Kabanata 1
Kabanata 1
Nagulat ako sa tanong niya ngunit naalala ko na palabiro pala siya. Lagi niya kasi akong binibiro noon dahil gusto niya akong makitang umiiyak para pagtawanan. Baka binibiro nanaman niya ako at gustong paiyakin. Heto na oh, nakukuha na niya ang gusto niya dahil pabagsak na ang mga luha sa mata ko.
"Dominic!" Tawag ko sa kanya. Ang tulo ng luha ko ay tuloy-tuloy na parang gripong sira.
Napatayo siya at kunot noo pa rin na nakatingin sa akin. Narinig ko ang pagsinghap ng mga taong narito. Tumakbo ako papunta sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. Hindi ako makapaniwala na ang taong akala ko ay hanggang sa panaginip ko nalang makikita ay narito ngayon sa harap ko, buhay na buhay.
"Whoah? Miss, chill! hindi tayo magkakilala pero na-inlove ka na agad sa akin?" Humalakhak siya ngunit ang kamay ay nakataas at hindi niya ako binawian nang yakap.
"You guys know each other? Dark, kilala mo siya?" Sabi nang isang lalaking naka-fist bump niya kani-kanina lang.
Hindi ko sila pinansin at umiyak nalang habang nakayakap sa kanya. Marami akong gustong ikwento. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil hindi ko nagawang protektahan ang anak namin. Na halos mamatay na ako noong nawala siya at lagi akong pumupunta sa lugar kung saan kami naaksidente at nangangarap na makita ko siyang muli, pero lagi akong bigo.
"Nope! Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito..."
Napahiwalay ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya para hanapin ang humor doon ngunit wala akong makita. Iba ang matang nakikita ko sa dating mata na meron siya.
Bakit pakiramdam ko kinakahiya niya ako. Pakiramdam ko tinatanggi niya ako. Naramdaman ko ang milyon-milyong kutsilyo na sabay sabay tumusok sa puso ko. Nanghihina ang tuhod ko at baka tumumba na ako ngayon sa kinatatayuan ako.
What kind of a sick joke is this, Dominic?
Hindi ko kasi maintindihan ang nangyayari. Tsaka... Dark? Sino si Dark?
Dominic ang pangalan niya. Dominic Cuevas! Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong siya ang asawa ko. Ramdam na ramdam ko ang pamilyar na pakiramdam tuwing nasa tabi ko siya. Pero bakit parang may mali? Parang may kakaiba.
"So, hindi niyo talaga kilala ang isa't isa?" Sabi ng babaeng kanina pa nakangiti.
Hindi ako makapagsalita. Ano ang dapat kong sabihin? Na asawa ko siya na akala ko ay matagal ng patay pero heto siya ngayon sa harapan ko? Hindi ko mabuka ang bibig ko at nakatingin lang ako ng diretso kay Dominic na inosenteng kumakain ng lollipop.
"Baka gusto niya lang niyang lollipop mo, p're!" Natatawang sabi ng isa na agad namang sinikmuraan ng babaeng nakaupo sa harap niya.
"I think we're in the wrong room. Drama club yata itong napasukan natin, Morgan," sabi ng isang babaeng mataray sa kasama niyang lalaki na tinawag niyang Morgan. Mahina namang napatawa iyon at kinagat ang labi para pigilan, pero halata namang tawang tawa na siya.
Bigla akong nahiya sa inasta ko. Dinamay ko pa si Dominic na mukhang bata ngayon na walang kaalam-alam sa nangyayari. Naaagaw talaga ng pansin ko ang hikaw niyang sumasasayaw kapag gumagalaw siya dahil mahaba.
"Haze, hindi ako sumama sa iyo para sa ganitong eksena. Where's the video message you're talking about earlier?" Siya iyong kanina pa tamad na tamad at parang hinila lang dito at napilitin.
"You're not alone. Sa tingin ko wala naman talaga sa atin ang pumunta rito para sa ganitong eksena,"
Hindi ko na alam kung paano pa ako magrereact. Nawala ako sa sarili ko at tanging si Dominic lang ang tinitignan ko kahit na nasa lalaking kilala niya ang tingin niya.
