik at mukhang walang pakielam sa paligid kahit na sa totoo lang ay sobrang gulo ng isip ko.

Bumuntong hininga ako. Ang daming pumapasok sa isip ko na hinihiling ko na sana ay kaya rin sabihin ng mga labi ko. Na para bang matagal ng nakakulong sa isip ko ang mga dapat ay sinasabi ng bibig ko kaya nagwawala sila at gusto ng lumabas doon.

"Flame, lalim naman niyan. Pwede kaming maki-langoy?" Natatawang sabi ni Kendall.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong napalingon din sa akin si Hyrie at Blake habang pinaglalaruan sa kanilang kamay ang hawak na shot-glass.

Lumunok ako dahil biglang may bumara sa lalamunan ko. Dapat ko na bang pakawalan ang mga salitang nasa isip ko? Dapat na ba akong matuto kung paano mag open-up sa isang tao?

"You're thinking about your husband?" Tanong ni Hyrie.

Nanlamig ang kamay ko at hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Huminga ako ng malalim bago pa ako maubusan ng hangin sa katawan.

Papakawalan ko na kayo para tigilan niyo na ako. Papakawalan ko na kayo at sana ay wala ng matira pa kahit isa.

"What happened to him? Paano siya namatay?" Tanong ni Kendall.

Ngayon nalang ulit. Ngayon ka nalang ulit naging bida sa usapan, Dominic. Siguro ay tuwang tuwa ka nanaman at gwapong gwapo sa sarili dahil nakukuha mo ang atensyon namin. Katulad noon.

Sana nga niloko nalang ako ni Dominic. Atleast 'diba nakikita ko siya ngayon. Atleast alam kong buhay siya at makikita ko pa ang ngiti niya. Pero hindi, e. Nabubuhay nalang siya sa isip ko... at sa katauhan ni Dark.

"Hindi ko rin alam. Basta isang araw pinaghahabol na kami ng mga hindi ko kilala at hindi ko alam kung kilala ba ni Dominic ang mga iyon. Bumangga ang sasakyan namin at sa puno at nagising nalang ako na nasa ospital na ako,"

"Paano mo nalamang tigok na si Dominic?" Tanong ni Kendall.

Imbes na umiyak ay natawa pa ako sa reaksyon nila. Mabigat pa rin ang dibdib ko at alam kong kahit na anong gawin ko ay hindi na mawawala ang pakiramdam na iyon doon. Mananatili na siyang parte ng pagkatao ko.

"Cremate ang ginawa sa katawan niya. Abo nalang noong inabot sa akin ng mga nurse..."

Naalala ko nanaman kung gaano kasama ang loob ko noong abo nalang na bumalik sa akin si Dominic.

Ilang araw kong inayakan ang abong iyon bago itapon sa ilog. Sobrang laki raw kasi ng pinsala sa katawan niya kaya naman pina-cremate nalang.

"Nakakaiyak naman iyan. Pero nandito tayo para mag saya. Kaya let's go na, isayaw nalang natin iyan!" Sigaw ni Kendall tsaka tumayo at tinaas ang dalawang kamay.

Isang beses pa akong huminga ng malalim dahil pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. Tatayo palang sana ako para sumunod kay Kendall nang mapansing nagkakainitan sila noong lalaking kaharap niya.

Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila at since malapit lang si Hyrie sa kanya ay agad siyang nakisali sa usapan. Tinignan ko si Blake at parehas lang kami ng reaksyon. Kalmado at walang balak makisali.

Sumandal ako habang hawak ang beer. Kaya na nila iyan. Manunuod nalang muna ako at sa pagkakataong dehado sila ay tsaka lang ako makikisali at malabong mangyari iyon.

"Hey, 5 seconds?" May tumabi sa aking lalaki na nakangisi habang dinidilaan ang labi niya.

Well... hindi siya mukhang adik at hindi rin siya mukhang matino.

Ngumisi ako at sumandal sa balikat niya habang hawak ng mahigpit ang bote ng beer. Alam na alam ko kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi niyang "5 seconds" dahil doon kami nagsimula ni Dominic.

5 seconds, walang malisya? Fuck him! Gusto niya ng kiss? Papatayin ko muna siya bago niya makuha iyon.

"Sure," malanding sabi ko. "5 seconds..." ngumisi ako.

Bago pa makalapit ng husto ang mukha niya sa akin ay agad kong pinalo sa ulo niya ang bote ng beer at sinipa ang sikmura niya. Malakas kong sinuntok ang mukha niya at napansin kong pumutok at dumugo agad ang labi at ilong niya. Dahil sa gulat at kalasingan niya ay hindi na siya nakapanlaban.

"Here's your 5 seconds," ngisi ko bago sinuntok ang leeg niya kaya nakatulog agad siya bago pa matapos ang 5 seconds.

Shinake ko ang kamao ko habang nakangisi dahil mukhang nangangati nanaman ang palad ko. Mukhang magandang exercise ang pagsuntok sa mukha ng mga lalaking malalandi.

Weak.

Napalingon ako sa paligid ko at nakita ko ang isang lalaki na nagtatago sa likod ni Blake. Ngumisi ako at pinatunog ang leeg bago kalabitin ang likod niya.

"Anong ginagawa mo?" Inosenteng tanong ko. "Tagu-taguan ba sa likod niya?" Tinuro ko si Blake na patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa kaharap niyang lalaki.

Nakita kong kumunot ang noo ng lalaking kausap ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang mapansin kong pinaglalaruan niya ang hawak niyang balisong. I licked my lower lip at lalo pang nagpa-cute sa harap niya.

