The Intern
Thea Hawkins. Isang new intern sa Gregory intstitute of Mental Health. Sa loob ng office ay nagkakaroon ng interview kasama ang head ng nasabing Asylum.
Habang magkakaroon sana ng interview nagkaroon ng matinding komosyon sa labas na naging dahilan para makiusisa silang lahat.
Nagulat si Thea dahil sa isang lalaking nagwawala. "Ayoko na dito! Magaling na ako! Ayoko na dito! Ayoko na sakanila!" saad ng pasyente habang nakaluhod sa sahig at tinatakpan ang tenga
Habang nanonood silang lahat. Walang nagtangkang lapitan ang lalaking nagwawala hanggang sa dumating ang mga taong nakaputi at sapilitan itong pinipigilan sa pagwawala.
"Bitiwan nyo ko!" pilit pa rin nagpupumilit ang pasyente kahit hinahawakan na sya ng mga ito. "Papatayin ko kayo sige!" banta pa nito
"Hindi kami naniniwala! Wala kang kutsilyo." sabi ng isang naka puti. "Oo nga. Payat-payat mo na yan nananakot ka pa? Hipan kaya kita." at hinila ng dalawa ang pasyente. Natawa si Thea dahil nakita niya na makukulit ang mga makakasama niya.
"Papatayin ko talaga kayo" at nagpumiglas ng malakas at sinugod ang isa sa mga pasyente.
Tinulak-tulak ng isa ang pasyente at nilagyan ito ng straight jacket. "May Araw din Kayo! Ayoko na dito!" sabi ng pasyente.. At nawala na ito sa paningin nila. "Ahm Doc madalas po ba ang ganitong scenario dito?" excited na sabi ni Thea.
Tumango ang doctor at bumalik na sila sa kuwarto kung saan iinterviewhin dapat si thea na naudlot dahil sa lalaking nagwala
Bago pa sumunod si Thea sa doktor ay may kumalabit sa kanya. "You." napatalon sya sa sobrang gulat. Lalo na nang makita ang muka nito.
"Jusko, mahabaging Ama" gulat na sabi ni Thea. Humagikhik ang taong kumalabit sa kanya. Isa din pala itong intern sa Gregory Institute of Mental Hospital. Sabay silang pumasok sa silid Kong saan sila iinterviewhin.
Pagkapasok ay medyo kinabahan siya sa mga nadatnan. Medyo marami ang mga doktor at ang iba ay hindi nya kilala. Napalunok sya.
Napansin ng lalaki ang pagiging tense ni thea. "Ui relax ka lang. Sigmond Lebeuf nga pala." siko ng lalako sakanya at nagpakilala. 3 doctor ang nasa panel at 7 silang intern ang nasa interview.
Isa-isa silang tinawag sa gitna upang tanungin. Magkasunod sila nila Sigmond. Ikaapat si Thea at ikalima si Sigmond.
"Why you think we should accept you in this institute?" tanong ng isang doctor sa panel. "I believe that every patients needs proper care and I know that I have that talent to help them get better." sagot ni Thea. Naimpress ang binata sa sagot ni Thea.
Bumulong ang doctor na nagtanong sa katabi niyang doctor bago muling magtanong sa kanya.
"Okay.. Thank you. We will be calling you when we finalize your internship." sagot ng nasa gitna. Lumabasa na ang dalaga at hnd narinig ang sagot ng iba pabg sumunod na aplikante. Si Thea ay nakapagtapos na Medicine. Isa siyang Psychiatrist... Sa ngayon ito ay ang una niyanv step para makapunta sa Princeton general Psychitric intsitute.
Kinakabahan pa din si Thea kahit na nakalabas na siya ng silid. Kaya minabuti niya munang mag-ikot ikot sa Hospital. Tinantya niya muna ang oras bago siya nag-ikot.
Sa kanyang pag-iikot ay nakikita niya ang mga pasyente na may iba't ibang ginagawa pero napansin niya ang kaninang pasyenteng nagwawala sa silid nito. Nasa sulok ito at nakatakip sa tainga, at tila ba takot na takot. Bumubulong ito sa sarili: "Hindi. Wag! Hindj mo ako mapapatay! Aalis ako dito. aalis ako. AALIs ako." Nais pa sanang silipin ni Thea ang kabuuan ng kwarto nang biglang may kumalabit sakanyang Janitress. Halos mapatalon ito sa gulat .
