Ikatatlumpo't Siyam na Kabanata
Ikatatlumpo't Siyam na Kabanata: Date
Hindi ako nakapagsalita noong sinabi niya iyon sa harap ng mukha ko.
I was struck by his words. He did not move either. His eyes were so sensual that I feel like I am being sucked to whatever he meant by those. And he's that tall that the table in between us seems so little. He reached me without even trying. And I was too late to even realize them.
Nilayo ko ang mukha ko sa kaniya nang medyo naibalik ko ang huwisyo ko.
His eyes were still on me.
Pinakita ko agad sa kaniya ang kunot kong noo.
I can't believe him saying for saying that so easily! And I can't believe myself for being moved!
At habang nagtititigan kami, gusto kong paalalahanan muli ang sarili sa mga nangyari. Dahil itong pagkakataong ito, kung kailan hindi nagtatagpo ang gusto ng puso at isipan ko, lahat ay pamilyar sa akin. Gusto kong pagsabihan ang sarili ko na nahirapan ako. Pero ngayong naririto kami, kaming dalawa lang, parang... parang ang dali lang kalimutan iyon.
"I mean everything I said." Muli kong bulong sa kaniya. Pero humina na ang determinasyon ko roon.
I was already pained before this. Now that I am still pretending, the cracks in my heart are too much I can't help myself but to slowly break to whatever is this that's going on between us now.
Kulang siguro ang pag-arte ko dahil kita ko sa kaniyang mukha na hindi siya naniniwala. Pero nakahinga ako kalaunan noong umupo siya sa harapan ko.
My tears were forming already! Mabuti nalang ay nagkaroon muli ng sapat na distansya sa pagitan namin kaya naitago ko ito sa kaniya. I looked away because his stare is still pasted.
"Bata pa si Paul at maiintindihan kong gusto mo pang makasama siya. Kahit na gusto kong magkaroon ang anak ko ng kumpletong pamilya, ng isang ama't—"
"We will have a complete family, Katherine. You and me. With Paul, our son,"
Mabilis ang paglingon ko para tingnan siya. His face was prim and serious. Ako marahil ay halata ang gulat dahil sa biglaang pagkahulog ng panga at pamimilog ng dalawang mata. I even felt my hairs touch my other shoulder because of the sudden move.
"We can't Isaiah!"
"We can. I can. For you,"
"Pero ako, hindi!"
"Bakit?" His calm tone slightly got shaken. Pero nagpatuloy siya nang hindi ako nagsalita. "Do you have someone with you? Or at least dating another man for Paul? Because if you—"
"Papaano kung oo? Ano ang gagawin mo?"
Siya naman ang natigilan ngayon. It was just a hypothetical question. Pero mukhang sineryoso niya kaya hindi siya nakapagsalita. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko bang wala dahil sa reaksyon niya. Tumagal ang titigan namin. Kinakalkula ko ang pinapakitang ekspresyon siya at siya naman ay hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
All I can see is his face, seriously observing me, coldly eyeing me as if I said something wrong.
Nagkaroon tuloy ako ng dahilan para inumin ko ang hindi ko na nagagalaw na inumin.
Ramdam kong pinapanood niya ang pag-inom ko sa baso.
"Then in that case, I have a match, huh? Just if doesn't know, tell him I'm living with you. And I have my advances."
Halos mabulunan ako dahil sa sinabi niyang iyon. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom nang magsalita siya. Kaya agad kong binaba ang baso at eksaheradang tiningnan siya. Seryoso ba siya?
"I'll wait for you 'til you're done with that. Sa couch lang ako," dagdag niya at tumayo sabay talikod matapos maayos ang upuang ginamit.
I watched his large back going to the living. Pa-simple ko ring pinanood ang kaniyang pag-upo at pag-abot ng siguro'y remot para mabuksan ang TV.
He stayed there.
May tumutusok na tuwa sa puso ko. Seseryosohin niya iyon? At ano ito? Ibig bang sabihin, he's gonna do his best to score to me with his tactics back then? Parang ang sarap pangarapin. Pero agad ko pinaputok ang lubong iyon na nabubuo sa isipan ko.
Hindi na ako nagtagal at inubos ko ang alak. Kaunti nalang din iyon kaya madali lang ubusin. Matapos kong hugasan ang baso, nilagay ko ito sa lalagyan at nagpunas bago tumuloy.
Nakita ko lumingon si Isaiah noong palapit na ako sa corner ng dining papunta sa kaniya. Inangat niya agad ang remote at pinatay ang TV. Dumiretso naman ako sa pintuan nang nakitang tumayo siya sa kinauupuan.
His legs moves fast he's already at my back.
