Chapter 30. Ice and Vines
The Trapiz tried to cut all the flowers and kill everything on the surface, but they failed to stop spring from coming. They tried to cover the sun that dares to melt all the ice left by the winter but the stabbed darkness and shots its rays through the broken specs. It rains while the sun shines. The rain falling on the beams of the giant star is the beginning of life. Of spring.
I start to shake my head as the rising sunbeams begin to illuminate the dusty clouds in the sky. "Winter is dead," I whisper.
"Temporarily," mahinang bulong ni Kenru na nasa likuran ko habang pababa na kami sa undercroft.
Panatag ang loob kong bumaba kasama ng limang lalaki sa harap ng isang masukal na kagubatan nasa kabilang dako ng Mount Gorm. May mga nakalambiting baging sa mga naglalakihang sanga.
"Are we safe here?" nag-aalinlangan kong tanong.
"Come on! You're already an heiress! Your rank has been elevated. A rank higher than the ruling king. Kaya dapat ramdam mo na kung may nakaambang panganib sa paligid."
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Graen!" singhal ko.
"I'm the spring guardian! Remember?" tinaasan ako ng kilay ng lalaki.
"Yes, he is," nakatawang sambit ni Salinas na nasa likuran ni Graen.
"How does someone become a guardian of an heir?" Nott asks.
"They aren't made, they're called," Kenru answers seriously as he down the vines that blocked the large.
"We are called by the gauntlets. Once the power of the bearer is triggered, the guardian will be called by the gauntlet through a dream, a premonition or birth of a new ability."
"Graen is right. Pero bago pa man tawagin ng gauntlet ang guardian na gagabay sa susunod na heir, inihahanda na ng Meadanach ang mga susunod na gabay," paliwanag ni Kenru na naglakad na pabalik malapit kina Randall at Nott.
"You mean, may training school talaga para sa mga posibleng guardians? Eh, anong mangyayari sa mga hindi pinili ng gauntlet?" Napalingon ako mula sa aking balikat upang usisain sina Kenru at Graen.
Bumuntong hininga si Kenru saka muling nagsalita. Bakas sa mukha nito ang pagkainip. Siguro ay nananabik itong muling masilayan ang babaeng nang-friendzoned sa kaniya. Masokista. "They become members of the Meadanach. Protectors of the gauntlets bearers."
"I see. Totoo bang hindi pwedeng ma-inlove ang mga guardians sa kanilang heiress?"
"Hindi, bec-" Kenru answers.
"Pwede naman," Graen replies.
Halos magkasabay na sumagot ang dalawa. Hindi ko napigil ang pagtawa ko nang marinig kong magkasalungat ang sagot ng dalawang guardians. Awtomatikong nagkatinginan ang dalawa na tila hindi inaasahan ang sabayan nilang pagsagot.
"Oh, so kaya ka na-friendzoned? At ikaw, Graen, walang chance na magkagusto ka sa kagaya ko. Doon ka sa mga kagaya mong may pakpak. Andaming bubuyog diyan!"
Nakatitiyak akong hindi na ako kasapi sa friendzones league kung saan si Kenru ang lider dahil napatunayan ko nang hindi lang isa kundi tatlo, sige apat na kapag sinama ang guardian bangaw na si Graen, ang kayang magbuwis ng buhay para sa ganda ko.
Nagpigil ng tawa sina Nott at Randall na nasa likuran ng lalaki. Napapikit si Salinas na tila iyon na lamang ang natatanging paraan para pigilan niyang bumunghalit sa tawa.
"Maraming mas magagandang elf diyan. So, bakit naman kita papatulan?" Graen says in a defensive tone.
"Can you just proceed? The winter heiress is waiting!" Tinitigan ako ng masama ng winter guardian dahil muli kong ibinalik ang usaping friendzoned.
"Lind," tinawag ni Salinas ang pangalan ko. Parang bahagya akong naiiihi ako sa kilig. Pero nang mabasa ko ang mukha nito'y napagtanto kong isa na iyong babala mula sa prinsipe ng mga gwapong sardinas. Kaya muli kong ibinalik ang aking konsentrasyon sa puntod ni Idrish.
Muling kong hinarap ang libingan ng winter heiress. A limestone tomb cut from the side of a cave bears the engraved mark of the winter. A snowflake. Variegated ivies and wildflowers plod perfectly above the grave. They move sideways as I step closer as if the wild plats can read my thoughts.
Umihip ang malakas na hangin. Malamig na gaya ng taglamig. Nagsimulang sumayaw ang mga dahon ng willow trees na nasa likuran ng marmol na nitso.
"Masusunod mainiping lider ng mga friendzoned," huling hirit ko saka humakbang palapit sa naghihintay na himlayan ni Idrish.
Bawat paghakbang ko sa lupa'y kusang tumutubo ang mga clematis at honeysuckles pati na rin ang mga dilaw na bulaklak sa lupa. Unti-unti ring umusbong ang mga maliliit na damo at mushrooms sa bawat dinaraanan ko. Dahan-dahang namukadkad ang mga bulaklak na nagsitubuan dahil sa paglapit ko kaakibat ng pagsaliw ng mahiwagang ritmo sa hangin.
The rhythm of spring awakens all the dead branches, vines, and plants around me. The wild ivy sweeps away their petioles and branches to provide an opening to the undercroft. Then as I inch the distance towards the tomb, the symbol of winter illuminates with chartreuse green light.
The cover of the tomb slowly opens creating a clattering sound that broke the shield of deafening silence. Then I become petrified as I see her peacefully lying like a sleeping queen.
