Chapter 32. Found

Kenru lets out a gasp as I heal him completely with just one touch. Then, after the dagger has passed through his stomach, he gets back up on his feet as if nothing had happened.

"You can't just stab me like that!" angil nito sa winter heiress na kasalukuyang nakasandal sa pinagmulan nitong marmol na himlayan.

"I just did! Now we're even!" Idrish says nonchalantly.

"Buti na lang hindi ganiyan katuso si Lind," dinig kong komento ni Graen sa likuran.

Inirapan ko ang lalaki saka ngumisi na parang titirisin ko na siya hanggang sa magkapira-piraso. "Gusto mo din bang masaksak sa sikmura?"

"Basta ba may kasamang yakap saka halik kapag nagising ako, ok-"

"I think we're done here!" putol ni Prinsipe Salinas sa litanya ni Graen.

Pakiramdam ko'y sinadya niyang putulin iyon dahil sa pagseselos. Kinikilig ako na naiihi sa pagiging possessive ng prinsipe. The Possessive Prince! Parang pamagat ng nababasa kong romance novel noong gumagala pa ako sa iba't ibang bahagi ng Springgan.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa apat na lalaking pakiramdam ko'y may gusto saakin. Kung si Prince Salinas ay isang hot at mysterious na royal blood, si Nott ay isang handsome, innocent, and protective man, si Randall ay isang daring and sexy elf, bakit si Graen ay kasali sa listahan? Graen looks like a living divinity kung susumahin. Pero awtomatikong ekis na sya saakin dahil hindi nga pwedeng patulan ang isang guardian na kagaya niya.

Now I am left with just Salinas, Randall, and Nott. I flip my hair as my gaze shift from one handsome elf to another.

Napahalukipkip ako habang pinapasadahan ang mga lalaki. Magsasalita na sana ako nang biglang bumunghalit ang isang malakas na boses lalaki sa di kalayuan.

"Idrish!" ananamg mama na malaki ang tiyan. Ibinaba nito ang hawak na malaking drum na nangangamoy alak saka mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ni Idrish.

Nakasunod sa mamang sir Borracho ang isang matangkad at mukhang masungit na elf na naging bisyo na ang gawing kolorete sa mukha ang uling at dagta ng ube dahil sa sobrang smoky ng pagkaka-contour sa mukha nito.

Magkasunod na niyakap ng dalawa ang bagong gising na bipolar heiress.

Kumunot ang noo ko nang mapagtantong nasa winter heiress ang atensyon ng mga dumating. Teka, ako ang bida sa kwentong ito ah? Hmmm.

Pagkatapos magkamustahan ng mga dating kasangga ni Idrish pati na ang mga naka-cloak na elf na pa-feeling mysterious ay bumaling saakin si sir Borracho.

"Lind Vor!" magiliw na tawag nito habang papalapit sa gawi ko. Ilang metro pa lang ang layo nito'y naaamoy ko na ang mamahaling alak mula sa kaniya. Nakadipa ang mga bisig nito na tila nanabik na yakapin ako.

Ilang segundo pa ay niyakap ako ng mamang may dalang malaking bola sa tiyan. Mahigpit. Niyakap ko ito pabalik.

"Maraming salamat at ibinalik mo sa amin si Idrish," anito.

"Katungkulan kong buhayin ang winter heiress, sir Borracho."

"Kung sana'y naisalba namin ang katawan ng yumao naming kaibigang Pranaiah, si Bonbon, sana'y buhay din siya ngayon. Pero sigurado akong kung nasaan man siya ngayon, payapa na siya at masaya."

Hindi ako kumibo. Dama ko ang kalungkutan sa boses ni sir Borracho. Tanaw ko ang pangungulila sa mga mata nito. Tinapik ko ang balikat nito saka tahimik na nakipagdalamhati sa pangungulila nito.

"So, papaano ba 'yan? Naitaboy na natin pansamantala ang mga Trapiz na nagtatangka sa buhay ng dalawa nating gauntlet heiress. Kailangan nating uminom!" sigaw muli ng lasenggong mama.

"Ah, sir Borracho, saka na tayo magdiwang kapag nakalikas na tayo sa ligtas na lugar," anang misteryosong babaeng may suot na black at purple na cloak.