Nangtumingin siya ulit sa kwarto ay nagtaka siya nawala to higaan saan ito nakaupo. Nagtaka siya... Umalis na lamanh siya. Palabas na siya ng hospital nang... "Thea! Thea right?" tanong ng lalaking sumiaigaq mula sa likod.
"Oo ako nga." sagot nya habang naka kunot ang noo. "Kilala mo ko?" tanong pa ni Thea. Humalakhak ang lalaki. "Oo naman!"
"Limot mo na agad? Sigmond here." Mahahalata ang pagtataka sa mukha ni Thea na siya namang nakapagpatawa sa lalaki. "Ano ka ba! Magkatabi lang tayo kanina sa interview room" Tila naalala naman ni Thea at namula ito sa pagkahiya dahil sa nakalimutan niya agad ang lalaki. "May itatanong lang sana ako." WIka ni Sigmond na biglang sumeryoso.
"Mayroon sana akong pakiusap. " sabi ni Sigmond. "A-Ano yon?" tanong ni Thea na medyo utal pa. "Pwede bang..." "BLAG!"
Nagulat ang dalawa dahil sa narinig. Pinuntahan nila iyon.. Nagsilapitan ang mga taong nasapaligid at hindi makapaniwala. Anh lalaking kanina lamang na nagwawala ay mukhang tumalon mula sa building. Duguan ito. Nagkagula ang lahat at tumawag ng ambulansya ang isa sa kanila. Knabahan si Thea. Dahil unang interview pa lamanh niya ito ay ganito ang kanyang nasaksihan.
"Tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Thea halika dito, may ipapakiusap ako pero sana sa atin lang to." Tumingin ito ng napakaseryoso kay Thea at tumango naman ito. "Sa loob ng 2 taon ay marami na ang kasong ganito, magwawala na tila ba may naririnig na boses tapos ay mamamatay, nais kong tulungan mo akong mag-imbestiga." "Imbestiga? Ngunit ndi ako detective Sig, intern ako." "Yun na nga Thea, psychiatrist ka kaya matutulungan mo ako." "Kaya ka ba pumasok dito bilang intern kahit na wala kang alam dito?" "Pa-paanong?!" "Fake resume mo" wika ni thea na...
Naguguluhang napantingin naman si thea kay Sigmond.. Pero sa huli ay tumango siya kahit maraming katanungan sa isip niya.
"Isa akong paranormal detective. Kailangan ko malaman anong totoong nangyayari dito." saad ni Sigmond. Iniabot nito ang calling card niya. "Hindi na ako magtatagal" dugting niya.
Umalis si Sigmond at naiwang tulala si Thea na nakatingin sa calling card. "Familiar name..." Bulong sa sarili. Muli siyang napatingin sa mga taong nakikiusisa at isinilid sa bag ang calling card. "Ano nga ba ang tunay na nangyayari sa Metal Institution na ito? Maaari nga kayang may kababalaghan o kakaibang nangyayari dito?" Tanong niya sa kanyang isipan.
Hanggang sa pag uwi nito sa kanilang bahay ay iniisip pa rin niya ang nangyari sa hospital at ang mga sinabi ni Sigmond.
Itinapon ni Thea ang kanyang sarili sa kama at humilata. Napatingin siya sa kisame at iniisip ang nangyari sa buong araw. Sumagi sa isip niya si Sigmond kaya't kinuha niya ang laptop at sinubukang maghanap ng impormasyon tungkol sa nagsasabing paranormal detective.
Nakaka kalahating oras na siya pero hindi niya parin mahagilap ang pangalan ni Sigmond.. Kaya nagtatakang napahiga siya muli.
"Hmmm ano kaya gagawin ko." at napapikit siya. ... Nagring ang phone. Nagisinh siya rito sa pagkakagulat. Di niya namalayan umaga na. Tinignab niya kung sino ang tumatawag. Ang head ng Gregory intstitute of mental health pala 'to.
