Ikatatlumpo't Walong Kabanata

Ikatatlumpo't Walong Kabanata: Lied


Agad kong pinatay ang shower. Lumabas din ako sa shower room at pinatuyo ang sarili gamit ang twalya na ginamit ni Isaiah. Hindi ko na lang pinansin at naging payapa naman ang isip nang nagpupunas na ako ng sarili. Pinapaikutan ko na ng twalya ang ulo nang mapatingin ako sa sink. Nahulog ang panga ko nang makitang wala roon ang damit na dapat ay doon ko nilalagay tuwing nag-s-shower.

"Katherine, ano ba ang nangyayari sa 'yo!" pabulong kong daing.

Lumapit pa ako roon dahil baka hindi ko lang nakita. Pero talagang wala. At agad ko namang naalala na naiwan ko ito sa loob ng closet sa pagmamadali kong makalayo agad kay Isaiah.

I mentally cursed myself for being so stupid.

Tinanggal ko agad ang bahagyang nakapulupot nang twalya sa buhok at binalutan agad ang sarili. Nagdalawang-isip pa akong lumabas.

Lumapit ako sa pinto at hinilig ang tainga para pakinggan ang tao sa labas. Pero tahimik iyon.

I questioned where they went.

But before they come back, I grabbed the doorknob, opened the door, and rushed myself out from the bathroom. Mabilis akong nakapasok sa walang taong closet. Ni-lock ko agad ang pinto at natagpuan agad ng mata ang mga damit na pinaglagyan ko kanina no'ng ako'y naghahanda pa lang.

Nagmamadali kong dinamitan ang sarili ng isang silk night gown. Medyo kumportable iyon at mabilis akong makakatulog nito.

Matapos kong i-blow dry ang buhok, lumabas agad ako. I then proceeded with my nightly skin care routine before deciding to go out of the room. Nagkaliban ako kahapon nito dahil sa pagod sa biyahe. Ngayong naalala, hindi ko na pinalampas. Hindi naman ako nagtagal sa ginawa. Agad din akong lumabas at natagpuan ang dalawa sa couch ng living.

Mahina na ang ilaw sa buong paligid.

My eyes saw Paul holding a glass of milk; attentive to the show I knew he'd enjoy watching. Basing from how the seriousness of the voice is narrating I can hear. Si Isaiah naman ay napatingin sa akin. Nakahiga siya ng patagilid at sumasandal sa katawan niya ang anak. I even saw his free hand supporting Paul's shoulder so he could rest properly while having his drink.

Paul doesn't usually drink milk in the evening. Maybe it wasn't just my thing for him but I shrugged it off and faced the kitchen to get some water. Ramdam ko naman ang pagsunod ng tingin ni Isaiah sa akin.

Wala nang tao sa labas bukod sa dalawa. Jenine is probably in her room right now. Wala rin naman siyang gagawin na pero ngayong ako itong mukhang out of place sa dalawa rito, parang nanghihinayang akong pumasok siya agad. Wala tuloy akong puwedeng may makausap.

"You're going to sleep early, Paul, after that, huh?" sabi ko nang nakabalik.

Paul nodded without glancing towards me.

Si Isaiah naman ay muling napalingon. Kita ko sa mga mata niya nang balingan ko siya na inaabangan niya ang susunod na gagawin ko. Gusto ko lang talagang i-check kung nasaan sila. Pero sinubukan kong kausapin siya.

"Patulugin mo nalang siya pagkatapos niyan. Have his teeth brushed before sleeping, too," tinuro ng daliri ko ang kitchen. "Nasa pack doon ang kaniyang toothbrush. The small one, color blue."

"Aren't you joining us?" I felt his tone slightly suggestive.

Umiling ako pagkatapos ay tinuro ang pintuan ng kuwarto.

"Mauuna na akong matulog. Jeremy and I will be meeting for tomorrow, according to schedule. Mga meetings, gano'n."

Tumango siya. Yumuko at nakita kong nilapit ang mukha sa tainga ng anak. Paul then changed his focus. Pinanood ko ang paglipat ng kaniyang tingin sa gilid dahil mukhang may binubulong sa kaniya ang ama. Matapos ang ilang segundo, tumango si Paul.

"Mommy will be busy tomorrow, papa." Sagot lang sa kaniya ng anak. Nag-angat din ito ng tingin sa akin.

