Ikatatlumpo't Dalawang Kabanata

Ikatatlumpo't Dalawang Kabanata: Mommy


Matapos ang ilang taong hindi kami nagkita ng personal ni Ate Zydda. Mga panahong pinagtatyagaan ang video calls sa cellphone. Ngayong nakikita ko siya ng mas malapitan, ilan ang distansya sa akin. Tuwang tuwa ako. Pero ang kaba sa puso ay hindi ko rin maitago.

Hindi siya pinababa ng staff at pinahawak lang ang wireless microphone. Isa iyon sa mga protocol ng show na sinabi sa akin ni Jeremy noon para raw sa safety ng mga guests. Hindi pa naman ako ganoon ka sikat na puwedeng pagkaguluhan. Maiam na iyon lalo na dahil nitong nakaraan lang, may isang Hollywood actor ang muntik nang maputulan ang buhay dahil sa isang obsessed na fan.

Natapos akong magperform. Nakapagpromote na rin ng panibagong album.

Nang namatay ang ilaw, kasabay ng paghina ng tunog sa speakers, bumaling ako muli sa direksyon na kinaroroonan nina Ate Zydda.

They are patiently waiting for the viewers to go down. May ilang gustong makipag-picture sa akin ngunit pinagbawalan sila ng mga naroon na bouncers. Tumango ako kay Ate Zydda pagbalik ng tingin niya sa akin. Tinuro ko din agad ang led wall para ipaalam sa kaniya na dumaan nalang sa gilid para hintayin ako. Nakuha niya rin bago pa man ako muling tawagin ng host para sa pictorial kasama ang buong staff.

I was nervous the whole time. Good thing my smile covered everything for me.

My thoughts started embracing again what happened in my past. Philippines. My hometown. Leyte. At Hulatan. And in that fucking river again. Bilgang napunta sa anak ko ang daanan ng isipan. Damn. These swears on my head wants to scream so bad and loud at myself.

As guilt started attacking me, someone called my attention. It was the host. In all smiles.

My positive-friendly smile immediately appeared after noticing a phone on his grip.

"Congratulations, Miss Kath! Such a talent you have!"

Tumango ako at nagpasalamat.

"My daughter's been watching your videos all night. In the kitchen, in her room, our comfort room. Like everywhere! She keeps on listening to your songs, too! Over and over again."

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi. "Oh," was the only word I could utter from being shocked.

Inilapit niya sa akin ang kaniyang cellphone. Dumikit ang tingin ko roon. Tinuro ko pa ito para itanong kung nagre-record ba siya. Nakita kong ang paulit ulit niyang pagtango pagkatapos ay sinabi ang pakay. Nag-request lang na batiin ko raw ang kaniyang anak. Pinaunlakan ko agad ito.

Hindi na nagtagal ang purihan at mga pasasalamat. Bumaba agad ako pagkatapos para hanapin ang pigura ni Ate Zydda. Tuluyan na akong nakababa at sa may metal box paglingon ko sa kanan ko sila na nakita. Malapit lang sa black curtain papasok ng siguro ay staff corridor.

Palapit ako noong napansin ko ang dalawang kamay sa likod ng lalaki na magsalikop. My thoughts immediately crumbled for thoughts. Medyo may naramdaman din akong kung ano sa tiyan nahindi ko na pinansin dahil tumalikod paharap sa akin ang lalaki.

He revealed my dear friend, face on his stomach, sleeping—wait.

Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa lalaki.

"Anong nangyari?" Binaba ko ulit ang tingin. "Kailan pa kayo rito?"

"Katherine's here," lumapit ang ulo nito sa tainga ni Ate Zydda.

Inisip ko nalang na baka ilang araw pa lang sila.

Lumapit ako kay Ate at kinuha ang kamay niya. Ginawa ko iyon ng marahan dahil sa mahahabang kuko na kagagawa lang para ngayong buwan.

"Inaantok na ako..."

"Punta tayo sa dressing room ko." Hindi ko na napigilan ang pagtawa.

Inangat ko ang tingin sa lalaking kayakap. Nag-aalala ang kaniyang mga mata dahil sa kasama.

