Kabanata 2

Kabanata 2

"What?!" halos sabay sabay naming sigaw.

Napanganga ako sa sinabi ni Mr. Marcus. Walang akong alam na titira kami sa iisang bahay! Wala rin akong nabasa na ganoon. Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi ngayon pa nga lang ay hindi na kami nagkakaintindihan tapos titira pa kami sa iisang bahay?

Lalo na't may issue sa amin ni Dark. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka pagnasaan ko siya dahil kamukha siya ni Dom; ang asawa ko.

"This is nonsense," padabog na tumayo si Blake at dirediretsong lumabas ng pinto; not giving a single damn about us.

Nanatiling nakaupo si Uno at tinatapik ang daliri sa table. Ilang segundo lang din ay tumayo na siya para sundan si Blake. Seryoso at walang ekspresyon ang mukha niya.

Napatingin ako kay Dark matapos magwalk-out si Blake at Uno. Nagulat ako nang makitang kanina pa pala ako pinapanuod ni Dark, hindi ko alam ang gagawin ko. Napanganga ako at biglang nag-iwas ng tingin ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag ngisi niya.

Gusto kong humingi ng tawad sa inasal ko kanina. Nanlulumo pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi pala siya ang asawa ko. Huminga ako ng malalim at hindi ko alam pero napatingin ulit ako kay Dark. This time, nakasandal ang elbow niya sa gilid ng swivel chair habang hawak ang labing pinaglalaruan.

"May sasabihin ka?" biglang tanong niya.

Tuwing napapatingin ako sa kanya ay wala akong ibang makita kundi si Dominic. Parehas sila ng talim at lalim ng mata, maging ang pagkakadepina ng panga ay parehas din.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa akin. Napatingin ako kay Mr. Marcus na pinapanuod ang bawat isa sa amin. Sila Hyrie at Morgan ay tahimik lang sa sulok at hindi nagkikibuan, ngunit nagulat ako nang makitang naghaharutan lamang sa gilid si Kendall at Zach.

"Let's go outside. Let's talk," sabi niya.

Paghawak palang niya sa pulsuan ko ay ramdam ko na agad ang kuryenteng matagal ko ng nararamdaman tuwing hinahawakan ako ni Dominic. Tinanggal niya ang lollipop sa bibig at tinapon sa trash can ang stick. Nagpatianod ako sa hila hanggang pumunta kami sa fire exit.

Sumandal siya sa railings atsaka naglabas ng sigarilyo. Unang buga niya ng usok ay agad siyang napatingin sa akin tsaka tumango na parang sinasabi na magsalita na ako.

"I h-have nothing to say..." yumuko ako tsaka kinurot kurot ang likod ng kamay ko.

Bullshit, Flame! Humingi ka na ng sorry sa kanya! Ano pang inaarte-arte mo ngayon?

Humalakhak siya, "Ano nga?"

"Sorry!" pumikit ako ng mariin. Gusto kong takpan ang tainga ko para hindi marinig ang susunod niyang sasabihin dahil nahihiya ako.

Ilang sandali siyang hindi nagsalita hanggang sa maramdaman kong nawawala na ang hiya ko. Sinilip ko siya gamit ang isang mata at nakitang kagat niya ang pang ibabang labi para pigilang matawa. Namumula ang tainga niya hanggang leeg, tanda ng pagpigil niya sa tawa.

Imbes na mahiya ay mahina kong pinalo ang braso niya at dahil doon, humagalpak siya sa tawa. Kupal din ang isang ito, ah? Kitang nahihiya na nga ako sa nangyayari tapos ay tatawanan lang niya ako? Magaling!

Aawayin ko palang sana siya nang bigla niyang pinitik ang sigarilyo at hinila ang braso ko at inakbayan. Amoy na amoy ko ang pinaghalong amoy ng pabango at sigarilyo sa kanya, na kahit ganoon ay hindi masakit sa ilong.

"Kain nalang tayo, Baby girl..." malalim at lalaking lalaki ang boses niya. Mas hinila pa niya ako palapit sa kanya at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko and then he chuckled.

Nag-init ang pisngi ko, hindi dahil sa pagiging malapit namin sa isa't isa. Kundi sa pag tawag niya sa akin ng "Baby girl", saan naman kaya niya nakuha ang tawag na iyon?