My brows shut up when Isaiah's eyes directed at me. But I immediately tore it, kneeled closer, leveling myself to my now smiling son in front of him. Ramdam ko namang sumunod ang tingin niya nang lumapit ako. Hindi ko na lang inintindi, at hinayaan siyang panoorin akong ngumingiti kay Paul.

"Mommy will be sleeping early, hmm?" I said, rubbing his cheeks with my thumb softly. Medyo nawawala na rin ang baby fats sa mukha nito.

"Can I have my good night kiss, baby?"

Sumimangot siya. Hindi ko agad nakita pero kalauan ay napatango nalang nang may naalala ako sa kaniya. Napangiti nalang ako at ako na mismo ang lumapit para mahalikan siya.

Sa kabilang banda ako humalik, hindi sa parte kung saan makikita ko ng malapitan ang mukha ni Isaiah. Tumayo agad ako at tiningnan si Isaiah para makapagpaalam. Tumango lang ito bilang tugon.

Inside our room, I couldn't sleep. Bumalik sa isipan ko ang pag-aalalang matutulog kami sa iisang kama. Pumikit ulit ako at pinatagal pa ngunit ganoon pa rin, buhay na buhay ang isipan. Sa huli, sumuko ako at inabot na lang ang cellphone. Nakita ko naman agad ang mga reply ni Ate Zydda.

I then asked her regarding the upcoming wedding.

Ako:

Saan pala dadaluhin ang kasal ninyo?

Akala ko hindi siya makakapagreply. Hindi ko pa nalilisan ang application sa cellphone ay nag-text siya agad.

Ate Zydda:

Sa Leyte tayo sa resort nina Greg. Hindi mo pa ba natatanggap ang pinadala kong imbitasyon?

Hindi ako nagtipa ng reply sa kaniya. I pressed her name for a call. Mabilis niya namang nasagot hindi pa nagdadalawang ring ang tawag. Her background was the same with mine, calm and serene. Maliit na ugong lang ng siguro'y aircon ng kuwartong kinaroroonan niya ngayon. Inisip ko nalang na nasa unit siya ng Monte de Ramos ngayon.

"Hello?" halos magsabay kaming dalawa sa pagbanggit nito.

Hers were uttered in monotone while mine was pitched up for a question.

"Saan mo pinadala ang imbitasyon?" tanong ko.

"'Yong binigay mong card sa akin noon. May address doon. Kaya doon ko na pinadala."

Hindi ako sumagot at inalala ang insidente na kaniyang sinasabi.

"Magbibigay nalang ako ng sarili ko. O, puwede mo namang ibigay sa akin? Aalis kami bukas. Available ka?"

"Teka lang..." her voice became distant. I just concluded that has to do something, leaving her phone alone in her bed. "Tatawag ako! May gagawin lang ako. Patayin mo lang muna ang tawag!"

Sigaw niya sa isang malayong boses. Matapos noon ay narinig ko ang isang pintuang bumukas. At kahit na sinabi niyang patayin ko nalang muna ang tawag, hindi ko parin ginawa at hinintay ko siya. It took her almost three minutes before finally coming back. Pabalik balik lang ang tingin ko paanan ng kama at sa pintuan habang naghihintay sa kaniya.

Bumalik lang ang atensyon noong narinig kong may kumuha sa cellphone.

"Hello?" tanong ko.

"Ay, ang gaga! Sinabi ko namang tatawag ako!"

Our conversation continued. Pinag-usapan namin muli ng mas detalyado ang kanilang kasal. Hindi raw siya makakaalis bukas. Nabanggit din niyang Linggo bukas at may mga pupuntahan sila ng kaniyang fiancée. Ang kasal ay gaganapin sa kilala na pala ngayong surfing camp sa Leyte. Biniro rin niya akong kaya raw doon nila gagawin ang kasal at reception para may market na rin dahil kasama ako. Gusto ko pa sanang dumagdag kaya lang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok si Isaiah na dala na ang tulog naming anak sa kaniyang malalaking braso.

Agad akong nagpaalam sa katawag. Hindi ko na hinintay na makasagot si Ate at pinatay agad ito.

Our eyes were tied while I was doing that to Ate Zydda. I saw something in there but I immediately refused to think it and look down to our now sleeping son. Tumayo agad ako para madaluhan ang anak.

"Hindi ko napansing nakatulog na," bulong ni Isaiah pagkalapit ko.

Tumango ako nang hindi tumitingin sa kaniya. Medyo nagpapanik din kasi ako.