"We weren't expecting you to be here." Binalik niya ang tingin sa nobya. "Or maybe, I am the only one who's not expecting someone,"

Tumayo na si Ate Zydda. Yinakap ko siya pagbitaw niya sa kayakap pero sinuklian niya lang ako ng tamlay at ugong pagpulupot ng braso ko sa kaniya. Tiningnan ko siya agad nang maghiwalay kami. Ayos lang ba siya? Umirap siya sa pagtitig ko. Hindi ko naman napigilan ang pagtawa.

"Jetlag?" Tuluyan na siyang humiwalay.

Umiling ako at pinansin ang kaniyang damit.

Natawa rin siya.

"Hindi bumabagay ang suot mo sa lagay mo!"

"Alam ko! Inaantok na ako ng sobra..." nag-angat siya ng tingin sa kaniyang nobya. "Matutulog tayo after nito, huh?"

Nalukot agad ang ilong ko.

Time can really change many things. From the decisions you make, to the lessons you learn. And with all the experiences you have had, you can better self-assess the strategy you will do more before pushing yourself to the certain. And this woman acquired it now. As far as I can see now... I guess.

Hindi na kami nagtagal sa dressing room noong inimbitahan ko sila pareho. Nagmamadali rin ako at maging si Ate Zydda ay tuyong-tuyo na dahil sa jetlag. Pero naging sapat naman ang oras na iyon para magkaroon kami ng maliit na pag-uusap. I was even able to introduce them to Jeremy who was shocked the moment we entered in the doorway.

"I'm getting married!" Iyon lang ang pagkakataon na nabuhay si Ate Zydda.

Nanlaki ang mata ko at pinalapit siya para kunin ko ang kaniyang kamay.

Nagtatanggal na ako ng sapatos at isa pa lang ang natapos ko pero hinayaan ko muna ang isa dahil sa kaniyang balita.

Hinawak ko kamay niya ng tiluyan na itong nakalapit. Abala ang kaniyang fiancé na pala sa pagtitingin tingin sa interior ng maliit kong dressing room.

"Kailan lang?" hindi ko napigilan ang boses sa tuwa.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at agad nagsisi pagkakita ko sa mapanuya niyang ngiti. Pinapalaki pa niya ang kaniyang dalawang mata kasabay ng pagtalon talon ng magkabilang kilay.

Inirap ko siya.

"Congrats!" I said, getting what she's doing.

Yumuko ako para ituloy an ang pagtanggal ng sapatos.

"Ano ka ba! Joke lang! Baka hindi ka pa pumunta. Ikaw pa naman ang sinadya namin dito para maimbitahan ka lang. Hindi ka na masyadong nag-oonline."

Napabaling ako. "Seryoso? Ako lang? Halos kalahi ng mundo ang nilibot ninyo para lang imbitahan ako!"

Sinadya kong tingnan ang fiancé niya na naagaw na ang atensyon dahil sa pag-uusap namin. Jeremy beside me is minding his own business on his phone.

"Hindi ka na active sa facebook. Wala na kaya akong ibang contact sa 'yo!"

"I have my other social medias."

Bigla siyang napalinga, parang may hinahanap sa paligid.

"Mag-isa ka lang?"

Kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay Jeremy.

"Bakit?"

"Hindi mo kasama ang baby mo?"

Agad tumalon ang tingin ko sa lalaki na palapit na. Mukhang nakuha ni Ate ang nasa isip ko dahil agad siyang nagsalita nang mapansin ang paglipat ng aking tingin.

"He knows that you have a son. From 'the guy',"

Gregorio Monte de Ramos continued walking towards us until his distance then is only a meter away from me. Sapat lang para mahawakan ang likod ng kaniyang mapapangasawa.

"How's he now?" tanong nito. "Don't worry. I don't interact that much to their family. We're just acquainted but not that close friends."

"A-ayos lang naman. Nasa unit siya namin ngayon."

"Hindi mo sinasama?"