"Idrish," I call. I swallow the lump in my throat as I feel the dryness in my mouth. My eyes become watery.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naluha nang makita ko ang walang buhay na si Idrish. Pakiramdam ko'y may koneksyong namamagitan saamin na hindi ko mawari kung saan nagmumula.
I sniff then strides again to get nearer.
"She's beautiful. Her face holds power. Her lips seem to have the ability to command an army. She looks like a queen," I whisper.
Muli kong nilingon sina Kenru nang malito ako kung ano ang susunod na gagawin.
Bahagyang tumango ang lalaki pati na sina Graen at Salinas na tila ipinapaubaya na saakin ang susunod kong gagawin.
Muli kong nilunok ang bikig at kaba sa aking lalamunan. Huminga ako ng malalim. Humakbang ako palapit sa yumaong heiress.
Pagkatapos kong titigan ang napakagandang mukha ng winter heiress ay inabot ko ang kamay nito. Naramdaman ko ang hindi maipaliwanag na lamig sa kanan kong palad na tila nagawang gawing yelo ng babae ang kamay ko. Bahagya akong napaatras.
Ilang segundo ang hinintay ko bago ko naramdaman ang mainit na sensasyon sa kaliwang marka na nasa pulsuhan ko. Bahagya akong umungol pero mas lumakas iyon nang mas lalong nanuot ang sakit sa aking kaliwang kamay. Muli akong humakbang palapit sa babae.
Hinawakan ko ang mga palad nito na nakapatong sa kaniyang sikmura. Naramdaman kong tila may magneto sa mga palad ng babae na hinila ang kaliwa kong palad.
Nanlaki ang nga mata ko nang magsimulang balutin ng makapal at matutulis na yelo ang nakahandusay na katawan ni Idrish ng kapangyarihan nito. Napasigaw ako dahil sa sugat na natamo ng palad ko.
"Lind!" magkasabay na tawag nina Nott at Randall.
Nang tangkaing lumapit ng dalawa upang saklolohan ako'y kaagad silang naharang nina Kenru, Graen, at Salinas na tila alam kung ano ang nagaganap.
"She's too powerful! She's turning me into ice! Ayaw kong mamatay na malamig!" sigaw ko.
Sa kabila ng malakas kong pagngawa ay nagsimulang uminit ang aking dibdib. Nilabanan ko ang napakalakas na yakap ng malamig ng yelo na unti-unting umaakyat sa aking katawan. Patuloy pa rin sa pagtawag sa pangalan ko ang mga patay na patay saaking sina Nott at Randall.
Tila isang mainit na asidong pinadaloy ko mula sa aking puso patungo sa aking kaliwang palad ang kapangyarihan. Nang marating ng mainit na sensasyon ang aking bisig ay napansin ko ang malinaw na marka sa aking pulsuhan. Isang hugis puno na gaya ng buhay na buhay na Mir tree ang nagpakita. Mula sa markang iyon ay gumapang ang kulay pilak at berdeng gauntlet sa aking dalawang braso.
Naglaban ang sensasyon ng init at lamig sa kaliwa kong palad na nakalapat sa mga kamay ni Idrish. Isang nakakasilaw na liwanag ang sumakop sa dakong iyon ng Mount Gorm. Kumalat ang liwanag ng asul at berde sa buong kabundukan na tila may sumabod na malaking tala dahil sa pagsasalpukan ng kapangyarihan namin ni Idrish.
Bago pa man tuluyang matakpan ng makapal na yelo ang aking napaka-gandang mukha ay nagawang basagin ng aking kapangyarihan ang makapal na bloke ng yelo na nakabalot saakin.
Kumawala at lumipad ang magical bunny mula sa lantern na nakasabit sa tagiliran ko. The magical bunny reveals its full shape. A flying magical creature, long ears, long fluffy tails, with huge jade eyes flying next to me like my little guardian.
The bunny circles atop of my head and I feel the divine and cold sensation of healing from the specs of dust drom its strong hind legs. It jumps on my temple and fully removes the agitatation, fear, and anxiety from my system.
Then swiftly, it goes back inside the tomato lantern that is hitched around my waist and sleeps like a child.
"Awesome," naibulong ko.
Pagkawala ng malamig na sensasyon hinigop ng mga palad ni Idrish ang malakas na liwanag. Nahila ko ang kaliwang palad ng babae. Sa paghigop ng kaliwang palad ni Idrish sa liwanag ay gumuhit ang simbulo ng winter sa kanyang pulsuhan. Kapareho ng posisyon kung nasaan ang hugis punong marka sa kaliwang braso ko.
Nawala ang malamig na sensasyon pati na ang malakas na pwersang nakapalibot sa palad ng babae na siyang humila sa kamay ko.
Bahagya akong napaatras. Hinahabol ang paghinga. Kumakabog ang dibdib. Pinagpapawisan.
Ilang segundo pa ay naramdaman kong nasa likuran ko na sina Salinas, Nott, Randall, at Graen. Habang si Kenru nama'y nasa unahan habang nakatitig sa hindi pa rin gumagalaw na katawan ni Idrish.
"Is she alive? Is she resurrected?" Graen asks.
Kenru does not speak.
Nanatili itong nakatayo sa harap ng himlayan ng winter heiress.
Bumalik ang titig ko sa magandang mukha ni Idrish. Kusang nahulog ang panga ko nang mapansin ko ang paggalaw ng mga daliri ng babae.
Unti-unti, iminulat nito ang mga mata na sinundan ng malakas niyang pagsinghap. Napahawak ito sa kaniyang sikmura na tila naroon ang naiwang marka ng kaniyang pagkamatay.
"She's alive... the winter heiress is back!" I utter in disbelief.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top