Nakita kong sinarado ni Isaiah ang pinto gamit ang kaniyang isang paa. Pilit ko namang inaalalayan siya sa pamamagitan ng paghawak kay Paul sa ulo. Na wala rin namang silbi. Pero pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang nasa tapat na kami ng kama.

Bumitaw rin ako at hinayaan siyang ilapag ang anak sa gitnang parte ng kama. Nakatayo ako sa likod niya, pinapanood siyang hindi manlang nahirapan sa ginawa. Nang maihiga na ang anak ng maayos, umatras na ako at nagdesisyong ako naman ang hihiga sa tabi nito. Ngunit agad akong hinarap ni Isaiah.

"I thought you were asleep. Sino 'yong kausap mo?" Bumubulong siya.

Napabaling ako, nasa may may baba pa lang, hindi pa tuluyang nakakaikot sa kabilang puwesto ng kama.

His brows were raised. Naisip ko ang pinag-usapan namin ni Ate Zydda.

"Wala lang. Tungkol lang sa kasal,"

His face shifted, halatang napukaw ang atensyon.

"Kasal?"

"N-ni Ate Zydda... at ng fiancé niya, si Ate ang kausap ko."

Nanatili ang tingin ko sa kaniya pagkatapos. Tumahimik ang paligid. Sinubukan ko namang gawin uli ang pag-ikot sa kabilang kama. Hindi na ako lumingon sa kaniya at tuloy-tuloy ang paghiga. Nakatayo pa siya nang pinlupot ko ang isang braso para mayakap si Paul hanggang sa tuluyan na akong nakatulog na ganoon ang posisyon.

My worries about our first night together got washed away. Nakatulog ako ng walang kahirap-hirap. Siguro, ayaw ko lang talagang magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap kaming dalawa. I've said my words to him already. I am contented by that already.

Maaga akong nagising kinabukasan. Ganoon pa rin ang posisyon ko at nakayakap na ang anak sa akin ng tingnan ko. And Isaiah's huge hand is hugging my arm as well. Hindi ko kaagad naramdaman iyon dahil nasa ilalim ng comforter pero nang gumalaw ako ay bahagya siyang gumalaw.

They were rough like how they used to, and warm like the sun rise.

Paul moved because of what I did. Si Isaiah naman ay biglang napamulat. Mabilis akong pumikit at nagkunwaring tulog pa rin.

I felt the comforter move, and then his rough hands touching my skin, climbing back to my arms. At talagang ginapos niya pa ito gamit ang kaniyang mga daliri. Hindi ako nakaangal dahil sa pagkukunwari. Minutes after, the bed came calm again. Muling bumalot sa loob ng kuwarto ang mabababaw na paghinga ng dalawa.

Nagdesisyon akong iangat ang aking ulo. Pinasadahan ko ng tingin ang dalawa.

Paul is now lying in his back, tiny fingertips peeping out from the comforter, protecting it from falling away from his body. Sunod na pinasadahan ko ng tingin ay ang lalaking patagilid paharap sa aming natutulog sa tabi niya. Small portion of Isaiah's upper shoulder is revealed. Lalo na dahil sleeveless and shirt na suot niya.

Tuluyan na akong bumangon pagkatapos ng ilang minutong panonood sa dalawa. My heart felt full seeing them together. Kakasimula pa lang ng araw, parang kumpleto na agad ito.

Wala pa si Jenine nang lumabas ako ng kuwarto. Kagaya tuwing nauuna akong magising sa kaniya, inuunahan ko siyang magluto ng kanin. Rice remained essential to our daily living while in States. Napansin ko rin na kaunti na lang ang pagkain namin dito. Siguro mamaya maggogrocery na kami.

Hindi pa tuluyang natatapos nang pumasok si Jenine.

"Ako na lang nito," sabi ko sa kaniya.

Hinayaan niya na ako at nang natapos ay dumiretso na sa banyo. I did my thing there and when I was done, naroon na si Isaiah sa labas. He's observing the scenery in the morning when his eyes finally found mine.

Tinuro ko ang kuwarto at tumango siya.

"Sasamahan ko lang muna si Paul." Paalam ko sa kaniya.

The whole week was full of adaptation to our new set up. Or maybe it was all just me. Isaiah feels used to it all day. Sabagay, ako itong nasanay na kaming tatlo lang ni Jenine ang nasa loob ng unit noon. Kaya wala gaanong pinagbago sa parte ni Isaiah. Mali. Mayroon nga pala. Siya ay naging isang ama.

