Ikatatlumpo't Pitong Kabanata

Ikatatlumpo't Pitong Kabanata: Act Normal


Maybe time was inconsiderable.

Unang sigaw agad ng isip ko nang sabihin iyon sa akin ni Isaiah ay ang protektahan ang anak sa kanila. Kinabahan din ako lalo na dahil naging tahimik muli sa pagitan naming dalawa ni Isaiah habang pababa ng elevator. My tongue muscles are provoking some questions but my mind was preoccupied processing his word. So instead of speaking them out, I quiet myself beside him.

Hindi ko rin napansin na pinapakiramdam din pala ako ni Isaiah. Wala ring may sumakay sa amin kaya tahimik talaga pababa. Saka lang siya nagsalita ng tumunog ang bell hudyat na nasa nasa basement nakaming dalawa.

Hindi ko nga rin napansin noong pumunta kami rito na nagkaroon siya ng parking space dito. Kadalasan kasi ay may mga may-ari ang mga lugar dito base na rin sa sinabi kaninang umaga ni Jeremy sa akin habang papunta kami sa upisina niya. Pero imbes na pakealamin iyon, natuon ang atensyon ko kay Isaiah nang magsalita siya.

"You're silent. Are you worried about them? I'll talk to them before they do anything else." Anito na kanina pa pala ako pinapakiramdaman.

Nakatingin ako sa kaniyang nakatingin na rin sa akin dahil sa sinabi. Wala pang may lumalabas sa amin sa elevator. Gusto ko sanang pagsabihan siya ngunit mukhang wala ring plano itong lalaking ito. Dapat ay hanggang dito lang ako. Bago pa man kami masarhan, humakbang na ako, nilagpasan siya dahilan upang mapasunod ang atensyon ng ulo sa akin. Hindi naman ako tumuloy at tumigil sa labas lang mismo ng elevator. Sinuyod ko rin agad ng tingin ang buong paligid.

"I hope they won't do something that would harm Paul, Isaiah." Sabi ko, ramdam ang paglapit niya sa likod ko.

Hindi niya ako nilagpasan. Tumalikod agad ako para maharap siya.

"We can introduce our son to them..."

Umiling agad ako.

"Ayaw ko."

Kita ko ang pagpirmi ng kaniyang mukha. Hindi siya nasalita. Kaya nagpatuloy ako sa kung ano man ang tumatakbo sa isip ko.

"I want them to at least be civil for me. Baka kung ano ang mangyari kung sakaling biglain natin ko sila tungkol kay Paul. Medyo masakit ang huling tagpo namin at tandang-tanda ko pa ayaw nila noon sa kung ano man ang mayroon sa ating dalawa."

I breathe hard after finally saying the words.

Isaiah's already firm and muscular before. And now after years had passed, his muscles have grown to an extent, allowing me to see how the muscles in his jaw clenched. Bumaba ang tingin ko roon para tingnan ito.

"I-I hope it was clear... for you," sabi ko nang may napagtanto.

"I knew it. They've been manipulating you. They've been fucking observing us. Fuck." Mariin ngunit kalmado ang kaniyang pagkakasabi. "If only I have known better."

Gusto ko sanang aluin siya sa takot na baka muling magkagulo ang pamilya niya dahil lang sa akin. Pero pinaalalahanan ko ang sarili kong wala may namamagitan sa aming dalawa bago pa man ako may anong gawin sa kaniya.

Tumagal pa ang pagtitig niya sa akin. Kita ko ang dilim sa kaniyang mata. Siguro dahil sa nabanggit ko. Bago pa man siya tuluyang makapunta sa kaniyang sasakyan, muli ko siyang tinawag, hindi para magpaalam.

"Isaiah, hindi ko man alam kailan at paano mo nalaman ang tungkol kay Paul. Pero gusto ko sanang ipaalam sa iyo na kung ano man ang mayroon sa atin noon, sana kalimutan na natin iyon. Natuto na ako sa mga nagawa ko. At sana ikaw rin," huminto ako sandali para panoorin siya.

Malaki na ang distansay sa pagitan naming dalawa. Malapit na rin siya sa sasakyan niya. Umawang muli ang labi ko para magsalita.

"At maiintindihan ko kung gusto mong ulit makita si Paul. Hindi pa naman kami lilipat at puwede mo pa rin kami makita rito. At kung sakali man na maayos ang magiging tungo ng... pamilya mo... puwedeng dumalaw rin kami paminsan-minsan dito."

