Unang Kabanata

Unang Kabanata: Bibisita


Hindi nawala sa isip ko ang binalita ni mama. Hanggang sa nakarating ako sa community college at nang dumating ang hapon, ganoon pa rin. Malayo ang paaralan sa bayan ng Hulatan. Kampante pa ako sa pagsakay ko ng tricycle. Pero habang papalapit kami pauwi, patingin-tingin na ako sa mga taong nakakasalubong sa daan. Iniisip kong baka isa sa kanila ay si Isaiah.

Huli akong naihatid dahil mas malayo pa ang bahay ko.

"Diyan lang po, Manong," sabi ko sa driver nang makapasok kami sa street kung nasaan ang papuntang amin.

Tumigil siya sa tapat ng malaking bahay ng mga Maderal. Sa likod nito ay ang kubo na tinitirahan namin. Pero hindi kita galing kalsada dahil sa taas ng pader na nakapalibot sa bahay nila.

Bumaba kaagad ako pagkabigay ko ng pamasahe. Hindi na ako lumingon sa kanilang bahay at umalis agad diretso sa gilid sa isa sa mga pader nila. Matalahib din dito pero mabilis ang lakad ko dahil sanay na sa daanan. Nang marating ang bahay, dumiretso kaagad ako sa loob.

"Ma?" Sigaw ko pagkababa ko ng bag sa mahabang upuan namin sa kawayan. Naroon na rin ang gamit ng nakababatang kapatid kaya inisip kong kasama niya si Mama. Dumiretso ako sa kusina. Napansin ko kaagad ang kaldero na hindi pa nagagalaw kaya lumapit ako rito.

"Ronald?" Tawag ko sa kapatid nang makitang wala pang sinaing pagbukas ko rito.

Maliit lang ang bahay namin kaya nakabalik ako matapos ang ilang hakbang sa sala. Tumingin ako sa bintana para hanapin ang kapatid sa labas.

"Ronald!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw. Pero katahimikan lang ang sumagot sa akin. Napatingin ako sa kuwarto ni mama. Dumiretso ako sa kurtinang nagsilbing pinto ng kuwarto niya at hinawi ito sa pagtataka.

"Ma?" Tumuloy ako pero wala siya sa papag niya.

Muli kong sinigaw ang pangalan ng kapatid. Lumabas pa ako ng bahay para tawagin siya ngunit ganoon pa rin. Naisipan kong baka nasa likod sila pero masyadong matalahib iyon para kay mama. Baka nasa malaking bahay?

"Katherine?" Nahulog ang tingin ko galing sa mataas na pader papunta sa tumawag.

"Analyn?" Nakauniporme pa rin siya. Tuluyan siyang nakalapit at doon ko lang napansin ang ekspresyon niya. Walang sigla ang mga mata niya.

"Katherine," aniya. "Ang mama mo nasa ospital ngayon. Akala ko maabutan kita sa paradahan kanina pero nahuli ako. Dumiretso nalang ako dito. Mabuti narito ka,"

"Bakit? A-ano raw ang nangyari?"

"Isinugod ang mama mo nina nanay sa ospital. Naabutan daw ni Ronald na walang malay kanina. Hindi pa nagrereply si Nanay kung ano ang nangyari sa kaniya,"

"T-Teka lang," naguguluhan kong tugon. Alam kong may iniindang karamdaman si Mama pero maayos pa kaming nakapag-usap kanina. "Ang ibig mong sabihin, baka inatake siya?"

Kinagat niya ang kaniyang labi.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. May kung anong bumubukol sa lalamunan ko.

"Baka may kung anong na nangyari sa kaniya—teka, aalis ka?"

Nakatalikod na ako nang muling bumaling dahil sa tanong niya.

"Pupunta rin ako sa hospital." Sagot ko.

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako at pumasok sa loob ng bahay. Iniwan ko siya sa labas at dumiretso ako sa kuwarto. Pagkapasok, kinuha ko sa ilalim ang nakatagong ipon. Sunod kong inabala ang paghahanap ng mapaglalagyan. Isang ziplock envelop lang ang nakita ko sa may tukador. Kinuha ko ito at nilagay sa loob ang pera. Paglabas ko ng kuwarto, naabutan ko si Analyn nakaupo sa upuang kawayan.

Nag-angat agad siya ng tingin sa akin.

"Nasa Divine World Hospital sila," aniya.

Lumapit ako para kunin ang bag.