That Sunday meeting was only a small informal business talk. Isaiah stayed with Paul. Kahit na hindi naman pormal, kinailangan din naming paanyayahan ang kakilala ni Jeremy na nagbigay sa akin ng imbitasyon. Ayos lang naman sa parte namin.

At tuwing bibiyahe kami, sa loob ng sasakyan ni Jeremy, kinukwento niya ang mga gagawin ko habang nasa Pilipinas ako. Una ay iyong sinadya namin. Para iyon sa isang live performance in a known Sunday show. Pero kagaya ng kadalasang nangyayari kapag on air, pre-taped ang ganap.

"Pero i-eere siya ng live," sabi ng isang organizer sa restaurant noong nagkaharap na kami.

Kadalasan ganoon ang ganap namin. Makikipag-meet para i-organize ang magiging set-up, pagkatapos ng ilang araw, bibisitahin ang studio, at susundan ng ilan pang araw bago ang performance. Kasali na roon ang mic check at iilan pang mga pagsasanay.

Paul and Jenine got used to me being loud in our unit for every practice. Pero dahil may panibago kaming kasama, nailang akong gawin ang kadalasang ginagawa.

"Nandito, ha? Basta ingatan mo 'yan." Si Ate Zydda, isang tanghalian noong nagdesisyon kaming magkita sa isang chain ng mga Monte de Ramos restaurant.

Kilala ang resto kaya maraming tao.

Somehow, after many years of being out of the country, now that I'm here, and even if I didn't grow to the place, feels like I am hugging my home already. And talking about home, I didn't know people in our province own such businesses like these.

Nakakapanibago.

Tumango ako sa kaniya at nilagay agad sa shoulder bag ang binigay.

Nasa isa kaming private room. Hindi naman ganoon ka-private dahil glass pa rin ang buong pagitan. Pero kahit na, hindi kami gaanong nagugulo. May mga nahahagip lang akong kumukuha ng picture.

"At nandyan na rin ang mga kantahin mo."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ang paglapad ng kaniyang labi. Kinunutan ko siya ng noo at muling kinuha sa bag ang binigay niyang invitation.

"Huwag kang mag-alala. Alam kong mahal na ang bayad sa 'yo pero request lang naman 'yan e."

I saw three familiar song titles on the list. Nakabukod lang iyon sa imbitasyon. Sinadyang para lang talaga sa akin.

Medyo nagtagal pa kami roon. Nagtagal lang dahil sa mga kuwentuhan namin. Pati na rin ang parte noong nalaman ni Isaiah ang tungkol kay Paul.

"Posible ngang may ginawa si Isaiah tungkol diyan!" kumento niya noong sinabi ko ang naisip noon. "Pero kailan niya pa nalaman daw?"

"Naiilang pa rin akong makipag-usap sa kaniya. Hindi pa rin ako kumportableng magtanong-tanong." Sagot ko.

Her eyes widened from my confession. But I snapped when I remembered something she said before. Kunot na ang noo ko dahil sa naalala ko.

"Saan mo pala nalaman ang tungkol sa pag-aasawa niya? Inakala ko kinasala siya."

"Kay Greg," she leaned backwards away from our messy table.

Kanina pa kami tapos kumain at dahil nag-uusap pa, medyo hindi na namin iyon napansin. May sumubok naman kaninang linisin iyon pero hindi lang muna pinahintulutan ng kaibigan.

"Totoo ba 'yon? Nakausap ko siya tungkol doon. Hindi raw siya kinasal. Baka rumor lang?" ako na medyo kumbinsidong iyon nga.

There was another silence.

Nag-isip-isip muli ako ng sasabihin habang tinitingnan ko ang medyo mataong paligid. Nasa second-floor kami ng restaurant na ito.

Bumalik ang tingin ko sa kasama. "Baka rumor lang?"

"Huh?! Rumor?" her shoulders rose. "Sabagay, hindi naman talaga alam. Pero naalala kong nabanggit ni Greg na kakilala raw ng mga Maderal ang babae. Business partner?"

The tone in her question is giving a little hint.

"Hindi ako sigurado ha," dagdag niya. "Alam mo naman ang mga 'mayayaman kunu', tinatali sa kaparehong 'mayayaman' din."

We ended our conversation with her maxim.

Markado iyon sa isip ko na kahit medyo nagkagulo pagbaba ko ay hindi ito humupa agad. At habang nasa sasakyan ni Jeremy, bumisita sa daloy ng pangamba ko ang nangyari noon sa amin. At sa kinuwento ni Manang Dessa sa akin.

