Ikatlong Kabanata
Ikatlong Kabanata: Enthusiasm
Akala ko aalis agad sila matapos ideklara ni Isaiah na parating na ang mga tauhan ng tito niya. Nanatili sila. Inunahan iyon ni Manang Dessa para raw may makasama ako. Ilang sandali, lumabas siya para tingnan kung parating na sila kaya ako muna ang pumalit at umupo sa puwesto niya. Bigla akong nakaramdamam ng pangangalay. Dahil siguro sa prisensya ni Isaiah.
Lumipat ang mata ko sa kaniya nang makita ko siyang naglakad papunta sa puwesto ko kanina. Iaalis ko na sana ang atensyon ko sa kaniya nang mapansin ko kung saan nakapukol ang tingin niya.
Tumayo ako para ayusin ang kurtina ng kuwarto ko. Hindi ko siya tiningnan. Nang mahawi ko ito pabalik sa dating ayos, bumalik ulit ako sa pagkakaupo. Wala rin naman siyang sinabi.
Habang naghihintay, bumabalik ang atensyon ko sa kaniya. Ilang minuto pa lang naman ang lumilipas. Para siguro hindi mainip, inaabala niya lang muna ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga gamit sa bahay. Maliit lang ang bahay namin. May isang sirang TV sa gilid niya. Sa tabi nito ay ang maliit na altar na may mga frame naming nakahilig sa gilid. Iyon ang pinagkakaabalahan niya ngayon.
Nag-iwas ulit ako ng tingin.
Kalat sa probinsya ang ginawa ko noon kay Isaiah. Isa na rin siguro sa dahilan ay ang pagiging kilala ng pangalan nila. Ngayong titira ako sa puder ng mga Maderal, hindi ako sigurado kung malaking balita ito. Matagal na iyon. Ako nga mismo ay nakakalimutan na iyon.
Napabaling ulit ako sa kaniya nang umatras siya galing sa altar at umangat ang tingin. Napaangat din ako ng tingin. Hindi ko na pala namamalayang guwardado ng mata ko ang mga kilos niya. Kung hindi lang siya bumaling sa direksyon ko, matagal ko pa sigurong mapapansin ito.
"How long have you been staying here while your house's like this?"
Nanlaki ang mata ko.
"Matagal na, kuya," sagot ni Ronald sa kaniya.
Bumaling ako sa direksyon ng kapatid. Nasa may siwang pa rin siya papasok ng kusina. Nag-iwas siya ng tingin nang pinanlakihan ko siya ng mata. Binalik ko naman kay Isaiah ang atensyon ko.
He saw doing that. Hindi niya kasi inalis ang tingin sa akin.
"Hindi niyo ba 'to pinaayos?" Dagdag niyang tanong. Alam kong sa akin na iyon.
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng isang kilay ko.
"Tanong ba 'yan?"
Nanatiling ang tingin niya. His eyes are still sensual. Hanggang ngayon, ramdam ko pa ring hindi ako sanay. Pero kahit na, nakipagtitigan pa rin ako.
"Huwag mong ikukumpara ang bahay namin sa mansyon ninyo," dagdag ko. Hindi ko na rin napigilang hindi ipakita ang inis sa kaniya.
"What are you talking about?" He snorted.
Umaalburuto ang inis ko. Ayokong manggigil sa kaniya ngayong lilipat kami sa bahay nila.
Stopping myself to burst my annoyance, I moved to face the window behind me. Hindi ko pinansin ang tanong niya at sinubukang hanapin si Manang Dessa sa labas sa nakikita lang sa bintana. Gagalaw pa sana ako para mas mahagilap ang buong labas nang mapalingon dahil sa paglapit ng yabag ng bota sa likod.
Bahagya pa akong nagulat dahil lumebel ang mukha namin. Nakayuko na siya. Hindi ko alam kung nang-iinis pero ginagaya ang ginagawa ko.
"Ano ba?!" Tinulak ko siya sa leeg.
I heard his small chuckles as he move a little. I'm irritated. And he knows that.
Nahagilap ko ang pag-alis ni Ronald sa kinatatayuan niya. Muli kong tinulak ko naman si Isaiah para makatayo at lumabas din ng bahay.
"O, come on. Didn't you miss me?"
Napalingon ako nang marinig ang tanong niya.
Puno ito ng pang-iinis.
I glared him. I could almost hear the whistles coming out of my ears.
"Huwag mong susubukang magalit ako sa 'yo."
His smile widened, successful to whatever he's up to. I pressed my teeth on my lower lip. Pumagitna rin agad ang kaniyang palad nang makitang hindi ako natutuwa. But his smile widened more.
Nag-iwas lang ako ng tingin nang umingay sa labas dahil sa mga bagong dating. Nakarating na pala ang mga tauhan. Hindi ko na binilang kung ilang minuto ang inabot nila. O baka nag-oras ba. Tinuro ako ni Manang Dessa nang tuluyan akong nakalabas. Inimbita ko sila at ako na ang nagmuwestra sa kanila sa mga kukuning gamit sa loob ng bahay.
They were five. Akalain mo namang maraming mga gamit ang dadalhin. Kaya dahil doon, mabilis na natapos ang gawain.