"Haze, ikaw ang kausap ko..."
Napalingon ko dahil doon. Masama na ang tingin nila sa isa't isa at pakiramdam ko ay anytime magsasapakan na sila. Hindi na rin nakakataka dahil sa itsura palang nila, mukhang mahilig sa awayan.
"What a bitch." Bulong nanaman noong babaeng mataray habang nakatingin sa kuko niya na parang wala siyang sinabi na nakaka-offend.
Hindi ko maintindihan kung bakit sila nag-aaway ngayon. Ganoon ba ka-big deal para sa kanila ang ginawa kong eksena o gusto lang talaga nilang mag-away?
Napalingon naman sa kanya ang isa pang masungit na babae, "May sinasabi ka?" Nakataas ang kilay nito kaya naman napangisi ang babaeng mataray.
"Oh, ngayon pinapansin mo na ako?" Ngumisi ito at umiling.
"Ah, so gusto mong pansinin kita?" Ngumisi na rin ang babaeng mataray kaya biglang tumayo mula sa pagkaka-upo ang babaeng tamad na tamad.
Humarap siya sa babaeng nagsabi noon atsaka hinila ang damit, kaya biglang napatayo iyon. Imbes na mainis ay ngumisi lang ang babae at kinwelyuhan din ang kaharap. Mukhang mag-aaway talaga ang dalawang ito. Napatingin ako kay Dominic at sa iba pang lalaking narito ngunit parang wala silang balak awatin ang dalawa.
"Teka..." biglang nagsalita ang isang lalaki, "Nag-aaway ba sila?" Tanong niya sa babaeng nakaupo sa harap niya.
"Hindi, Zach, naglalaro sila. Gusto mong sumali?" Sarkastikong sabi ng kasama niyang babae.
Tumayo naman iyong babae na sumagot sa tanong ng Zach na tinawa niya at lumapit sa dalawang babaeng nakatayo na nagkasagutan.
Ngumisi ito at hinawakan ang magkabilang kamay noong dalawang babae at tinaas ang kamay ng babaeng mataray. Napatingin sa kanya ang dalawa at naghintay na rin ako ng gagawin niyang pag-aawat sa dalawa dahil kung hindi niya aawatin ay mukhang walang pipigil sa kanila.
"Oh, oh! From the red corner-"
"Shut up!" Sabay na sigaw sa kanya noong dalawang babae at sabay pang tinabig ang kamay ng babaeng akala ko ay aawat sa kanila.
Na-out balance naman iyon at muntik nang matumba. Agad siyang sinalo ng lalaking kilala niya na akala mo ay sobrang taas ng lalaglagan ng kasama niyang babae.
"Ang bigat mo naman. Sabi sa iyo, magdiet ka, e..." bulong noong lalaki, pero dahil tahimik ang paligid ay narinig pa rin namin.
Gusto ko namang mapa-face palm dahil buong akala ko ay siya na ang pipigil sa dalawa ngunit puro kalokohan pa rin pala ang nasa isip nila. Napatigil kami nang biglang bumukas ang pinto. Napaayos ako ng tayo.
An old man came in, his hair is white and he has a neatly trimmed mustache and beard of a kind seen in old movies at kitang kita ang wrinkles sa kanyang mukha, dala ng katandaan. Pumapalpak siya sa naabutan niya habang nakangisi na parang tuwang tuwa sa nangyayari.
"I guess you guys are getting along just fine."
Marahas na napabitaw ang dalawang babaeng nagkasagutan sa isa't isa at maging ang babaeng puro kalokohan ang alam ay napatigil na rin.
"Yes, we are. Right, guys?" Sarkastikong sambit noong babaeng puro kalokohan ang alam. At pagkatapos niya kaming lingunin ay pansin ko ang pag-irap nito sa amin kahit patago niyang ginawa.
Naglakad papasok ang matandang lalaki habang may ngiti sa kanyang mga labi. Kaming lahat ay natigilan at napalingon sa kanya. Walang maririnig sa buong kwarto kundi ang mga yapak niya.