Umiling ako kay Ate Zydda. Tumango naman siya. Hindi ko na dinugtungan ng dahilan. Hinayaan ko nalang siyang mag-isip ng sarili niya dahil alam kong maiintindihan niya naman kung bakit. Pero isa talaga roon ay sa takot na baka isang araw, kagaya noong nangyari habang nagtatrabaho pa ako bilang voice actress ng sikat na kumpanya, makita ko muli si Isaiah.

Hindi pa ako handa. At hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko.

I am not hiding my son away from him. He has the right to at least know that my child exists. And my baby Paul has the right to know, too, who his father is. But for now, my son is too young to understand everything. I'm not ready yet from whatever will happen between them.

Nilagay ko ang date kung kailan ang kasal nina Ate Zydda. Sinama ko na rin ang lugar ng pagdadausan nito at tinanggap ang katotohanang uuwi ako sa Pilipinas sa araw na iyon.

Nakatitig ako sa anak habang nagbabasa siya ng libro matapos ang ilang araw ng huli naming pagkikita ng kaibigan. Sunod-sunod din ang guesting ko para sa album. Kaya ngayon na bakante ulit ang araw ko, hindi ko na pinapakawalan ang sarili.

Nakahilig ako sa couch sa living area ng unit. Naka-on ang TV pero walang nanonood dahil nasa anak ko ang atensyon. Si yaya Jen naman ay nasa kusina nagliligpit ng mga pinagkainan namin kanina.

It's still past nine in the morning. Pumapasok din ang araw sa buong silid mula sa glass window ng kitchen kaya natural ang liwanag.

"Mom, someone gave me a card on my birthday."

Biglang napatayo ang anak ko mula sa librong sinusulatan niya. Pinanood ko siyang patakbong pumasok sa loob ng kuwarto. Nasa malalim akong pag-iisip kaya huli na ako para mapansin na soot niya ang kaniyang foot sock.

"Be carefull, Paul!" Sigaw ko pa rin.

"She told me I remind her of his grandson," sinasabi niya iyon habang nasa loob pa ng kuwarto.

Umayos ako ng pag-upo para abangan siya. Medyo natagalan pa bago niya siguro tuluyang nahanap ang card na tinutukoy niya. Patayo na sana ako pero nang makita ko siya, bumalik ako sa dating ayos.

Dumiretso ang tingin ko kay yaya Jen. Nakatalikod pa siya dahil sa ginagawa kaya hindi niya ako pinansin. Agad inaabot ng anak ang hawak sa akin.

"It's a greeting card," sabi ko, tinanggap ang papel na binigay niya.

Binuksan ko agad ito.

He nodded from what I said. As I was scanning the whole card, I can feel my little man watching me intently. He's a bit impatient when it comes to things but if his curiosity is alive, like now, he can be tamed easily.

There was no handwritten text written on it as I flip it back and forth. Only a print is printed inside but the message is written for general. The same with the usual cards from the gift shops.

"Keep smiling like the sun above. Have a nice day." Basa ko sa nakasulat. "Who gave this to you?" My voice became sweet.

Tiningnan ko rin ang anak kong pinaglalaruan ang kaniyang labi.

"I don't know..."

"Ay, oo nga pala, ma'am! May nagbigay kay Paul niyan. No'ng namasyal kami sa birthday niya." Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Jenine sa dining. "May binibili kasi ako noon, Ma'am. Pasensya na po."

I smiled, assuring her that there's nothing to worry about.

"Did you say 'thank you' to the lady, hmm?"

Hindi nagpakarga si Paul ng subukin ko siyang salikupin. Umatras ito at tumango pagkatapos ay tinalikuran ako. Somehow, his attitude reminds me of someone.

My album was released the thirtieth of August. Dumami rin ang naging performance ko at halos ubusin namin ang lahat ng puwedeng pagdausan dito sa new york. Resulting for my schedule to be busted again.

Umuuwi ako ng pagod at naabutan ko lang ang anak na tulog sa kama ko. Kaya ako na ang nagpresinta kay yaya Jen tuwing papaliguin na si Paul para magkaroon kami ng panahon kahit doon lang na makapag-bonding.