Ayaw ng mga magulang ng Maderal sa pamilya ko. From my mother down to its children; that's me and Ronald. Dahil ba mahirap lang kami? Since then I've been grasping for my own success. To earn properly with good amount of money. Para sa aming dalawa ng kapatid ko. Para mapag-aral ko ito.

And with what we have now, after what happened, the surprises I couldn't believe exist; will their point of view still be the same?

Maaring may magbago sa pananaw nila. Ngunti ayaw ko paring makampante. Noong nalaman ko kay Isaiah na gustong kunin ng Don at Doña ang anak ko, parang may bumubulong pa rin sa akin. Hindi takot at hindi rin pangamba. Hindi ko alam basta ayaw ko na ring alamin dahil baka masaktan ko lang ang sarili ko.

Nagulat pa ako pagbaba ko ng sasakyan sa basement dahil nakasabay ko si Isaiah. Hindi na umakyat si Jeremy kahit na inanyayahan ko siya. Kaya noong naglalakad ako papuntang elevator, bahagya akong napatalon nang makita ko siyang palapit din. Pareho kami ng nilalakad na direksyon.

May permanente na rin itong parking space. Look at what his money can do. At palagi ko paring nakakaligtaan si Jeremy na kaligtaan tungkol sa isang bagay.

In his properly sewed black suit, I saw him pressed the elevator when he got there first. He immediately turned and our eyes met.

Hindi ako nagsalita pagkalapit ko, kagaya tuwing nagkakasabay kami sa elevator. Pinaparamdam ko parin sa kaniya na pinapanindigan ko ang sinabi ko. Lalo na ngayong may panibagong dahilan ako para ayawan siya.

"How was your day?" siya, na palaging sinasabi tuwing nagkakasalubong kami rito.

Funny how we seemed to be strangers though we sleep in the same room. Gusto kong bigwasan ang sarili na maarte ngunit may mabuting dahilan din naman ako kahit papaano. Kahit may kumikibot talaga na kung ano sa loob ng puso ko.

"Fine." I said, acting cold again.

Pinagsalikop ko ang magkabilang braso habang nag-aantay kaming dalawa ng elevator.

"I've called papa, earlier,"

Tatalikod na sana ako kagaya sa palaging ginagawa ko nang magsalita siya. Isang kilay ang umangat sa akin at pinagalaw ang mata para makita siya nang hindi nililingon ang ulo.

"I scheduled them a dinner, for us, to finally meet them. Gusto rin ni Mama na makita ang kauna-unahang apo niya."

"Hindi lang muna sasama si Paul," sabi ko.

"It's fine. I mentioned about that to papa."

Kusa nang gumalaw ang ulo ko para lingunin siya. Naghihintay ako ng karugtong sa kaniyang sinabi. Napansin niya rin agad iyon.

"I also told him about your concern. Huwag kang mag-alala."

Unang pagkakataon din na nagpatuloy ang usapan namin hanggang elevator. Hindi naman kami palaging nagkakasabay ni Isaiah at mangilan-ngilang beses lang kaya unang pagkakataon itong nag-uusap kami. Marami akong mga sinabi sa kaniya. Malibang lang sa napag-usapan namin ni Ate Zydda tungkol sa kaniya.

"It will be on the day after tomorrow. We can prepare," sagot niya nang magtanong ako dahil naalala ko ang schedule ko.

"We'll be taping for Myx that day. Pero ayos lang pala. Sa gabi pa naman." Bawi ko sa dulo.

Isaiah in our suite is the father figure. Bukod sa na-s-spoil niya si Paul, napapa-alalahanan niya naman ito. Whenever I'm looking, I guess. Pero iyon naman siguro kadalasan ang ginagawa niya. Dahil maging si Paul ay desiplinado na rin namang bata kahit papaano sa edad niya.

"Labas lang muna ako," sabi ko noong nasa kama na kami sa gabing iyon.

Tulog na si Paul sa gitna naming dalawa. I can feel him intently looking at his son sleeping beside me. Nakayakap din siya rito.

Napaangat lang siya ng tingin dahil sa sinabi ko.

Bumaling ako at binaba ang tingin sa kaniya. Nakaupo ako pa ako sa kama at inabala ang sarili sa cellphone dahil hindi pa dinadapuan ng antok sa mga iniisip.