Tila nahimasmasan naman ang mama sa narinig mula sa babae. Tumawa na lang ito ng malakas saka suminok upang itago ang pagkapahiya. Awtomatiko namang nilapitan ito ni Kenru saka inakbayan.

"Sasamahan kita pagbalik natin sa quarters, sir Borracho. Magdamag tayong maglalasing," dinig kong bulong ng winter guardian.

"May dapat ka bang ipagluksa o ipagdiwang?" 

"Pareho," sagot ni Kenru.

Napataas naman ang isang kilay ni Idrish na tahimik na nagmamasid kasama ng matangkad na babaeng tinadtad ng uling sa mukha.

"It's going to be a long night when we get there," natatawang bulong ng mamang may malaking tiyan.

"It is... It is!" Kenru replies.

***

Nasa paanan na kami ng Mount Gorm. Mabigat man sa loob, kahit na sa kaunting panahong pagsasama namin, panahon na para magpaalam ang bawat grupo. Sasamahan ko na si Idrish at ang iba pang miyembro ng Meadanach para sa paghahanda namin upang hanapin ang dalawa pang gauntlet bearers.

Malungkot na humiwalay mula yakap ko si Randall. Nagdesisyon itong sumama kay Prinsipe Salinas upang ilikas ang pamilya nito at siguraduhing ligtas sila mula sa nakaambang panganib mula sa mga Trapiz.

"I'll follow you, once everything is settled. Kailangan ko lang masiguro ang kaligtasan nila. The prince has promised to take them in."

"Thank you, Randall. I know this isn't goodbye yet."

"I know. It's hard you know. But I consider myself so lucky. Lucky to have someone who makes saying goodbye so hard. Mag-iingat ka." His hands cup my face. His thumbs gently press my cheeks.

Then I hear someone clear his throat. It is Nott.

"Idrish, I'm going back to the green kibbutz," he mutters.

I sigh. Alam kong ito na ang mangyayari kahit noong una pa. Babalik ito sa pinagmulan naming angkan dahil may naghihintay itong tungkulin doon.

Humakbang paatras si Randall upang bigyan kami ng espasyo ni Nott.

Kaagad ko namang ginawaran ng isang mahigpit na yakap ang lalaki. Nagsimulang uminit ang gilid ng aking mga mata habang hinahagod ng lalaki ang likuran ko.

"I hope our paths cross again, Lind. Until then, take care of yourself and always follow your heart."

"Nott. It pains me. We're parting ways again."

"Don't be. The only time goodbyes are painful is when both of us know we'll never say hello again. The green kibbutz is your home. Lagi mong tatandaan 'yan."

"Papaano kapag sinugod kayo ng mga Trapiz?" alala kong tanong nang lumuwag ang yakap nito. Nagsimulang manikip ang dibdib ko. 

"The prince is sending high-ranked guards to watch over the clan. We'll be okay, Lind. Ang isipin mo ay ang katungkulan mo. Magkikita pa naman tayo."

Ngumiti ang lalaki saka naglakad patungo sa itim na kabayong maghahatid sa kaniya patungo sa green kibbutz. Nasa unahan nito si Randall at nasa likuran naman nito ang tila naiinip na si Prinsipe Salinas. Sila ang magiging kasama ni Nott sa paglalakbay patungo sa green kibbutz at sa kastilyo ng House Flos.

Bahagyang yumukod si Salinas na nasa tabi ng itim na kabayo. Sa itsura niya'y tila nagpipigil ito na lumapit sa gawi ko upang pansamantalang makapagpaalam. Pinilit nitong ngumiti pero hindi ako kumbinsidong nagagalak ito sa mga pangyayari. Nang akmang itataas na nito ang kanang palad para kumaway ay mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nito.

Bahagyang nagulat ang lalaki sa tinuran ko. Hindi ito kaagad nakakilos. Pero nang masiguro niyang sa direksyon niya patungo ang bawat hakbang ko'y sinalubong niya ako.

He extends his right hand for a handshake just like what he normally does as a prince. But I put his arm aside and give him a hug. He literally froze as I wrap my arms around him. Then he hugs me back momentarily.

"Tang-ina mo, aarte-arte ka pa. Yayakap ka din pala," bulong ko habang nakasiksik sa leeg nito.