At nagtauyan pa ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang init ng kamay niya. Mahimbing pa rin ang tulog ng anak namin. Hinayaan ko siya sa ginawa. Naputol din naman iyon nang maghiwalay kami para sa puwesto sa paghiga sa kama.
I kissed Paul immediately when we were already rested on the bed.
Hindi ko na nilingon si Isaiah at tuluyan nang pinikit ang mga mata. Maayos ang naging tulog ko sa gabing iyon. At hindi kagaya noong unang narito siya, nang nasundan ang panibagong gabing pananatili niya, kumpletong walong oras buong tulog ko. Minsan lumalagpas pa.
At katulad din sa mga umagang iyon, paggising ko, nasa kusina na si Isaiah naghahanda ng breakfast. At first, Jenine got scared of me when Isaiah did that. Pero sinabihan ko si Jenine na hayaan na lang. Kaya kapag naaabutan ko siyang nasa kusina, nasa couch kami ni Jenine nag-uusap ng mga bagay-bagay.
Hindi rin naman ito naaabala sa kaniyang trabaho dahil palaging may nagpapadala sa suite namin ng damit niyang susuotin pang opisina. Paul is always late in waking up in the morning. Kaming dalawa ni Jenine ang palaging naabutan nito tuwing nagigising. Nasanay na rin ang katawan niya sa oras ng Pilipinas kaya hindi kagaya noong ilang araw pa lang kami ritong halos tinatanghali na ng gising ang bata.
"Aalis kami ngayon para sa isang shoot ng promotional video." Ako kay Isaiah, nasa hapag kami sa umagang iyon.
Kumakain kaming tatlo ng niluto niyang itlog at ham. Kasama na rin ang garlic rice na isa rin sa putahe niya ngayon.
Hindi na ako nagtanong kung dati ba'y may alam na ba siya sa pagluluto. Because I really like his cooking. Puwede nang ihanay sa mga restaurant na napuntahan ko.
"I know." Sabi niya. "I'm your client today."
Noong una, wala akong interes sa dinugtong niya. Pero nang napagtanto, huminto ako sa kalagitnaan ng paghihiwa ng ham para lang siya matingnan. Napatingin din siya sa akin.
His face lightened after probably realizing something.
Lumingon pa ako kay Jenine na nakikinig.
Napakurap-kurap ako. "You mean..."
Tumango agad siya.
And damn I couldn't believe it! Totoo nga ang sinabi niyang ang kumpanya nila ang kliyente namin dahil noong tapos na akong ayusan ng bagong glam na nakontrana ni Jeremy, nakita ko siya paglabas ko ng tent sa isa sa golf club ng Intramuros.
I am in a cargo pants, and utility jacket, both colors complementing the product we're shooting, when he looked at me.
Tapos na kami noon sa jingle ng produkto. Ngayon, idu-dub ko nalang ito habang kinukunan para kunware kumakanta pa rin sa video. They used the golf course to line the product to the farm they are supposed to present through the video. Ito rin ang unang pagkakataon na pumayag ako sa promotional video na ganito. Heck the product is widely known not just in the country. Dahil maging sa New York ay kilalang-kilala ito. Kaya noong nakita ko ang pangalan ng brand na nag-offer ay sinabihan ko Jeremy na tanggapin na. Para sa pag-angat ng career din.
I wasn't comfortable the whole time we took the shoot.
"Sa Greenland na tayo sa susunod," sabi sa amin ng isang producer.
Tumatango ako sa utos nito.
Lumipat kami sa field. Maaraw pero natitiis dahil parte naman sa trabaho. All speakers were properly settled in front of me, facing my direction. Sa likod noon ay malaking payong ng mga camera men at iilang glam team na nanonood sa amin ng mga kasama sa frame. Sa tabi nila ay mga upuan kung saan naroon ang producer, director, at and walang hiyang si Isaiah. Nasa malayong likod lang nila ang tent na pinanggalingan ko kanina.
Maaraw kahit na palapit na ang pasko.
"Okay... one, two, three..." pagbibigay cue ng director.
Every scene has associated dance steps. Pero may ibang paulit-ulit lang dahil may pagkakataong hindi ako sumasayaw.
"Another shot..." ulit ng director.
Para hindi magambala sa ginagawa, hindi ako lumilingon sa direksyon nila.
I did the moves properly as my lips follow the words of my recorded voice. Iyon na ang huling shot at nang matapos ay nagdiwang ang lahat.
Lumapit agad ako kay Jeremy, pawisan dahil sa tindi ng araw at la kapal ng suot ko. My blond hair was purposely pony-tailed messily.
