Chapter 8. Grow. Green. Go

"How did you even do that?" isang matinis na boses ang narinig ko habang naglalakad patungo sa pangalawang yugto ng pagsusulit. 

Nang lingunin ko ito'y sinamaan ako ng tingin ng matangkad na babaeng may golden armour. Kumikislapkislap ang kasuotan nito habang tinatamaan ng araw. Nagawa pa nitong paikutin ang mga mata na parang nasasapian saka humalukipkip habang sumasabay sa paglalakad ng maskulado nitong kapareha na nakatikom lamang ang mga bibig.

"Don't ask me how I do things! This is a competition! Remember?" I shrug my shoulders and put a smirk on my face, then graciously take my quarter-turn, emphasizing the sharpness of my hips that never lie. Muli kong nilingon ang babae, nakasimangot pa rin ito sa habang nakasunod saakin.

"You didn't even use magic just to get here!" muli niyang hirit. Nabuo sa imahinasyon ko ang nakabusangot nitong kulay lupang mukha kahit hindi ko ito lingunin.

Nott gives me a warning stare as I gaze back. Stay out of trouble! My head can clearly hear him saying as he had just become my father.

I disobey. I want more argument! I was just warming up! 'Tong baklang babaeng lupa na binalot sa ginto, hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya. Hmp! Muli akong naglakad habang hinahampas pakaliwa't kanan ang aking mga balakang saka malakas na sinabi, "There is something more powerful than magic."

"What is it?" mataray na tanong ng maskuladang babaeng may boses dwende. The sarcasm in her tone is immeasurable.

"Quercy," awat ng kasama nitong tadtad sa abs na umabot hanggang sa mukha.

"What is something more powerful than magic, Quercy?" I ask in full sarcasm without missing my catwalk. "Why would I tell you? Eh, kalaban kita? So back off! Leave me alone!"

Binilisan ko pa ang paglalakad ng pakendengkendeng habang nilalagpasan ang makapal na damuhan. Narinig kong muling nagsalita si Quercy na masyadong pabida pero hindi ko na ito inintindi pa. Masyado pang maaga para magbugbugan kami ng babaeng baklang 'yon.

My beauty and confidence has no time for her! Pagod na pagod ako sa una kong ginawa kung alam lang niya kaya kailangan ko nang umiwas bago ako tuluyang mapikon at bigla ko siyang batuhin sa leeg ng kinakalawang kong punyal.

I am a thief, but I am not a killer.

Mandaraya ako. Mandarambong, sinungaling, magnanakaw pero hindi ko pa nagagawang pumatay ng kapwa ko elf--mabuti man o masama.  I do not put an end to anyone's life. I do not reap anyone's life because, for me, life is sacred. It is a gift given by the stars. I don't have the right to take it away from them.

Tatangkain siguro akong patayin ni Quercy, my new best friend, pero hindi ko siya pagtatangkaang patayin para mabuhay. Siguro'y sapat nang pilayan ko siya sa binti o kaya'y sakalin hanggang sa mawalan siya ng malay. Then walk away with my pendulum hips. Randall has taught me how to do such things with precision. It took me years to master those.

Oh, I miss that guy. His mean but gorgeous-looking face. His deep-set pair of copper eyes. I miss Randall.

"Nice rescinding back there," pinutol ni Nott ang pagbabalik tanaw ko habang nakaupo ako sa isang patag na lupain kung saan nakamarka ang aking pangalan; dito magsisimula ang ikalawang yugto ng reaping. Pumikit-pikit ang mga mata ng lalaki dahilan para muli kong mapansin ang mahahabang pilik mata nito na tinatamaan ngayon ng mga sinulid ng umagang tala.

Naalala ko tuloy ang mahahabang pilik mata ng supladong prinsipe na naghatid dito saakin. Si Sardinas? Sarminas? Ah, Salinas!

Salinas... Andaming lalaking sumusulpot sa buhay ko kamakailan lang.

Nawawala ang mukha ni Randall kapag sumusulpot si Nott sa harapan ko at sa tuwing tinititigan ko ang mukha ng lalaki'y bigla namang  umuukilkil sa aking isipan ang napakapuro at napakasarap na itsura ng prinsipe. Punyeta! Ang landi ko!

"I can't win with her," biglang bawi ko nang mahalata kong napansin na ng lalaki ang pagtitig ko sa mukha niya. "Baka umakyat pa ako sa asul na kabundukan na uugod-ugod kapag kinalaban ko siya. Kaya inasar ko na lang saka umalis na parang isang napakagandang binibini."

Hindi napigilan ni Nott ang matawa sa sinabi ko. Pero nang napansin niyang tumawa siya ay dagli niyang pinagdikit ang mga bibig para pigilan ang halakhak.

I have never seen him smile and laugh like that in years. I think I've missed it. The peace I see in his face right now brings me back to my early childhood years, where our marks on the wrist and our skills never matter. I miss that moment.

Staring at him leaves me wordless.

Nakatanaw ito sa malayo, marahil ay sa puno ng Mir. Pero alam ko, pansin ko, ramdam kong alam niyang nakatitig ako sa kaniya. "You've been staring at me long-drawn-out quite often." Tinaasan ako nito ng kilay saka gumanti ng titig.

