The Fallen Moon
Tatlong lalaki ang nagbabantay sa hari... Ngunit isa isa silang pinaslang ni Hwang, ang mandirigma ng Moon Village... Nais niya wakasan ang buhay ng hari dahil kinuha nito ang kanyang pinakamamahan na kasintahan... Ginawa itong isang kabit sa Palasyo...
Nang maabutan na ni Hwang ang Hari di niya inaasahan ang ginawa ng kanyang kasintahan. Nakatayo ito sa harap ng hari na may hawak na espada.
Sabi...
"Hwang alam na nila na darating ka." tumingin ang dalaga na parang nagsasabing bilisan mo umalis isa itong patibong.
Ngunit di nya napansin ang ibig ipahiwatig ng dalaga sapagkat nangingibabaw ang galit.
Nang paatake na sana si Hwang may lumipad na palaso galing sa taas. Naging dahilan para mapahinto siya.
Napalingon siya... Si Ki Saram isa sa mga kaibigan niya na nasa palasyo. Di niya maunawaan kung isa itong banta o babala. Bigla pumasok sa silid ang mga gwardia at napalibutan si Hwang
Walang magawa si Ki Saram kundi manood lamang. Ang buong palasyo na ang kalaban ni Hwang.
Pinikit nya ang kanyang mga mata at binigkas ang ipinagbabawal na teknik Kung saan pwede itong pumatay ng ilang tao sa loob ng palasyo.
"Hyejung pyu koreko neh jung ko." saad niya.. At mula sa sahig ay sumingaw ang itim na usok at nagsitumba ang mga malapit sakanya. Inihanda na niya ang kanyang espada
Mula sa apat na metro lang ang layo lahat ng mga alagad ng palasyo nagsitumba. Nagulat ang lahat. Di nila mawari ang nangyari. Sa kadahilanang ayaw ng kasintahan ni Hwang na tumungo siya sa palasyo ay dahil maaaring ikakapahamak niya ito. Ang hawak niyang espada ay ang espadang papatay sa hari.
Mula sa himpapawid ay bumulusok ang isang palaso, di ito nailagan ni Hwang at tinamaan siya sa binti. Napaatras siya at nakarating sa balkonahe, papalapit ang mga gwardya... Napatingin siya sa ibaba ay kukha itong mataas at walang kasiguraduhan kung ano ang naghihintay sa ilalim. Dahil naisipan na lamang niya na tumalon.
Tumalon si Hwang kahit wala siyang kasiguraduhan na mabubuhay pa siya pagkatapos. Anong silbi ng kanyang mahika kung pagpatay lang naman ang kaya niyang gawin para sa iba? Napapikit siya habang nahuhulog mula sa mataas na balkonahe.
Isang buwan ang lumipas... Hindi parin humupa ang pangyayare. Balitang balita ito sa buong kaharihan na Sun Empire. Sa ngayon ay tinutugis si Hwang. Dahil ng imbistigahan ang kanyang nabagsakan, walang natagpuan roon na bakas niya.
Madaming naniniwala na patay na daw si Hwang. Imposible daw'ng mabuhay ang isang katulad niya sa pagkakabagsak. Madaming kumakalat na balita. Pinagpiyestahan na daw yung katawan ni Hwang ng mga lobo.
Mula sa malayo ay may nakita siyang maliit na liwanag. Gumagalaw ito kaya sinimulan siyang kabahan. Ngunit hindi nya inaasahan ang taong pinaggagalingan ng liwanag...
Ito ay ang pinino ng Moon Village... Si Baek Cho. Malapit na siya makarating sa paanan ng bundok kung saan naninirahan ang mga Moon. Hirap na hirap siya sa paglalakad maliban sa sugat na natamo ay may bali siya sa sakong. Pinilit niya parin maglakad
Habang nag-iingat si Hwang sa paglalakad may tangang babaeng nakabangga sa kanya dahil sa pagmamadali. Natumba si Hwang at napaibawbaw yung babae.
Sa hindi inaasahang dahilan ay ngumisi ang babae at unti unti nilapit ang muka kay Hwang. Naestatwa sya nang maramdaman ang tusok sa kanyang leeg. Pangil iyon ng babae.
