Chapter 15. Sprouting Possibilities
He is like a mighty knight elf in his silver warrior suit with a long black hooded velvet robe paired with long sleeves and white pants.
Mabilis akong sinulyapan nito mula sa ilalim ng kanyang hood na may silver mesh on top of it to give the appearance of golden chainmail. Napansin ko ang metallic silver seal ng second region na nakadikit sa bandang dibdib nito. A belt of silver mesh sits along the waist of the robe and is trimmed with black and gold ribbon. Tila lumilipad ang dalawang mamahaling tela sa magkabilang tagiliran nito pati na ang laylayan ng suto nitong roba na nahati sa harapan.
This handsome snub is really a prince. Mabilis na tumatakbo ang itim nitong kabayo patungo sa babagsakan ng malaking sibat. Inilahad ni Salinas ang kamay nito sa tagiliran at nagsimulang tumubo ang magkahalong metal at berdeng baging na may malalaking tinik. Sa pagkumpas ng kaliwang kamay nito'y nagawa niyang puluputin ang hawakan ng sibat.
Kumaliwa paikot ang kabayo kasabay ng malakas na paghampas ng prinsipe sa nakapulupot na sibat. Mabilis nitong naibalik ang sibat patungo sa pinagmulan nito. Bumagsak ang sibat sa di kalayuan at bumuo iyon ng malakas na pag-alog ng lupa.
"Graen! Take Nott with you!" malakas na tawag ng prinsipe sa pangalang pamilyar sa aking tainga.
"Graen? Is that my guardian elf na walang kwenta?" naibulong ko.
Bago pa man kami makakilos ni Nott ay mabilis namang lumabas mula sa aking likuran si Graen na lulan ng isang kulay abong kabayo.
"Walang kwenta, Lind?" Sinamaan ako ng tingin ni Lind. Nagawa pa nitong paikutin ang mga mata habang papalapit saamin. Magsasalita pa sana ako ngunit napansin kong nahablot na niya si Nott gamit ang kanang bisig nito. Walang kahirap-hirap nitong naisakay ang lalaki sa kanyang likuran.
"Take my hand!" agaw pansing sigaw ni Prinsipe Salinas sa bandang kanan. Nakalahad na ang kamay nito palapit saakin habang rumaragasa ng matulin ang lulan nitong kabayo.
Nakatitig ang kulay abo nitong mga mata. Halos mapigtas ang aking paghinga habang palapit ang lalaki. Itinaas ko ang kaliwa kong bisig. Napalunok ako. Hinila nito ang katawan ko paakyat sa kabayo. Naramdaman ko ang higpit ng kanyang hawak.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Buong akala ko'y sa likuran niya ako hihilain pasakay sa itim nitong kabayo. Nanlaki ang mga mata ko nang patagilid niya akong kinalong patungo sa kanyang harapan.
Mukha akong prinsesang sinagip ng isang prinsipe. Kinilig ako sampu ng aking mga ugat sa lupa. May karapatan naman siguro akong kiligin. Single ako. So, huwag sana akong husgahan ng buong Springgan!
"Kumapit ka," malakas na sambit ng prinsipe. Naamoy ko ang maprutas na hininga nito dahil halos dumikit na ang bibig nito sa mukha ko.
"Huh?" wala sa sarili kong nasambit.
"Huwag mo akong titigan! Ang sabi ko kumapit ka!"
Tila napahiya namang pinulupot ko ang mga bisig sa leeg nito.
"Huwag diyan! Nasasakal ako! Kumapit ka sa baywang ko!" angil nito.
Muli akong napalunok. Amoy mansanas, ubas, kamias, peras, at bayabas ang hininga ni Salinas! Pakiramdam ko'y naiihi na ako lalo na nang yumakap ako sa matipunong katawan nito.
"Ang sarap," wala sa sariling usal ko. Napakagat labi ako nang mapagtantong hindi angkop ang binigkas ko.
"Ang alin?" seryoso nitong sambit.
Nanlaki ang mga mata ko. Itinuon ko ang aking tingin sa mga nalalagpasan naming matatayog na damo. Mas mabuting huwag na muna akong umimik dahil baka ipagkanulo na naman ako ng malandi kong bibig.
Ilang minuto din ang tinakbo ng dalawang kabayo. Kanina ko pa napapansing sa paanan ng bundok ang tinatahak naming direksyon. Anong ibig sabihin nito? Are they rushing towards the Mir tree?