Nagimbal ang malandi kong puso. Hindi ako handa sa pagtitig niya. I feel like blood rush to my face right now. "H--hindi ah!" bawi ko.

Lumabi ito saka binawi ang pagtitig. Tanaw ko na naman ang makapal nitong pilik matang nilililiman ang mapanglaw niyang mga mata. Umigtig ang kanyang mga panga saka nagsalita, "Just get to the Mir tree, Lind... and stay out of trouble."

Magsasalita pa sana ako mang bigla na itong tumayo para umalis. Hinangin pa ang mangas ng suot nitong roba bago tuluyang naglakad patungo sa destinasyon kung saan niya kukumpletuhin ang ikalawang bahagi ng pagsusulit. Tinanaw ko siya palayo habang hinahangin ang hibla ng mga malalandi kong buhok.

Pakiramdam ko, sa bawat paghakbang niya palayo sa kinaroroonan ko'y pasimpleng pinapamulat saakin ng pagkakataon ang mga nangyari noon. Kung paano ko siya iniwan. Kung paano ako naging makasarili. Kung paano ko winasak ang mundong magkasabay naming binuo.

Nangyari ang lahat ng iyon dahil sa kagustuhan kong maging malaya. Maging malaya sa tradisyon, sa responsibilidad at sa tadhanang nakaukit sa aking mga palad. Nangyari ang lahat ng iyon dahil pinili ko. Kasalanan ko.

Kasalanan ko kung bakit malayo na ang loob saakin ni Nott ngayon.

Kasalanan ko kung bakit hindi ko na siya makilala at hindi na rin niya makilala ang dating ako.

Kasalanan ko.

Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo hanggang sa tuluyan na siyang ikubli ng matatas at makakapal na damo.

I release deep breathing. I close my eyes feeling the temporary solitude I have. Random faces flash in my head until I decide to open my eyes and face the next phase of the reaping.

Ilang metro mula sa kinauupuan ko'y tumubo ang dalawang pulumpon ng halaman na naghugis lamesa gamit ang mga sanga at dahon nito. Unti-unti, umusbong ang limang magkakaparehas ang laking puting bulaklak na pawang nakasara pa ang mga petalo. Nababalot ang bawat bulaklak ng liwanag at tila mga diyamanteng abo.

Napatayo ako mula sa kinauupuan. Pinagmasdan ko ang napakaganda ngunit nakakalitong tanawin.

Anong gagawin ko sa limang nakasarang bulaklak na 'yan?

Pigil hininga kong tinitigan isa-isa ang bawat bulaklak. Napalunok ako.

Kailangan ko 'yatang pumili mula sa limang ito. Bulong ng utak ko.

Lumapit ako sa lamesang yari sa pulumpon ng halaman. Mas lumakas ang liwanag mula sa mga bulaklak. Nag-iba ang kulay ng unang bulaklak mula sa kanan na naging kulay asul samantalang ang kasunod nito'y naging kulay ginto at ang pangatlo'y naging kulay pula. Magkahalong dilaw at puti naman ang pang-apat at ang panghuli'y naging kulay balangaw o bahaghari.

Tila nagpapasiklaban ang bawat bumbilya ng bulaklak sa harapan ko. Nalito tuloy ako kung alin sa mga ito ang pipitasin ko. Nakalahad sa harapan ang kaliwa kong kamay. Nilagpasan ko ang kulay asul na bulaklak.

"Duh! Boring ng blue!" nasambit ko.

Nasa kulay ginto at kulay rainbow ang pinagpipilian ko. Gold is in! Black is out! But rainbow is life!

Muli akong bumuntong hininga. Nakapameywang kong pinitas ang panghuling bulaklak. Kusang nalanta ang apat pa hanggang sa tuluyang maging abo ang mga ito at mabilis na tinangay ng hangin.

Napaatras ako nang nag-iba ng anyo ang mga pulumpon. Mula sa hugis mesa ay naging isang higanteng paso ito na puno ng mamasa-masang lupa.

Habang pinagmamasdan ko ang aking nasa harapan ay mukhang may ideya na ako sa susunod na bahagi ng reaping.

They will let us germinate and grow something from this giant pot. And the flower I picked might contain the seed to be sown.

Napalunok ako. Papaano kung buto ng date tree o almond intong hawak ko? Papaano ko papatubuin ito ng mabilis kung wala naman akong mahika sa kamay? Baka nasa Mir tree na ang lahat ng kalahok pero narito pa rin ako sa ikalawang yugto ng pagsusulit habang hinihintay tumubo ang hawak kong buto.

Nakarma ka yata sa pagtataray mo kanina kay Quercy, Lind!

Hawak ng dalawa kong kamay ang kulay balangaw na bulaklak. Bahagyang umilaw ang marka sa aking palad kasabay ng pagbukadkad ng bulaklak. Mabilis ding nalanta ang mga petalo nito hanggang sa maiwan sa mga palad ko ang isang buto.

An elongated golden brown seed lays on my palm, like a single brown wing. It looks delicate. It looks light.

An ash seed?

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top