Chapter 26. Double-Dealing
Sa pagbuhos ng luha mula sa aking mga mata'y ganoon din ang pag-ulan ng mga makapangyarihang enerhiya na pinipilit durugin ang harang na nakapalibot sa amin ni Nott. Nayanig ang lupa sa paligid at binalot ng makapal na usok ang parang na nasa harap ng Mir tree.
Hindi kumawala ang mga yakap ko sa katawan ng yumaong kaibigan. Naginginig pa rin ang mga kalamnan ko. Nanghihina ang sikmura ko habang. Pinipiga ang mga sakong nakapangalumbitin sa baga ko.
Dumoble ang malakas na pagsabog sa labas ng pader na gawa sa ugat. Patuloy sa pagdagundong ang lupa hanggang sa maramdaman kong tila napigtas na ang enerhiyang nagdurugtong sa binuo kong harang at sa kapangyarihan ko. Nagkapira-piraso ang mga hibla ng makapal na ugat at isa-isang bumagsak ang mga ito.
Muli kong pinagapang ang mainit na sensasyon mula sa aking dibdib patungo sa lupang nasa aking mga paanan.
Pero bago tuluyang tumubo ang mas pinalakas na depensa palibot saakin ay naramdaman ko ang malamig na sipol ng hangin na siyang nagtaboy sa nakalutang na mga usok.
The illuminated spears and arrows bolt towards my direction but before their harmful edges could cut through me, a strong whirlwind moves its threads around us sending the broken pieces or roots, stones, and grasses away. The spears and arrows bounce back hitting the different parts of the clearing.
"Kenru," nasambit ko nang mapagtanto ko ang lalaking mabilis na humarang sa mga paparating na atake.
Napigtas ang pising nakabuhol sa buhok nito at sumaliw sa ritmo ng malakas na ipu-ipo ang asul nitong buhok pati na ang mahabang manggas ng kasuotan nito.
"Run towards the Mir tree! Now!" malakas nitong singhal kasabay ng paglabas ng katana mula sa kaluban nito. Kumalantong ang espada mula sa pagkakahugot nito dahilan para mas lumakas ang hanging nakapalibot saamin.
Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko ang mahimbing na mukha ni Nott. Kaagad akong tumalima upang tunguhin ang fire tree. Bahagya akong tumango sa lalaki bilang paghahabilin sa katawan ni Nott.
"Go now, Lind. Don't waste it!" Hinawi ng spring guardian ang hanging umiikot palibot saamin dahilan para mabuo ang tila isang lagusan palabas.
Sa muling pagkumpas ng kamay ni Kenru na may hawak na espada'y lumawak ang nasasakupan ng ipu-ipo. Nagawa uli nitong maitaboy ang mga rumaragasang kapangyarihan na ang tanging pakay ay kitilin ang buhay ko at pigilan akong makarating sa harap ng Mir.
Mabigat man sa dibdib ko na iwan si Nott sa kinahihimlayan nito'y pinilit kong kumaripas patungo sa puno na ilang metro lang ang layo saakin. Tumakbo ako palapit sa lilim ng puno nang muli kong maramdaman ang mga paparating na bola ng enerhiya sa aking likuran. Ikinumpas ko pataa ang aking mga kamay upang hawiin pataas ang aking pandepensang mga ugat.
Nagsalpukan ang kapangyarihan ko sa malalakas na bolang sumibad pakurba patungo sa kinaroroonan ko. The root cracks as it obstructs the blazing energy balls until several wholes are created making an easy opening for the incoming attacks.
Kenru tries to whip the raining blades but his power is not enough to block them all.
Isinalampa ko ang parehong palad ko sa lupa at muli kong pinatubo ang mga higanteng ugat sa ilalim ng lupa. Pero hindi naging sapat ang bilis ng mga ito upang sanggain ang mga rumaragasang atake.
Ilang pulgada bago ako tuluyang tamaan ng mga umaapoy na patalim naramdaman ko ang muling pagyanig ng lupa. Dama ng paa ko ang paggalaw ng tila isang malaking bagay sa ilalim ng lupa.
Pigil hininga kong inipon ang buong lakas ko sa aking binti upang iwasan ang mga naglalagablab na sibat. Pero bago ko maigalaw ang aking mga paa upang tumalon paatras ay isang higanteng insekto ang bumulusok sa harapan ko upang sanggahin ang mga sandata.