Nakita ko ang paglaki ng kaniyang mata. Umawang din iyon at bago pa man niya madugtungan ang huling sinabi ko, inunahan ko siya.

"I will be civil with you, don't you worry. And... regarding our son, I don't want you feeling caged because of our him. He'll understand eventually. Kaya kung may relasyon ka man kanino man ngayon, don't be bothered. Ganood din naman ako kung sakali man." I smiled, but his expression did not changed. Pero agad umawang ang bibig ko nang may maalala. "At oo nga pala! Ingat din sa pagbiyahe. Salamt din kanina... wala akong ideya sa lahat. At... kakausapin ko rin si Jeremy pag-akyat ko."

I waved for him before finally exiting and heading back to our floor. Medyo mabilis din ang paglalakad ko hanggang marating ang pinto. Mukha agad ng anak ang lumingon nang pasarado ko na ng tuluyan ang pinto.

"Did papa left already?"

Tumango agad ako at lumapit sa kaniya. Hindi naman kami gaanong nagtagal ni Isaiah sa labas. Pero nakita kong iba na ang pinapanood ng anak. Cartoons na ang pinapalabas ng flat screen TV.

Hinawakan ko agad ang kaniyang ulo pagkatapos ay hinalikan ito.

Nakita ko pa ang pagkalukot ng mga labi nito. Kaya inabot agad ng daliri ko ang kaniyang baba para iderekta sa akin mukha niya.

"Are you sad?" natatawa kong puna sa kaniya.

Umiling siya pero ganoon pa rin ang nasa mukha.

Umangat ang mga kilay ko. "Then why is your face being like that. Na-miss mo rin ba agad si Papa?"

"Hmm?"

Hindi nagpapilit ang kaniyang mukhang ibaling sa akin ang kaniyang atensyon.

Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. "Do you miss him already?" ulit ko sa tanong.

"Just a little bit, Mommy," he said while raising his tiny hand to show me his pointing finger nearing his thumb.

Hindi ko na napigilan ang sariling panggigilan siya at halik-halikan ang kaniyang pisngi dahil sa kaniyang ginawa. Where did you even learn that, son?

Sandaling nawala sa isip ko ang pangamba dahil sa naging kulitan namin ng anak. His frowns were immediately changed because of that. Tumigil lang ako nang medyo nainis na siya at nang marinig na may tumatawag sa cellphone ko. Agad akong tumayo at pumunta ng kuwarto para tingnan kung sino iyon.

Agad kong nahanap ang cellphone na naiwan ko pala sa kama at inangat agad ito para makita ang pangalan ng tumatawag. Jeremy's named flashed on the screen. Ramdam ko ang paglaking putas ng ilong nang i-swipe para masagot ang tawag.

"Why didn't you tell me?!"

"Nandiyan pa ba siya?" anito at alam na alam agad ang tinutukoy ko.

"You set me up with him! Hindi pa nga tayo nag-iisang linggo rito!"

Narinig ko ang hilaw niyang pagtawa. His background seems quiet. Naka-uwi na ba siya?

"I'm sorry..." natatawa pa rin ito. "Did he tell you yet?"

"Obviously not! Nagkasagutan kami kanina! At hindi ako handa kaya wala akong may maibato sa kaniya kanina!"

"Look, I'm sorry! Hindi ko alam, wala akong alam!" tumawa siya pagkatapos.

Napairap naman ako sa loob ng kuwarto.

"Arte-arte mo pa kasi!" dagdag niya. "You should thank me! Dahil hindi ko siya inagaw sa 'yo, 'no!"

Napaawang ang bibig ko. I was about to say something when he added his words again. Huminto ako at nakinig ulit sa sinabi niya.

"Ang haliparot haliparot mo talagang Katherine ka! Sabagay nga naman. Hindi na ako magtatanong bakit nagpaanak ka sa lalaking iyon! At kung ako sa 'yo papasundan ko agad! Ang guwapo-guwapo at machong-macho pa! Jusko day! Magaling ba sa kama?" humina nag boses niya sa huling tanong.

Ramdam ko naman ang init ng mukha ko dahil sa mga sinabi niya. At talagang bumalik pa sa isip ko ang nangyari sa amin sa jeep dahil sa tanong niya. Hindi ko na napiligan ang lakas ng puso ko. Kagat ko na ang labi ko dahil sa hiya.