I enjoy myself watching him in the tub, bubbles just leveling his chest while seated. He will scrape some bubbles in front of him then throw it away as if it came out of hands like a super power. Sinasabayan ko siyang maglaro at minsan, kung basang basa na, ako ang susunod na maliligo.

"Mommy, does spider man hate his family?"

Kumunot ang noo, isang pagkakataon na pinalugan ko siya dahil sa tanong niyang iyon. Kakatapos ko lang noon i-unplug ang sink tub dahil tapos na siya maligo at babanlawan ko na.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang pinapanood niya ako sa ginagawa.

"Why did you say that?" tanong ko. Sinubuka ding alalahanin kung anong scene ang tinutukoy niya at saang banda ng storya. Ngunit dahil sa tagal ko nang napanoon iyon, at medyo putol putol pa dahil wala naman talaga kami noong mapagkukunan ng ganoong palabas, wala akong may nakuha sa alaala.

"He only loves his grandmother. I wanna be spiderman. But I don't have one. Do I have granmother, too, mommy?"

Napakurap-kurap ako. Where is he getting these things?

"Uh... y-yes, baby, of course! Of course you have one!"

My eyes followed how his lips pursed.

"Why isn't she coming here?"

Nakaramdam ako ng malamig na pawis na unti unting namumuo sa noo ko. May humawak din sa puso ko na lamig dahil may tao akong naalala. Nakabawi agad ako at naghanap ng isasagot.

"Just like mommy, they're also busy... uhh, for money. Like me, I am the one who get our food. 'Di ba?"

"Really?" His tone changed. Nabahiran na iyon ng excitement. "When will they visit, then? I want to have one like spiderman! I'm gonna tell this to nana Jen! Tito Ronron will be happy, too!"

Naging bibo si Paul habang ako ay pinagpapawisan sa takot sa maaari niyang itanong.

Baby Paul, growing up, he's becoming attentive to small details. Nagugulat na lang ako. Dahil kaunting baluktot, itatanong niya kung bakit ganoon ang nangyari. Kahit hindi niya mabuo ng tama ang pangungusap, mangungulit pa rin.

I've been concluding to myself that he got this from my brother. Even when I am not sure if he really had these episodes before.

Tinawagan ko rin si Ronald bago ako tumuloy sa trabaho sa araw na iyon na kung maaari, puwedeng mga educational tools na lang ang ipapadala niya sa bata. Para kahit papaano, may natututunan siya.

"We really need a stylist for you. Paulit-ulit na lang ang mga ayos mo."

Nasa condominium ako Jeremy ilang araw pa lang ng Septyembre dahil sa paghahanda namin para sa fashion craze ng isang baguhang designer. Hindi na ako sumama noong nag-usap sila noon ni Jeremy ng kliyente. Pero kaninang umaga, naroon ako sa hall na pagdadausap malapit lang sa Empire State Building.

"Hindi naman iyon pinapansin." And it will only cost us another expense.

"People are starting to notice you. Look at these videos."

Inilahad niya sa akin ang kaniyang cellphone na hawak. Kanina pa kami nagpapahinga. At habang walang ginagawa, cellphone niya ang kaniyang pinagkakaabalahan. Ako naman ay ini-ensayo ang lalamunan para mamaya pero ngayong may ipinapakita siya, tumigil ako para tingnan ang kaniyang tinutukoy.

A video is playing on the screen. Tinutok ko ang atensyon ko roon habang nagpi-play ito. Ito ay isa sa mga station na pinayagan akong magpromote ng sarili kong album. Ina-upload pala nila sa application na ito. I continued watching myself on the screen singing a solemn song while Jeremy is scrolling looking something down in the comment section.

"Iyan!"

Bumaba ang tingin ko sa itinuro niya. Isa iyong kumento. Binasa ko ang nakasulat.

The comment is complimenting my style. The dress I was wearing, to be exact.

Umangat ang tingin ko pabalik sa kaniya.

"Wala namang problema sa mga sinasabi nila."

"Kaya nga. Pero tingnan mo ang sa ilalim niyan..." may pinindot siya sa screen bago bumababa ang atensyon ko doon.