Hindi pagsidlan ng tuwa si Thea Ng ideklara ng doktor na naaprobahan ang kaniyang internship sa nasabing Ospital
Pero agad itong napalitan ng bigat sa kanyang kalooban pagkat naalala niya ang hinihinging tulong ni Sig. Iwinaglit niya na lamang ito sa kanyang isipan at naghanda upang pumunta sa Mental at magreport.
Di pa rin nawala ang kaba nya habang nagtutungo siya doon. Nakahinga sya nang malalim nang may nakisabay sa kanyang kapwang intern.
"Hi!" Bati nito sakanya. "Dba ikaw si Thea? Shailyn nga pala!" Pakilala nito. Inabot niya naman ang kanyang kamay pero nagdulot ito ng kakaibang kaba sakanya. Ngumiti na lamang siya sa babaeng nasa harap. "Tara na sa loob?" Yaya ni Thea at naunang maglakad. Makikita naman ang mala ngiting aso na nakapaskil sa mukha ng dalagang nagngangalang Shailyn.
Bago pumasok sa loob ng kuwarto kung saan sila magrereport ay nakarinig siya ng isang sigaw na parang sinapian ngunit iwinaglit niya iyon at inisip na mental nga ang lugar na iyon kaya normal lang ang ganun. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad ni Shailyn.
Naguusap ang dalawa at hindi comfortable ang dalaga sa babaeng nagngangalang shailyn. Napansin niya ang envelop nito na may name. 'Shailyn Grace More' Naisip niya na familiar rin ito. Isang familya ng mga psychiatrist na sikat sa america.
Tila nabuhusan ito ng malamig na tubig naag iginalaw ng dalaga ang envelope. Nginitian siya nito. "May problema ba Thea?"
"Ah w-wala, nice name hehe." Pagsisinungaling nito. Ayaw niyang magtiwala sa apelyidong More pero ndi niya alam kung bakit. Dahil sa kaba niya ay napagdesisyunan niyang tawagan si Sig at pumayag na sa hinihingi nitong tulong. Mukhang kakailanganin niya din naman ng taong mapagkakatiwalaan. "Cr lang ako." Paalam ni Thea.
Agad na umalis si Thea at dumiretso sa Comfort Room at nagmamadaling idinial ang numero ni Sig. nang biglang
"Wait, Thea." boses iyon ni Shailyn na tinapik pa sya sa balikat. Nilingon sya ni Thea nang nay halong kaba. "You forgot this." may binigay si Shailyn kay Thea. Nanlaki ang mata nya doon.
"Yung wallet mo." Kinuha naman ito ni Thea. "Ah o-oo sige salamat ah." PAgkalabas ni Shailyn ay lalong naguluhan si Thea. Alam niya at siguradong sugurado siya na nasa pinakailalim ng bag niya ang wallet niya para iwas magnanakaw. Paanong mapupunta iyon kay Shailyn? Sa gitna ng pagiisip ay biglang namatay ang ilaw at kumalabog ang pinto. Tumakbo siya doon ngunitnakalock ito sa labas. "Tulong! Tulong! May tao ba jan? SHailyn tulong!" sigaw niya habang patuloy ang pagbukas patay ng ilaw at kung anu ajong kaluskos na ang kanyang naririnig.
Biglang humupa ang mga naganap. At nabuksan niya ang pinto. Lalabas na sana siya nang... "Akala ko sino yung nagwawala. Naalarma ako." sabi ng isang lalaki. Si Sigmond pala ito. Napayakap ang dalaga sa takot.
Bahagyang nagulat si Sigmond sa pagyakap ng dalaga pero niayakap niya na lang din ito at pinakalma. "Paano ka na lock sa loob?" Tanong ni Sig. Sa halip na sumagot ay hinanap ni Thea si Shai ngunit wala na ito. lalo siyang nagtaka. Napansin ni Sig na nanginginig pa din ito sa takot kaya't dinala niya ito sa upuan at pinainom ng tubig. "Sig, may phobia ako sa dilim" nagulat si Sig sa biglaang pagsasalita ng dalaga.
"Ganun ba? Naku mahirap yan. Bakit dito pa naisipan mong magapply." tanong ng binata. "Unang step ko kasi to para makapunta sa target kong hospital." habol hininga na sabi ni Thea.
