Chapter 28. Vernal

Mga luhang katumbas ng rumaragasang ilog. Mga hikbing dumadaing sa hindi mabilang-bilang na pasakit. Ang pag-apuhap ng mga balisa at nanginginig na braso at tuhod sa malamig na lupa. Ang maya't mayang singap ng namamaga kong bibig. Mga senyales ng hindi maipintang kirot na nasa dibdib ko. Na kahit na ang pinakamalungkot na kulay ay hindi magagawang ilarawan ang nararamdaman ko ngayon.

Patuloy sa pakikipagbakbakan sina Kenru at Graen. Walang kasigurauhan kung pagkatapos kong humarap sa naghihintay na puno ng Mir ay matatanaw ko pa ang mga nakangiting mukha nila o susunod sila sa landas na tinahak nina Prinsipe Salinas, Nott, at Kenru.

Muling pumailanlang ang sunod-sunod na pagsabog sa likuran ko. Tumalsik ang mga naglipanang lupa sa likuran ko pati na ang mga naglalakihang bato. Nadaganan ang kaliwa kong binti ng malaking bato na tumilapon mula sa pagsabog kaya naantala ang paggapang ko palapit sa Mir tree.

Napasinghap ako bago inilapat ang aking mga kamay sa lupa at doo'y itinanim ang butil ng enerhiya upang muling patubuin ang mga ugat na sasaklolo saakin. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang paggapang ng mga ugat malapit sa binti ko. Pumulupot ang mga ugat sa nakadagang bato at saka mabilis na hinawi palayo sa sugatan kong katawan.

Muling umulan ng mga sibat at palayo sa kinaroroonan ko. Tinamaan ako sa kaliwang braso at naipako naman ng isa pa ang kanang palad ko. Napaungol ako sa sakit dahil sa mga tumamang palaso. Ramdam ko ang pagkalat ng kirot mula sa mga tinamaang bahagi ko. Pakiramdam ko'y hinihimay ang bawat kalamnan ko habang sinasabuyan ito ng asido.

Napasigaw ako nang bunutin ko ang nakabaong palaso kasama ng pala ko. Bumulwak ang mainit na dugo mula sa sugat. Nanginginig kong muling itinanim ang natitirang enerhiya sa lupa. Habol ang bawat paghingang lumalabas sa ilong at bibig ko. Nakaramdam ako ng sensasyong tila nalulusaw ang buong katawan ko dahil sa labis na panghihina.

Sa huling pagkakataon, tinawag ko ang aking sandatang lagi akong ipinagkakanulo pero sa pagkakataong ito'y magiging alas ko upang marating ang lilim ng Mir tree.

"Rooting... Rooting For You!" buong pwersa kong binanggit.

Muling dumagundong ang ilalim ng lupa. Naramdaman ko ang pagbulusok ng mga lapastangang ugat sa ilalim.

I feel an outward force underneath sending my entire weight mid-air. My stomach sinks immediately, as extreme forces surround my body as my system is pulled upward. I hear the loud rush of the wind. Then I feel the strong pull of the red ground on the surface of my body as I begin to descend.

But unlike before, Rooting For You immediately creates a huge foam on the ground catching my entire body and saving my body from further pain.

Bumagsak ako sa isang bilog na kamang puno ng bulak at petalo ng pulang rosas. Nagsiliparan ang mga bulaklak ang bulak pagbagsak ko na animo'y isang diwata ang bumagsak sa ilog ng mga pixie dusts. Tinangay ng hangin ang mga naglipanang bulaklak. Binalot ng mga ito ang paligid ng Mir tree.

Unti-unti'y lumuhod ako sa harapan ng puno. Pigil-hiningang, napatitig ako sa mga sanga nito habang humihikbi.

Walang nangyari sa loob ng ilang segundong paghihintay ko. I heave breathing starting to fear what might have been a mistake-I am not the spring heiress everybody is expecting. I am not worthy of the gauntlet.

"A lot of lives have been taken. Most of them deserve to live more than I do! But they sacrificed their lives just for me to be here believing that I am the chosen heiress. Take me if you must!" humagulgol ako dahil sa sobrang panlulumo. Ngumawa ang namamagang bibig ko habang nakatitig sa fire tree. "Take my life if you think I don't deserve your power. If you feel... if your power really feels that I should have the gauntlet, then give it to me so that I can live my purpose!"

The cold wind blows. An almost silent response from spirits that have lived in Mount Gorm.

I turn down and put my mind to something-what would become of Spinggan if I fail to call the spring gauntlet? What would happen to its people whose only hope lies on the heiress like me so that they can be free from the abusive claws of the Trapiz and its ranking system?

Nilingon ko sina Kenru at Graen na nahihirapan nang sagupain ang malalakas na kalaban. Tumama ang paningi ko sa nakahimlay na katawan nina Nott at Randall. Sumagi sa isipan ko ang mukha ni Prinsipe Salinas.