"Isa kang!" alingasngas ni Hwang. "Oo isa akong Forest Demon, at isa kang pagkaen," at kakagatin na siya nito. Subalit bago yun mangyare ay may aninong lumitaw na natakpan sila. "Ughhhh." huling salita ng babae. Si baek Cho ay nasa tabi nalang niya bigla
"Baek Cho" walang galang na sambit ni Hwang. At bigla na lamang siyang Binatukan ni Baek Cho. "Di ka ba naturuan ng magandang asal? Halika at ako ang magtuturo sayo" sabi ni Baek Cho sabay balingbing sa tenga ni Hwang.
"Pasensya na po." sagot ni Hwang. "Tara na, mukhang marami kang natamong pinsala." inakay ni Baek Cho si Hwang patungo sa Moon Village. Sa kabilang banda ay pinahihirapan si Ki Saram para umamin kung saan matatagpuan ang isang katulad ni Hwang
Tiniis ni Ki Saram ang mga paghihirap na pinapataw sa kanya. Wala siyang Alam at kahit man meron wala siyang sasabihin.
Gusto talaga nilang malaman ang place ni Hwang. Kaya pinakita nila kay Ki Saram ang kahinaan nya. Kayamanan. Maraming ginto ang pinakita nila. Nag dalawang isip si Ki Saram kung gagawa nalang ba sya ng kwento.
Ngunit pagkatapos ipakita yin ay nanginig siya sagalit. Dahil mula sa pinto ay inilabas ang kanyang Ina. "WAG NIYO SIYANG SASAKTAN!!!!"
Marahs na inihagis ang kanyang ina sa kanyang harapan. "Anak, wag mo akong alalahanin." Wika ng kanyang lumuluhang ina. "Ina..." Hindi pa din alam ni Ki Saram kung sino ang pipiliin sa pagitan ng kanyang ina at matalik na kaigan. Kaya naman...
Gumawa nalang siya ng kwento para mailigtas ang dalawa. "Nasa Gubang Gubat si Hwang. Wag niyo siyang sasaktan. Iyon lang ang maaari niyang pagtaguan sa kadahilanang napapaamo niya ang mga hayop" sinungaling na sabi ni Ki Saram.
"Sa tingin mo ba ay mapapaniwala mo kami riyan? LAPASTANGAN! Ihanda ninyo ang pang-bitaw, madali!"
"Hindi, Nagsasabi ako ng totoo. Bakit ko pa itataya ang buhay ng aking ina sa kadahilanang Alam ko namang kasinungalingan ang mga ito? Maniwala kayo. Nagsasabi ako ng totoo." Kumbinsi ni Ki Saram.
Hindi nila alam na naroroon lamang si Hwang sa paligid kasama si Baek Cho at naghahanda sa maaring mangyari
Nalaman ni Hwang ang nangyari kay Ki Saram at di niya batid na pabayaan lamang ang tinuring niyang kaibigan kaya nagmasid sila sa palasyo sa pamamagitan ng pagbabalat kayo at pagpapanggap.
Kahit batid ni Hwang na siya ay maraming pinsala ay hindi niya magagawang pabayaan ang kaibigan. Nagdadalawang isip si Baek Cho dahil batid niya na maaaring kamatayan din ang kanilang kahinatnan oras na sila ay magpakita.
Dahilan para gamitin ni Baek cho ang Wolf's Howl. Isang instrumento na ang Moon Village lang ang nagmamayari. Ginamit nila ito... At nakarating ang Hudyat sa mga Moon. Isa itong gamit para tumawag ng tulong. Apat na araw at tatlong gabi nagplano si Baek Cho at Hwang, habang hinihintay ang iba pang mga Moon.
Dumating ang inaasahan. Marami silang armas. Nakangiti sila at hindi man lang nakakakitaan ng takot. Napangiti din sina Hwang at nagsimula na silang sumugod.
Sa ginawa nilang pagsugod ay napigilan ang pagbitay sa mag-ina. Labis na nagpapasalamat si Ki Saram dahil ndi siya binigo ng kaibigan. "Tumayo kayo riyan at sumunkd sa akin!" Wika ng babaeng nakasuot ng itim na itim ngunit masisilayan pa din ang ganda nto na nagmumula sa kanyang mata.
Kasintahan ni Hwang. Di nila inaasahan na alam ng kasintahan ni Hwang ang bawat galaw. Madaming naglalarong tanong sa isip nila na di masagot sagot.