"P-Papaano ka niya naka-usap? At... uhh, b-bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?" ang tanging lumabas lang sa bibig ko para itago ang hiyang bumalot agad sa akin. Halos magmura pa ako sa telepono hindi ko pa magawang matago sa boses ko. Kaya halatado agad ni Jeremy at kinantyawan niya ako. Dahilan upang makalimutan ko na rin ang tanong ko dahil sa pagdedepensa sa sarili sa hiya.

May umuudyok din sa akin an makisabay sa kaniya pero pinipigilan ako dahil sa sarili kong hiya. Huli na nang maalala kong hindi pala nasagot ang tanong ko dahil nakapatay na ang linya namin. I immediately texted him the question.

Sa pagkakataong ayaw ko nang alalahanin iyon, saka ba pinaaala sa akin. At itong utak ko ay masyado yatang tuwang-tuwa na hindi agad nakalimot kahit ilang oras na ang lumipas. Hindi pa rin nagrereply si Jeremy pero kahit na dahil hindi pa rin ito nagrereply. At ang ganda pa ng timing dahil noong lumubog na ang araw sa labas ng building, nabulabog ang pagkakatulala ko nang kumatok ang lalaking laman ng isipan ko.

Halata pa ang pamimilog ng mata ko sa gulat nang makita siyang may dalang maliit na maleta.

Sa isipan ko ay nalulunod na si Jeremy sa dami ng mura ko sa kaniya.

"Ano 'yan?" tinuro ko pa ang dala niyang maleta.

It's a black small luggage, I know. But I don't know why he has that. Alam kong bibisita siya ngayon sa anak namin pero hindi ko inaasahang magdadala siya ng maleta.

Ang atensyon niya ay galing sa aking mukha pagkatapos ay bumaba sa kaniyang dalang maleta. Bumalik din agad ang kaniyang tingin sa akin.

Hindi ko pa rin tuluyang binubuksan ang pinto at maliit lang ang siwang sakto para masilip siya. I immediately open the door the moment realized it was him in the peephole. Pero hindi ko sinagad dahil nasa kusina pa ang anak at baka magambala sa nursery song na gustong aralin niya.

"I told my son I will be living with him." Simple ang pagkakasabi niya roon pero may epekto ang bawat salita niya sa akin. All to blame Jeremy, my dearest friend.

Nautal pa ako bago tuluyang buksan ang pintuan. I had to remove the chain for the door to open. Agad naman siyang tumuloy pero ramdam kong hindi umaalis ang tingin niya sa akin.

"Ilagay mo lang muna 'yan diyan." Tinuro ko ang tabi ng TV, medyo malapit sa pintuan namin.

I mentally looked for place for him to sleep tonight. Dalawa lang ang kuwarto nitong suite dito. Napatingin ako sa couch ng living pero nakita ko agad ang liit nito dahil nasa tabi lang itong lalaking ito roon. Sumisigaw ang haba ng katawan niya na hindi siya magkakasya roon.

Isaiah's eyes remained on me, I can feel him, with every move I make.

But they got distracted when his son realized who was in the living. Tumigil ang pagkanta nito sa sarili kong mikropono at tumakbo para yakapin ang ama. Ako naman ay dumiretso sa kuwarto para sukatin kung magkakasya kaming tatlo. Malaki naman ang bed pero parang maliit pa rin iyon sa akin.

I was holding a tape when the doorknob moved. Agad ko itong naitago sa bulsa ng shorts bago pa man tuluyang bumukas ang pintuan. Dumiretso sa bata ang tingin ko. His holding his father's calloused hand, introducing our bedroom with ecstasy.

Napagtagumapyan ko naman na hindi mag-angat ng tingin sa lalaking dinala sa loob ng anak at umatras pa para mabigyan sila ng daan.

"I will be between you and Mommy, papa!" anito at sinubukan pang umakyat sa kama.

"Paul, your feet are still dirty," saway ko pero huli na dahil mabilis itong naiangat ni Isaiah.

Tumalon-talon agad ang bata sa tuwa.

I saw Isaiah gazed me but I made my attention still to our son. He's happily asking his father to join him.

"Mommy, papa will sleep here with us!"

Hindi ako nakasagot agad. Pero imbes na hind sagutin ang pakuwari ng anak, lumingon ako sa pinto nang bumukas iyon dahil kay Jenine. Pareho kaming lahat na napatingin sa kaniya.

She smiled awkwardly.

Tumango agad ako para ipaalam dito na walang problema ang ginawa niya. "Ayos na ba ang dinner?"