"Nakakahiya sa mga manliligaw mo."

"Alam ko namang gusto mo rin. Kanina ka pa naiinggit sa mga nauna kaya huwag ka ngang mag-inarteng parang hindi mo ako dinaganan at pinagsamantalahan ng maraming beses."

Natawa ito pero pigil. Naramdaman ko ang panginginig ng matipuno nitong dibdib sa aking mukha. "Tama na. Nakakahiya na."

Marahang itinulak ng prinsipe ang magkabilang balikat ko palayo. Namataan kong nakatitig ang malamlam nitong mga mata sa mukha ko. "We have reached the end of this journey, heiress. But I will never forget you. Thank you for bringing us hope, Lind." 

Humikbi ako. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na din pala sina Randall at Nott. Sabay-sabay akong niyakap ng tatlo. Matagal. Mahigpit.

Hanggang sa isa-isang kumawala mula sa pagkakayakap ang tatlong espesyal na lalaki sa buhay ko. Isa-isa kong pinasadahan ang kanilanh mukha. Pansamantala. O baka sa huling pagkakataon.

"May we meet again, Your Grace, Nott... Randall." Muling umagos ang luha sa mga mata ko.

Sabay-sabay na napatango ang tatlo. Habang lumalayo ang distansya ng mga ito sa kinatatayuan ko'y pabigat nang pabigat ang batong dala-dala ng dibdib ko.

Suminghap ako upang maibsan ang sakit. Pero nabigo akong bawasan iyon. Nang tuluyan ko nang hindi nakayanan ang kirot ng pansamantalang pamamaalam sa tatlong lalaking tinitibok ng malandi kong puso, kusa akong tumalikod at tinungo ang naghihintay na sina Kenru, Graen at Idrish.

Pinawi ko ang mga luhang nasa mukha ko. Pinuno ko ng hangin ang baga ko habang naririnig ang pagtakbo ng mga kabayong lulan sina Randall, Nott, at Salinas. Hindi ko na nilingon ang mga ito. Mas mabuti. Mas makakadagdag lang kasi sa pasaning dinadala ng puso ko kapag pinagmasdan ko silang umalis.

"So, let's go friendzoned?" nang-aalaskang sambit ni Kenru habang papalapit sa kinatatayuan nito.

"Since when did you become a bully?" Idrish spats at her guardian.

"Well, she has me!" pagmamayabang ni Graen na nasa tabi ni Kenru.

Hindi ako kumibo. Baka hindi masikmura ng malulutong kong mura kapag itinuloy ko ang gusto kong sabihin sa nakangising si Graen. Inirapan ko na lamang ito.

Tinapik naman ni Idrish ang balikat ko nang makalapit ako dito. Pakiramdam ko'y nakahanap ako ng kapatid at kakampi sa katauhan nito.

"Let's go," kalmadong sambit ni Idrish.

"Let's find the others," tugon ko.

Pagkabanggit ko no'n ay sinumulang balutin ni Kenru ang katawan namin ng malamig at malakas na hangin. Kaagad kaming lumutang sa ere.

Pinakawalan ko ang huling buntong hininga mula sa bibig ko. Simbulo iyon na desidido na akong tuparin ang aking katungkulan. Pursigido na akong palayain ang buong Springgan mula sa mga mapang-aping galamay ng mga Trapiz. Sa tulong ni Idrish at ng dalawa pang gauntlet bearers, makakamtan namin ang kalayaang minimithi ng lahat.

"Goodbye, Mount Gorm. Thank you for the memories. Thank you for showing me my true purpose," bulong ko habang papalayo sa kulay asul na kabundukang naging saksi sa lahat ng kalabaliwam at pakikipagsapalaran ko.

The reaping made me realize a lot of things. I can heal people and bring back the dead. The roots that I have been summoning are just a small portion of my abilities. Just like the tip of an iceberg, it is a small perceptible part of a much larger part of me that has been hidden before the calling of the spring gauntlet.

Now, I am more than what society sees me. I am larger than the frailed self I was once. I am not the forever thief who has caused everyone a miserable moment.

I am once lost, but I have found my purpose.

I am Lind Vor.

I am the spring heiress.

###

End of Book 2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top