A huge black beetle with a distinctive metallic horn and with delicate red-orange hairs on its underside flap its wings blocking the incoming spears that are about to kill me. On its head is its master wearing the same coat since the first day of the reaping.
"Graen!" bulalas ko habang nakasalampa sa ilalim ng higanteng insekto.
Ngumisi si Graen ng pilit. Bakas sa mukha nito ang takot at pangamba kahit na hindi pa ito nagsasalita. Parehong takot na nasilayan ko sa mukha ni Kenru.
"Run! Get to the Mir tree!" tipid nitong sabi saka muling ibinaling ang tingin sa paligid.
Tumango ako saka muling tumakda. Nang lingunin ko ang lalaki'y nakaunat na ang nga bisig nito patagilid. Nagsimulang magsilabasan ang iba't ibang uri ng insekto mula sa ilalim ng roba nito. Lumipad sa magkabilang direksyon ang mga hindi mabilang na insekto hanggang sa mabuo ang dalawang higanteng pares ng kamay na sumasalamin sa postura ng mga kamay ng guardian fae.
Kasunod no'n ay ang malungkot na mukha ni Graeen ang bumaling saakin. Kita ko sa titig nito ang pagdadalamhati at postura ng isang kaibigang nagpapaalam. "Take the gauntlet, Lind. Go now..."
"Run!" malakas ding bulyaw saakin ni Kenru na nasa unahan.
Sabay na napatingin sa harapan ang dalawa. Bumuo ng malakas na buhawi si Kenru samantalang mabilis namang sinangga ni Graen ang mga umuulang itim na kapangyarihan. Sunod-sunod ang mga naging pagsabog sa paligid. Nabalot ang buong paligid ng makapal na usok at alikabok.
Random sudden burst of flame and light, cracks of noise, gas, and heat yield everywhere as I struggle to run to the dead tree. The tumult that has conquered Mount Gorm is deafening. Everywhere is chaotic. Nature has been fragmented.
For the very last time, I summon the roots and they sprout around me as I brave the distance between my sapped feet and the withered tree.
Two more steps before I can finally reach the canopy of the Mir tree, a beam of light descends before me blocking my path to finally reaching the fire tree. Two bodies are carried by the beam of light and the irradiation of white, purple, and blue is slowly absorbed by those bodies slowly revealing to me who they are.
The elf before me has a familiar chiseled jaw, pointy nose, pale eyes, supple lips, a handsome face carried by a towering physique.
"Randall," I mumble under my shaking chest.
He does not speak. He looks horror-stricken. His hands tied backward.
Behind him is a cloaked and masked elf carrying a knife that is pressed against the neck of the handsome Randall. The blade of the knife cuts through Randall's skin begins to bleed.
"Come closer to the Mir, tree and I will kill him!" a female voice yells.
Nabosesan ko ang babaeng nasa likuran ni Randall. Hindi ako maaaring magkamali kung sino ito kahit na nakamanto ito at natatakpan ng tela ang kalahati ng mukha nito.
"Juvie," pagkilala ko habang pigil ang paghingang nakaharap sa dalawa. Mainit ang gilid ng aking mga mata habang nakatitig sa mukha ni Randall.
Hinablot ng babaeng nasa likuran ni Randall ang manto at maskarang nakatakip sa mukha nito habang nakaamba pa rin ang matalim na kutsilyo nito sa leeg ni Randall. Tumambad saakin ang bilugang mukha ng babae, ang maliit nitong ilong, makapal na labi, at maitim na balat.
Hindi ako nagkamali. Si Juvie nga ang nasa likuran ng lalaki at nagbabantang tatapusin nito ang buhay nito kapag sinubukan kong humakbang palapit sa Mir.
Kusang nahulog ang aking mga panga. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Itinuring kong parang kapatid si Juvie noong naglalakbay pa kami sa buong Springgan. Naging kasangga ko ito sa mga pagkakataong nasa bingit kami ng kamatayan kasama si Randall. Siya ang tanging napagsasabihan ko ng aking paghanga kay Randall. Alam nito ang lahat ng sikreto ko.
Ngayon, sa muli naming pagkikita, hindi ko lubos akalaing muli ko siyang makikita hindi bilang kasangga at kaibigan kundi bilang kalaban. Isang traydor. Isang Trapiz.
How much more pain and betrayal should I endure? Pigang-piga na ang dibdib ko sa sobrang daming pasakit. Is this the punishment the stars have given me for all the sins I committed?