Binasa ko ulit ang isa pang kumento. It is only similar to the comment. But this time, spoon feeding how my dress is similar to the one I used in an interview. Pero sinasabi roon na parehong araw lang siguro ginawa ang shoot at hindi na ako nagkaroon ng panahon makapagpalit.

"There's nothing wrong in it." Sabi ko.

Binalik ko ang mga comments at ako pa mismo ang naghanap ng iba. Pero natigilan ako dahil may pamilyar na pangalan akong nakita. Binalik ko ang tingin kay Jeremy. Nasa mga gamit niya na siya para siguro ituloy na ang ginagawa niya sa buhok ko kanina.

Bumaba ulit ang tingin ko sa cellphone. Isang tuldok lang ang kumento ni Isaiah. Hindi ko alam bakit iyon lang ang sinabi niya.

Is he watching my videos?

Parang may kung anong pumiga sa tiyan ko.

"Uh, pahiram lang muna ako sa cellphone mo, ha?" paalam ko kay Jeremy na hindi naman umangal.

I typed on the search bar my name. Marami ang mga videos na ipinakita roon. May mga nakikita pa akong dinodokumento ang pagiging Pilipino ko. Halos lahat ng videos na lumabas ay tiningnan ko pero hindi ko pinanood. Dumiretso ako sa mga comments.

Hinanap ko ang pangalan niya. Pero sa dami ng bawat kumentong naroon ay nahirapan akong mahanap.

Is he watching my videos? Nakita ko ang karugtong ng video na pinakita sa akin kanina ni Jeremy. Pinindot ko ito at pinanood ang ginawa namin na maliit na interview. Bago ito roon sa performance na ginawa ko na naunang nakitang video.

"What are you doing?"

"Ha? May tinitingnan lang ako," sagot ko agad mula sa pagkakagulat.

Binasa ko ulit ang mga kumento sa comment section. Hinanap ko ang pangalan niya ngunit wala na akong nakita.

When the day progressed, my mind got preoccupied by the thought that Isaiah's watched my videos. Hindi naman sa hindi ko inisip iyon noon pero ang kumento niyang isang tuldok lang ang gumulo sa isipan.

What's the meaning of that? Siguro, kumalma lang ako dahil inisip kong maaring bookmark niya iyon doon. Pero hindi naman siguro ganoon dahil kung sakali na gusto niya man muling makita mga videos ko, puwede naman na i-save niya sa kaniyang watch list. Kung mayroon bang ganoon.

Natapos ako sa pagpeperform, nasundan din ng mga araw, naglalaro pa rin iyon sa aking isipan. Lalo na dahil naalala ko ulit ang sinabi sa akin noon ni Ate Zydda na ikakasal na siya noon.

Nagtuloy tuloy ang mga araw. May bago ring proyekto na sumalubong. Isang Hollywood rapper ay nag-invite sa akin ng isang collaboration. Iyon ang pinag-usapan namin ni Jeremy noong bumisita siya sa unit ko.

"Ang guwapo na ni Paul, ha. Curios talaga ako sa ama nitong bata, huh,"

Pinandilatan ko ang kaibigan. Napalingon din sa anak pagkatapos na nasa kusina ngayon nanonood sa ginagawa ni yaya Jen.

"Nandito tayo para pag-usapan ang collaboration."

Umirap siya sa akin. "Well, anyway, here is the supposed schedule I allotted. This month will be your meet and planning with the guy. Oy, hottie siya, ha. Alam mo na,"

Ako naman ang umirap sa sinabi niya. Natawa lang siya.

"Wala nang ayawan dahil approved na ito ng other party."

Nasunod nga ang plano niya. First, the artist meet us digitally bago kami nagdesisyon na magkita ng personal. Pinag-usapan namin kung saan iikot ang kuwento ng gagawing kanta pagkatapos ay nireview namin isa't isa ang gawa pagdating ng kasunod na buwan.

Everything was according to plan. From the composition, to the recording, up till the promotion.

Kilalang kilala ang rapper na iyon dahilan para may matanggap ako na imbitasyon mula sa Pilipinas.