Mariin akong napapikit. I surrender myself to the judgment of the Mir.

"Let me save my people! Let me free Springgan!" I scream as I fully surrender to the power of the Mir.

Nagitla ako nang bigla kong napansin ang isa-isang pagsulpot ng mga pulang dahon na nababalot ng liwanag sa bawat sanga ng puno. Gumapang ang mga mala-ugat na pula at dilaw enerhiya mula sa puno ng Mir patungo sa mga sanga nito. Umusbong ang mayabong na kulay berdeng dahon ng fire tree na nagbigay buhay sa patay na puno. Pagkatapos ay isa-isang nagsisulputan ang magkahalong pula at dilaw na bulaklak sa buong parte ng Mir.

Halos lumuwa ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mabilis na pagbabagong anyo ng puno. Nalunok ko ang bikig sa aking lalamunan nang magsimulang malagas ang mga petalo ng fire flower. Nagpaikot-ikot ang mga ito sa ere na parang sumasaliw sa ritmo ng hangin ng tagsibol.

Nahulog ang unang bulaklak sa mukha ko na tila yelo sa sobrang lamig. Nawala ang kirot sa iba't ibang bahagi ng aking katawan nang maramdaman ko ang pamamanhid ang buo kong sistema. Patuloy na bumuhos ang mga nagsihulugang petalo hanggang sa tuluyan akong matakpan ang buo kong katawan. Tila isa-isang nanuot ang bawat petalo sa aking sistema.

Hanggang sa hindi ko napigilang kumawala ang malakas na sigaw mula sa aking bibig nang maramdaman ko ang nag-uumapoy na sensasyon sa aking balat. Literal na nasunog ang aking kasuotan. Umalab ang apoy sa paligid ko at nagsimulang sumidhi ang hindi maipaliwanag na kirot sa buo kong sistema.

Nasusunog ako!

I feel the excruciating pain in my nerve endings. My flesh if burn to crisp until they become blisters in my bones. I never thought my body could endure this much pain. I scream. And scream. And scream again until I no longer feel anything.

Pakiramdam ko'y tuluyan na akong naging abo dahil sa paglutang ko sa ere. Wari ko'y patay na ako dahil wala na akong maramdamang sensasyon sa buong katawan ko. Paliyad na napalutang ang hubad kong katawan sa harap ng Mir.

Napapikit ako nang mamataan ko ang mabilis na pag-usbong ng dalawang malalaking bunga na nasa magkabilang sanga ng fire tree. Dumoble ang laki ng dalawang berdeng bungang iyon hanggang sa kusang bumuka ang dulo ng mga ito.

Nahulog ang dalawang kulay berdeng metal na bagay mula sa mga bunga. Napagtanto kong ang spring gauntlet ang mga iyon nang hawiin ito ng hangin palapit sa kinaroroonan ko.

Bronze gauntlets with an embellishment of jade and sapphire find their way to my burning hands. Then as the gauntlets lock each of my fingers, I suddenly feel the relaxing and cold energy running from my palm to the different parts of my body. The sensation immediately heals all the wounds of my dry and leathery skin.

As the energy inch its way to the core of my body, a new form of fabric trace the curves of my body revealing chartreuse deconstructed robe and tunic made from satin ribbons, V-shaped, backless and two-faced. Top clothing that has fringes that resembles that of the grass and a pair of bronze combat boots that climbs above my knees.

There is a lantern that is like a bud of a tomato hanging on my waist. It carries a bioluminescense of green, white, and blue circling inside. Then, as I gaze upon it, I see a magical creature sleeping inside the lantern-a bunny with furry tail, long ears, and big eyes.

Is this similar to the mount animal of the winter heiress which I read? But instead of a black jaguar, I have this tiny magical bunny sleeping inside the lantern?

Kapansin-pansin ang nag-uumapaw na kulay berdeng enerhiya na nakabalot sa buo kong katawan. Paglapag ako sa lupa'y nagsimulang magsitubuan ang mga damo't mga ligaw na halaman na kumalat paikot sa parang na nakapalibot sa puno ng Mir. Kasabay no'n ay napansin ko ring dumaan ang enerhiya ng spring gauntlet sa nakahandusay na katawan nina Nott at Randall.

"I am... I am the spring gauntlet h-"

"Heiress! The spring gauntlet heiress," a familiar rich baritone voice calls me.

Napalingon ako sa gawi ng nagsalitang lalaki sa likuran ko. Nasapo ko ang aking bibig nang kusang mahulog ang aking mga panga nang mapagsino ito. Napakurap-kurap ako para masiguradong hindi ako namamalik-mata. Ngumiti ito. Ngiting kahit noon pa man ay kinaiinisan ngunit kinakikiligan ko.

Siya nga! Buhay siya! Totoong buhay siya!

"Tang-ina ka, pinaiyak-iyak mo pa ako mabubuhay ka din naman pala?"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top