"I ordered food from a famous cuisine." Si Isaiah.

"May pagkain na kaming niluto," bumaling ako sa lalaking nasa kuwarto.

"It's already coming. We can have more food tonight."

Wala na nga kaming nagawa dahil hindi pa man kami tuluyang nakaka-upo sa mesa, dumating na nga ang sinasabi niya. It was from a bistro. Hindi ako pamilyar pero takam kaming lahat dahil sa sarap nito lalo na noong subukan ko ang bulalo. We ordered our dinner, too, outside. Siguro dahil hindi lang kami maalam dito kaya hindi ganoon kasarap ang pagkain.

Even my son who hasn't tasted the honored Filipino bulalo enjoyed. To the point where I had to remind him that he should not eat too much especially that it's already night time. Mabuti naman dahil maging si Isaiah ay sinaway siya.

The dinner was purely about Paul. Siya rin itong maingay dahil sa pagkukuwento kay Isaiah sa ginawa niya kanina habang wala siya. Nakikinig naman ako at tahimik lang sa harapan nila.

The urge to ask him about the result of the agreement then came. But I was able to stop myself only until when our son decided to bath his own. Nasa kuwarto na kami noon at parehong gustong magshower ang dalawa pero nauna na ang anak dahil kinailangan pa ni Isaiah na ayusin ang mga gamit niya. At talagang ang lalaking ito ay sa walk-in closet ko pa talaga nilagay niya ang mga damit niya. Pero hindi an ako umangal dahil wala naman dapat iyon. Puwede pa kaming marinig ng anak at magtaka ito.

Abala ako sa pag-aayos ng puwesto ko sa kaliwang bahagi ng kama nang nahagip ng mata ko ang paglabas ni Isaiah galing walk in closet. Hindi na rin ako nagreklamo sa kagustuhan ng anak na sumama siya sa pagtulog sa nag-iisa naming kama.

Tumigil si Isaiah sa pagtuloy sa kabilang pinto para sa banyo nang tawagin ko.

My head, focused from the bed, rose to see him. At agad kong pinagsisihan iyon. My eyes were expecting something. Narinig ong sasamahanniya si Paul sa pagligo ngayon. But I was not expecting him to undress immediately while still outside the bathroom!

His toned body is covered only with grey boxer brief and a towel that's resting on his shoulder! And it's familiar color is telling me that the towel is my towel! Medyo pinroseso ko pa ang kaniyang katawan dahil wala akong natatandaan na nakita ko na ito noon.

His chest got little hairs, never reaching his pack, allowing my eyes to have more access to those protruding veins leading through the bulk behind his only cover down there. Then I realized what I just did. A smirk on his lips showed when my gaze jump to his face. At ang bobo ko pa para umiling sa harapan niya, as if I could stop whatever is running now behind his head.

Hindi ganoon kalapit ang complexion namin. But damn his color is without effort attracting every woman's eyes. Alam ko dahil may mga nakatrabaho na akong mga modelo pero kailanman ay hindi ako namangha sa katawan nila.

Hindi ko alam kung ganito na ba siya noon pero bago pa man magtuloy-tuloy ang isipin, naibalik ko na ang sarili palayo sa umuudyok dito.

"H-how was your talk with Don and Doña?" tumingin pa ako sa pinto ng banyo na para bang makikita ko ang ginagawa ng anak sa pamamagitan noon.

And praying that he won't point out the stutter at the beginning of my sentence.

"They... agreed."

I noticed his pause before the next word.

Umangat ang isang kilay ko sa kaniya, pilit pa ring nilalayo ang mata na mahulog sa katawan niya. Si Jeremy talaga ang may kasalanan nito dito. Buwesit siya.

"What do you mean 'they agreed'?" I asked begging for information. "Ano ang kinuwento mo sa kanila?"

Humakbang siya palapit sa akin. That move made me tremble a little. Hindi ko alam kung napansin niya iyon dahil pirmi lang ang nakita kong ekspresyon sa mukha niya.

"They got the news from the media. At kay Kuya."

"Ano ang sinabi mo sa kanila?"

He stopped when he was already at the opposite side of the bed. Tuluyan ko nang nabaliwala ang ginagawa ko kanina.

He raised his brows, telling met through it that I should stop worrying about it. At pinalabas pa niya ang kaniyang mapanuyang ngiti.

"Just tell me when so I can prepare. And, uhm," sandaling bumaba ang tingin ko sa katawan niya pagkatapos ay dumiretso sa kaniyang twalya. "Wala ka bang dalang... towel?"