"May masasakyan ka pa ba?" dagdag niya.

Napatingin ako sa kaniya. "Anong oras na ba? Aabot pa ako siguro sa last trip mamaya."

Tumango siya at sumabay sa pagtayo nang kinuha ko ang bag ko.

Lumabas kami sa talahib. Akala ko uuwi na siya pero sumama pa rin siya hanggang kalsada. Hindi ko na lang inisip dahil si mama ang inaalala ko. Nag-iisang magulang na lang namin siya. I don't know where my father is. I can't remember exactly. Basta ang alam ko, mag-isa lang kaming pinalaki ni Mama. Pero base sa hugis ng mukha ko at itsura ng kapatid ko, alam kong hindi Pilipino ang papa ko. Gayon din sa kulay at pisikal na itsura ni Ronald na malayong-malayo sa pagiging Pilipino.

"Mag-iingat ka," sabi sa akin ni Analyn nang nasa harap na namin ang bus.

Nilingon ko siya at nginitian bago magpaalam.

Bata pa lamang, magkaibigan na kami ni Analyn. Malapit ang pamilya niya sa amin kaya ganito ang pagiging samahan namin. Their family works for the Maderal. Tagapangalaga ng malaking bahay tuwing wala sila sa bayan. Kaya ko rin noon nakilala si Isaiah dahil pumupunta ako sa kanila. Hindi naman sila palaging bumibisita pero unang tingin ko pa lang noon sa larawan niya sa kanilang malaking sala, alam ko kaagad na ayaw ko sa kaniya.

Maybe I see him too confident. Rages power even in just a simple portrait. Naalala kong napatanong pa ako noon kay Analyn noong una kong nakita ang portrait sa kanilang sala.

"Nasa terminal na tayo!" Narinig kong sigaw ng kunduktor.

Napakurap-kurap ako sa pagkakatulala. Tumingin ako sa labas. Maraming mga bus ang nakaparada.

Tumayo ako para makita ang kundoktor.

"Papasok pa bang downtown, Lito?" tanong ko. Malayo pa rito ang downtown. At hindi ko rin alam saan ang hospital na kinaroroonan nina Mama.

"Hindi na kami rumuruta roon kapag ganitong oras, Kath, e," sagot ni Lito sa akin.

"Ganoon ba?"

Kinuha ko ang bag ko at bumaba. Inalalayan din ako ni Litong makasakay kaya hindi ako nahirapan. Pagkasakay, inihatid kaagad ako ng driver. Umakyat lang para makapunta sa downtown at pagkaliko, nakita ko kaagad ang pangalan ng hospital. Pumasok ang tricycle at nakita ko kaagad si Manang Dessa sa labas na nasa tainga ang cellphone. Pagbaba ko, napabaling siya.

"Manang, kamusta po si Mama?"

Sinalubong niya ako. Halatang biglaan ang pangyayari sa kaniya dahil hindi siya nakapaghanda sa suot na pambahay niyang duster. Hinanap ko rin ang kapatid ko sa likod niya.

"Naroon si Ronald kasama si Lucencia." Sagot agad ni Manang.

Binalik ko ang tingin sa kaniya.

"Maraming salamat po sa paghatid kay mama rito," sabi ko. Saka lang ibinaba ni Manang Dessa ang kaniyang cellphone. Napalitan kaagad ng pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Hindi alam ng doktor kung kalian magigising si Lucencia mo, Katherine. Kausap ko pa lang si Analyn, mabuti dahil nandito kana." Biglang nanlumo ang mga mata niya. That's when I noticed the moist to the sides of her eyes. Bumigat kaagad ang damdamin ko.

"Ayos lang po ba si mama?"

Umiling siya kaya mas nadagdagan ang bigat ng nararamdaman ko.

"May mga kumplikasyon ang mama mo. Nagkaroon din ng impeksyon ang katawan niya dahil hindi na naagapan ng gamot. Oras na lang din ang binibilang ng doktor sa buhay niya," dagdag niya.

Nanatili ang mga titig ako sa mga mata niya. Absorbing every word she said. Pero unti-unting bumaba ang tingin ko.

"A-alam na po ba ni Ronald?"

"Hindi ko pa sinabi sa kaniya,"

Unintentionally, my hand started to form a fist. Wala na palang silbi itong perang pinag-iipunan ko. Memories of my mother flashed to my head. Pati iyong sinabi niya kaninang umaga. Nanghihina ang tuhod ko. Kung hindi lang ako niyakap ni Manang, baka napaluhod na ako rito.

