Chapter 20. Stealer

The pointy tip of the vines moves fast in a curved path. Then they entangle their parts around the handle of the blades. The blades twirl back towards the direction of the thrower like outlandish fangs of a sabertooth opening extraordinarily wide trying to pin the attacker down.  

The blades hit a single target. Dental cutlery that brought its prey into its total demise. 

Isang malakas na ungol ang kumawala mula sa tinamaang kalaban. Pero hindi doon natigil ang pagpapakitang gilas ni Salinas. 

Kasabay ng pagkuyom ng mga palad nito'y punuluputan ng mga makamandag na baging ang tinamaang kalab at hinila pababa. 

Sumigaw ang napuluputang Trapiz habanag dumadausdos ito sa gulugod ng burol. Isa pang malakas na sigaw ang pinakawalan nito bago ito tuluyang hinila pababa sa lupa ng kapangyarihan ng prinsipe. 

Tumalon ako palayo at nagsimulang kumalat ang mainit na enerhiya sa aking mga ugat. Sa muli kong pagtalon ay naramdaman ko ang pagtubo ng mga pakpak sa aking mga braso. Awtomatiko kong naipagaspas ang aking mga pakpak hanggang sa maramdaman ko ang magkahalong init na mula sa sinag ng araw at malamig na bulong ng hangin sa aking mukha. 

With vision about five times sharper than my normal elf eyes, I scan the perimeter and spot several Trapiz moving so fast around the prince's point. At flight, I notice my excellent depth perception due to the overlap, of the right and left fields of vision. 

Then a dark shadow moves across the slope of the hill. I sense enormous energy emerging from the attacker's left hand. 

 I feel the raging icy air against my face as I swoop down close to the hill. I drop my long talons on the attacker's arms and flap my wings as fast as I can to soar higher. The Trapiz struggle against my grip as I bring him up. 

"Let go of me!" sigaw nito sa ere. 

"Masusunod," usal ko saka binitiwan ang lalaking nakasuot ng itim na roba at may takip ang mukha. 

Mula sa itaas ay sinisid ko ang distansya namamagitan saamin ng lupa. I fold my wings like a blazing rocket so that I could plummet faster than the falling enemy. 

As I move past him, I let go of the energy transformative energy surrounding my body. The burning energy travels towards my legs and feet preparing for a smooth landing. My wings gradually slowly reduce into arms as my body slowly approaches the soil. 

Hinagilap ko ang pabagsak na kalaban. Nagtama ang aming paningin. Muli kong naramdaman ang nabuong enerhiya sa kamay nito. Ngumisi ito habang pabagsak sa harapan ko. 

Ngumisi ako pabalik para patas ang laban saka ko inilapat ang aking mga palad sa lupa at sumigaw ng, "Darna!" 

Mali! Sa mundo ng mga tao pala 'yon at dapat may nilulunok akong bato. Kung walang bato pwedeng pawis na lang ni Prinsipe Salinas?

Lihim kong pinagalitan ang sarili ko sa aking kalandian. Muli kong pinaigting ang aking nakakapang-akit na panga habang mabilis na itinanim sa lupa ang enerhiya mula sa aking kamay. Bahagyang dumagundong ang kinaroroonan ko. 

Ilang talampakan bago makababa ang kalaban ay tinawag ko ang aking secret weapon. 

"Oh, My Roots!" Malakas. Mataas. Nakakahalina. Parang songbird! 

Bumulwak mula sa ilalim ng lupa at mabilis na bumulusok ang limang matutulis na ugat patungo sa pabagsak na kalaban. Nagulat ang kalaban sa biglaang pag-usbong ng mga iyon kaya huli na nang magdesisyon siyang patamaan ito ng isang itim na bola ng enerhiya mula sa kaniyang kaliwang kamay. 

Tinusok ng mga ugat ang katawan nito. Paulit-ulit. Walang tigil. Hanggang sa magkapira-piraso ito at tila isang plorerang nabasag at nahulog sa isang semento. 

Nagulat ako sa nakita. Walang dugong lumabas mula sa sugatang kalaban. Parang mga abo itong nagkatawang tao. Parang abo din itong tinangay nang malakas na hangin na maupos ang buhay na nasa sistema nito. 

"Lind, sa likod mo!" Dinig kong sigaw ng prinsipe mula sa paanan ng burol. 

Hindi ko na nilingon ang paparating na matutulis na bagay sa aking likuran. bagkus ay tinawag ko ang aking depensa upang balutin ako at harangan ang paparating na pag-atake. 

"Square Roots!" 

Muli kong naramdaman ang kirot sa kaliwa kong pulso. Umilaw iyon kasabay ng pagkakabitak-bitak ang lupa. Bumulwak ang mga higanteng ugat sa paligid ko. Binangga ng malaking barena ang mga sibat na nababalot ng itim na enerhiya. 

Sparks scatter as the strong clash of blades undertakes. The blades of the dark spears cut through the build of the roots. I move back quickly as my defense magic blocks the incoming attacks. 

