Chapter 29. Reinforcement

"Andami mong pa-suspense, Prince of the sardines, kanina pa kami hirap na hirap dito tapos nandiyan ka lang pala?" singhal ko sa nakatayong prinsip na nasa di kalayuan. Nagsimulang uminit ang gilid ng aking mga mata. Just by seeing him alive makes me happy somehow.

"I died," he replies with certainty in his tone.

"What?"

"I died and you resurrected us!" he utters. His last word put my eyebrows to crease in confusion. What did he mean by 'us'?

"Us?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Lind," isang maamong boses ang tumawag saakin. Pamiyar ang tono nito. Boses iyon ng isa pang lalaking ipinagluksa ko lang kanina.

Bumaling ako sa nagmamay-ari ng boses na tumawag sa napakaganda kong pangalan. Unti-unting nahulog ang aking panga. I should be demanding him to call me 'Heiress Lind' but we'll settle that later. Mas nangibabaw ang pananabik ko na makita at mapatunayan kung talagang buhay siya.

Nang tanawin ko ang kinaroroonan nito'y tumambad saakin ang nakangiting mukha ng kababata ko. Si Nott!

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa prinsipe at sa kababatang si Nott. Hindi ko alam kung sino ang una kong yayakapin. Akmang lilingunin ko na muli ang gwapong prinsipe nang mapansin kong nagsisimula nang bumangon mula sa kinahihigaan nito si Randall.

Gulat na napatitig ang lalaki sa gawi ko. Hindi ko alam kung ang dahilan ng pagkagulat nito ay ang muli niyang pagkabuhay o ang bagong bihis ko bilang isang ganap na spring gauntlet heiress. Hindi kasi maipagkakailang nadagdagan ang dati ko nang nag-uumapaw na kagandahan.

Sa kabila no'n, habang napapalibutan ako ng tatlong gwapong nilalang ay tuluyang tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang galak.

The spring gauntlet resurrected them. They're alive! Alive and handsome! Hindi ako tatandang dalaga! Hindi ako mamamatay na birhen!

Ang pinakamalaking problema ko na lang ngayon, bukod sa tuluyang gapiin ang mga lapastangang Trapiz na nagpahirap saakin ay kung sino sa tatlo ang una kong lalapitan para yakapin. Kaya minsan nagsisisi ako sa kagandahan ko dahil sa sitwasyong ito. Ang hirap pumili. Lahat masasarap! I mean, walang tapon! Kain lahat!

"Oh, Lind! You made it!" sigaw ng isang boses na nagmula sa ere. Naramdaman ko ang pagdapo ng mga paa nito sa lupa at kaagad kong nasamyo ang amoy dinurog na dahon ng catnip at hemlock na pawis nito.

Huli na nang sinubukan kong tumutol sa tangkang pagyakap ng guardian fae na si Graen dahil kaagad na nitong naikulong ang katawan ko sa pawisan niyang mga bisig. Mahigpit ang ginawang pagkabig ng gwapong insekto saakin.

"Finally, heiress" patay malisyang bulong nito saakin habang isinisiksik ako sa amoy dahon nitong dibdib.

"Hindi ikaw ang gusto kong yakapin, animal ka! Matuto kang pumila! Pakawalan mo ako!" angil ko.

Nakatawang kumawala mula sa pagkakayakap si Graen. Nakatitig pa rin ito sa mukha ko kahit na parang hindi makapaniwalang may igaganda pa ako. "You are really the heiress."

"Panira ka ng moment, alam mong may tatlong nasa unahan ng pila nakikisingit ka!"

Magsasalita pa sana si Graen nang biglang lumapag si Kenru ilang metro mula sa likuran nito.

Napalingon ito sa aming lahat. Matalim ang ipinukol nitong pagtitig sa gawi ko. Gusto rin yata ng yakap. Pawisan at halatang malapit nang maubos ang enerhiyang nasa katawan nito. He rolls his eyes showing how irritatedd he is.

"I don't need a hug! I need help with the Trapiz! Mamaya na kayo maglandian diyan!" singhal nito saakin saka muling bumaling sa mga kalabang isa-isa nang nagsilabasan mula sa kagubatan.

"Antipatiko! Palibhasa wala kang lovlife. Hari ka ng mga na-friendzoned," bulong ko saka nagsimulang maglakad para harapin ang mga papalapit na Trapiz.

Ganoon din ang ginawa ng apat pang lalaking nakapalibot saakin.