"Kung gusto mong makita ang mama mo, sasamahan kita," bulong niya sa akin.

Wala akong naidugtong na sagot. Napakagat na lang ako sa labi para mapigilan ang sarili na maluha. Pero ang init ng mga yakap ni Manang Dessa ay nanghihikayat. Nanghihikayat na huwag kong pigilan ang sarili ko sa totoo nitong nararamdaman. The pain should be dynamic to deny for.

Kagaya nga nang sinabi ni Manang, ilang oras lang nanatili si Mama. Ronald and I witnessed her before declaration. Si Manang Dessa rin ay naroon gumagabay. Sa bahay na rin ginawa ang lahat ng mga preparasyon bago ang libing. Ilang araw lang lamay para hindi tumaas ang gastosin. Mga kakilala lang din ang nakiramay hanggang dumating ang araw ng libing.

"Ayos lang ba kung doon na lang kayo sa malaking bahay, Katherine?" si Manang Dessa pagkauwi namin, matapos ang libing. Sumama sila ng asawa niya sa bahay.

Saka ko lang napansin na wala hindi ko nakita si Isaiah. Hindi naman sa malapit kami pero sa pagkaka-alam ko, umuwi na siya rito. Tumingin ako sa mag-asawang nakaupo sa kawayan sa sala. Pero mas tinuon ko ang atensyon kay Manang.

"Nakakahiya naman po kung doon din kami titira," sagot ko.

"Magpapaalam ako kina Lucille. Maiintindihan niya iyon kaya sumama na kayo. Mahihirapan din kayo rito,"

Napatingin ako sa kapatid ko na nakatayo malapit sa pintuan. Nakatingin siya sa labas pero alam kong nakikinig siya sa usapan. Binalik ko ang tingin kay Manang Dessa. Hindi alam kung ano pauunlakan ba ang paanyaya niya.

"Kaya naman po namin dito ni Ronald, Manang," giit ko pa rin.

"Mas matutulungan namin kayo. Para makapag-focus ka rin sa kursong pinag-aaralan mo,"

Natigilan akong madugtungan ang kaniyang sinabi. Hindi na muna kami pinilit ni Manang Dessa. Pero nakuha ko ang sinabi niya. Simula rin kasi noong magkasakit si Mama, hindi na ako naging kwalipikado na mag-enroll sa ikalawang antas ng kolehiyo. Marami akong bagsak na asignatura. Dahil iyon sa paghahanap ko ng pera para sa pagpapagamot ko sana kay Mama.

Dalawang araw ang lumipas nang muling bumisita si Manang Dessa. Si Ronald ang nakausap niya. Madaling araw na rin kasi akong nakauwi dahil sa isang sinalihan kong patimpalak.

"Doon na lang ba tayo?" tanong ko sa kapatid ko matapos niyang ikuwento ang muling pagbisita nina Manang Dessa.

Nasa hapag kami nagtatanghalian. Kakagising ko lang din.

Hindi ako nagsalita pero dinagdagan niya ang sinabi niya.

"Kung magtrabaho na rin kaya ako? Hindi ka na magpapagabi, Ate."

"Ano na naman ang gagawin mo?" tanong ko.

Mariin kong tinitigan ang bughay niyang mata. Gumalaw ito para iwasan ang titig ko. Pero napagtanto kong marunong din kumanta si Ronald. Kaya lang hindi siya hasa kagaya ko kaya imposibleng manalo siya. Bigla niyang binalik ang tingin sa akin kaya bumalik ulit ang atensyon ko sa usapan.

"Puwede akong mag-extra sa isang factory ng mga Sullivan,"

Kumunot ang noo ko. "Magbubuhat ka?"

Natutop naman niya ang kaniyang labi.

"Maapektohan ang pag-aaral mo diyan sa pagtatrabaho mo. Baka matanggal ka—" dagdag ko pero pinutol niya.

"Kung palagi kang uuwi ng madaling araw, mas gugustuhin ko lang na magtrabaho. Hindi mo alam anong puwedeng mangyari sa 'yo. At ayoko ring ako lang ang palaging inaalala mo."

Napakurap-kurap ako sa bigla niyang pagsagot.

"Bakit ka—"

"Pumayag na ang mga Maderal na manatili tayo sa kanila. At bibisita ulit mamaya si Manang Dessa kasama na raw si Kuya Isaiah. Gusto ka ring kausapin niya,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top