"Target na hospital?" Nagtatakang tanong ng binata. "Teka may napansin ka bang babae dito sa labas? Nandito ko lang din siya iniwanan eh." Pag-iwas ni Thea sa tanong. "Walang tao dito sa pasilyo Thea, ako lang ang naglalakad dito nang marinig kitang sumisigaw. Bakit?" "Ah w-wala." Uminom nalang muli si Thea ng tubig at hindi na maalis sakanyag isip si Shailyn.
Habang nag-uusap ang dalawa, ay nag uusap sa kabilang banda ang isang intern at doctor "Dad," "Nakuha mo na ba ang impormasyon tungkol sa Thea na iyon?"
"Ako pa ba Dad? Alam kong natatakot na siya sa akin ngayon." "Mabuti kung ganun" "WAAAAAAAAH! SI DOC NAGSASALITA MAG-ISA!"sigaw ng isang baliw.
Nagtaka si Thea dahil nakikita niya may kausap ito. Napalingon si Sig. "Grabe pati ba naman doctor? May saltik na rin?" Napakunot ang noo ni Thea sa sinabi ni Sig. Dahil malinaw sa paningin niya na kausap ng doctor at narinig niya ang sinasabi ng babae. Naguusap sila at nakikita niya ang lahat.
"Sig, wala ka bang nakikita o na papansin sa loob?" Tanong ni thea "Wala, halatang may saltik na si dok. Bakit thea meron ba dapat akong makita?" Sagot naman ng binata "H-ha? A-ah... W-wala" magkanda utal utal nitong sabi.
"Mr. lebeuf? Ms. Hawkins? Tuloy na po kayo sa loob." sabi ng isang doctor na nasa office.
Bago pumasok ay nakatingin pa din siya sa doctor at sa baliw. Maari kayang baliw na din siya dahil nakita niya ang nakita ng baliw? "Hindi..." "Ms. Hawkins? Is there any problem?" "Ah w-wala po."
Doon ay nahuli nya si Shailyn na nakatingin sa kanya. Maliit ang mata at may kaunting ngisi sa muka. Kinindatan nya pa si Thea
Tinanong niya ito... "Shailyn ikaw ba ang nagkulong sa akin sa CR?" Ngunit siniko siya ni Sigmond "Sinong kausap mo?"
"Huh? Siya Shailyn!" napalingon siya ulit at nagtaka dahil nawala ang babae. Naglakad naman ang doctor na nasabi papalapit sakanya. Kinilabutan si Thea dahil parang nakakita siya ng demonyo sa mukha ng doctor.
Hindi niya napigilan ang takot at agad na tumakbo palabas ng mental. Hindi niya na kaya ito. Masyado nang nakakagulo ang mga nangyayari sa kanyang pangarap. Pero ndi niya kayang isuko ito ng basta kaya lumingon siya muli sa mental at nag-iisip ng gagawin.
Huminto si Thea sa pagtakbo at nagpahinga sa ilalim ng puno. Bigla syang kinilabutan at damang dama nya ang lamig ng hangin. "Thea." "AHHHH." Napasigaw si Thea sa nakita nya.
Nakita niya ang nakangiting mukha ni Shailyn sa kaniya. Lalo siyang kinilabutan. "Sino ka ba talaga Shailyn?"
"Ako?" nakangising tanong pabalik ni Shailyn. Lumingon muna ito sa paligid bago magsalita muli. "You'll know me soon." aniya.
At parang aninong nawala sa hangin si Shailyn. Napakapit si Thea sa ugat ng puno at napaluha. Papalapit si Sigmond at hinila siya nito pabalik sa loob ng hospital.
"Sandali lang Sig!" Sabi ni Thea kaya napahito sila saglit sa pagtakbo. "May nakikita akong babae. Hindi mo ba sya nakikita? I need to find out kung sino sya. Kakaiba na yung mga nangyayare."
"Di ko alam sinasabi mo. Pero wala." sagot ni Sig. "Tinatawag ka na ng head." At nasa loob na nga siya ng office. Naging marahan nmn ang mga sumunod na nangyare at nakauwi na siya. Hnd niya malaman kung tutulou niya pa ba ang balak niya sa hospital o wag ng babalik pa.