"I'm Mr. Marcus Teves. Founder of Efelistheria. I was the one who summoned you all here. Anyways, let's get down to business shall we? Pero bago iyon baka gusto niyo munang maupo at ipakilala ang inyong mga sarili. Also, gusto kong malaman kung bakit niyo naisipang sumali sa grupo." Natahimik ang lahat at tila ba wala ng choice kundi ang maupo. Ilang segundo rin ang itinagal ng katahimikan bago iyon maisipang basagin ng isang lalake.
"I'm Zachary Hunt, nandito ako dahil gusto kong tumulong na mapabalik sa dati ang Valdell City. At isa pa, I'm here to avenge Kendall's father's death. Kendall is...Kendall is important to me, she's like my little sister and bestfriend in one at hindi ako papayag na hindi ko maibigay ang hustisyang matagal na dapat nilang nakuha." Napatingin ang lalaking naka-stripes sa babaeng kasama niya.
Kahit pala sa kabila ng pagiging bubbly nila ay may natatago silang ganitong karanasan. Pakiramdam ko kasi ay iyon akin lang ang pinaka-matindi. Mukhang hindi rin pala. Pantay pantay kami at iba-iba ng dahilan kung bakit sumali sa grupong ito.
Bumuntong hininga ang babaeng kasama niya, which is Kendall pala ang pangalan. Kinagat niya ang labi niya at hinagod ang buhok nito. Pansin ko ang panginginig ng mga mata niya na para bang gustong umiyak pero pinigilan niya ang sarili niya pinakitaan kami ng isang matamis na ngiti.
"I'm Kendall Lincoln. Nandito lang talaga ako para magbakasyon dahil iyon ang sinabi sa akin nitong kasama kong si Zach, pero hindi ko naman inaasahan na ito pala talaga ang pakay namin sa Valdell."
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Pilit niyang pinapalitan ng kaligayahan ang lungkot. Kahit hindi niya sabihin. Kahit hindi bigkasin ng bibig niya. Alam na alam ko na mahirap ang pinagdadaanan niya at dinadaan nalang niya iyon sa pagtawa at pagbibiro.
"Blake Regan, and just to clear things up, hindi pa ako pumapayag mapasali sa magulong grupo na ito. At hindi ako sasali hangga't hindi ko napapanuod ang video message ng mga magulang ko." Sabi ng babaeng mataray.
Akala ko ay puro pagtataray at away lang ang gusto nitong babaeng ito. Katulad ko, may sarili rin pala siyang dahilan kung bakit siya narito. Parang nakikilala ko na agad sila kahit na surface palang ang mga sinasabi nila.
"Hyrie Steel." simpleng sinabi noong masungit na babae at sumunod naman na nagsalita iyong katabi niya.
"Morgan Silverio. Pumayag kami na sumama sa grupo dahil nangangailangan daw ng tao ang Efelistheria," sabi niya habang tinuturo iyong nagpakilalang Hyrie.
"Haze Kyler, but you can call me Uno." Tipid at iyon lang talaga ang sinabi niya tsaka sumandal sa inuupuan niyang swivel chair.
Iyon lang sasabihin niya? Mukhang wala siyang dahilan kung bakit siya sumali. Pero bakit nakikita ko sa mata niya na malaki ang magiging parte niya sa grupo namin.
Now, all eyes on me. Lumunok ako atsaka huminga ng malalim. Hindi ko alam kung bakit bigla yata akong nilamig ngayon kahit na may pawis ng kaunti ang noo ko. Nanginginig ang bibig ko at sana lang ay hindi ako pumiyok o mabulol dahil sa pagka-conscious.
"I'm Flame..." napatingin ako kay Dominic at inisip kung Cuevas ba ang gagamitin kong apelyedo. Nakatitig din siya sa akin habang tinatapik-tapik niya ang hintuturo sa table at parang gusto talagang marinig ang dahilan ko. "...Fontanilla. May nangyaring trahedya sa buhay ko, 2 years ago. I lost my husband at ayaw kong maranasan iyon ng iba pang tao kaya naghanap ako ng Organization kung saan pumuprotekta ng mga tao. Iyon ang tumulak sa akin kaya ako sumali sa grupong ito."