"Hye Kyo?" tanong ni Ki saram. " Oo ako nga. Nagkakaroon ng laban sa baba. At pagkakataon ko ito para itakas kayo. Ang hari ay nasa punong tanggapan. Kapag nakita niyo si Hwang ay sabihin niyo ito." pag kaalis na kanilanh gapos ay umalis si Hye Kyo. Nagtungo ito sa Punong Tanggapan ng Hari.
"Sana di ako gamitin ng hari para labanan si Hwang" mahinang sambit ni Hye Kyo. Ang sumpa na pinataw nila sakin ay maaaring kapahamakan ni Hwang ang maidudulot.
Ang labanan sa baba ay naging madugo. Naging patas ang mga laban. Nanghihina na sila Hwang. Kulang na din ang mga tao. Nalamangan na sila. Unti unting natumba si Hwang at nawalan ng malay.
"Hwang hwang?" Naririnig niya... Sa kanyang diwa. "Hwang bumangon ka. Kailangan mo lumaban." Nasa panganib si Hye Kyo. ------- Ginigising ni Baek cho si Hwang ngunit wala itong responde.. Kaya binuhat niya ito at pinoprotektahan sila ng ibang moon.
Patuloy pa din ang panaginip ni Hwang. "Hwang! Tulong!" Sigaw ni Hye Kyo. Makikita sa kanyang mukha ang labis na takot na siya namang nakapagpagising kay Hwang. Pagmulat niya ay nakita niya na lamang si Hye Kyo na muli na namang pilit na pinapasama sa hari.
Sinampal niya ang sarili niya. "Nasa tarangkahan na sila Hwang. Anong gagawin natin. Mas maraming gwardya roon. Iilan na lamang ang mga Moon." saad ni Baek Cho. Nagising si Hwang lalo. Sumugid siya ng walang takot. Kahit na iika ika at marami siyanh dinaramdam.
Nakita nilang nakagapos na si Hye Kyo.Patay na lahat ng kasamahan nila. Nakayuko na sya at umiiyak. Lalong nag alab ang galit ni Hwang.
"Hye Kyo" mahina niyang sambit. Nagdilim ang enerhiyang nakapaligid kay Hwang. Pumapaibabaw ang matinding galit. Naging buong itim ang mata ni Hwang.
Agad na pinatay ni Hwang ang lahat ng kalaban ng walang kahirap hirap. Ang makiang umiiyak si Hye Kyo ay nagdulot saanya ng matinding pagnanais na mailigtas ito. Agad na tinanggal ni Hwang ang gapos at binuhat ito. Bago umalis ay lumingon siya kay Baek Cho na patuloy na naikipaglaban uang bigyan ito ng senyales na sila ay tatakas na. Dinala ni Hwang si Hye Kyo sa Moon Lovers Cave, ang kanilang tagpuan upang doon magtago. Inilapag niya si Hye Kyo at hiwakan ang pisngi nito. "Hye Kyo.." wika niya at may tumulong luha sa kanyang mga mata.
"Hwang?!" luha at yakap ang ganti ni Hye Kyo. Ganun din si Hwang. Ngunit hindi nila namalayan ay nasundan sila ng mga natirang gwardya at ang Hari. "Hindi kayo makakatakas." sabi ng hari at ginawa nito ang ritual. Dahil rito ay lumabas ang sumpa kay Hye Kyo. Naging isa siyang Taong Lobo. Isanh katangiang taglay ng mga Moon.
Bago pa man maging tuluyang lobo si Hye Kyo ay tumingin ito kay Hwang na punong puno ng pagmamahal at sinambit ang "Saranghae..." habang lumuluha. SUmigaw si Hye Kyo sa sakit na naramdaman niya nang siya ay maging taong lobo. "Hahahahaha! Ngayon Hwang, paano mo lalabanan ang iyong kasintahan?!" Nawala ang mga luha ni Hwang at napalitan ng galit sa Hari. Ang tanging nasa isip nia na lamang a mailigtas si Hye Kyo. Hindi siya makapapayag na maging taong lobo ito habang buhay.
Biglang inatake ni Hye Kyo si Hwang. Nagdulot ito ng malaking sugat saknyang dibdib. "Sumuko kana Hwang dahil nasa ilalim ng aking kontrol si Hye Kyo. Siya ang magiging dahilan para masakop ko ang buong Choson." sabi ng Hari.
"Kahit kailan Hindi mo kami magagamit para sa kasakiman mo" galit na sigaw ni Hwang. Umatake ulit ang anyong lobo ni Hye Kyo. Tinanggap lahat iyon ni Hwang. "Hye Kyo, Mahal rin kita. Lumaban ka" iyak na sabit ni Hwang.