Baby girl...

Parang sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko. Ganito ba ang epekto ng isang Dark Mondragon? Pakiramdam ko ay magseselos si Dominic kaya hindi ko magawang ngumisi.

Lumabas kami ng building kahit na madilim at malamig ang simoy ng hangin. Akbay akbay pa rin niya ako at hindi ko na alam kung ano ang kaya kong gawin kapag nagtagal pa ang ganitong posisyon namin.

"Payag ka ba sa sinabi ni Marcus?" Tanong niya habang naglalakad kami palabas.

Nag-isip ako. Payag nga ba akong sa iisang bahay lang kami titira? Syempre, hindi. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi na rin ako pwedeng magback-out dahil lahat yata ng kakilala ko ay hindi payag sa ginawa kong ito. Kapag bumalik ako ngayon doon, malamang ay pagtatawanan lang nila ako. Mas maganda nang panindigan ko nalang itong desisyon ko.

"I'm left with no choice..." nagkibit balikat ako. Naramdaman kong tinapik niya ang balikat ko na hawak niya.

"Good, good..."

Madilim ang dinadaanan namin papunta sa kung saan na hindi ko alam. Ganito pala ang itsura ng Valdell. Wala man akong idea na nabubuo sa isip ko noong nabasa ko itong City na ito ay mukhang hindi rin ganito ang aakalain ko. City ba talaga ito? Bakit sobrang tahimik at sobrang dilim ng buong lugar?

"Kumakain ka ba ng lugaw?" Naputol ang iniisip ko sa biglaang tanong niya.

Sandali akong natulala bago tumango. Paborito kasi ni Dominic ang lugaw at kahit iyon ang kainin niya araw-araw ay hindi siya nagsasawa. Napaka-ironic na mukhang paborito rin ni Dark iyon. Si Dark na kamukhang kamukha ni Dominic.

"May masarap kasi na lugawan diyan sa kanto," tinuro niya ang di kalayuang eskinita.

Kahit na ngayon lang kami nagkakilala ay pakiradam ko matagal ko na siyang kilala. Matagal na kaming nagkakasama kaya hindi na awkward, hindi rin ako naiilang na akbay niya ako ngayon. Ewan ko ba.

Pagdating namin doon ay agad niyang binati ang tindera na Aling Tessa pala ang pangalan. Sa naririnig kong paguusap nila ay mukhang madalas nang kumain si Dark dito.

"Mukhang may kasama ka, a?" Sinilip ako ni Aling Tessa habang naglalagay siya ng lugaw sa bowl at nakangisi.

Kahit nahihiya ay ngumiti ako pabalik. "Hello?"

Tumawa si Dark. Nakasandal ang elbow niya sa kanyang hita at nakangisi habang nakatingin sa akin. Pinaglalaruan nanaman niya ang labi niya. Gusto kong umiwas ng tingin dahil naalala ko nanaman si Dom. Ganoon na ganoon siya tuwing tuwang tuwa sa akin, pero... halata na rin ang pagkakaiba ng mukha nila.

"Gabi-gabi nandito si Dark, pero ngayon lang siya nagsama ng babae..." humagikgik si Aling Tessa na parang may kumikiliti sa kanya.

"Lagi na rin siya rito, Aling Tessa!" Sagot ni Dark.

Hindi ko magawang ibuka ang bibig. Nahihiya ako pero parang wala yatang tinatagong hiya itong kasama ko. Habang kumakain kami ay kung ano ano pa ang tinatanong niya kay Aling Tessa. Maging ang kinita niya ngayong araw ay hindi nakaligtas sa tanong niya.

"Sapat na ho ba iyon para kay Terri?" Kunot noong tanong niya habang ngumunguya.

Sino naman si Terri? Bakit ba ang dami niyang alam? Mas tsismoso pa siya sa babae. Pero mapapansin mo sa mata niya na concern siya at gusto kong itanong kung... ilang taon na kaya ang Terri na tinatanong niya?

"Okay na iyon, Dark! Hindi ko na tatanggapin ang mga binibigay mo."

Gulat na napatingin ako kay Dark. Nagbibigay siya kay Aling Tessa? Hindi ako makapaniwala dahil wala sa mukha niya na maging ganoon. Iniisip ko tuloy kung dahil ba iyon sa Terri na binanggit niya.