"Diretso na tayo sa tent para makapagpalit kana."
Napatingin ako sa direksyon nina Isaiah. Nakikipag-usap ito ngayon sa mga katabi niya.
Naunang naglakad si Jeremy at sumunod agad ako. The team was remained busy watching the shot we just made. Hindi na ako nakisabay dahil gusto ko nang makapagpalit ngmas maluwag at kumportableng suot.
Pirmi ang tingin ko nang nilagpasan namin si Isaiah. Deresto hanggang makapasok kami sa malaking tent.
I immediately removed my utility jacket, revealing the tank top I used from our earlier shoots. Pinapaypay ko pa ang sarili gamit ang kamay sa tindi ng pawis ng katawan.
"Magpalit kana," utos sa akin ni Jeremy.
Binigay niya sa akin isang rolyo ng tissue. Kinuha ko agad iyon ay sinimulang punasin ang noo. Nahuhulog na kasi ang pawis doon papunta sa mata ko. Inabot ko rin ang pamalit na damit at pumasok na sa isang maliit na fitting room. At habang nasa loob, biglang umingay sa labas.
The glam team was talking about the shoot. Pinupuri nila ang resulta ng kanilang gawa. Pero agad ding humupa kaya ipinagtaka ko iyon.
Nagmadali akong isuot ang puting tshirt na may imprenta ng brand at agad ding lumabas.
Lahat sila napalingon sa akin. Lalo na ang bagong lalaki sa loob ngayon.
"Congratulations," bati nito.
"Sino ang nagpapasok sa 'yo rito?" tanong ko agad sa kaniya
Binalingan ko ang mga kasama sa loob na nakatingin sa kaniya. And their eyes were saying something. Agad kong pinagsisihan ang paraan g pagtatanong ko. At ang lalaking ito, mukhang hindi napapansina ng kanilang tingin!
He's in his formal dress shirt! Very corporate with his pants! At sa itsura niya ngayon, sa aming lahat, kapuna-puna ang antas ng kaniyang buhay!
I saw him glanced to them, too; my eyes were already on his when he brought back his attention.
"Tapos na kayo?"
Mabilis agad ang pag-iling ko. Sa likod niya naman ay si Jeremy na palapit sa amin. Nakatingin si Jeremy sa kaniya. At nang magsalita, agad namang nilingon ni Isaiah.
"Patapos na po kami, sir." Si Jeremy.
"Okay, I'll wait you outside," anito, lumingon sa akin. Binalik niya agad ang tingin kay Jeremy at pinasalamatan ito.
At ang kaibigan ko, natuwa pa sa inasal sa kaniya. Pinandidilatan ko ito. Even when Isaiah turned to see me again, my eyes were widened to stop Jeremy from whatever he's doing. Pero huli na dahil tumalikod na si Isaiah para maglakad palabas. Parang bubuyog na bumalik ang bulungan nang makawala ang lalaking iyon. Ang hambog talaga. Kinailangan pang magpakita rito.
"Saan kayo pupunta?" si Jeremy na hinayaan na ang mga kasama sa sariling usapan nila. Nakalapit na siya sa akin, nanunuya ang nakataas nitong kilay.
Inirapan ko siya, sabay tingin sa cubicle kung sa'n naroon ang mga gamit namin.
"Ako, wala. Siya, ewan," sagot ko at iniwan siya.
We can hear the equipment clanging from outside. We should pack now.
Jeremy followed me and initiated to continue whatever he's thinking. Panay tuloy ang irap ko sa mga panunuya niya. Tuwang-tuwa naman siya kaya pati mga kasama ay nakiki-usyuso na.
"Bagay po kayo, Miss Kath," dagdag ng isang stylist dahil may sinabi tungkol kay Isaiah ang isang kasama niya.
Umiling ako at pinandilatan si Jeremy na tinatawanan ako.
"No, no, we're not."
"Courting po, Miss Kath?" ang isa naman.
Namilog ang mata ko sa puna niya. Hindi ko naisip 'yon kanina pero ngayong binigyan niya ako ng ideya, parang... umiling ako sa sinabi niya. Instead of answering their questions, I continued packing my things. Jeremy was done with his and he's now helping me. Humupa rin ang glam kaya nang matapos kami, iba na ang pinag-uusapan nila. I held my things with my right hand.
"So, 'di kana sasakay sa 'kin ngayon? Sana lahat talaga may tag-sundo,"
Inirapan ko agad siya. Tinawanan niya naman ang reaksyon ko.
Dumaan muna kami sa isang rectangular building para doon lumabas papuntang parking. I don't know where Isaiah is in the parking but my mind is picturing his Mustang already. People are greeting us whenever we encounter. Ngumingiti lang ako, minsan tinatanguan lang dahil ayaw makawala sa isip ang sasakyan.