"Why are we rushing towards Mount Gorm?" I ask. I see the blue-hued mountain getting bigger and bigger as we come closer to it. We're almost at the foot of the blue mountain.
"We have no time. The Trapiz has infiltrated the reaping ground. They won't stop until they have eliminated your kind."
"M—my kind?"
"You and Nott have to get to the Mir tree before to get to us. You have a greater purpose, heiress."
"Heiress? Do you mean an heiress of the spring gauntlet? Teka, s—sino ka ba? Why are you doing this? Kaya ba kilala mo si Graen dahil isa ka ring guardian?" tanong ko.
"I am trying to make things right. My sister had done her part. Ayaw kong masayang ang pagsasakripisyon niya kapag nabigo ako."
"You mean Princess Lanuza? Hindi ba kasal na siya sa prinsipe ng 7th region? At anong kinalaman ng nagaganap sa 7th region sa sitwasyon ngayon? Enlighten me!"
"Malalaman mo ang lahat sa oras na makarating ka sa harap ng Mir. I need you and Nott to complete the reaping first."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bago ko pa man maibuka ang aking mga bibig ay nasa paanan na kami ng Mount Gorm. Nakababa na si Graen at si Nott na bakas din sa mukha ang napakaraming tanong.
"Your grace," pagbibigay pugay ni Nott na awtomatikong yumuko nang makababa kami mula sa itim na kabayo.
"I know you have any questions, Nott Uglan of the green kibbutz. But we have no time. Graen Augu and I will accompany you to the Mir tree," sambit ni Prinsipe Salinas. His voice commands power and authority.
"Are we not supposed to complete the stages of the reaping first, your grace?" Nott asks.
"Natapos mo na ang fourth stage. The fifth stage is surviving the green plains. That open field where the ambush happened," Graen explains.
"The fifth stage is that easy?" I ask.
"Maraming patibong sa bahaging iyon. Only a skilled contender could survive the traps and pitfalls on the open field. Good thing, House Flos, created the reaping area. Kaya alam ko kung nasaan ang mga patibong," pagpapaliwanag ng prinsipe.
"W—why are you helping us? It's not fair to the other contenders!" pagtutol ni Nott.
"The delusion that everything should be fair is the only thing that makes life unfair, Nott. The cruelty and system we live in never speak fairness and equality, and the only thing to survive the system is to play their game with their own trump card—bending the rules."
Napanganga ako sa sinabi ni Prince Salinas. The guy could be totally snobbish and rude, but his head has a lot of wisdom. No wonder he is the heir apparent of House Flos, the second region's ruling house.
Bumuntong hininga si Nott, tila nakumbinsi ito sa sinabi ng prinsipe. Muli itong nagsalita, "I know, since we're kids, that Lind is different from the greens. Your grace, is she an h—heiress?"
"Graen?" Salinas consults Graen.
"Well, we can't tell yet unless she reaches the Mir tree. We have to bring the two of you atop Mount Gorm," Graen says.
"B—bakit kailangang kasama siya? An unworthy ruler of the kibbutz will burn into ashes. You know that!" angil ko.
"He may choose not to travel with us. I will give him the right to control his destiny," Salinas utters with a tone of diplomacy. Nagpabalik-balik ang tingin nito saakin at kay Nott.
"Salinas," biglang singit ni Graen, "we need Nott for this plan. Aside from Lind, there should be another contender in front of the Mir."
"One of us should be a sacrificial lamb?" tanong ko. Sa loob-loob ko'y hindi ko gusto ang ideya ng pagsasakripisyo ni Nott para saakin.
"We have to make some sacrifices for the benefit of the majority. Hindi ba't iyon ang gusto nating lahat? To end the ranking system, the slavery, the killings, and the poor sufferings."
Tumango si Nott sa sinabi ng prinsipe. He's been humane and benevolent ever since. "Yes. I don't want the current system. I want to free Springgan from it."
"We must make sacrifices for what we want because if we don't, what we want will be the sacrifice," the prince says.
"Ito rin naman ang pakay ng lahat ng contender: ang marating ang puno ng Mir. If I fail, at least I'd die without regret for not trying. I'll do it, your grace," Nott declares.
His words leave me speechless. Nott make sense, but why does my gut tell me that something isn't right?
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top