"Si Aling Tessa, parang others!" Humalakhak si Dark, "Ayos lang ho iyon, basta para kay Terri..."

Bahagya akong nabulunan sa narinig ko. Hindi yata nila napansin kaya palihim akong uminom ng tubig. Ang sakit ng lalamunan ko dahil doon, kaya napaluha ng kaunti ang mata ko.

Bakit ka ba kasi nabulunan, Flame!

Natapos kaming kumain na hindi nanalo si Aling Tessa sa pagtanggi ng perang binigay ni Dark. Sa huli kasi ay napilitan siyang kunin iyon dahil kung ano anong blackmail ang sinabi sa kanya nitong kupal na kasama ko.

Pagbalik namin sa Efelistria ay nakita ko ang guard na humarang sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at yumuko lamang siya. Akala niya makakalimutan ko siya? Pinahiya niya kaya ako sa ginawa niya!

Pumasok kami sa loob at dumiretso sa elevator. Pasara na sana iyon nang biglang hinila ni Dark ang braso ko at pinigilan niya ang pagsara. Sila Blake at Uno pala ang taong nasa loob, pero bakit parang tiklop si Blake ngayon? Nakayuko lang siya at napansin kong namumula ang ilong niya.

"Uy, umiyak ka ba?" biglang tanong ni Dark.

Again, kailan ba siya mawawalan ng hiya sa katawan?

Pero... hindi ako makapaniwala na umiyak si Blake. Una sa lahat, hindi iyon bagay sa kanya, pangalawa ay... nasabi ko na bang hindi bagay sa kanya? Ayun, hindi talaga bagay sa kanya.

"Saan kayo nanggaling? Minanyak mo ba siya agad?" Balik na tanong ni Uno.

Nag-init ang pisngi ko sa tanong ni Uno at gusto ko siyang sagutin na kumain lang kami ng lugaw pero parang magiging kill joy ako kapag sinabi ko iyon. Bakit kasi kung mag-usap sila ay parang walang ibang tao ang nakakarinig? Akala nila ay walang taong napapahiya.

Humagalpak silang dalawa sa tawa at tahimik lang kaming dalawa ni Blake. Kung gaano ka-kupal itong si Dark ay ganoon din yata itong si Uno. Birds of the same feather, flocks together nga naman talaga.

"Ikaw, saan mo naman siya dinala? Mukhang pinaiyak mo agad, a?" Balik naman ni Dark at hindi nawawala ang ngisi sa kanyang labi.

Humalakhak si Uno, "Kung meron mang pinakatsismosong mga tao sa mundo, lahat ng iyon ay naipon sa Efelistheria..."

Halakhak nilang dalawa ang pumutol ng usapan bago bumukas ang elevator. Naabutan naming nakatayo roon sina Kendall, Zach, Hyrie at Morgan. Lumabas din ba sila, o pinalabas sila ni Mr. Marcus?

Halos sabay sabay silang napatingin sa amin. Ngumisi naman si Morgan at Zach na nakasandal ngayon sa pader. Nakakunot noo si Hyrie at mukhang hindi pa rin nawawala ang pagkairita niya kay Blake, and as usual, ngiting ngiti nanaman si Kendall.

"Kumpleto na pala tayo, e. Ano, pasok na?" Umayos ng pagkakatayo si Zach.

Kumunot ang noo ko nang biglang tumawa si Dark at Uno. Hindi ko talaga maintindihan ang dalawang ito, para silang may koneksyon na tanging sila lang nakakaintindi sa bawat isa.

"Ipasok ang alin?" Humahalakhak na tanong ni Uno.

Imbes na pumasok kami sa loob ng office ay heto sila, nakuha pa talagang magkwentuhan. Tumatawa silang apat, habang kaming mga babae ay walang ekspresyon na pinapanuod silang hawak hawak na ang tiyan sa kakatawa.

Morgan snorted, "Dagdagan mo na rin ng, kung saan papasok?"

"Sa baba o itaas?" Dugtong pa ni Zach.

Sabay sabay silang humagalpak sa tawa. Boys will be boys talaga. Mapapairap ka nalang talaga at alam na alam kong ganoon din ang nararamdaman nila Kendall ngayon.

