Chapter 23. Into Cinders

The icy thread of wind beneath me does not calm my chest. My heart continues to pound my ribcage as we brave the distance toward the Mir tree. The night sleeps as silent as the dead winter. The icy wind cradles the peaceful forest as it sings its lullabies.

The silhouette of the trees dances on its rhythm. The birds and insects chorus in the background. The moon and the stars sitting on the couch of the white clouds glisten like the audiences of nature's performance. The night seems very peaceful.

But my heart whispers differently. There is this rhythm in my chest that something unexpected is going to happen.

"The Mir tree," mahinang sabi ni Kenru na nasa tabi ko.

Napansin ko ang pag-higpit ng hawak nito sa espada at ang pag-igting ng mga kalamanan at ugat nito sa braso na umakyat hanggang sa litid niya. Nilunok nito ang bikig sa kaniyang lalamunan saka sinundan ng malalim na paghinga bago ikinumpas ang mgq kamay sa hangin.

Dahan-dahan kaming tinangay ng hangin sa likod ng malalaking tipak ng bago na ilang metro lang ang layo mula sa Mir tree.

Sa pagkakataong ito ay natanaw ko ng mas malapit ang fire tree na ilang beses kong narinig noong ako'y musmos pa lamang hanggang sa aking pagtanda. Buong akala ko'y bahagi lamang ng isang alamat o ng malikhaing kwentong bayan ang Mir. Pero totoo ito. Totoong totoo!

The fire tree grows about forty feet long and thirty feet wide. Its main branch favors one-sided lateral growth which leads to twisted branches forming. Such unusual growth gives the tree a distinctive appearance. It appears so majestic that I gasp multiple times in awe.

The tree does not have too many leaves even though spring has begun. I see a number of fern-like leaves but there are no buds on the curly branches. No promise of flamboyant display of orange-red flowers.

"The tree is dying," bulong ko habang nakatago sa malaking tipak ng bato.

Seryoso namang nakasandal sa tabi ko si Kenru na tila malalim ang iniisip. Sa sobrang lalim ng iniisip nito, hinuha ko'y nahukay na niya ang nakatagong kayamanan ng Springgan.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ko.

"We wait before the sacrificial contender arrives."

"You mean Nott?"

"Yes. The first guy who friendzoned you."

Nagpanting ang tainga ko sa narinig hindi lang dahil sa pag-uulit nito sa usaping 'friendzoned' kundi sa pagtawag kay Nott bilang isang sacrificial contender. Matalim ang mga matang ipinukol ko sa gawi ng lalaki. Gigil kong pinaluray ang mga ngipin ko na tila may dalawang nagkukuskusang malalaking bato sa bunganga ko.

"Mukha kang gutom na leon sa itsura mo," komento nito nang pasadahan ako ng singkitin nitong mga mata. Muli itong pumikit saka nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

"Nott is not a sacrificial contender. Itutuloy mo pa rin ang plano mong ipain ang kaibigan ko para makuha ang inaasam niyong gauntlet?"

"It's the Meadanach's plan. Not mine!"

"But you're one of them! The Meadanach? How could you just sit there and do nothing to save Nott?"

Nagmulat ito ng mga mata. Hinarap ako nito. Seryoso ang tingin habang pumupulandit ang mga litid sa leeg. "Do you think I feel okay with this? Na hayaang mamatay 'yang kaibigan mo para sa gauntlet? Sa tingin mo may iba pang paraan bukod sa palabasing siya ang nakatakdang spring bearer para lang mailigtas ka?"

"Do you honestly think the Meadanach really want death over this reaping? We have lost so many lives! I have my fair share of pain, lady! I lost a Pranaiahn ally. I lost a lot of people. I sacrificed my royal title! I lost someone I love in this narrative just for the greater good! Just to free this country from slavery!"

Hindi ako nakakibo. Mula sa kaniyang mga sinabi, dinig ko ang sakit na nasa dibdib nito. Tanaw ko ang kirot sa mga mata nito. Ramdaman ko ang pangungulilang matagal nang kinikimkim ng kaluluwa nito.

"Ang punto ko lang-"

"Ang punto mo ay nagiging makasarili ka!"

Uminit ang gilid ng aking mga mata. Mabilis na naglakabay ang kamay ko patungo sa makinis na mukha nito pero kaagad niya iyong nasangga gamit ang kaliwang braso niya.

"Your friend, Nott, knows the risk of being the sacrificial contender. But he took it because of you. He is willing to deliver everything, even his life because he wanted to save you. He wants to save and free the green kibbutz from slavery."

Napaupo ako sa madamong lupa. Tuluyang napaluha ang mga mata ko habang ninanamnam ang mga sinabi ng bastardong may asul na buhok. Siguro nga nagiging makasarili na ako. Siguro nga ang nararamdaman ko at kapakanan ko lang ang iniisip ko. Siguro nga...

"There could be another way," giit ko pa rin kahit na naisip kong marahil ay pinag-isipan at pinagplanuhan na ng Meadanach ang mga posibleng mangyari.

"The Trapiz is here. We are outnumbered. Kapag nalaman nilang buhay ka pa, babalik sa'yo ang atensyon ng konseho at hindi sila titigil hangga't hindi ka napapatay."

"They're here? Bakit hindi ko maramdaman ang presensya nila?"

"They are highly trained assassins. They know how to hide their immense power. Only a skilled guardian can feel and detect it."

"Are they waiting for the possible winner of the reaping?"

Tumango ito. Saka muling ikinubli ang sarili sa malalaking tipak ng bato.