Tumutulo ang luha nya habang nagpapahinga sya sa kwarto nya. Bumabalik ang ala ala nangyari sa knya kanina. Lahat lahat ng tungkol kay Shailyn. Napalingon sya sa telepono nang nagring ito.
Nanginginig ang kamay niyang sinagot ang tawag. "S-sino ka?" "You'll know me soon." At namatay ang tawag nangilabot lalo si Thea.
Lumipas ang tatlong buwan. At pagkatapos ng incidenta sa telepono ay wala ng sumunod ng mgakababalaghan.. Isang gabi naassign si Thea. Napansin niya na may kakaibang mga bulong sa dulo ng pasilyo. May hagdan pababa. At nagulat siya sa loob dahil nakita niya ang 6 na doctor ng hospital na nakapabilog at maraming kandila sa paligid.
May kung anong bumubulong sa isip sa niya na kailangan niyang malaman... Napakapit naman ang kamay niya s bibig niya..
... Nang makita nanaman nya ulit si Shailyn. Paikot ikot sa paligid ng mga kandila. Umiiyak at inaabot ang kamay nito kay Thea. Nabalot ng takot si Thea. Kasunod non ang paghampas ng malakas na hangin dahilan upang mamatay ang ilang kandila.
Tuloy ang mga bulong. Napaupo si Thea at nagtago sa gilid ng hagdan. "patrem et dabo tibi animam. Spero tibi pater." paulit ulit na sinasabi ng mga doctor. At umapoy ang mga kandila ng napakalakas. Sa gitna ng bilog ay nakita niya si Sigmond.
Nanlaki mata nya at nanikip ang dibdib. Di nya na kaya itong pagmasdan. Tatalikod na sana sya nang.. "Puntahan mo sila.." isang boses ng matanda. Nilingon iyon ni Thea at nalaman nya na lang ang sarili nyang naglalakad papunta roon.
Wala sa sariling naglalakad si thea.. Naghalo na ang pawis at luha niya. Nang biglang may humawak sa braso niya.
Nagulat siya ng makita si Sig na nakakapit sa kaniyang braso hindi man niya alam kung paano ay nilingon niya ito. "Huwag kang pupunta" banggit nito "Halika thea." Sabi naman ni Shai Nagtatalo ang isip niya kung ano ang kaniyang susundin.
Napatingin ulit si Thea dahil ang katawan ni Sig ay nasa bilog. Pero may sig na nakakapit saknya. At nabuhay ulit ang katawan ni Sig. "Salamat Thea... LUMAPIT KNA RITO PARA SA HULING RITUAL... Para makamtan ko na ANG BUHAY sa katawan na ito. Ng permanente..." sabi ni Sig ngunit boses ng babae.
Nanlalaki ang mata ni Thea sa narinig niyamg sinabi ni Sig. "Hindi! Bakit ako maniniwala syo? At b-bakit boses babae ka?" Hintatakutang sambit niya.
Bigla na lang naging mukha ni Shai yung boses babae na Sig. Nabalot na ng takot si Thea. Nagsisigaw sya ngunit tila hindi sya naririnig ng mga nasa paligid nya. "SINO KA BA TALAGA?!" - sigaw niya.
Humalakhak ito... "I already told you Thea, You'll know me soon." Nangilabot muli si Thea nang maalala kung kanino galing ang mga salitang iyon, Kay Shailyn.
Nanlaki naman ang mga mata ni thea. "Hindi! Hindi! Ka totoo" malakas na sigaw ko Pero nagulat nalang ako ng hatakin niya ako.
Nagdasal si Thea sa kaniyang isipan At at unti unti siyang bumangon sa kaniyang higaan Isang panaginip... Ngayon pa lamang ang interview niya sa ospital na papasukan niya.
Pawis na pwis siya... Hay "sheeet.! Grabe. Bangungot!" inis at takot niyanv sabi. Ngayon ay nasa hospital na siya. At papasok sa office... "Upo ka na ms.Hawkins." At umupo na siya. Napatingin siya sa ketrato ng doctor dahik may katabi itong babae na nasa edad 25. At binassa niya ang Pangalan sa table ng doctor. 'Alfred Gregory More' Napalunok siya... "Yes Ms.Hawkins?" tinignan siya ng doctor na napaka sama at ngumiti ito na parang isang demonyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top