Malakas na halakhak ang maririnig sa hari. "Hye Kyo! Lumaba...", At sa dami ng sugat na natanggap niya ay bumigay na ang kanyang katawan. Si Hwang ay bumagsak. Namuo sa paligid ang itim na aura. At tumibok ulit ang puso ni Hwang ngunit paunti unti lumabasa sa kanyang balat ang mga balahibo at pangil.
Unti-unti na ring naging lobo si Hwang. Bago pa man siya maging tuluyang lobo ay nasilayan niya ang buwan mula sa butas ng kweba, kulay itim na ito. Marahil ay ito ang binanggit sakanya ni Baek Cho noon, sa oras na maging itim ang buwan ay may mangyayari sakanya. Mapapansin naman na ang galit na galit na taong lobo na si Hye Kyo ay tila ba lumambot, makikita mo pa din sakanyang mata ang pagmamahal kay Hwang. Nagtitigan silang dalawa at sabay na humarap sa hari... Nagulat naman ang hari. "P-paanong?!"
Nagulantang ang lahat sa pagiging lobo ang ng dalawa. Ang Alamat ng dalawang Lobo sa ilalim ng buwan. Napaisip si Baek Cho.
"isang propesiya" sabi ni Baek Cho. habang nakasilip sa bukanan ng kweba.
Sabay na sinugod ng lobo na si Hwang at Hye Kyo ang hari na agad kumaripas ng takbo ngunit walang panama ang kanyang takbo sa bilis ng dalwang galit na galit na lobo. Agad nilang naharang ito at takot na takot na umuurong naman ang walang hiyang hari. Patuloy na inuungulan ng dalawa ang hari at lalong nakapagpadagdag sa takot ng hari ang buwan na unti unting nagliliwanag at tumatama sa dalawang nagmamahalan na lobo.
"Sumuko kana." sabi ni Baek cho habang naglalakad palapit sa hari. "Kahit kailan ay hindi babagsak ang emperyo." saad ng hari. Tumulo ang dugo at nagkalat ang mga parte ng katawan ng hari ng sabay siyang lamunin ng buhay ng dalawa. Ngunit... Nang mawala na ang liwanag ng buwan ay nagbalik sa anyong tao si Hwangm samantala si Hye Kyo ay unti unting ngiging abo... Dahil osa ito sa resulta ng sumpa na nakadikit sa buhay ng hari.
Nabigla naman si Hwang sa nangyayari kay Hye Kyo. Buong akala niya ay makakasama niya na si Hye Kyo sa pagkatalo ng hari. Di man bilang tao, kahit bilang lobo ay magiging masaya na siya. Kahit mamuhay silang dalawa bilang lobo ay tatanggapin niya. O kaya naman siya bilang tao at si Hye Kyo bilang lobo. Ngunit ano ito? Bakit unti unting nagiging abo ang katawan ni Hye Kyo na naging tao na. Agad niya itong binuhat sakanyang kandungan at niyakap. "Hye Kyo! Hye Kyo! Pakiusap, mabuhay ka!" "H-hwang..." "Hye Kyo...." Bumabaha ang mga luha ni Hwang haang hawak hawak ang mga kamay ni Hye Kyo ay hinahalikan. Nakikiusap na mabuhay ito ngunit unti unti na talaga itong nagiging lobo. "H-hwang... hanggang sa muli... Saranghae.." At tuluyan na ngang naging abo ang katawan ni Hye Kyo at tinangay ng hangin. "Hye Kyoooooooo!!!!!!!" sigaw niya na narinig sa buong kaharian.
Pag labas ni Baek Cho at Hwang ay napaligiran sila ng mga gwardya. Mula sa kalagitnaan ng mga ito ay nagpakita si Yunghui. Ang pamangkin ng Hari. "Salamat sa tulong niyo at nagawa ko ang hangarin ko. Ang maging susunod na hari. Paalam sainyo mga mandirigma ng Moon." saad ni Yunghui. Gulat ng dalawa at bigla nalang sila humandusay sa lupa... Pinaulanan sila ng palaso at humalakhak ang hari ng ubod ng lakas. Walang natira sa mga Moon. Lahat sila ay naubos. 700 na taon ang lumipas at naging alamat ang kwentong ito. Ang alamat ng mga Moon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top