"Tatanggapin ko." Banta sa akin ni Jeremy.

Nagdadalawang isip ako dahil may takotpa na pumipigil sa akin para roon. It's been so long since I got attached to my country anymore. Sa haba ng panahon na tinagal kong magsarili rito, hindi ko namamalayan na pinipilit ko lang pala ang sarili ko dahil sa nakaraan ko.

"Wala namang mawawala. In fact, this is just an interview. And you have fans there, too."

Kung narito ang anak ko, marahil, nakatingin ako sa kaniya ngayon. Pareho kami ni Jeremy nasa gilid ng counter sa studio ng nobyo niya dahil sinundo namin ito para sa birthday celebration nito. May ginagawa lang ito kaya binuksan napunta ang usapan namin ngayon sa pagplano.

"Don't tell me you'll decline this offer?"

Umiling ako at nagpasya ng pinal na desisyon. "Kailan daw ba ang interview?"

"It will be this November. This month. I have to check the day." Tinitigan niya ako dahil halata siguro na masyadong malalim ang iniisip ko ngayon. " Huwag kang mag-alala. You can promote the upcoming release your new song."

Saka ko lang napansin na masyado ko palang pinapakaba ang sarili. This is just a damn interview. Ano ang dapat ikabahala ko roon? I can gain more attention from people there.

The day Jeremy gave me the questions; I realized that what I'm thinking can be a factor for my downfall.

"Yaya Jen, huwag mo lang muna palabasin si Paul sa kuwarto. May importante akong interview na gagawin dito. You can serve his breakfast on his bed. Pagkatapos ay maglaro lang muna kayo ng mga laruan na binigay ni Jeremy."

"Opo, ma'am."

Maaga pa lang pero dahil live ang interview na gagawin, kailangan kong agahan ang gising para pantayan ang oras sa Pilipinas. Malamig na rin ang panahon ngayon dito kaya tulog na tulog pa ang anak ko sa kuwarto.

Hindi ko na inisip ang mga ginagawa ng kabilang panig. Nag-abang na ako sa sala para hintayin ang go message nila at noong natanggap ko na ito, binuksan ko na ang pc. Dumiretso agad ako sa application na gagamitin namin at sila na ang nag-connect noonng nakitang online na ako.

I was greeted by a staff and directed me from what will happen. Tumatango ako dahil sinabi na iyon ni Jeremy. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na ito at ida-direct na raw ako sa kanilang main. Nagpaalam din na commercial break ang gagawin para kahit papaano ay ma-cut out daw ang hindi na importante. Limitado lang din ang oras.

Pinanood ko ang pag-itim ng screen para hintayin ang mga panauhin na babati sa akin. Ilang sandali pa, nilabas na sila at una nilang ginawa ay ang pagpapakilala.

"Hello Miss Kathy! We are so pleased to have this little interview with you,"

Ngumiti ako at tiningnan screen.

"Thank you for this opportunity."

Noong una inakala nila na hindi ako marunong magtagalog ngunit may isang nagtanong kung tunay raw ba akong Pilipino. Tinawanan namin iyon at nagpatuloy kami sa pag-uusap. The interview went on until they noticed something.

"Wait, is that your baby on your back?"

Nakangiti pa ako dahil hindi ko inisip ang sinabi nito.

"Someone is behind you."

"Mommy!"

May maliit na braso na yumakap sa akin sa baiwang ko. Nahulog agad ang atensyon ko sa anak at nakitang tumitingkayad siya para mas makita ang mga kausap. Dumiretso agad ang tingin ko sa pintuan kung saan nagmamadali si Jenine papunta sa anak ko.

Hinawakan ko ang pisngi ng anak. Basa ang kaniyang mga mata sa sariling luha.

Kinagat ko ang mga labi ko at nag-angat ng tingin sa mga screen

"Sorry..."

"Is that your son?"

"Who are you talking with, mom?"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin alam ano ang isasagot ko sa kanila. At maging sa bagong gising kong anak ay wala akong salitang mahanap na puwedeng sabihin sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top