Siya nagsalita at pinanood lang akong bumababa ng kama. Tumuloy ako sa pintuan palabas ng kuwarto at dumiretso sa kusina para kumuha ng whiskey na dala noon ni Jenine noong nag-grocery raw siya.

I poured a little of it to the glass I grabbed. The label on the battle reads Embassy. Binalik ko rin ito sa rock kung saan ko ito kinuha kanina at bumalik na sa glass table para sumipsip. Hindi ako umiinom dahil nakakaapekto ito sa boses ko pero ngayon, kaunti lang naman. Pampatulog na rin.

Can't I just live without having this kidn of worry? Nakakabaliw man isipin ngunit talagang ganito yata ang tadhana ng lahat.

Nakaka-tatlong sipsip palang ako ng sa inumin nang lumiwanag ang living dahil sa pintuang bumukas. Nakaharap ako roon kaya napansin ko ito. Natabunan din agad ang ilaw nang lumabas ang isang matangkad na lalaki. Una itong napatingin sa mga couches bago lumingon sa kinaroroonan ko. Nagtagpo ang aming tingin matapos itong bumaba sa basong pinapalibutan ng mga daliri ko.

"You're drinking?" he questioned as if it wasn't obvious.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at inangat ang lang ang baso para uminom muli. The drink tastes different, though. And I like it.

Humakbang siya hanggang narating niya ang tapat ko.

Nakatingin ako sa kaniya. Nasa likod ko naman ang kaniyang atensyon kaya malaya kong napagmasdan ang kaniyang maangas na mukha.

"Hindi lang ako magtatagal," sagot ko agad nang mapansing may balak 'ata siyang samahan ako rito.

"What's the matter?" may diin ang tanong niya.

"Nothing."

His face darkened. The light illuminating the whole dining feels so diminutive now that he is giving me that familiar stunt again.

Umirap din ako sa huli nang hindi na mapigilang inis.

"Stop thinking about my family, Katherine. They're nothing compared to what I have with you."

"What you have with me?!" lumaki ang mata ko, nakawala na ang inis na sinusubukan kong itago. "Isaiah, you're starting to become a burden again to me. Like before. At mukhang magkakagulo na naman kayo kagaya noong nagawa ko. And now, after hearing your words, I know for sure that what I've been worrying can happen!"

"I mean, I can protect you, just what I promised before to you."

"Hindi." Umiling ako.

"Can't you see?" His voice became more firm. "I strived to achieve the growth you want for me to be. Sinunod ko ang gusto ng pamilya ko. And now, now that you're here... with my son, our son, I can't fucking lose you again, Kath. The two of you."

Napakurap-kurap ako sa harap niya, hindi makapagsalita. May naalala akong nasabi ko noon sa kaniya. Now that he's saying these to me, it shocked me. And the warmth that suddenly crawled to cease my heart, became something.

Nanatili akong walang masabi sa kaniya.

Yumuko si Isaiah para malapit ang mukha sa akin. Ang lamesang pumapagitan sa aming dalawa ay parang lumiliit na.

"I don't know why I got fucking smitten to you so deep I can't unlove you anymore. I tried. Many, many times." Umiling siya, mas pinapalapit pa lalo ang mukha sa mukha ko. Hanggang sa tuluyan ko nang nadadama ang kaniyang bawat paghinga. "Still, those women were still nothing compared to how I felt for you. So let's settle this. Together, baby."

"I don't love you anymore, Isaiah." I lied, caring less the heart inside me breaking.

I saw his eyes move a fraction. His face so near, I failed to fathom the distance we have anymore.

"I don't love you anymore." Sabi ko ulit, pinagdidiinan sa kaniya ang kasinungalingan.

Our noses are almost touching, sliding against each other. His now deep breaths are giving me additional sensation as I felt it touching my lips. At marahil ako rin noong nagsasalita ako sa kaniya.

He's now fuming with control. Malapit na malapit ang sobrang talas ng kaniyang tingin niya sa akin. Nakakatakot, oo, ngunit kailangan kong magpakatatag at muling alalahanin ang mga pagkakaiba naming dalawa.

But one swift kiss from him, everything clouding my thoughts disappeared. Another swift sensual suck to my lips, then he let me go.

Wala ako sa sarili nang ginawa niya iyon kaya hindi ko napansin na napapikit ako. Pagmulat ko, mas malapit na ang distansya naming dalawa. Tumatama na rin ang noo niya sa noo ko.

"Stop lying or we're gonna have another baby again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top