Isaiah was also with them helping. Si Ronald at ako ay tumulong din. Hindi naman ako ganoong tumutulong sa pagbubuhat. Tagapulot lang ng kung anong mga nahuhulog na bagay sa daanan papuntang bahay ng mga Maderal. Hindi naman palagi may nahuhulog kaya parang sumusunod lang ako sa likod ng mga tauhan.
Ako ang nagbukas ng gate. As soon as we stepped in, the beautiful landscape greeted us. It leveled the white mansion whose exhibiting majesty because of its golden accents at the upmost of the roof. Idagdag pa ang poste ng portico na pumapantay sa tatlong palapag na bahay. May ginto ring nakaukit sa linyang nakapalibot dito kaya kapansin pansin agad ang pagiging Maderal nito sa labas pa lang.
Tumuloy kami at agad kaming sinalubong ng ilang mga tauhan sa loob. Napansin ko agad ang dami nila kaya hindi ko naiwasang hindi magtaka.
"Nagpadala si Lucille ng mga tauhan ngayong nandito ang unico hijo niya," bulong agad ni Manang nang mapansin siguro niya ang pagtataka sa mukha.
Bumaling ako sa likod para hanapin ang unico hijong tinutukoy nito. His dress shirt is now buttoned down. May tinuturo siya ngayon sa mga tauhang naunang dumating kanina na pabalik na sa bahay namin ngayon.
"Magtatagal din ba siya rito?" tanong ko kay Manang.
Nagkibit balikat siya.
"Dipende pa siguro. Halina tayo sa loob. Para makita mo ang kuwarto ni'yo."
Hindi na ako namangha nang salubungin kami ng malaking chandelier ng portico. We entered immediately and the wide living room welcomed us. Napansin ko agad ang pagiging maaliwalas nito. Isaiah really knows how to make his people move, huh. At pumapasok pa sa loob ang liwanag ng panghapong araw. Kagaya sa labas, mataas din ang kisame rito. Mga mamahalin din ang muwebles sa loob lalo na sa malapit sa engrandeng hagdanan.
Hindi na ako nagmasid pa. Dumiretso kami ni Manang Dessa hanggang pintuan kung saan may mga kasambahay na nanonood sa labas. Naabutan naming lumabas ang isang lalaking tumulong. Lumagpas sa likod ang mata niya at naglakad matapos tumango.
"Dito na ang magiging kwarto ninyo," ani Manang Dessa matapos sawayin ang mga kasamabahay na wala nang ginagawa.
Malapit sa dining area ang pinto. Tumango ako kay Manang Dessa. Mas mabuti na itong dito kami para madali lang kung sakaling kailangan ng tulong sa kusina o ano pa.
Tinuro ni Manang Dessa ang isa pang pinto na kapareho ng kuwarto namin.
"Ito naman ang stock room ng buong bahay,"
Tumango ako.
"Maraming salamat po, Manang Dessa,"
"Ano ka ba. Para ko na rin kayong anak. Halika pumasok tayo,"
Tumuloy kami sa loob.
"Walang sariling bathroom ang kuwartong ito. Pero malapit lang ang common bath. Nasa may kusina lang," dagdag niya.
Nasa loob na si Ronald. Napansin ko agad na maayos na ang mga gamit namin. The walls are all painted white. May isang bintana rin sa dulo at may malaking dresser naman sa tabi ng double-decked bed. Pero humito ang tingin ko sa tukador na dinala namin.
"Sana pala hindi nalang namin 'to sinama," sabi ko.
Masyado nang luma ang tukador na ito kumpara sa isang narito na mas malaki at mas bago. Napatingin din si Manang Dessa sa tinutukoy ko. Pero nakuha agad ang atensyon namin nang pumasok si Isaiah sa kuwarto. Iniwan naming nakabukas ang pinto. Pagkapasok niya, sinarado niya ito Dumapo agad ang mata niya sa sinusuri namin. Pagkatapos ay lumipat ang tingin sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin.
"Ipapaayos natin iyan."
Nakuha niya ulit ang atensyon ko.
"Ito?" turo ko sa dala namin.
"If that will be okay for you,"
Tumaas ang kaniyang kilay at hindi pinalagpas ang panunuya sa mga mata.
"Ayos lang iyan kay Katherine, Isaiah. Sasabihan ko rin si Joseph mamaya para maayos agad bukas ng umaga."
Napapikit-pikit ako. Hindi na lang ako dumagdag dahil ayokong may kung ano pang lumabas sa bibig ngayong narito si Manang Dessa. Nakakahiya lalo na at pinapatuloy niya kami sa bahay nila ng libre.
Ilang pagsusuri lang ang ginawa nila pagkatapos at lumabas kaagad.
Pumili kaagad si Ronald ng puwestong hihigaan. Hindi na ako nakipag-agawan nang umakyat siya sa ibabaw na deck. Maayos na sa akin sa ilalim dahil hindi ko na kailangang maghirap pa. Umupo ako sa gilid ng kama para makapagpahinga.
I took a long deep breath.
"Ate, hindi kapa nagpapasalamat kay Kuya Isaiah," bulong ng kapatid ko sa itaas.
Umangat ang tingin ko sa ilalim ng kaniyang kama. Sasalungat sana ako kaso naalala ko ang pagpapatira niya. Napakagad ako sa labi.
"M-mamaya na," sagot ko.
I mean it but I only sounded as if enthusiasm was lacking in it. Nagulat tuloy ako ng biglang binaba ni Ronald ang kaniyang ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top