Puwedeng kay Jeremy nalang ako sumakay pero ewan ko bakit iyon ang laman ng isip ko ngayon.
Pagbaba namin sa dalawang step ng building, inikot ko agad ng tingin ang paligid. I tried to remember a black or near grey Mustang.
"Sa 'yo na lang ako sasakay," agap ko agad kay Jeremy nang wala akong nakitang kaparho ng sasakyan niya sa malayo.
Marahas na napalingon ito dahil sa sinabi ko.
"Nakakapagod 'pag iikot pa ako papuntang kabilang parking. This is more convenient. Mapapadaan ka naman sa building," sabi ko sa kaniya. "Hayaan mo nalang siya,"
But right after saying it, my eyes flew to the car just beside Jeremy. Sobrang layo ng tingin ko kanina na hindi ko napansin na nasa malapit lang pala siya. It's almost noon. Kabubukas lang ang pintuan nito kaya napansin ko ito. Lumabas si Isaiah.
Jeremy's head turned and when he saw the man I'm looking, his sniffles followed.
"Bye, na. Gotta go," beso ni Jeremy.
Hindi nawala ang tingin ko kay Isaiah habang naglalapit ang aming mukha. I said my goodbye inattentively before he stepped out of our scene. Si Isaiah naman ay agad na umikot. Binuksan niya ang kabilang pintuan.
Humakbang ako.
"Uuwi na ako," sabi ko sa kaniya.
Inabot niya ang dala ko. Hinayaan ko siya at pumasok sa loob. Siya rin ang nagsara nito pagkaupo ko. Matapos ang dalawang bagsak ng mga pinto, nasa tabi ko na siya. Dinadama ko pa ang lamig ng sasakyan niya habang tinitingnan niya ako.
I'm leaning towards the dashboard. Inaalog ko rin ang mahabang buhok para mas madama ang paglamig sa likod. Hindi pa umaandar ang sasakyan. Saka ko lang tinigil ang ginagawa para lingunin siya. And damn I thought's he's only wondering what I'm doing! His eyes were sharp, darkened, maybe because of the sensual on it that I'm seeing.
Ngumuso ako, tinuturo ang manibela, pinagsasabihan siyang paandarin niya na ito. Bumaba ang tingin niya sa tinuturo ng bibig ko.
"Are we leaving or not?" hindi ko napigilan ang inis sa tono.
Sumilay naman ang ngiti ng kaniyang labi nang balingan niya ako.
"You're damn hot when you do that,"
Agad nahulog ang kilay ko para sa pagkunot. Pero nang makuha ang kaniyang sinabi, nagdiwang ang puso ko. My eyes even move a fraction! Ngunit pinilit ko agad ang sarili na makabawi at agad na pinagbantaan siya sa pamamagitan ng paghawak sa clip kung saan ang bukasan ng pinto.
"Hindi nakakatuwa, ha. Aalis ba tayo o hindi? I swear, asama ako kay Jeremy."
His smiled grew larger.
Inirapan ko siya dahil alam ko sa sarili ko na natutuwa ako sa sinabi niya. Damn my heart is even asking for more. Mabut na lang medyo maayos pa ang pag-iisip ko kaya nakakapagtimpi ako.
Natatawa na niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Panay naman ang pagtalas ng tingin ko tuwing napapansing nililingon niya ako.
Humalo agad kami sa dagat ng mga sasakyan. We chose the road where Manila bay is beside me. Akala ko pinapakita niya lang ito sa akin kaya nakatanaw ako sa bintana para roon. Ilang minuto pa, nagtaka na ako dahil hindi pa kami lumiliko.
Bumaling ako. Napalingon siya sa akin.
"Where are we going?" Because I know which road should have we taken.
"Lunch."
"Huh?!"
Tuloy-tuloy lang ang takbo namin. Pero kalaunan, naramdam ko ang paghina nito. Nakita kong inikot niya ang manibela kaya napatingin ako sa harap. Papunta na kami ngayon sa panibagong kalsada. At sa pagkakataong ito, alam ko na na hindi pauwi ang rutang tinatahak.
"What do you mean lunch? How about Paul? Isaiah si Paul maghihintay 'yon sa akin."
"Don't worry about him," lumingon ulit siya.
Pinag-krus ko na ang mga braso ko.
Napansin ko ang pagdaan namin sa isang seaplane terminal. Pagkatapos noon ay panibagong liko na naman.
His tactics agains. Siguro kinausap niya ang anak na hindi muna kami makakauwi ngayon dahil gusto niyang maka-score sa akin ng date. Lunch pala, huh.
Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng isang malaking Hotel, bago lang sa akin. The hotel is located seaside. Hindi ko kita ang buong tanawin dahil harap pa lang ang nakikita namin. Nasa loob din kami ng sasakyan ni Isaiah. The car continued entering the parking space. Nasa labas ang buong atensyon ko. The landscape and the tall palm trees are screaming at me the expensiveness of this whole building. At may nakikita pa akong bumubulong na mga security sa kanilang walkie-talkie.
When the car found it's space, near the side entrance, security immediately neared us.
Nagtatakang nilingon ko si Isaiah at naabutan ko siyang tinuturo ang pintuan ko sa isang security. Nakababa na rin ang kaniyang bintana pero agad dind inangat nang lingunin ako.
"Follow behind me," utos niya iyon.
Inikot ko pa ang tingin ng buong paligid namin paglabas niya bago ako sinunod. Pinalibutan agad ako ng security. People were curious about these uniformed men lining beside me. At ang lalaki naman sa harapan ko ay wala man lang pasabing maraming tao rito. Hindi man lang ako nakapag-disguise. At hindi man lang ako nakapag-ayos!
Sa isipan ko, kailangan kong murahin ang lalaking ito kapag kaming dalawa na lang. This is so fucking ridiculous! At ang OA pa niyang nagpakuha pa talaga ng ganito karaming security! We're only gathering people's attention because of this! Hindi ba siya nag-iisip?
Nilubayan lang kami nang nasa loob na kami ng malawak na lobby. Agad may lumapit kay Isaiah at inalalayan kami patungo sa restaurant ng hotel. And I was blown how the interior of the restaurant changed. From the inviting cream lobby to red mixed with black and brown and any such dark colors of the food place.
At hindi ko pa napansing nasa baiwang ko na pala ang kamay ng lalaking ito habang abala ako kakaangat ng tingin sa buong paligid. At ako rin mismo ay nakadantay na ang kamay sa likod niya. Parang nasunod ang kamay ko nang malaman at nilayu ko agad ito.
"Thank you," si Isaiah sa babaeng nag-guide sa amin.
I only smiled to the girl. Medyo nahuli ko pa ang lagkit ng tingin nito sa kasama ko.
Kung wala lang tao ay malamang pinanlakihan ko na siya ng mata.
"Why didn't you tell me that you're bringing me to this expensive area." Pabulong ngunit may diin kong sabi sa kaniya.
I knew he heard it. Magkatabi lang kami. At ang buwesit, hindi pa binababa ang kamay. Kung maka-angkin itong lalaking ito.
"Papa! Mommy!"
We were heading to our table when that familiar voice echoed. Nakita ko naman agad ang anak na katabi ang nag-iisang katiwala namin sa isang couch sa harap ng isang malinis na lamesa. Umangat ang tingin ko kay Isaiah sa pagtataka pero nasa anak ang atensyon niya, nakangiti pa ang labi habang palapit kami.
Isinantabi ko muna ang mga katanungan at hinarap din ang anak.
Napalakas pa ang pagsigaw nito kaya bahagyang napayuko ang ulo ko sa hiya.
Una kong niyakap ang anak. Yumuko ako para maabot siya sa couch nila. My face is still filled with makeup, making me recognizable for sure to people. May nakita nga akong nag-angat ng cellphone kanina noong tingnan ko ulit ang buong paligid. I kissed Paul on the cheeks, and then asked if how he's doing now.
"We can finally eat now, Mommy! Gutom ako ngayon."
I nodded and smiled. Bumitaw agad ako. Isaiah then fetched him, giving him another kiss. Hindi ko na lang pinansin ang huling pangungusap ng anak at umupo sa katapat na couch kaharap ni Jenine. Tinanong ko siya kung nakapag-order na at ang sabi naman nito'y si Isaiah na ang kumuha.
"This was a supposed date, for the both of us. Pero nagpumilit ang anak natin. Next time, gonna make sure we're all alone." Bulong sa akin ni Isaiah pagkaupo niya.
Hinawi ko agad ang mukha nito dahil nakakahiya't pinapanood kami ng anak. Natawa naman si Isaiah. Kunot noo kong binalingan siya. Kaya nahuli ko itong paangat-angat ang kilay na para bang may sinasabi sa natatawa na namin ngayong anak.
"Next time, Mommy, I want to have my own room, please," sabi ni Paul habang inaayos na ang mga pagkain namin sa mesa.
Nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Isaiah na inosenteng tinutulungan ang mga nag-aayos sa harapan. And he did not even dare to react from what his son just said!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top