"Oh!" He jerked. Then his head tilted to see the towel. "Pahiram na lang muna nito,"

Umirap ako. "Ideretso mo nalang sa basket pagkatapos," sabi ko.

Our conversation ended when we heard the call from our son. He's calling his father who's gonna join him in the bathroom. Hindi na ako sumilip sa kanilang dalawa nang naroon na sila at dumiretso na lang sa closet para kumuha ng panibagong twalya. Hindi pa ako nakakapag-night bath kaya 'pag matapos sila, ako ang susunod. But my few clothes reminded me that I am not in our unit anymore. Minamalas ka nga naman.

Lumabas ako agad bago pa man tuluyan magawa ni Isaiah ang binilin ko sa kaniya.

Nakabukas ng bahagya ang pintuan. Naririnig ko rin ang boses ng anak na humahalo sa tubig na bumabagsak mula sa shower.

"Isaiah?" hinilig ko ang ulo sa pinto. Nakita ko sa siwang ang kulay dilaw na tiles na sumisilip mula sa loob.

Wala akong may narinig. Siguro dahil sa tubig sa loob.

"Mommy does not like you anymore, papa?" narinig ko si Paul.

Nakaangat na ang isa kong kamay para sa isang katok nang pigilan ko ang sarili dahil sa narining kong iyon. I even had to stop my breathing just so I could hear Isaiah respond properly. But his deep indistinctive words only one came. Sinasabayan pa iyon ng lagaslas ng tubig.

What the hell is this man telling to his son? Umirap ako sa likod ng pinto at tuluyan nang kinatok ito.

"Mommy?" Paul's excited voice greeted me.

Ilang sandali pa ay sumilip siya sa siwang ng pinto. He's already on his clothes. Nang magtama ang tingin namin, tuluyan niya itong hinawi.

"Is your papa done, baby?"

"Papa, Mommy?" Pinanood ko siyang tumingin sa kaniyang likod.

The bathroom here in my room is a bit wider in a rectangular space. Behind the door are the sink and a water-flushed bowl before the shower. Unlike in the common bath, this one does not have a tub. Nag-angat ako ng tingin at sa likod ng glass door ay nakikita ko ang anino ni Isaiah. Nakapatay na rin ang shower at ramdam kong pinapakinggan niya kami.

Paul was about to go near the shower area. I stopped him. Wala naman talaga akong sadya sa kaniya.

"No, no, Paul. Just tell your papa I still have to use the towel. Tell him not to put it to the laundry." Sabi ko, nilakasan ang boses dahil alam kong pinakikinggan niya kami.

"Okay, Mommy."

Tumango ang anak bago tuluyan nang lumapit sa shower area. Lumabas na rin ako at sinarado na ng tuluyan ang pintuan.

I made myself busy fixing the bed again. While waiting for them to finish. Hindi ko naman na talaga kailangan pang ayusin ang kama dahil maayos na maayos na ito kanina pa. Pero gusto kong may pinagkakaabalahan. Dahil na rin yata ito sa mga naiisip ko ngayon tungkol sa lalaking naliligo ngayon.

Nagkaroon din ako ng pagkakataon na para mag-isip isip ng mga salitang sasabihin ko mamaya kay Isaiah tungkol sa narinig ko kanina. Sana ay klaro na sa amin ang mga nasabi ko sa kaniya kanina sa baba. Naiintindihan niya naman siguro ang gusto kong ipahiwatig.

Kinakapa-kapa ko ang sariling unan nang tumunog ang pagbukas ng pinto ng banyo. Nag-angat agad ako ng tingin at nakapag-pasalamat pa na tapos na siya. Nakasuot na rin ito ng puting sleevless shirt at cotton shorts, hindi kagaya kanina noong lumabas siya sa closet.

Umikot agad ako.

"Here," anito, inaabot sa akin ang twalya kong ginamit niya.

It was a damp when my hand received it.

"Medyo nabasa," dagdag niya.

Hindi na ako sumagot at pumasok na sa loob.

My mind was mentally computing what will be the scene later when the three of us will be on bed. Hinahayaan ko na bumagsak ang tubig sa katawan habang iyon ang laman ng isipan. This is very uncomfortable. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako nito ng maayos mamaya. I just keep on reminding myself that this is just a normal night. So should act normal, too.

But this is the first time Isaiah and I will be sleeping in one bed together. For the whole night.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top