"Sali naman ako! Sinong taya?" Tanong ko pa.

Bago pa niya maitaas ng tuluyan ang kamay na may hawak na balisong ay agad ko nang nahawakan iyon at pinakot, kaya naman nasa likod na niya ang kamay niya. Pinulipot ko pa ang braso niya kaya nabitawan niya ang balisong.

At kung suswertehin nga naman, natamaan siya noong bote ng beer na galing sa kalaban ni Hyrie. Tss, nakikipag-away ba talaga ang mga ito? Bakit pakiramdam ko ay gusto lang nila maglaro. Ang boring!

"Fuck you!" Sigaw niya sa akin.

"Kakasali ko lang, ako na agad ang taya?" Humalakhak ako at binitawan ko ang braso niya, "Pero sige. Game na ba?"

Sumipa ako patalikod para sana sipain ang mukha niya ngunit mabilis niyang nahawakan ang paa ko kaya bumagsak ako sa sahig. Ngumisi ang lalaki at nilapit sa akin ang katawan niya. Kahit na masakit ang likod ko sa pagkakabagsak ay sunod sunod kong sinuntok ang mukha niya.

Akala niya makakaisa na siya sa akin, nakalimutan niyang kaya palang sumuntok ng kamay ko.

Dumugo ang ilong niya dahil doon. Galit na galit naman siyang tumingin sa akin at hinila pababa ang binti kong hawak niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko gamit ang isang kamay niya at sinuntok ang mukha ko.

Whoah! That was... amazing!

Nalasahan ko ang mainit at maalat na likido sa may labi ko. Instant lipstick ang binigay niya sa akin kaya ngumisi ako at hinahayan siyang suntukin ang mukha ko. Para makapag ipon ng lakas, habang siya ay pagod na sa kakasuntok.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko para masipa ko ang gitna niya. Napasigaw at namilipit siya sa sakit kaya nabitawan niya ako. Mabilis akong tumayo tsaka sinipa sipa ang tiyan niya hanggang sa sumusuka na siya ng dugo. Umupo ako sa gilid niya at inabot ang isang beer at nilagok hanggang sa makalahati ko atsaka pinukpok sa ulo niya ang bote. Nabasa pa ng kaunti ang kamay ko dahil sa natirang beer.

"Ew," maarteng sambit ko.

Tinigilan ko siya nang masiguradong hindi na niya kayang lumaban pa. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng palad ko at inilibot ang tingin kila Kendall. Tapos na pala.

"The show's over!" Narinig kong sigaw ni Blake at tumingin sa akin.

Sumakit panga ko dahil sa suntok ng lalaki sa akin kaya tumango ako sa kanya at mabilis naman niyang nakuha ang gusto kong sabihin at hinagis ang bubble gum na mabilis ko namang nasalo. Kumuha ako ng isa at nginuya.

"Who's next?" Tamad na tanong ni Kendall tsaka kumuha pa ng inumin sa dumaang waiter.

"Hindi man lang ako pinagpawisan," naiiling na sabi ni Hyrie.

"Weak," bulong ko habang ngumunguya dahil sa totoo lang, hindi manlang ako napagod at nakipaglaro lang ako sa kanila.

Sabay sabay kaming lumabas sa Esiesjey na parang walang nangyari. Pumunta pa kami sa kabilang club dahil nabitin kami roon. Buti naman at wala ng nanggulo sa amin at tumagal kami ng ilang oras. Hilong hilo na ako at alam kong ganoon din sila. Nag-iinit ang magkabilang pisng ko at namumungay na ang mga mata. Hindi ko na alam kung anong oras kami umuwi, basta ang alam ko ay nagtatawanan kami.

Patuloy ang pagtawa namin. Binuksan ni Hyrie ang pinto at habang papasok sa loob ng aming bahay ay rinig na rinig ang halakhak namin dahil pinaguusapan namin ang nangyari sa Esiesjey.

Nakabusangot na mukha ng mga boys ang unang bumungad sa amin. Napatingin agad ako kay Dark na nakaupo sa counter at nakatalikod ngunit nakalingon ngayon sa may pinto; sa amin, habang nakasandal ang elbow sa table at pinaglalaruan ang hawak na baso. Walang ekspresyon ang mukha niya kaya hindi ko alam kung natatawa ba siya, naiirita, natutuwa o ano.

Napawi ang tawanan namin at parang biglang nawala ang tama sa akin ng alak. Kakagatin ko sana ang labi ko nang maalala kong pumutok nga pala iyon kanina nang suntukin ako noong lalaki.

Inikot ni Dark ang inuupuang high chair para tuluyan nang mapaharap sa akin. Humalukipkip siya at parang tatay na nakatingin sa akin at nagtatanong kung saan ako nanggaling at kung bakit ako ginabi. Nakita ko rin sa gilid niya ang naninigarilyo'ng si Uno habang nakatingin kay Blake na nasa tabi ko lang.

"Saan kayo nanggaling?" Halos sabay sabay na tanong ng mga boys. Well, except for Dark na nakatingin lang ng diretso sa akin at parang jina-judge niya ako gamit ang tingin niyang iyon.

Napalunok ako. Bakit ba ako natatakot sa kanya? Bakit ba iniisip ko kung ano ang ipapaliwanag ko? Ano ko ba siya? Hindi naman siya si Dominic at hindi siya importante sa akin kaya inirapan ko nalang siya at hindi pinansin.

Hindi ikaw si Dominic, Dark. At kahit kailan ay hinding hindi ka magiging siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top