Nanumbalik ang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. Napatitig ako sa nakapikit na si Kenru. Alam kong kahit nakapikit ito'y ramdam niya ang bawat galaw ng mga nakaabang na Trapiz sa paligid ng Mir.

"You mean to say, hindi papaabutin ng mga Trapiz ang mga contenders sa harap ng Mir?"

"They will slaughter the contender before he gets to the fire tree. The Trapiz won't risk the chance dahil sa oras na piliin ng Mir ang contender na karapat-dapat sa harap nito at ipagkakaloob niya ang kapangyaihan ng spring gauntlet, mahihirapan na silang tapusin ang kanilang misyon."

"That is to eliminate all the contenders and prevent one elf from obtaining the gauntlet? Ganoon sila katuso."

Muling bumaling saakin ang lalaki. Seryosong tumitig saakin ang kulay abo nitong mga mata. "So, don't ever, ever mess up. This is our only chance."

"Hindi ba pwedeng labanan na lang natin sila?" hirit ko.

He looks away. Sa itsura nito'y tila malapit na siyang maubusan ng pasensya. "We don't stand a chance. They are way more powerful that you imagine. Kung hindi ako nagkakamali, may tatlong nakaabang sa bandang kanan ng fire tree, may apat na nasa itaas ng mga punong nakapaligid saatin, at may dalawang nasa likod ng malalaking tipak ng bato sa likuran natin."

He clears his throat then continues, "The only reason we are alive right now is I have concealed our presence using vapor cloak. Kaya hindi nila naramdaman ang pagdating natin."

Saglit akong natahimik. Kaya siguro panay ang pagpikit nito na parang napaka-kalmado dahil kanina pa niya ginagamit ang kapangyarihan niya para itago ang aming presensya.

"Pero papaano si Nott?"

"We have to sacrifice the few to save the many, Lind. Graen might save him but I'm not that positive."

Kumawala ang hikbi sa dibdib ko. Nilunok ko ang likido sa aking lalamunan at pilit pinakalma ang sarili.

Patuloy pa rin sa pagtakbo sa isip ko ang mga posibilidad ngayong nasa harap na kami ng Mir. Walang tigil sa pagdedebate ang utak at puso ko sa kung ano ang nararapat kong gawin upang ilgtas ang kaibigan ko. Nayakap na lang ng braso ko ang aking mga binti habang ninanamnam ng kalooban ko ang hindi maipaliwanag na takot at pangamba.

"Someone's approaching," mahinang bulong ni Kenru. Dahan-dahang napabalikwas ang lalaki saka maingat na sumilip sa paligid ng Mir tree.

I peek at the margins of the rocks. My shaking hands grab at the edge of the foundation. It felt cold.

The wind begins to blow forming an outward circular movement from the dead tree. Then from the glade of the misty forest, one shadow comes gushing towards the Mir. A pretty face wearing an exorbitant pastel robe. The girl from the pastel kibbutz.

Bahagya itong napatigil ilang metro mula sa lilim ng puno. Nakangiti ito habang nakatitig sa sa fire tree na tila ninanamnam ang tagumpay sa kaniyang harapan.

"I am the winner!" sigaw nito saka muling tumakbo palapit sa Mir.

Ilang hakbang bago ito tuluyang makalapit sa fire tree ay bumulusok ang palaso sa likuran nito. Magkasabay ding umulos mula sa kaliwa at kanan ang mga hindi maipaliwanag na bola ng enerhiya na likha ng isang malakas na mahika.

Huli na nang mapansin ng babae mula sa pastel kibbutz ang sabay-sabay na pag-atake. Nagawa nitong ilagan ang dalawang matutulis na pisi ng liwanag pero tumama sa likuran nito ang mga palasong nababalot ng nagsusumigaw na enerhiya.

Bahagyang natigilan ang pastel contender. Napuruhan na ito sa likuran at sa magkabilang tagiliran pero pinagpatuloy nito ang paghakbang sa harap ng fire tree na ilang talampakan na lang ang layo mula sa kinatatayuan niya.

Bumagsak ang parehong tuhog nito sa lupa. Muli siyang gumapang palapit sa Mir pero hindi ito tinigilan ng mga kalaban at muli siyang pinaulanan ng rumaragasang kapangyarihan. Tinamaan ito sa kanang palad. Napako ang palad niya sa lupa dahil lumusot ang palaso sa kanyang kamay.

Napasigaw ang babae. Isang daig ng kirot at hinagpis. Malakas.

Napaatras ako habang nakatunghay sa karumal-dumal na eksena. Kusang kumawala ang mga luha sa mata ko nang mamataan binunot ng babae ang nakatanim na palaso sa kaniyang palad at saka nagpatuloy. Hindi natigil ang pagsigaw nito hanggang sa marating niya ang Mir.

Ilang segundo ang lumipas ay nagsabog ng magkahalong dilaw, puti, at pulang liwanag ang fire tree. Sa itsura nito'y tila tumubo ang mga dahon at bulaklak ng puno na gawa sa apoy.

"Ang Mir tree," nasambit ko.

Hindi nagtagal ay kusang nahulog ang mga dahon at bulaklak ng Mir tree na gawa sa apoy. naglakbay ang mga ito pababa na parang may higanteng embudo gumagabay sa kanilang paglagas patungo sa nakayukong babae.

Bumuhos ang mga pulang dahon at bulaklak sa katawan ng nakaluhod na pastel contender. Nagulantang ako nang muli itong humiyaw. Kasunod no'n ay nasunog ang buong katawan ng babae hanggang sa tuluyan itong maging abo.

The girl burns into ashes.

The legends are true. The Mir tree burns its undeserving contender into cinders and ashes.

###


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top