Shockingly, random blades and forces begin to rain the quadrilateral defense roots. Hinuha ko'y hindi lang galing sa iisang Trapiz ang mga iyon kundi higit pa sa tatlo o apat. My body begins to tremble as the thought slowly dawns on me that we are being ambushed by a group of Trapiz. 

Muli kong inilapat ang aking mga palad sa lupa. Dama ko ang init sa aking dibdib. Mabilis itong naglakbay patungo sa aking mga braso hanggang sa maramdaman kong muli ang hapdi na gumuhit sa marka sa aking kamay. 

Itinanim ko ang malakas na enerhiya sa lupa. Naramdaman ko ang pagtubo ng mga naglalakihang ugat sa ilalim. Unti-unti, hinila ng nakabalot na enerhiya sa aking palad ang mga ito hanggang sa dumagundong ang lupa. 

Napasigaw ako nang maramdaman kong tila binubusan ng asido ang marka sa aking pulso. Isang malakas na dagundong ang naging katumbas no'n bago tuluyang umulos sa ilalim ng madamong lupa ang higanteng mga ugat na siyang humarang sa mga magkakasunod na pag-atake ng hindi mabilang-bilang na Trapiz. 

Dahil sa sobrang lakas ng salpukang naganap sa pagitan ng aking harang at mga dumating na kapangyarihan ay sunod-sunod na pagsabog ang narinig sa paligid. 

"Lind!" 

Narinig kong tawag saakin ni Prinsipe Salinas na himalang nagawang suungin ang umuulang mga patalim at bola ng enerhiya. Napaluhod ito sa tabi ko saka sinalikop ng kanang braso nito ang likuran ko. Hinila ako nito palapit sa katawan niya. Nagmistulang isang suklob ito sa naninigas at nanginginig kong katawan. 

"You're the heiress. They already know your the Spring Gauntlet heiress and they'll stop at nothing until they see you dead."

"Bury yourself. Call your roots and bury yourself. Ako na ang bahala sa kanila!"

"Wait, what? Magpapakabayani ka? Heroes die early! I can't let you die!"

Tumitig ito saakin. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagngiti ng labi at mga mata nito. Pero kaagad din iyong napalitan ng kalungkutan nang mapagtantong baka ito na nga ang huling laban niya. 

"I'm a member of the Meadanach, Lind. Just like the others, our duty is to protect the season gauntlet bearers. I have to put my life on the line for you to fulfill your purpose."

"Pero, Prince Salinas. I will live forever with guilt thinking that the second region  lost an heir aparent because of me!" My eyes become a cloud of fog. I hold his firm arms and gaze at his royal face. 

His face sows how unwavering his resolution is. Like a brave warrior, he does not blink before death. 

Tears begin crawling down my cheeks. My gut becomes weak. My lungs has began to run out of air. 

He wipes his warm thumb against my cheeks to dry my tears. "I'm sorry for calling you thief, but I mean it the other way around. You're a stealer."

My brows crease. 

"You stole my trust... you stole my attention. You are something, Lind Vor. You are something." 

"I can't have you abandon the crown, Prince Salinas. May iba pang paraan!"

"You're more than a royal title, Lind. Your life means hope to those who have lived in fears for deacades. You're worth saving. You have to go. Go now... bury yourself and hide. We're running out of time." 

Humikbi ako. Pakiramdam ko'y paulit-ulit na hinahampas ng naglalakihang tubo ang sikmura ko. 

Sinakop ng malakas na pagsabog ang paligid. Nayanig ang lupa sa sobrang lakas no'n. Napayakap ang prinsipe saakin. 

"We're outnumbered. You have to go now. Go..." bulong nito.

Hinawakan nito ang mga palad ko saka inilapat sa lupa. Pinilit ngumiti ng lalaki pero hindi umabot iyon sa mapanglaw niyang mga mata. 

Nanginginig kong itinanim ang mainit na enerhiya sa lupa. Nagsimulang tumubo ang malalaking ugat sa paligid ko kasabay ng sunod-sunod na pagsabog sa labas ng harang. Nang maramdaman ko ang paghila ng mga ugat at pagbalot nito sa buo kong katawan ay kumawala ang malalakas na panaghoy mula sa aking dibdib. 

Unti-unti, natakpan ng mga ugat ang gwapong mukha ng prinsipe habang pailalim akong hinihila ng aking kapangyarihan. Bago ako tuluyang mabaon sa lupa ay muli kong narinig ang sunod-sunod na malakas na pagsabog sumabog sa kinaroroonan ni Prinsipe Salinas. Ngumawa ako isinigaw ang pangalan ng prinsipe hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng madilim na mundo. 

You're more than a royal title, Lind. Your life means hope to those who have lived in fears for deacades. You're worth saving. 

The prince's words reverberates in my head. It expands to the nerves of my spine until it finally envelope my chest. 

I feel something for the prince. 

But he's gone... 

Gone.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top