Tumingin ako sa susunod na magsalita; na si Dominic. Umayos siya ng pagkakaupo nang matapos ako at binuka na ang bibig para magpakilala.
"Dark Mondragon..." sa kanya lang ang buong atensyon ko at hinintay ang susunod niyang sasabihin ngunit nagkibit balikat lamang siya. Bigla namang tumango si Mr. Marcus Teves na parang sinasabi na alam na niya ang dahilan ni... Dark kung bakit sumali siya.
Tinignan niya ako tsaka ngumisi. "And you thought I was your husband? Sorry, but I'm Dark at hindi ko kilala ang tinatawag mong Dominic."
Napalunok ako at bumagsak ang balikat ko. Bukod sa kahihiyan na ginawa ko ay nanghihinayang ako na hindi siya si Dominic. Hindi siya ang asawa ko. Siguro nga nagkakamali lang ako. Siguro nga ay tama ang sabi-sabi nila na, "There are 7 people in the world who look exactly like you" at isa na si Dark at Dominic sa pitong iyon.
"Interesting..." Prenteng sumandal si Mr. Marcus sa swivel chair habang kami ay naghihintay lang sa mga susunod niya pang sasabihin.
"So, ano ang first impression niyo sa Valdell City?" He asked. Napatingin ako sa kanila nang sumagot ang ilan sa kanila.
"Masyadong madilim! Para tuloy sobrang delikado tuwing gabi." Si Zach ang unang sumagot.
"True! Hindi kami bumyahe ng ganoon katagal para maglakad sa dilim at muntik pang manakawan." Kunot-noong sambit ni Kendall na mukhang naiinis.
"Lifeless..." Tipid na sagot ni Hyrie na akala mo ay may bayad ang bawat salita niya sa sobrang tipid.
"As you can see, Valdell City is at risk. Sobrang lala na ng nangyayari, hindi na ma-control ng mga kinauukulan ang mga naninirahan rito," panimula niya.
Alam ko na iyan. Ganyan din ang nabasa ko noong nakita ko itong Efelistheria at iyan din ang dahilan ko sa pagsali sa grupong ito kahit na hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay ko.
"They are starting to make their own rules. Mas lalo ring dumarami ang mga krimen na nagaganap. Kaya naman... binuo ko ang grupo na ito para sa kaligtasan ng Valdell. For now, ilang impormasyon palang ang kaya kong ibigay. Bukod doon ay pag-aaralin ko rin kayo sa iisang eskwelahan kung saan kayo pa rin ang magkakasama."
Tahimik kaming lahat at focus sa pakikinig kay Mr. Marcus. Eto ang hindi ko alam... ang pag-aaral namin at ang ilang impormasyon na sa tingin ko ay ngayon ko lang din malalaman.
"You will just act like normal students pero once na dumating ang malaking gulo at kinailangan niyo itong lutasin... You need to wear these masks to hide your identity." Inangat niya yung puting maskara na hawak niya habang iwinawagayway sa hangin. Ayos na rin pala, walang makakaalam ng mga gagawin namin at magagawa namin.
"You are the future of this City and I hope that by the end of the day, mag kasundo kayong lahat..." sabay-sabay kaming tumango at ni-isa ay walang nag-react.
Kahit naman magreact kami ay wala na ring magagawa. Wala nang atrasan ito at ang kailangan nalang naming gawin ay sumunod sa sinabi ni Mr. Marcus.
Kahit na anong gawin kong iwas ng tingin ay ewan ko ba sa mata ko kung bakit lagi kong nililingon si Dark. Kahit saang anggulo kasi tignan ay si Dominic ang nakikita ko sa kanya. Posible bang siya talaga si Dominic, o imposible?
"And by the way, titira kayo sa iisang bahay..."
What the fucking fuck!?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top