Nagkatinginan kami nila Hyrie at maging si Blake na kanina lang ay naiiyak, ngayon, nakataas nanaman ang kilay at inis na inis sa pinagsasabi ng mga boys.

Nakuha ko naman ang gusto sabihin ng bawat isa gamit ang tingin lang, kaya sabay sabay kaming mga girls pumasok sa office at hinayaan ang mga boys na tumatawa roon. And to our surprised, bukas na pala iyon. Hindi namin alam kung paano o kung kailan dahil nga sa kalokohan ng mga boys.

"Sabi na't babalik kayo, e..." ang sinabi ni Mr. Marcus ang bumungad sa amin nang makapasok na kami. His wearing his amused grin habang nakatingin sa amin ngayon na para bang alam na niya na ganito ang mangyayari.

Isa-isa kaming bumaba sa sasakyan at agad akong napatulala sa bahay na nasa tapat namin. So, eto ang magiging tirahan namin at hindi namin alam kung hanggang kailan ang itatagal namin dito?

Malaki siya para sa amin. Pagpasok ko sa gate ay naamoy ko agad ang pool kaya napatingin ako sa gilid. Parang pumuso ang mata ko nang makita ang kulay blue na pool at para akong hinihila para tumalon doon.

Nagulat ako nang biglang may humablot sa hawak kong maleta. Gulat na nilingon ko iyon at nakita si Dark na diresto at tuloy tuloy maglakad papasok habang hawak ang mga gamit ko. Hinabol ko siya.

"Kaya ko-"

"Sinabi ko bang hindi mo kaya?" ngising tanong niya. Kahit anong pilit kong agawin sa kanya ang maleta ko ay pilit din niyang iniiwas.

Kung mayroon man akong dapat iwasan sa lahat ng mga kasama ko rito ay si Dark dapat iyon. Kamukhang kamukha niya si Dominic at hindi ko siya makita bilang Dark. Natatakot ako na baka siya ang makasira ng atensyon ko sa mga misyon.

"Dark, seryoso ako..."

"Hindi ko rin sinabi na hindi ka seryoso," huminga siya ng malalim at nakangisi pa rin na para bang inaasar talaga niya ako.

Wala na akong nagawa nang mailapag niya ang maleta ko sa kwarto ko. Kasabay ko ay lumibot din ang tingin niya sa kabuoan niyon. Tumango tango siya.

Ang mata niya, ang ilong, ang mga labi at ang magandang pagkakadepina ng panga niya ay katulad din kay Dominic. Ngunit habang tumatagal ay parang nag-iiba ang paningin ko sa kanya. Ibang iba siya kay Dominic, dahil si Dom, good boy ang itsura, samantalang itong si Dark ay makikita mo agad sa mga mata niya ang panganib.

He looks angelic and carefree. Pansin na pansin ang natural nang pagkagulo ng kanyang buhok at ang perpektong pagkakadepina ng panga niya but believe me... kakaibang aura ang nakikita ko sa mga mata niya. Na para bang hindi siya dapat pagkatiwalaan, lalo na sa suot niyang hikaw na medyo may pagkamahaba. Malalim at madilim ang mata kahit na nakangisi siya.

"I know you're tired. Magpahinga ka na," ngumisi pa siya habang dahan dahang sinasarado ang pinto.

"Goodnight, Baby girl..." pahabol pa niya. His voice is husky na para bang nang-aakit talaga siya, tumawa nanaman siya at tuluyan nang sinarado ang pinto.

Pagkasarado niya ay tsaka lang ako nakahinga ng maayos. Umupo ako sa gilid ng kama. Iniisip ko ang mga nangyari ngayong gabi, wala pang isang araw pero ang dami nang pangyayari ang naganap.

Ngayon lang din talagang naproseso sa isip ko na makakasama ko sa iisang bahay at sa araw araw ang kamukha ng asawa kong si Dominic. Hinawakan ko ang litrato niyang kinuha ko mula sa maleta ko. Dala dala ko iyon kung saan dahil doon ko nalang muli makikita ang matatamis at maganda niyang ngiti.

Mapait akong ngumiti habang tumutulo ang luha sa mata ko, "Bad joke, Dominic..." pumiyok ako at napahagulgol habang yakap ang litrato niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top