Hinihingal na ang mahanging si Kenru nang lapitan ko. Tumayo sa likuran nito si Salinas at mabilis namang tumakda sa tabi ko si Nott. Nasa likuran ko si Randall na napansin kong may hawak na dalawang punyal sa magkabilang palad.

Tumambad ang anim na natitirang kalaban mula sa malakas na sinag ng buwan. Pawang natatakpan ng mga kasuotang manto ang mga ito habang isa-isang tumakda sa di kalayuan.

"They will not let the sun rise without seeing you dead, Lind." I hear Prince Salinas from behind as wild vines begin to sprout from his pulse.

"What do we do next?" tanong naman ni Nott sa tabi ko.

Napalitan na naman ng kaba ang kanina'y galak at pananabik ko.

"For sure, they have called for reinforcements by the time they saw you reach the Mir tree and accepted the gauntlets. Kapag tumagal si Lind dito, baka maabutan siya ng mas marami pang Trapiz. We'll lose our chances if they get to kill her!"

Kahit na sa pagkakaintindi ko sa pahayag ni Prinsipe Salinas ay kailangan ko nang tumakas upang hindi ako maabutan ng mga paparating na Trapiz, sa tingin ko'y may punto ito sa kaniyang sinabi. The remaining Trapiz will buy their time to keep me in Mount Gorm while waiting for their reinforcements. Stronger Trapiz may be on their way to kill me. All our sacrifices will go to waste if we take the bait. That is fight the remaining Trapiz.

"Papano kayo?" usisa ko. Pinasadahan ko ng tingin sina Nott, Salinas, at Randall pati na si Kenru.

"We came prepared!" sagot ni Kenru.

"Anong ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong.

Bago pa man makapagpaliwanag si Kenru ay pumailanlang ang malakas na yabag ng nga tumatakbong kabayo mula sa kabilang dako ng Mount Gorm. Mabilis na nakalapit ang anim na itim na kabayong lulan ang apat ding mga elves.

All wearing long raiment of leaf-shaped hemlines that are multilayered. The six who have just arrived wear the same pattern but with different colors and shades: ash grays, purple, golden brown, royal green, and dark. There is one thing common to them: a circular emblem of gold with a hallmark that resembles the four gauntlets of the Old Tales.

"Meadanach?" I gasp.

In unison, the six dismount from the black horses and walks closer to where we stand.

"Kenru!" nagagalak na tawag ng mamang may malaking tiyan at may hawak na isang malaking drum. Kaagad nitong hinablot ang nakatakip na manto. Mabilis itong lumapit sa gawi ni Kenru kasama ng isa pang matangkad na babaeng may kulay purple at pulang cloak.

"Sir Borracho, Rouma!" tawag ng guardian na may asul na buhok.

"We have the gauntlet of life! Idrish will be-"

"Borracho!" pigil ng dalawa pang Meadanach na may mamahaling kasuotan.

Ang isa ay nakasuot ng royal green at ang isa nama'y nakamanto ng itim at purple. Kapansin-pansin ang dalawa sa anim na dumating dahil sa mga suot nilang mga mamahaling bato sa leeg. They seem like royalty.

The Meadanach, still covered with a cloak and wearing tapered hemlines and flowing lines of dark and purple gazed at me. Her presence is intimidating, somehow unpleasant and evil like a lot of secrets are being hidden under her intricate cloak.

"This is her?" the intimidating Meadanach asks.

"Yes, she is the spring heiress," Kenru confirms.

Her dark-shaded lips parted upon looking at me. She gaze at me underneath her cloak like I was holding something she has been longing for all her life. Her gesture speaks that she wants to embrace me but something stops her from doing so.

Who is she?

"It's time," tipid nitong sabi saka umatras palayo sa akin. Nahuli ko pa itong muling sumulyap saakin bago ito naglakad patungo sa mga kasamahan nitong dumating na ngayo'y nakahanda na para sa pakikipaglaban sa mga natitirang Trapiz.

"Bring her to the undercroft, Kenru," anang baritonong boses na nakasuot ng royal green na manto. Sa tono ng pananalita nito'y hindi maipagkakaila ang kakayahan at ranggo nito sa Springgan.

Nagbigay pugay si Kenru.

"The heiress must be heavily guarded. Graen, Salinas, and these two can accompany her to the undercroft," anang isa pang Meadanach.

"The Trapiz will do everything to stop her from getting into the undercroft. Gentlemen, guard her with your life."

"Yes, madam!" sabay-sabay na sumagot ang mga lalaki.

"Now off you go! You have to hurry up!" muling utos ng misteryosong babae.

###




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top