"Seriously, Juvie? You are willing to kill Randall just to stop me from getting into the Mir Tree? Itatapon mo lahat ng pinagsamahan natin dahil sa huwad mong paniniwala?"
"I never treated you as a friend, Lind." Ngumisi ito at muling idiniin ang talim ng kutsilyo sa leeg ng lalaki. "Tiniis ko lahat ng kaartehan mo dahil bahagi iyon ng pag-eespiya ko sa'yo! It was all a part of a ploy that I was assigned to manipulate so that you won't get near this tree!"
"Kasing-itim ng budhi mo ang balat mo alam mo ba 'yon? You're finally showing your true colors and all I can see is pitch black!"
"Say all you want! But this is my job! You don't matter to me!" she hisses.
"I am no longer beneficial to you, is it? That's why you are eventually showing your shade. Your true color."
"Alam ko kung gaano kaimportante sa'yo si Randall. You are drooling over him like a dog. So dare to move closer and he's dead!"
Napansin kong nanlaki ang mga mata ni Randall sa nalaman. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkagulat nang marinig ang sinabi ni Juvie. He remains silent as his gaze pins deeper on mine.
Nilunok ko ang mapait na katotohanan sa aking lalamunan. Sa dinami-dami ng tagpo na pwedeng malaman ng lalaki na may pagtingin ako sa kaniya, ngayon pang nasa bingit na kami ng kamatayan. Sa dami ng mga gwapong lalaking nakapaligid saakin, isa-isa na silang nalalagas. Una, si Prinsipe Salinas. Tapos si Nott. Ngayon, si Randall. Damn!
Bumuntong hininga ako. Hindi ko binitiwan ang titig ni Juvie at ni Randall. Humakbang ako paatras at nagkunwaring hindi ko na itutuloy ang pagtatangka kong lumapit sa Mir tree.
Pero ang totoo niyan ay sinusubukan kong pagapangin ang enerhiya sa aking dibdib patungo sa aking mga paa. Hindi ko pa nagagawang kontrolin ang mga higanteng ugat gamin ang mga paa ko pero wala nang ibang paraan. Sa oras na ikinumpas ko ang aking mga kama'y ay tiyak gigilitan ni Juvie ang leeg ni Randall.
"Let him go," kalmado kong sambit.
Unti-unti, naramdaman kong gumapang pababa sa mga ugat ko ang kapangyarihang naipon sa aking dibdib. Halos hindi ako huminga nang pinilit kong pakawalan ang mga butil ng kapangyarihan sa dulo ng mga daliri ko sa paa.
Naging isa ang mga ugat na nakatanim sa lupa sa aking sistema. Mabilis itong lumaki at gumapqng patungo sa kinaroroonan ni Juvie at ni Randall.
I clasp my hand, letting go of the veiny roots underground. Split-second, the roots spurt beneath the soil and strangles Juvie's arms and legs. The latter is blown away by the bolt out of the blue. Her tiny hand unexpectedly release the knife that had threatened Randall's life for quite some time.
As I command my treacherous roots, they pull Juvie and smash her body to the ground.
"Let go of me, Lind!" Juvie snaps like a helpless deer.
"You're a great thief, Juvie, but you're forgetting I am also a great thief. I like to snatch stuff and play it better. You did not teach me to betray a friend. Yet I have stolen such treachery from you and tried to do something different with it."
Takang napatitig saakin ang gwapong mukha ni Randall habang naglalakad ako palapit sa kanila ni Juvie. Dagli kong pinulot ang nabitiwang kutsilyo ng babae saka mabilis na pinutol ang mga tali sa likuran ng lalaki.
Nanatiling nakatayo sa likuran ko si Randall. Mula sa kinatatayuan ko'y dalawang hakbang na lang ang susuungin ko bago ko tuluyang ipagkanulo ang sarili sa panganib na nasa sanga ng Mir tree.
Hinintay kong magsalita si Randall na tahimik pa rin sa likuran ko. Gusto kong marinig ang mga sasabihin nito bago ko harapin ang kapahamakang naghihintay dalawang hakbang mula sa kinatatayuan ko.
Please say something. My chest screams.
But he doesn't. Rather, I felt a blunt force crushing on my nape. My vision swirls as I feel the blood flow being halt by a strong fist from behind. The sound of the explosion slowly leaving my ears. I feel the sudden pull of the ground as I realize I am slowly getting nauseated.
It's Randall. Randall delivered a sharp chop on the scruff of my neck.
Randall betrays me.
Another betrayal. Double-dealing. Again.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top